Iba – Ibang Larawan ng Komunidad
I. Layunin 1. Mailalarawan ng bawat mag - aaral ang sariling komunidad. 2. Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng sagisag o simbolo na makikita sa kanilang komunidad. 3. Pagbubuo ng simpleng larawan ng kanilang komunidad. II. Paksang Aralin Paksa: Iba – Ibang Larawan ng Komunidad Kagamitan: Manila paper, larawan, paper sheets, puzzle pictures Sanggunian: Modyul 2. Aralin 2.1 2.2 2.3 Araling Panlipunan Ika – Dalawang Baitang III. Pamamaraan A. Panimula 1. Paunang Pagtataya: Anong mahalagang lugar sa pamayanan ang alam mo? 2.Tukoy-alam: Anu-anong lugar sa pamayanan ang mahalaga? 3.Tunguhin: Ngayong araw, ay tatalakayin natin ang mahahalagang lugar sa pamayanan. 4.Paglalahad Bigyan ang bawat pangkat ng puzzle ng mga lugar sa pamayanan:hal. paaralan, palengke, ospital, bahay-pamahalaan, tindahan, atbp. 5.Pagtuturo at Paglalarawan: Anu-anong mga mahahalang lugar sa ating pamayanan ang nabuo ninyo?Sabihin kung ano ang ginagawa sa bawat lugar na ito. 6.Paglalahat: Anu-ano ang mga mahahalagang lugar sa pamayanan? B.Paglinang IV. Pagtataya Isulat kung saang lugar sa pamayanan ginagawa ang mga sumusunod na mga gawain. Piliin sa loob ng kahon ang sagot Paaralan
Palengke
Bahay-Pamahalaan
Ospital Restoran
Tindahan Pook - libangan
1.Dito nag-aaral ang mga bata sa komunidad.____________________ 2.Dito dinadala ang mga taong may sakit o karamdaman upang ipagamot.__________ 3.Dito naglalaro ang mga bata at maaari silang mamasyal dito._________ 4.Dito nag-oopisina ang mayor at iba pang pinuno ng pamayanan._____________ 5.Dito bumibili ng mga pagkain at iba pa ang mga tao._________
V. Takdang Gawain Mag gupit ng mga mahahalagang lugar sa komunidad at idikit sa inyong kwaderno.
Reference: https://www.coursehero.com/file/p2tsmfe/4-Mga-kagamitan-ibat-ibang-larawan-ng-mgamahahalagang-lugar-sa-pamayanan-mga/