Ikaapat Na Markahan - Ikalimang Linggo Iv

  • Uploaded by: ruff
  • 0
  • 0
  • July 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Ikaapat Na Markahan - Ikalimang Linggo Iv as PDF for free.

More details

  • Words: 2,516
  • Pages: 14
BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 4 PANUNURING PAMPANITIKAN IKAAPAT NA MARKAHAN – IKALIMANG LINGGO I.

PAKSA/MGA KASANAYAN/MGA KAGAMITAN Paksa

:

Halimbawang Akda

:

Pagbasa/Pagsusuri sa Nobelang Tagalog sa Teoryang Humanismo Titser (Kabanata I) Ni Liwayway A. Arceo Sipi ng Kabanata I, VHS teyp Pagtukoy sa mga katangian, iba’tibang damdamin at saloobin ng tao Pagpapasya

Mga Kagamitan : Kasanayang Pampanitikan : Kasanayang Pampag-isip : Halagang Pangkatauhan :

II.

MGA INAASAHANG BUNGA (BAWAT ARAW) A. Naiisa-isa ang bahagi ng kabanata na nagpapakita ng mabuting karakter ng tauhang gumaganap. B. Mga Layuning Pampagtalakay B.1.

Pagsusuring Panglingwistika Nakikilala ang mga tayutay na ginamit sa loob ng kabanata. Nabibigyang-kahulugan ang mga piling pahiwatig, pahayag na ginamit sa akda.

B.2.

Pagsusuring Pangnilalaman Napipili ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng kaasalang dapat sundin ng isang tao.

B.3.

Pagsusuring Pampanitikan Nasusuri ang kabanata batay sa teoryang humanismo.

C. Natutukoy ang mga positibo at negatibong katangian ng mga tauhan.

252

D. Nakapagpaplano ng mga bagay na dapat gawin sa pagkakamit ng adhikain batay sa binasang akda. III.

PROSESO NG PAGKATUTO UNANG ARAW A. Mga Panimulang Gawain 1. Pagganyak : a. Pagpapakita ng mga larawan. Lapu-Lapu

Marcelo H. del Pilar Tandang Sora

Jose Rizal Ninoy Aquino

Andres Bonifacio

Abraham

b. Anong mga katangian ang tinataglay nilang lahat? c. Paano sila nagkaroon ng malaking bahagi ng kagalingan ng bayan? 2. Paglalahad a. Pagsunud-sunurin ang mga salitang napapaloob sa inverted pyramid ayon sa iyong pagpapahalaga. Sarili Pamilya Kaibigan Kapwa Salapi 3. Pagpapabasa sa buod ng kabanata.

253

TITSER (Kabanata I) Ni Liwayway B. Arceo Mula sa kinatatayuan ni Aling Rosa sa tabi ng bintana ay nakita niyang papasok na sa tarangkahan si Amelita. Hindi naikubli ng nag-aagaw na dilim at liwanag ang hapung-hapong anyo ni Amelita at ang hapis na mukhang pinalamlam ng pagod. Nguni’t hindi rin nakubli sa paningin ng matanda ang wari ay walang nadaramang pagod o hirap ang anak. Magaan din ang pag-angat at pagbagsak ng mga paa nito. Tila may kasiyahang walang kahulilip ang imbay ng kanang braso, at ang kaliwa ay may kipkip na aklat at makapal na kuwaderno. Hindi man lamang kumibo si Aling Rosa nang humalik ng kamay si Amelita, bagama’t hindi niya nailihim ang nagpupuyos niyang damdamin. Natitiyak niyang napansin iyon ni Amelita: ilang saglit napatitig sa kaniya ang anak bago unti-unting ibinaba ang tingin. “’Ala ‘ata ang Tatang?” mahinang tanong ni Amelita. “Ewan ko!” paasik na tugon ni Aling Rosa. Sinundan niya ng tingin si Amelita nang pumasok ito sa sariling silid. “Talagang pinakagaga sa lahat ng anak ko ang isang ‘to, oo! himutok ni Aling Rosa. “Maaari namang kumuha kahit anong mabuti-buting karera. . . nagpilit na maging titser lang! Ngayon. . . ano? Alila ng buong nayon!” Bumabalik sa gunita ni Aling Rosa ang mga natupad na pangarap sa pagpapalaki sa kaniyang mga anak nang pumasok sa salas si Mang Ambo. Bahagyang hinukot na ng panahon ang mga balikat ni Mang Ambo, katuwas ng malalapad at tila higit na matatag na mga balikat ni Aling Rosa. May ilang gatla na sa mga pisngi si Mang Ambo na hindi naging sagabal sa anyong kapita-pitagan: nagbibigay-tingkad iyon sa payak nguni’t kagalang-galang na anyo. Ang katalinuhang kumikislap sa mga mata ay pinatitingkad ng mga salit na pilak sa buhok. At ang tinig na mahina at banayad, kaibayo ng matigas at makapangyarihan at buung-buong tinig ni Aling Rosa. “Oy,” salubong ni Mang Ambo sa kaniya, “dumating na ba’ng anak mo?” “Oo, nar’yan na sa kuwarto niya!” matabang na tugon ni Aling Rosa. “O, e ano’ng nangyari’t ganyan na naman ang mukha mo? Hindi raw ba siya sasama?” Sa pagsasalita ni Mang Ambo ay hindi mapag-aalinlanganang kilalang-kilala nito ang asawa. “Ewan ko. . . hindi ko pa naman sinasabi!”

254

“Gan’on pala naman, e. . . ano’t parang bigung-bigo ka na?” “Ku. . . e makita ko lang ang ayos ng anak mong ‘yan, pinagsisiklaban na ‘ko ng galit!” “Bakit naman?” “Naku, Ambo. . . ma’nong huwag ka nang magmaang-maangan! Hindi ba ikaw nga itong laging nakapupunang nangangayat na sa pagtuturo ang anak mong ‘yan? Pa’no laging pagod na pagod!” Napatango si Mang Ambo. “Sa tingin ko’y nasisiyahan naman sa pagtuturo ang batang ‘yan, a. . . baya’n mo na lang! Pumayag ka na rin lang na ‘yan ang pag-aralan niya. . .” “Bakit nga hindi pa ‘ko papayag, e sa nakita kong kahit patayin ko’y ang gusto rin niya ang susundin!” Gigil na gigil si Aling Rosa sa pagsasalita at lumilitaw ang mga ugat sa leeg. “Baya’n mo na . . . talagang ganyan ang bunso!” “Bunso!” Hinagod ni Aling Rosa ang buhik na nakalag sa pagkakapusod at padarag na ibinuhol uli ‘yon, at sinundan ng pagpalis sa ilang hiblang nalaglag sa noo. “Kung hindi ko lang inaalalang masisira ang linya ng ating pamilya sa pagkakaroon ng isang anak na hindi de titulo . . . kailan ako pumayag?” Hindi kumibo si Mang Ambo. Hindi nito masasabing mali ang asawa. Nakita nito ang katuwiran niya sa pagpipilit na makata[pos ang mga anak sa pagaaral at makakuha ng mga karerang tinitingala. Hindi sila mayaman, nguni’t sadyang hinahangaan sila ng buong nayon sa ginawang pagpapaaral sa mga anak. Halos nahuhulaan na ni Aling Rosa kung ano ang nasa isipan ni Mang Ambo. “Ayaw ka lang maniwala sa ‘kin no’ng una at ‘ika mo’y mahihirapan tayo … o, ano’ng nangyari? Kung hindi natin iginapang si Norberto at naging inhinyero . . . papatusin ba ni Marina? Siyempre pang isang masalapi ring tulad niya ang kukunin ni Marina. O kaya, isang propesor din sa musika, paris niya. Pero hindi, e. Naibigan niya si Norberto dahil may sariling dunong at titulo. At nakatulong pa sa pagpapaaral sa mga sumunod sa kaniya. O, ano. . . hindi ba?” Tumango si Mang Ambo. “Ang itinatanong ko lang naman e kung napagusapan na ninyo ni Amelita. Sasama raw ba siya o hindi?” “Pinag-initan na nga ako ng ulo nang makita ko ang itsura ng anak mo!” mariing sagot ni Aling Rosa.

255

“Bakit nga?” “Parang nahuhulaan ko ang isasagot. Pihong sasabihin n’yan ay pagod siya sa maghapong pagtuturo!” “Ikaw naman, oo! Hindi mo pa pala nasasabi, e . . . gumagawa ka na ng hula kung ano’ng isasagot. Tawagin mo nga! Aba, kung hindi siya makasasama kay Osmundo, masabi na agad. Mahirap nang maghintay sa wala ‘yong tao!” “Sus, bakit naiba ang salita mo ngayon? Dati’y ikaw ‘tong nagtatanggol sa anak mo. Sa ‘kin ka pa nagagalit at ‘ika mo’y lagi ko na lang pinipilit ang anak mo!” “Alam mo, Oy . . . inaabot na rin ako ng kahihiyan kay Osmundo! Kung pakiharapan mo’y parang may pag-asa ‘yong tao. E itong pag-uukulan ng pagpapagod, e hindi natin matiyak ang kalooban!” Hindi malaman ni Mang Ambo kung paano magpapaliwanag. Bahagyang napawi ang pangungulimlim ng mukha ni Aling Rosa. Tinawag ni Mang Ambo si Amelita. Nang lumabas ito mula sa silid ay nakasuot na ng pambahay at hawak sa kanang kamay ang isang walang takip na fountain pen. “Aba, narito na pala kayo, Tatang!” sabay ang paghalik sa kamay ng ama. “May sasabihin daw ang Inang mo . . .” sa halip ay tugon ni Mang Ambo at sinulyapan si Aling Rosa. “Ano ‘yon, Inang?” “Kinukumbida ka ni Osmundo . . . may benepisyo sa kapitolyo. Dadaan daw dito ngayon. . .” Walang kagatul-gatol ang pagsasalita ni Aling Rosa. “Ang dami kong trabaho ngayon, e . . .” matatag na tugon ni Amelita. Nguni’t napatungo. “Aba,” biglang tumigas ang tinig ni Aling Rosa, “nakasagot na ‘ko. Magayus-ayos ka na!” “Pero, Inang . . .” Nangapos ang paghinga ni Amelita. “Amelita!” Mariin ang pagkakabigkas ni Aling Rosa sa pangalan ng anak. “Bukod-tangi ka sa lahat ng anak ko, ha? Walang-hiya ka! Ikaw pa’ng bunso. . . ikaw pa’ng natutong sumuway sa lahat ng gusto ko!”

256

Tungung-tungo si Amelita. “Hindi ba’t sa simula pa lang, ayoko niyang kinuha mong karera?? Ayoko, dahil magiging alangan ka nga sa mg kapatid mo! Hindi ka nahihiya n’yan? Ang Kuya Norberto mo’y inhinyero, ang hipag mo’y propesora. Ang Dikong Jose mo, abogado . . . kaya’t ang napangasawa, abogada. Ang Ate Lourdes mo, palibhasa’y parmasiyutika . . . madaling nakapag-asawa ng doktor. Ang Ditseng Felisa mo, doktora . . . nakapag-asawa ng doktor din! May kaniya-kaniya nang bahay, may kotse . . . e, ikaw?” at sinabayan ng surot sa mukha ni Amelita. Hinawakan ni Mang Ambo sa braso si Aling Rosa at tinangkang hadlangan siya sa naiisip pa niyang isagawa. Nguni’t mabilis niyang pinalis ang kamay ng asawa. “Baya’n mo nga ako!” at pagalit na hinarap si Mang Ambo. “Bakit, ito ba’ng ginagawa ko e para sa sarili ko lang? Hindi ba para sa kaniya? Ayan . . . hindi ako sinunod ng anak mong ‘yan, kaya’t siya lang ang hirap na hirap sa trabaho! Siya ang halos walang kinikita dahil abunadong lagi sa klase. Trabahong-alipin ang ginagawa!” Nagtaas ang mukha si Amelita. “Nasisiyahan naman ako sa pagtuturo, Inang!” Mahina, nguni’t matatag ang tinig. “Sasabihin mo nga bang nasisiyahan? Talagang hindi ka makapagreklamo dahil ikaw ang pumili ng karerang ‘yan. Pero may paraan naman para makalayo ka sa ganyang buhay. . .” Isang makahulugang tingin ang ipinukol ni Aling Rosa kay Mang Ambo. “Kung mapapangasawa mo si Osmundo.” Napaungol si Amelita. Tinapunan ito ng tingin ni Aling Rosa. Namumutla ang mga labi nito. Hindi mailihim ang pagkabigla. “Bakit . . . hindi ba totoo ang sinasabi ko?” patuloy ni Aling Rosa. “Sa laki ba naman ng kayamanan ni Osmundo . . . sa lawak ng mga lupain at sakahan, kakailanganin mo pa ang magturo?” Napansin ni Aling Rosa ang pagtigas ng kalamnan sa mukha ni Amelita. Nangilid ang luha sa mga mata nito. “Matagal nang nakikiusap sa ‘kin si Osmundo,” patuloy ni Aling Rosa, “at palagay ko naman, napapanahon na para sumagot ka!” Nag-uutos ang tinig niya.

257

“Pero, Inang . . .” Nangangatal ang tinig ni Amelita nang magsalita, “hindi ko maaating sundin ang . . .” “Alin ang hindi maaari?” agaw ni Aling Rosa. “Lahat ng gusto ko’y nasuway mo na, Amelita. . . pero ang isang ito’y hindi mo maaaring baliin!” “Inang,” higit nang matatag ang tinig ni Amelita, “kailangang malaman ni Osmundo na ngayon na. . . na hindi maaari. . .” Nagdilim ang mukha ni Aling Rosa. “Bakit hindi maaari? Bakit?” at niyugyog niya ang dalawang balikat si Amelita hanggang mabitiwan nito ang hawak na fountain pen. Maging si Mang Ambo ay hindi nagkaroon ng lakas ng loob na damputin ang nabitiwan ni Amelita. Dugtungang pagbasa nang malakas ng ilang piling mag-aaral. 4. Pangkatang Gawain 1. Pangkat I at II : Pagbubuod ng kabanata (Sequence Organizer).

UNA

IKALAWA

2.

IKATLO

IKAAPAT

IKALIMA

Pangkat III at I : Pagbabahagi ng mga karanasang may kaugnayan sa karanasan ng pangunahing tauhan. (T CHART). Karanasan ni Amelita

Kaugnay na Karanasan

3. Pangkat V at VI : Pag-uusap sa mga karanasang ibinahagi ng bawat kasapi sa pangkat (Panel Discussion). 5. Pag-uulat ng bawat pangkat.

258

6. Pagbibigay ng feedback ng ibang mag-aaral. 7. Pagbubuo ng sintesis. Cue Cards

Mahalaga Ang May Sariling

paninindigan upang maipaglaban mo

iyong karapatan ang

IKALAWANG ARAW PAGTALAKAY SA PAKSA A. Panimulang Gawain Pagganyak : a.

Pagsunud-sunurin ang mga larawan ayon pagkakapangyari sa kabanata. (Picture Strip)

Picture 1

Picture 2

Picture 3

Picture 4

Picture 5

b. Sino sa inyo ang nagnanais na maging isang guro balang araw? B. Pangkatang Gawain 1. Pagsusuring Panglingwistika : Pangkat I a.

Pagpapapili ng kabanata.

b.

Pagbibigay ng kahulugan sa mga ito at pagkakagamit sa pangungusap.

MGA TAYUTAY

mga tayutay na ginamit ng may akda sa

KAHULUGAN 259

PAGGAMIT SA

Na Ginamit sa Akda

PNGUNGUSAP

2. Pagsusuring Pangnilalaman : Pangkat II

3.

a.

Pagpapapili ng mga ispesipikong pangyayari sa kabanata na naglalantad ng tunay na katangian ng mga tauhan sa pamamagitan ng kilos at salita sa loob ng kabanata.

b.

Pagpapatunay ng kahalagahan at ng kabutihang dulot ng ganitong katangian.

Pagsusuring Pampanitikan : Pangkat III a.

Pagtukoy sa mga katangian, iba’t saloobin ng mga tauhan sa akda.

ibang damdamin at

CHARACTER WEB O HABI NG TAUHAN Patunay

Katangia n Amelita

Patunay

Aling Rosa

damdamin Sinu-sino ang mga Tauhan?

Patunay

Saloobin Osmundo

Mang Ambo

b.

Aling bahagi ng kabanata ang nagpapatunay sa mga katangian, damdamin at saloobin ng mga tauhan?

4. Pangkat IV : Discussion Web

260

PAKSA : Dapat bang makialam ang magulang sa pagpili ng kurso o propesyon ng kanilang anak? Oo

Hindi PAKSA

E.

C.

Pag-uulat ng bawat pangkat.

D.

Pagbibigay ng feedback ng mga nakinig.

Pagbubuo ng sintesis (CARAVAN). •

Anu-anong kaisipan ang napapaloob sa ating tinalakay na kabanata?

Pantulong na Kaisipan

IV.

Pantulong na Kaisipan

Pantulong na Kaisipan

EBALWASYON IKATLONG ARAW PAGPAPAHALAGA SA AKDANG TINALAKAY A. Mga Panimulang Gawain Pagganyak a. Pagpapanood ng isang tagpo sa pelikulang “Mano Po”. b. Pag-uugnay nito sa akda/kabanatang tinalakay (Titser). B. Pangkatang Gawain 1. Pagpapakita ng Pakikisangkot : Pangkat I

261

a. Pipitas sa puno ang mga mag-aaral ng mga prutas na may nakasulat na katangian ng mga tauhan sa akda. Uuriin ito kung ito’y POSITIBO o NEGATIBOng katangian ayon sa kanilang obserbasyon. b. Ilalagay sa basket ang positibo at sa kahon ang negatibong katangian. Ipaliliwanag ng mga-aaral ang mga maaaring ibunga nito. 2. Pagpapakita ng Paghahambing : Pangkat II Paghahambing ng binasang nobela sa ibang akda batay sa aral, paksa, tauhan at kaisipan. Titser

Ibang Akda

Aral Paksa Tauhan Kaisipan 3. Pagpapakita ng Pagtataya : Pangkat III a. Anong hamon ang pumukaw sa inyong kamalayan sa ginawang paninindigan ng tauhan. Sumasang-ayon ba kayo? Pangatwiranan ang sagot. b. Ano ang naging bisa nito sa inyong sarili at damdamin? 4. Pangkat IV : Pagtatalo “Mare at Pare Debate” PAKSA : Sang-ayon ba kayo sa ginawang paninindigan ni Amelita? C. Pag-uulat ng bawat pangkat. D. Pagbibigay ng feedback ng mga nakinig. E. Pagbubuo ng sintesis : Linear Map Pantulong Pangunahing Pangungusap

Pantulong Pantulong 262

V.

PAGPAPALAWAK NG KARANASAN PAGLIKHA IKAAPAT NA ARAW A. Panimulang Gawain Pagganyak : Word Web

ADHIKAIN

a. Paano ipinakita ni Amelita ang kanyang paninindigan upang makamit ang adhikain sa buhay? b. Kayo, ano ang adhikain ninyo sa buhay? Paano ninyo ito makakamit? STEP CHART ADHIKAIN 6 5 4 3 1

2

B. Pagbibigay ng guro ng espisipikong paksa na gagamitan ng magaaral sa pagpaplano “Mga Adhikain sa Buhay”. C. Pagpapabuo ng guro ng plano sa mga mag-aaral batay sa sumusunod na pamantayan : a. Pokus sa panghinaharap b. Plano sa sarili at bayan 263

c. Hakbangin upang matupad ang adhikain d. Lagyan ng panimula at wakas e. Bubuin ng 3-4 na talata D. Pagbasa ng ilang panimula. E. Pagpapatuloy ng pagsulat bilang gawaing-bahay. VI.

PAGPAPAHALAGA SA ISINULAT IKALIMANG ARAW A. Panimulang Gawain 1. Pagganyak : Pagpapakita ng larawan. 2. Pagpapabasa ng planong binuo ng mga mag-aaral sa sarili. 3. Pagbibigay ng reaksyon ng mga nakinig. 4. Pagbibigay ng guro ng karagdagang feedback. 5. Karagdagang gawain : a. Papangkatin ang klase b. Pabubuuin ng plano ang bawat pangkat tungkol sa mga ss. 1. Araw ng Pagtatapos 2. Junior – Senior Prom 3. Outing 4. Graduation Ball c. Ibabahagi ng bawat pangkat ang nabuo. d. Pagbibigay ng reaksyon/feedback ng mga nakinig. e. Pagbibigay ng feedback at huling input ng guro.

264

265

Related Documents


More Documents from "ruff"