Killing Fields

  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Killing Fields as PDF for free.

More details

  • Words: 1,671
  • Pages: 9
The Killing Fields

The Killing Fields film poster

Directed by

Roland Joffé

Produced by

David Puttnam

Written by

Bruce Robinson Sam Waterston,

Starring

John Malkovich, Haing S. Ngor, Julian Sands

Music by

Mike Oldfield

Cinematography Chris Menges

I.

Editing by

Jim Clark

Distributed by

Warner Bros.

Release date(s)

November 2, 1984 (USA)

Running time

141 min

Country

United Kingdom

Language

English, French, Khmer

Kaligirang Pangkasaysayan

Sa isang pelikulang hango sa tunay na istorya buhay, higit na maiuugnay ng manonood ang kanyang sarili kung ano ang napapanood niya kung mayroon siyang kahit kaunting kaalaman tungkol sa kasaysayang nangyari bago maganap ang mga pangyayari sa pelikula.

ng sa na pa

Natamo ang tunay na kalayaan ng Cambodia noong 1953 sa pamamahala ni Haring Norodom Sihanouk. Pagkalipas ng dalawang taong isinuko ni Sihanouk ang kanyang kapangyarihan sa kanyang ama. Ganun pa man, nanatili siyang prinsipe at pinuno ng isang makapangyarihang kilusang pampulitika(ang Sangkum). At noong 1960, nahalal siya bilang pinuno ng estado. Nanatiling malaya ang Cambodia. Ngunit sa kabila ng kalayaang ito, patuloy pa ring nagsusulong ang makakaliwang grupo ng mga pulitikal at panlipunang reporma. Hindi talaga mawawala ang mga taong uhaw sa kapangyarihan kahit noon pa mang unang panahon. At sa pareho ngang taon ay palihim na umusbong at nabuo ang isang komunistang kilusan sa pamumuno ni Soloth Sar o tanyag din sa bansag na PoL PoT. Sa kalaunan, ang kilusang ito ay nabinyagan sa pangalang,`Komunistang Partido ng Kampuchea’, (Communist Party of Kampuchea) o tinatawag na mga Khmer Rouge. At gaya nga inaasahan sa isang komunistang lupon, sila ay naglunsad ng isang marahas na digmaan upang pabagsakin ang kasalukuyang pamahalaan II.

BUOD Ang ‘Killing Fields’ ay isang tipikal na istoryang tungkol kay Dith Pran(Haing S. Ngor)-isang mamamahayag na Cambodian at ang kanyang paglalakbay upang takasan ang madugong kampo ng mga Khmer Rouge at baguhin ang marahas na pamamalakad nila.

III.

PAGSUSURI A. PAKSA

Ang pelikula ay nagbigay diin sa makasaysayang istorya ng buhay ng mga

Cambodian at ang paghihirap

na sinapit nila sa kamay ng mga Khmer Rouge. Nagbibigay halaga rin ito sa milyong-milyong kaluluwang nagsapit ng mala-impyernong buhay sa gitna na digmaan.

Inilalarawan

mamamahayag

na

din

nito

naghirap

ang

na

buhay

ng

mga

makakuha

ng

mga

impormasyon tungkol sa tunay na kalagayn ng bansa at sa kalaunan din ay nagasam na makatulong upang kahit na kaunti ay maibsan ang kalupitang dinaranas ng mga Cambodian. Higit sa lahat, ito ay nagpahayag ng matinding damdamin upang maramdaman at maipahayag sa lahat ng tao sa daigdig ang paghihirap ng mga Cambodian sa kamay ng mga Khmer Rouge, nang sa ganun ay magising sa kanilang mga puso ang kaisipan na ang pagrerebelde o pagaalsa

laban sa pamahalaan sa pamamagitan ng isang

madugong

pamamaraan

ay

walang

maidudulot

na

kaginhawaan. At sa halip ito’y magdudulot lamang ng matinding pasakit sa mamamayan. B. BANGHAY Nagsimula

ang

kuwento

noong

pagdating ng mamamahayag na si Sydney

1973

sa

Schanberg sa

Phnom Penh, Cambodia. Pagkalipas ng ilang minuto nagkita sila ni Dith Pran (Haing S. Ngor)-isang mamamhayag na Cambodian

at

nagsilbing

tagasalin

ni

Sydney.

Naging

mahirap para sa dalawa na nakipagugnayan sa mga mamamayan dahil rin sa digmaang nangyayari. Ang kuwento ay umabot ng dalawang taon, hanggang 1975.Sa panahong ito nagkaroon nng pagkakataon ang ilan na makatakas at makalipat ng tirahan. Nakagawa si Sydney

ng paraan upang makasama si Pran sa paglikas, ngunit ang pamilya lamang ni Pran ang nakasama, siya ay nagpaiwan upng tulungan si Sydney. Lumipas

ang

maraming

araw,

hanggang

magdesisyon ang mga Khmer Rouge na dapat ang lahat ng mga Cambodian ay mapasakamay nila. Sa parteng ito makikita natin ang pamamahala ng isang komunistang grupo. Ginawa nilang alipin ang mga tao. Dahil sa takot na mapasakamay si Pran ng mga Khmer Rouge, gumawa sila ng isang pekeng `passport’ na nagsasabing si Pran ay isang British. Ngunit tila hindi nakisama ang langit, nasira ang litrato sa `passport’ at tuluyan na ngang naging alipin si Pran ng mga Khmer Rouge. Makailang bese ding sinubukan ni Pran na makatakas at sa huli niyang pagsubok, nagawa na niyang kumawala mula sa kamay ng mga Khmer Rouge. Samantala si Sydney naman ay nakatanggap ng parangal dahil sa naisulat niyang tungkol sa digmaan sa Cambodia. Sa kanyang talumpati inamin niyang ang lahat ng karangalan niya hindi niya makukuha kung wala ang tulong ng kaibigan niyang si Pran. Pagkatapos ng seremonya, pumasok si Sydney sa isang kuwarto, at sa kanyang pagpasok ay bigla na lang siyang sinumbatan ni Rockoff, sinabi niyang sa kabila ng ginawa ni Pran upang tulungan siyang makuha ng parangal na iyon, hindi man lang siya nagpakita ng anumang hirap upang hanapin muli si Pran. Ang paratang na ito ay tumagos sa puso ni Sydney at tuluyang nakapagpaamin sa kanya. Inamin niyang hindi kusang nagpaiwan si Pran sa Cambodia, sa halip siya ay pinilit niya upang makakuha pa ng

magandang

impormasyon.

Sinabi

ni

Sydney,"

Pran

stayed because I wanted him to stay." Sa ibang dako naman, patuloy ang pagtakas ni Pran kasama ang isang bata at apat pang alipin gamit ang isang mapa. Sa daan, nag-iba ng direksyon ang tatlo sa kanila ngunit patuloy na sinunod ni Pran ang mapa kasama ang bata. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakatapak ng bomba ang isa niyang kasamahan na karga-karga pa ang bata at sa isang kisap-mata, agad-agad na namatay ang dalawa. Nagwakas

ang

pelikula

sa

tuluyang

pagkakatakas ni Pran, at sa huli ay muling nagkita nang dalawang magkaibigan-si Sydney at si Pran.

C.

SCRIPT Sa pamamagitan ng script, naging organisado ang daloy

ng

banghay,

ngunit,

mas

maganda

sana

kung

nalagyan ng subtitle nag pelikula. Isa pa, naging malinaw ang bawat mensaheng nais iparating ng pelikula sa mga manonood. Batid natin na mawawalang bahala ang banghay o ang mga pangyayari kung wala ang script na magbibigay buhay sa bawat detalye ng pelikula. Masasabing makatotohanan din ang mga pag-uusap ng mga tauhan sapagkat ito ay naging makabuluhan at payak na siyang naging daan para mabilis na maintindihan ang mga pangyayaring nagaganap sa usapan ng mga karakter. Sa pamamagitan ng mga salitang binitawan ng mga tauhan sa pelikula, mabisang naipakita ang paksa ng pelikula sa script. Litaw na litaw ang matinding mga linyang

binitawan ni Sydney lalo na sa parte kung saan hindi niya napigilan ang sarili niya upang aminin ang mga salitang," Pran stayed because I wanted him to stay." Sa pamamagitan ng mabisang script ay madaling tumatak sa isipan ko ang istoryang nabuo sa pelikulang ito.

D.PAG-ARTE Sa kabuuan wala akong masasabing negatibo tungkol sa kung paano gampanan ng mga artista ang bahaging dapat nilang gampanan. Makikita naman natin ito sa mga parangal na nakuha ng pelikula lalo na ang `Academy Awards for Best Supporting Actor (para kay Haing Ngor---Dith Pran sa pelikula)’. Ang katauhan ni Pran ang nagpakita ng tunay na kalagayan ng isang taong alipin ng kamatayan. Naipakita niya ang kabuuan ng kanyang kakayahan sa parteng iyon.

E.

DISENYO NG PRODUKSYON Masasabing naipakita sa pelikula ang tunay na kaligirang atmospera sa pamamagitan ng pagbibigay halaga sa kabuuang disenyo, kasama ang tagpuan, kasuotan at kulay na nagbibigay daan upang maging makatotohanan ang pelikula. Makikita natin na ang kulay ang nagpakita ng tema ng pelikula. Ito ay madilim-dilim na nagpakita talaga ng kalungkutan at paghihirap.

Sa pamamagitan ng kabuuang disenyo, mas madaling naiparating sa mga manonood ang mensaheng nakapaloob sa pelikula. Masasabing ang pagkaka-pili ng direktor ng lugar paggaganapan ng pelikula ay nakatulong upang mas makita ang totoong kaganapan sa bansang iyon. Isang halimbawa na lamang ay ang kahirapan, mga pasakit ng mga tao sa lugar na iyon, at lalo na ang mga usok na nagsilbing instrumento upang mas mapadama ang kalungkutan ng mga taong nakatira sa lugar na iyon. Kung kasuotan ang paguusapan, nagbigay diin ang

mga kasuotan ng mga sundalo

na nagpapahiwating ng digmaan, ganun din ang sira-sirang kasuotang

ng

mga

tao

ay

nagpakita

ng

lubos

na

pagkalugmok ng dahil sa digmaan. Napatunayan ng mga kasuotan ang kaangkupan nito sa pagkatao ng mga artista.

F.

TUNOG Naging epektibo naman ang pagdaragdag ng tunog at musika sa pagbuo ng pelikula. Sa pamamagitan ng mga ito, mas nadarama ang emosyong taglay ng mga artistang gumanap sa pelikulang ito. Nakatulong malalakas na tunog upang mapadama sa mga tao ang pakiramdam sa gitna

ng

mga

magpuputukang

mga

kanyon..

Sa

pagdaragdag ng mga angkop na tunog, mas maaantig ang damdamin ng mga manonood o kaya nama’y mas makikita nila ang katotohanang bawat emosyong nakikita sa mga tauhan ay nangyayari sa totoong buhay.

G.

POTOGRAPIYA Mapapansing ang kamera ay pinagalaw nang maayos mula sa umpisa hanggang katapusan ng pelikula. Upang mabigyang diin ang mga pangyayari, damdamin, at tagpo sa pelikula, ang kamera ay ipinosisyon sa iba’t ibang anggulo. Tunay na may malaking epekto sa pagbuo ng damdamin ang posisyon o paggalaw ng kamera sa larawang ating nakikita sa pinapanood. Kapansin-pansin ang malimit na pagpopokus sa mukha ng bawat tauhan sa tuwing may matinding linyang binibitawan. Sa pamamagitan nito, nabibigyang pansin ang emosyong namayani sa mga tauhan sa pelikula.

H.

DIREKSYON Simula pa lamang ng pelikula ay kinakitaan na ito ng maayos na daloy ng mga pangyayari. Dahil dito, masasabing

naging

matagumpay

ang

direksyon

ng

pelikulang ito. Litaw na litaw ang kontrol ng direktor sa tagpuan, pagganap ng mga artista, posisyon o galaw ng kamera, pagsasaayos ng banghay, at ang pagbabawas o pagdargdag ng script dito. Sa kabila nito, may mga bahaging nagpakita ng kalakasan at kahinaan ng direktor.

I.

KONKLUSYON

Naging maganda at maayos ang daloy ng pelikula mula sa una hanggang sa wakas. Makikita nating ang kagandahan nito sa mga parangal na natanggap na pelikula: Nominado para sa pitong Academy Awards, kasama ang best picture, director, actor, supporting actor, adapted screenplay, film editing at cinematography. Nanalo sa Academy Awards para sa Best Supporting Actor (para kay Haing Ngor), Best Editing, at Best Cinematography (para kay Chris Menges). Ang Bruce Robinson's screenplay ay nominado rin sa Oscar and Golden Globe. Ang pelikula ay nanalo rin ng BAFTA Award for Best Film. Ang pelikula ay ika-100th sa BFI Top 100 British films. Ang pelikula ay ika-30th sa 100 Pinakamagaling na Tearjerkers Ang pelikula ay kahalagahan at aral.

.

nagpakita

rin

ng

iba’t-ibang

Related Documents

Killing Fields
June 2020 35
Killing Fields
June 2020 20
The Killing Fields
June 2020 19
Fields
May 2020 34
Fields
April 2020 33
Killing Time
November 2019 25