Isang Pag-aaral Tungkol Sa Underemployment Ng Mga Nars Sa Pilipinas

  • April 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Isang Pag-aaral Tungkol Sa Underemployment Ng Mga Nars Sa Pilipinas as PDF for free.

More details

  • Words: 3,267
  • Pages: 8
Isang Pag-Aaral Tungkol sa Underemployment ng mga Nars sa Pilipinas

Isang Pananaliksik Papel ang Ipinasa kay Gng. Zendel Rosario Manaois-Taruc M.Ed. Kagawaran ng Wika UST Kolehiyo ng Narsing

Bilang Pagtugon sa mga Pangangailangan sa Kurso ng Filipino 2: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Ika-2 Semestrer, TA: 2008-2009

Ipinasa nina: Dennis Jerome S. Acosta John Allen E. Alcantara Franz Vico M. Bondoc Ana Angela M. Caballes Jazminn Jessica R. Lapid I-12 Ika- 12 ng Marso, 2009

Paano na Kami (Isang Pag-Aaral Tungkol sa Underemployment ng mga Nars sa Pilipinas) ACOSTA, Dennis Jerome S., ALCANTARA, John Allen E., BONDOC, Franz Vico M., CABALLES, Ana Angela M. at LAPID, Jazminn Jessica R. mula sa klase ng I-12 A.Y. 2008-2009 sa patnubay ni Prop. Zendel Rosario Manaois-Taruc M.Ed.

Layunin, Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Layunin

a. Layunin ng pagaaral na ito na mabigyang pansin ang suliranin ng underemployment ng mga nars sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga ugat, epekto at posibleng solusyon dito. b. Layuning ng pag-aaral na ito ay upang maipakita ang kalagayan sa buhay (hal. emosyonal, sikolohikal, pananalapi) ng mga underemployed na nars sa Pilipinas. c. Layunin ng pag-aaral na ito na magabayan ang mga nagnanais pang kumuha ng kursong narsing ng gabay sa pagpili sa narsing bilang kurso nila. Saklaw • Saklaw ng pagaaral ang suliranin ng underemployment, ispesipiko sa larangan ng narsing sa Pilipinas. Limitasyon



I.

Hindi sakop ng pagaaral na ito ang kaugnay na paksa ng “unemployment” ng mga nars sa Pilipinas.

Mga Kaugnay na Babasahin at Pag- aaral A. Kalagayan ng Underemployment ng mga Nars sa Pilipinas A.1. Introduksyon

Nagsimula ang paglago ng bugso ng trabaho ng mga nars sa ibang bansa noong taong 1995. Ayon sa ulat ni Philippine Overseas Employment Administration (POEA) regional director Delfina Camarillo ay umabot na sa 33,964 na mga nars ang nakapangibang bansa na mula noong taong 1995 hanggang 2000 at sa taong 2001 pa lamang ay umabot na sa 15,536 ang mga nars na nagtungo sa ibang bansa. Maraming mga Pilipinong nars ang nangingibang bansa dahil sa kakulangan ng mga nars sa mga bansa tulad nang bansang Estados Unidos, Austria, Norway Japan at iba pa. Upang matugunan ang kakulangan ng mga nars sa ibang bansa ay nagtaas ang mga nasabing bansa ng kanilang pasahod sa mga nars na naglalaro mula $1000 hanggang $7000 na nagresulta sa pagdami ng mga nars na nagaambisyong makapunta sa ibang bansa.(3) Ngunit biglang tumamlay ang bugso ng trabaho ng mga nars sa ibang bansa mag mula noong 2006. Maraming dahilan kung bakit humina ang bugso ng trabaho ng mga nars sa ibang bansa. Una ay dahil sa oversupply nang mga nars sa Pilipinas, hindi makakuha ng dalawang taong pagsasanay o karanasan ang mga nars sa Pilipinas dahil sa kakulangan ng mga ospital na pagkukunan nila ng pagsasanay dahil sa sobrang dami ng mga nars. Ikalawa ay ang pagbaba ng kalidad ng edukasyon ng ilang mga kolehiyo ng narsing. Ikatlo ay ang “American Retrogression” na naghinto sa pagkuha ng mga nars sa Pilipinas at ang pagbabago ng polisiya ng Britanya na mas pinaboran ang mga nars na miyembro ng European union na nagresulta sa pagbaba ng demand ng narsing. Ikaapat ay ang Iskandalo ng 2006 Nursing board exams na nagbigay ng masamang imahe sa mga Pilipinong nars sa ibang bansa .(1 at 2)

1. (2008,07 08).( Most Pinoy nurses jobless, underemployed - PNA. Retrieved December 2, 2008, from GMANews.tv Web site: http://www.gmanews.tv/story/105799/Most-Pinoy-nurses-jobless-underemployed--PNA) 2. Shrinking US demand swells jobless Filipino nurses . Retrieved December 2, 2008, from NurseOnline.US Web site: http://nurseonline.us/html/index.php?option=com_content&task=view&id=66&Itemid=46 3. Gamolo, N.O. RP nurses seen as prime export commodity. Retrieved December 2, 2008, from Philnurse.com Web site: http://philnurse.com/?p=10

B. Mga Sanhi ng Underemployment sa Pilipinas B.1. Oversupply ng mga Nars sa Pilipinas Nakakaalarma ang ang kalabisan ng mga nars sa ating bansa. Ayon sa isang istatistika, umabot na sa 150,000 nars na kung walang trabaho ay iba sa kanyang kursong tinapos ang piniling trabaho. Ang nangyayaring kalabisan ng mga nars ay maiuugnay sa mga kolehiyo ng narsing na patuloy sa pagpapatapos ng mga nars na hindi naman kwalipikado sa istandard ng CHED (Commision On Higher Education). Isa rin sa sanhi sa kalabisan ng mga Pilipinong nars ay ang kakulangan sa ospital na maaari nilang pagkunan ng pagsasanay upang makapangibang bansa . Ito ang dahilan kung bakit maraming mga Pilipinong nars ang hindi makaalis ng bansa Dahil dito malaki ang saklaw ng mga nars sa unemployment at underemployment rate ng bansa. Kaya iminungkahi ng CHED ang pagpapasara ng mga kolehiyo ng narsing na may di magandang passing rate sa board exam.(4) B.2. Mababang Kalidad ng Edukasyon ng Narsing sa Pilipinas Sa nakalipas na sampung taon ay naging komersiyalisado ang edukasyon ng narsing kaya naman lumitaw ang mga kolehiyo ng narsing sa buong bansa. Ngunit karamihan sa mga kolehiyo ng narsing ngayon sa bansa ay hindi nakakapagbigay ng magandang kalidad ng edukasyon at para lamang sa negosyo ang pagpapatayo nila ng mga kolehiyo ng narsing na sa huli ay nagpapatapos sila ng mga nars na kulang sa kakayahan. Inirekomenda ng CHED ang mga kolehiyo ng narsing na hindi pumasa sa kanilang istandard ngunit hanggang sa ngayon ay walang naipasarang kolehiyo ng narsing dahil rin sa ilang mga taong gobyerno na nagsasabwatan sa pagpapatakbo ng mga nasabing kolehiyo.(5) Ang ladderized nursing education ay isa sa mga pinagtatalunang bagay sa ngayon sa edukasyon sa narsing. Ang laderrized nursing education ay ipinanukala ni pangulong Arroyo sa tulong ng TESDA upang matulungan ang mga mahihirap na Pilipino na makatapos ng pag-aaral sa maikling panahon. Ngunit imbes na makatulong sa mga nars ay nakasama pa ito sapagkat ang mga practical nurse ay nakadadagdag sa mga nars sa Pilipinas na walang trabaho. Kalimitan rin ay pinagmumulan ito ng mga nars na kulang ang kakayahan sa narsing. Inuulan din ito ng batikos dahil sa hindi ito makatarungan sa mga estudyante na kumukuha ng apat na taon na kurso sapagkat sa ladderized course ay sa loob ng dalawang taon lamang ay makakakuha ka na ng diploma sa narsing. Ito rin ay pinagmumulan ng katiwalian sapagkat ginagawa itong negosyo ng ilang kompanya dahil ang narsing ay isang in demand na kurso ngayong panahon na ito. Kaya ang ladderized course o practical nursing ay nakapagdudulot ng masamang epekto sa mga nars.(6) B.3. Pagbabago ng Polisya ng Ibang Bansa Sa kabilang banda naman, ang pagbaba ng demand ng mga Pilipinong nars sa Amerka ay nagsimula pa noong 2006 at maiuugat sa pagbabago ng polisiya ng Amerika sa pagkuha ng mga bagong nars sa kanilang bansa, bunsod ng pagbaba ng

pangangailangan sa mga nars sa Amerika. Ayon din kay Dr. Fely Martin Lorenzo ng UP Manila, “ito na rin daw ang ‘trend’ sa Propesyon ng Nursing sa ngayon.(7) Makikita din sa mga istatistika ng POEA na mula sa bilang na 13,822 na bagong tanggap na nars sa ibang bansa noong 2001, bumaba ito sa 8,528 na bagong tanggap na nars noong 2006. Ilan sa mga bansa na nagpakita ng pagbaba ng bilang ng bagong tanggap na nars ay ang mga ss: • • • •

Saudi Arabia: mula 5, 626 noong 2004 patungo 2,886 sa 2006; United Kingdom: mula 800 noong 2004 patungo 139 sa 2006; US: mula 373 noong 2004 patungo 133 sa 2006; Kuwait: mula 408 noong 2004 patungo 191 sa 2006;



Qatar: mula 318 noong 2004 patungo 38 sa 2006

Dagdag pa ni Kristel Acacio Ph.D. Cand. sa Unibersidad ng California na “kapag nagpatuloy ang pagbaba ng bilang ng tinatanggap na nars na Pilipino, maaaring maharap sa isang malaking pagdami ng underemploye’ na nars sa Pilipinas.(8) 4.Oversupply of Nurses in the Philippines Confirmed: 150K Unemployed Filipino Nurses retrieved Feb. 17 2009 from www.jpsimbulasn.com 6. Nursing Now an Ailing Profession by Jerry Esplanada date retrieved Dec 2 2008 from http://services.inquirer.net/print/print.php?article_id=20081010-165747’ 7. Shrinking US demand swells jobless Filipino nurses . Retrieved December 2, 2008, from NurseOnline.US Web site: http://nurseonline.us/html/index.php?option=com_content&task=view&id=66&Itemid=46 8. Romero, P. (2008, 06 02). Job outlook for Filipino nurses no longer as bright. Retrieved December 2, 2008, from ABS-CBNNews.com Web site: http://www.abs-cbnnews.com/special-report/06/02/08/job-outlookfilipino-nurses-no-longer-bright

B.4. 2006 Nursing Board Exam Leakage Ang 2006 nursing exam leakage ay isang iskandalo na yumanig sa propesyon ng narsing sa Pilipinas at nagbunsod ng malaking alinlangan sa kalidad ng edukasyon ng mga nars sa Pilipinas. Nagbunsod ito sa pagkakatuklas sa pagkalat ng mga nilalaman ng mga bahaging III at V ng 2006 nursing board exam sa ilang review centers partikular sa lungsod ng Baguio. Dahil dito ay ipinagbawal ng CGFNS, ang tagapagbigay ng sertipikasyon ng mga nars upang magtrabaho sa ibang bansa, na pakuhanin ng pagsusulit nila ang mga nars na kumuha ng 2006 June nursing board exam at hindi nag-retake. Isa itong salik na lalong nagpababa sa bilang ng mga tinatanggap na nars sa ibang bansa at nagdudulot ng underemployment sa mga nars sa Pilipinas.(9) C. Epekto ng Oversupply ng mga Nars sa Pilipinas C.1. Ekonomiya Ang nars ay isang pangunahing export comodity ng bansa. Ito ay bumubuo sa 11 porsyentong bahagdan ng mga OFW sa ibang bansa. (10) Nagdadala ito ng USD 15.9 Bilyon na kita sa bansa natin.(11) Ito ay isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng kita ng bansa.(12) Sa paglobo ng underemployed na nars ay malaki ang pagkakataon ng pagbaba ng remittance ng mg OFW na nars na malaki ang itinutulong sa ekonomiya. C.2. Sarili Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa nina Jo Ann Prause at David Dooley, naapektuhan ng underemployment ang tingin ng mga nars sa kanilang sarili. Karamihan sa mga respondente ay bumababa ang tingin sa sarili nila dahil sa estado nila sa buhay.(13) May mga nars na bumaba ang tingin sa sarili dahil sa kanilang kinalalagyan. Naaawa sila sa sarili nila dahil sa kabila ng pagtatapos nila ng apat na taong kurso ay hindi sila makakuha ng trabaho na aangkop sa kakayahan nila. Ayon din sa nasabing pag-aaral, may iba namang mga underemployed na kontento na sa trabaho nila dahil sa kumikita naman sila ng maayos dito at di din sila gaanong nahihirapan sa trabaho nilng ginagawa.(14) II.

Paglalahad ng Sariling Pag-aaral

A. Metodolohiya Ang mga mananaliksik ay naghanap ng mga kaugnay na pag-aaral at babasahin ukol sa paksa ng underemployment ng mga nars. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga artikulo sa internet at mga babasahin at sanggunihan sa aklatan ng UST, nakakalap ang mga mananaliksik ng pangkalahatang ideya sa paksa ng underemployment ng mga nars. Sa aming pagkuha ng datos, kami ay nagpanayam ng dalawang “underemployed” na nars. Ang isa ay si Jesa Santlices (edad 28) nagtapos ng nursing sa taong 2008, board exam passer at kasalukuyang nagtratrabaho bilang isang computer encoder sa isang sanglaan. Samantalang ang isa pa naming nakapanayam ay si Thelma Javier (edad 54) nagtapos ng Nursing sa taong 1981, board exam passer at kasalukuyang nagtratrabaho sa isang lokal na Gobyerno bilang isang “sanitary inspector”. Si Jesa at Thelma ay parehong hindi nursing ang unang kursong kinuha. Si Jesa ay kumuha muna ng kursong Assoc. Computer Design and Programming, samantalang si Thelma naman ay sa unang dalawang taon sa kolehiyo ay kumuha muna ng kursong BS Zoology. B. Presentasyon, Interpretasyon at Pagsusuri ng Datos Ayon sa datos na aming nakalap, ang mga nars na aming nakapanayam ay nakapagtrabaho na sa mga ospital. Si Jessa ay nakapagtrabaho na sa isang hospital bilang isang volunteer sa loob ng isang buwan. Samantalang si Thelma naman ay nakapagtrabaho bilang isang nars sa isang ospital para sa mga bata. Ayon sa datos na aming nakalap, maraming dahilan kung bakit napunta ang mga nakapanayam naming nars sa kanilang kasalukuyang trabaho. Ikinewento ni Jesa na lubos siyang nahirapan sa pag-apply bilang nars kaya naman ay pumasok nalang siya sa isang trabaho kung saan may nalalaman naman din siya dahil nga na siya ay kumuha muna ng kursong may kinalaman sa kompyuter bago ang pagkuha ng nursing. Sa buhay daw kasi ngayon mahirap na maghintay na kumita ng pera. Si Thelma naman ay nag apply nalang sa kanyang 10. Philippine Overseas Welfare Agency, (2005). OFW Statistics. Retrieved February 17, 2009, from www.poea.gov.ph Web site: http://www.poea.gov.ph/stats/faststats.html 11. Thomson Financial News, (2008, October 18). UPDATE 1-Manila c.bank sees 15 pct remittances growth in 2008. Retrieved February 17, 2009, from www.forbes.com Web site: http://www.forbes.com/feeds/afx/2008/10/13/afx5548834.htm 12. Teves, O. (2005). Remittances can't replace good economic policies, RP told. Retrieved February 17, 2009, from www.Inq7.net Web site: http://web.archive.org/web/20060305192447/http://www.inq7.net/globalnation/sec_new/2005/dec/0201.htm 13;14. Prause, J.A., Dooley, D. (1997). Effect of underemployment on shool leavers' self- esteem. Retrieved February 25, 2009, Web site: http://filebox.vt.edu/users/pvidal/0083a.pdf

kasalukuyang trabaho dahil sa pagkabigong makuha muli bilang nars sa isang inaplyan na trabaho dahil sa pagpili ng mga nars na mas malapit nakatira sa kanyang nais na pasukang ospital. Ayon sa mga datos na aming nakalap, maituturing parin na mapalad ang mga nakapanayam namin na mga nars dahil kahit papano ay may trabaho silang pinagkukuhanan ng kanilang gastusin sa araw araw hindi katulad ng ibang mga nars na walang makuhang trabaho kahit na trabahong hindi naaangkop sa kanila. Ang aming unang naitanong sa aming mga nakapanayam ay “Anu-ano po ang mga naranasan niyo po bilang isang underemployed na nars?” “Marami akong naranasan bilang isang underempolyed na nars; fruitful naman at I’m working on the sanitation of the society which is related naman sa health preventive at sanitation ang trabaho ko.” –Ginang Thelma Javier Ayon sa mga datos na aming nakalap, hindi lahat ng mga underemployed na nars ay nakakaranas ng panghihinayang o kahinaan ng loob sa kanilang trabaho na malayo sa kanilang kursong tinapos.

Ngunit sa kabilang banda ay may mga nars na nakakaranas ng panghihinayang o kahinaan ng loob sa kanilang trabaho na malayo sa kanilang kursong tinapos “OK lang, but sometimes parang na-uunderestimate ako.” –Ginang Jesa Santilices Ayon sa datos na aming nakalap, ang mga nars na aming nakapanayam na meron at malal ang kalagayan ng underemployment sa bansa. “Sobrang daming nurse sa Pilipinas dahil sa mismatching ng credentials.” –Ginang Jesa Santilices “Sobrang dami ng graduates, mababa ang pasahod na kulang sa daily expenses.” –Ginang Thelma Javier Ayon sa datos na aming nakalap, sa kabila ng krisis ng mga nars sa Pilipinas ay naniniwala sila na may lunas pa sa problemang ito. “Dapat may quota system and controlled number of enrollees. Dapat the government should look at the importance of the job and prioritize the health profession.” –Ginang Thelma Javier “Kailangan ng high-standard and control sa mga nagsusulputang school of nursing.” –Ginang Jesa Santilices Hiningan naming ng mensahe ang aming mga nakapanayam para sa mga mag-aaral ngayon na kumukuha ng kursong nuring: “Isipin munang mabuti by heart kung anong course talaga ang gusto niyong itake” -Ginang Jesa Santilices Thelma: “Study hard, and serve your country first.” - Ginanng Thelma Javier

III.

Konklusyon

Ayon sa mga naobserbahan ng mga mananaliksik, maraming depekto ang propesyon at sistema edukasyon ng narsing sa Pilipinas. Naguugat ang problema sa maraming bagay. Ilan sa mga ito ay ang maling konsepto ng tao sa narsing at pati na din ang pag-gamit sa sistema ng edukasyon ng narsing ng ilang institusyon upang mgapayaman at hindi upang makapagpatapos ng mga kalidad na nars sa Pilipinas. Sa kalakarang ito ay patuloy ang pagdami ng bilang ng mga nars sa bansa, karamihan dito, mga hindi kalidad na nars. Sa kadahilanang ito, madami ding mga nars ang nahihiranpan, kundi man ay hindi na makakita ng trabahong angkop sa natapos nilang kurso at napipilitang magtrabaho sa hanap- buhay na hindi angkop sa nataos nila upang matustusan ang pangaraw-araw na pangangailangan ng pamilya nila. Nakakapagpababa din ito ng tingin ng mga nars sa sarili nila at ng lipunan sa kanila dahil sa hanap- buhay nilang pinasok ayon na din sa sinabi ng aming kinapanayam na si Jessa, “siya ay na-uunderestimate dahil hindi siya nakakapagtrabaho bilang isang nars." Isa pang dulot nito ay ang panghihinayang ng mga underemployed na nars dahil sa hindi nila magawang maghanap- buhay ng isang trabaho na angkop sa kurso nilang inaral ng apat na taon. Nararapat lang na kontrolin pareho ang bilang ng mga pumapasok sa kursong narsing, pati na din kalidad ng edukasyon ng narsing sa bansa upang masigurado na ang mga nagtatapos sa kurso ay nararapat magtapos at may sapat na kaalaman sa pagtugon

sa pangangailangan ng mga pinaglilingkuran nila. Kung hindi magagawang solusyunan ang suliraning ito ay patuloy lang na lalala ang problema sa underemployment ng mga nars sa Pilipinas. Isa maaaring solusyon sa kasalukuyang nararanasan na krisis sa underemployment ng mga nars ay ang orientasyon sa “family level” palang. Ibig sabihin nito ay ang pagbibigay ng kalayaan sa mga kabataan na makapamili ng kursong kanilang nais tahakin at hindi sila ipilit sa mga kursong “hot o in demand” dahil para rin ito sa kanilang hinaharap. IV.Rekomendasyon Matapos ang pag-aaral, ang mga mananaliksik ay nakabuo ng mga ss. na rekomendasyon na may kaugnayan sa pag-aaral

1. Na ang mga mag-aaral na kumukuha ng kursong nursing ngayon ay mag-isip muna ng maigi kung ang kanilang gustong buhay ba ay ang pagiging nars talaga, kung hindi ay habang maaga pa ay lumipat na sa kursong nais talagang kunin, at kung oo naman pagbutihin ng maigi ang pag-aaral at isipin muna ng mga magulang na pumipilit sa kanilang mga anak na kumuha ng kursong nursing na hayaan nilang pumili ng kursong ninanais talaga ng kani-kanilang mga anak dahil sa pagdating panahon doon parin mapupunta ang kanilang mga anak at respeto nalang din sa kanilang mga anak 2. Isipin ng mga magsisitapos na nursing students ang katotohanan na sa kasalukuyan ay mahirap ng makapagtrabaho bilang nars dahil sa kaunting kapasidad ng mga ospital na tumanggap ng mga nars at dahil dito ay dapat na mag-isip ng mga diskarte kung paano makapasok sa mga ospital tulad nalang ng pagbuti ng markang makukuha sa pagtatapos. 3. Na ang gobyerno sana ay tignan ang importansya ng propesyong ito at bigyan ng solusyon ang problemang ito.

4. Na ang mga nursing schools ay sana tulungan ang kanilang mga mag-aaral na mabigyan ng magandang klase ng edukasyon na magiging sapat sa pangangailangan ng kanilang mga mag-aaral sa hinaharap tulad na lang ng paghanap ng mga ospital na mapapasukan ng kanilang mga mag-aaral pagkatapos ng pag-aaral.

5. Na ang mga nursing schools ay wag abusihin ang mga mag-aaral na gustong maging nars ngunit walang sapat na kakayahan upang maging nars. Isipin sana nila na ang mga mag-aaral at ang paaralan mismo ang maghihirap sa huli. Dahil sa kakulangan ng mga ospital sa Pilipinas.

Bibliograpiya Nurse Online. US. (N.D) Shrinking of demand swells jobless Filipino nurse. Nakuha noong December 2, 2008 sa http://www.nurseonline.us/html. Romeo P., (2008). Job outlook for Filipino nurses no longer as bright. Nakuha noong December 2, 2008 sa http://www.abs-cbnnews.com/special -report/06/02/08/

Simbulan J,B., (2008). Oversupply of nurses in the Philippines confirms: 180k unemployed Filipino nurse. Nakuha noong December 2, 2008 sa http://www.jpsimbulan.com/2008/09/05/ Melencio, G.E., (2008) oversupply of nurses RD. Nakuha noong December 2, 2008 sa http://globhalnation.cinquirer.net/news/breakingnews/view/ NursingGuide, (N.D). Oversupply of nurses. Nakuha noong December 2, 2008 sa http://www.nursingguide.ph/article_item_385 Michin, (2008). Nurses in call center. Nakuha noong December 2, 2008 sa http://www.callcenterphilippines,net/newsflashes/news-blog.html Evangelista, R., Ramos-Araneta M, (2008). Oversupply of nurses worsen. Nakuha noong December 2, 2008 sa http://www.manilastandardtoday.com ANC news, 2008. Philippines producing oversupply of nurses 150,000 underemployed, could result in crisis. Nakuha noong December 2, 2008 sa http://www.pacificnewscenter.com University of the Philippines, (2008). The forum roundtable on the employment situation in the country. Nakuha noong December 2, 2008 sa http://www.up.edu.ph Esplanada, J.E, (2008). Nursing now an ailing profession. Nakuha noong December 2, 2008 sa http://www.globalization.inquirer.net/features /features/view/ International council nurse, (2006). International council of nurses launches a new centre specializing in the nursing workforce. Nakuha noong December 2, 2008 sa http://www.icn.ch/PR20_00.html Solimerin, F.S. (2008). Job prospect bleak for 400,00 new grad. Nakuha noong December 2, 2008 sa http://www.manilastandardtoday.com Galmond N.O. (ND) RP nurses seen s prime export commodity. Nakuha noong December 2, 2008 sa http://www.philnurse.com

Related Documents