NEMESIO I. YABUT SENIOR HIGH SCHOOL Escuela St., Guadalupe Nuevo, Makati City
EPEKTO NG SOCIAL MEDIA ADDICTION SA KALUSUGANG PANGKAISIPAN NG IKA-11 BAITANG NA MAG-AARAL NG PANGKAT HUMSS, SA MATAAS NA PAARALANG SENYOR NG NEMESIO I. YABUT SA TAONG PAMPANURUAN 2018-2019
Isang pamanahong-papel na iniharap sa kagunian ng Filipino, IIB baitang, Mataas na Paaralang Senyor ng Nemesio I. Yabut.
Bilang pagpapatupad sa mga pangangailangan sa Asignaturang Filipino. IIB Pagbasa at Pagsusuri sa ibat-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.
Nina: Albay, Janrey D. Elpedes, Miguel S. Narce, Robie John A. Santillana, Joselito D. Catorce, Myla Torres, Janelle T.
HUMSS 11- Ambeth Ocampo Marso 2019
i
NEMESIO I. YABUT SENIOR HIGH SCHOOL Escuela St., Guadalupe Nuevo, Makati City
DAHON NG PAGPAPATIBAY
Bilang pagpapatupad sa isa sa pangangailangan sa Asignaturang Filipino, Pagbasa at Pagsusuri sa iba’t ibang teksto tungo sa Pananaliksik, ang Pamanahong-Papel na ito na pinamagatang “EPEKTO NG SOCIAL MEDIA ADDICTION SA KALUSUGANG PANGKAISIPAN NG IKA-11 BAITANG NA MAG-AARAL NG PANGKAT HUMSS SA MATAAS NA PAARALANG SENYOR NG NEMESIO I. YABUT TAONG PAMPANURUAN 2018-2019.” ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa pangkat ng 11-HUMSS Ambeth Ocampo na binubuo nina:
Janrey D. Albay Miguel S. Elpedes Robie John A. Narce Joselito D. Santillana Myla Catorce Janelle T. Torres
Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino. Mataas na Paaralang Senyor ng Nemesio I. Yabut, Lungsod ng Makati, bilang isa sa pangangailangan sa Asignaturang Filipino IIB, Pagbasa at Pagsusuri sa iba’t ibang teksto tungo sa Pananaliksik.
Reggie U. Elardo Propesor
ii
NEMESIO I. YABUT SENIOR HIGH SCHOOL Escuela St., Guadalupe Nuevo, Makati City
ABSTRAK
EPEKTO NG SOCIAL MEDIA ADDICTION SA KALUSUGANG PANGKAISIPAN NG IKA-11 BAITANG NA MAG-AARAL NG PANGKAT HUMSS SA MATAAS NA PAARALANG SENYOR NEMESIO I. YABUT SA TAONG PAMPANURUAN 2018-2019
Janrey D. Albay, Miguel S. Elpedes, Robie John A. Narce, Joselito D. Santillana, Myla Catorce, Janelle T. Torres
2019
Reggie U. Elardo (Propesor)
iii
NEMESIO I. YABUT SENIOR HIGH SCHOOL Escuela St., Guadalupe Nuevo, Makati City
PASASALAMAT AT PAGKILALA
Ang mga mananaliksik ng pamanahong papel na ito ay nais magparating ng kanilang taos-pusong pasasalamat sa mga taong tumulong upang mapagtagumpayan ang pag-aaral na ito.
Nais naming pasalamatan ang aming guro sa asignaturang ito, si Ginoong Reggie U. Elardo, sa paggabay at pagtulong sa amin. Ang kanyang sigasig sa pagtuturo ay nagbigay sa amin ng motibasyon.
Sa mga magulang na tumulong at sumusuporta sa amin lalo na sa pangangailangang pinansyal. Ang kanilang walang-sawang pag-unawa sa amin ay nakatulong upang matapos namin ang pag-aaral na ito nang matagumpay.
Sa mga kamag-aral at respondante ng pag-aaral na ito. Kung hindi dahil sa kanilang partisipasyon,ang pag-aaral na ito ay hindi namin mapagtatagumpayan.
Sa aming mga guro na nagbigay ng kaalaman, kami ay nagpapasalamat sa inyo. Ang aming natutunan ay naging malaking bahagi upang mapaunlad ang pag-aaral na ito.
At sa Diyos na kataas-taasan na nagbigay samin ng lakas, pagmamahal at awa sa araw-araw ng aming buhay.
iv
NEMESIO I. YABUT SENIOR HIGH SCHOOL Escuela St., Guadalupe Nuevo, Makati City
LISTAHAN NG MGA TALAHANAYAN AT GRAP
v
NEMESIO I. YABUT SENIOR HIGH SCHOOL Escuela St., Guadalupe Nuevo, Makati City
TALAAN NG NILALAMAN
KABANATA I. Ang suliranin at Kaligiran nito 1. Panimula 2. Balangkas Teoretikal 3. Balangkas Konseptwal 4. Dalumat ng Pag-aaral 5. Haypotesis 6. Saklaw at Limitasyon 7. Kahalagahan ng Pag-aaral 8. Depenisyon ng Terminolohiya
KABANATA II. Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral 9. Lokal na Literatura 10. Lokal na Pag-aaral 11. Banyagang Literatura 12. Banyang Pag-aaral 13. Sintesis ng mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
KABANATA III. Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik 14. Disenyo ng Pananaliksik 15. Mga Respondante 16. Instrumento sa Pangangalap ng Datos 17. Paraan ng Pangangalap ng Datos 18. Tritment ng Datos
vi
NEMESIO I. YABUT SENIOR HIGH SCHOOL Escuela St., Guadalupe Nuevo, Makati City
APENDIKS
vii
NEMESIO I. YABUT SENIOR HIGH SCHOOL Escuela St., Guadalupe Nuevo, Makati City
PANIMULA
Sa kasalukuyan, ang paggamit ng social media o social networking sites tulad ng Facebook, Twitter at Instagram ay nagkaroon ng malaking epekto sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Bilang ito ay ginagamit sa komunikasyon at malayang pagbabahagi iniisip o ideya, ginawa nitong konektado ang bawat isa dito sa malawak na network na pinapatakbo ng internet. Sa kabila ng positibong benepisyo at epekto ng mga site na ito, umusbong ang mga isyu patungkol sa negatibong epekto ng labis na paggamit ng social media sa perspektib ng kalusugang pangkaisipan natin. Dahil sa panahon ngayon na napakadaling ma-access ang mga social media o social networking sites, ang lahat ay maaaring magkaroon ng social media addiction na magbubunga ng problema sa ating kalusugang pangkaisipan. Ayon sa karamihan ng mga artkulo na sinulat ng mga eksperto, ang Depresyon, Anxiety at Cyberbullying ay ilan lamang sa mga epekto ng social media addiction sa kalusugang pangkaisipan ng isang indibwal. Depresyon ang nangungunang problema sa kalusugang pangkaisipan na dinudulot ng social media addiction. Batay sa isang artikulo ng Hospital Authority 2018, nakararamdam ka ng depresyon kung ikaw ay mayroong 5 o higit pang sintomas nito. Sa artikulo naman ni Katie Hurley na pinamagatang “Is Social Media Messing with Your Teen’s Mental Health?” ang pagkairitable, kawalan ng interes sa pang-araw-araw na gawain at pagkakaroon ng suicidal thoughts ay ilang sintomas ng pagkakaroon ng depresyon. Tulad ng pagsusugal, alkohol at droga, ang social media addiction ay maaaring hindi mapanganib subalit ito ay lumalaking problema na kailangang mapigilan at malunasan, lalong lalo na sa mga kabataan. Kung gayon, ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa negatibong epekto ng social media addiction sa kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral ng ika-11 baitang ng pangkat HUMSS o Humanities and Social Sciences sa Mataas na Paaralang Senyor ng Nemesio I. Yabut.
viii
NEMESIO I. YABUT SENIOR HIGH SCHOOL Escuela St., Guadalupe Nuevo, Makati City
BALANGKAS TEORETIKAL Ang pag-aaral na ito ay binatay sa Teorya ng Social Networking kung saan
BALANGKAS KONSEPTWAL INPUT Mga uri ng social media: 1. Facebook 2. Twitter 3. Instagram
PROCESS Pagsasarbey ukol sa nasabing input Pagsasama-sama ng mga tala ng nakuhang sagot sa sarbey Pag-aanalisa ng mga kasagutan
OUTPUT Problema sa kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral
ix
NEMESIO I. YABUT SENIOR HIGH SCHOOL Escuela St., Guadalupe Nuevo, Makati City
DALUMAT NG PAG-AARAL
PAGLALAHAD NG SULIRANIN Suliranin: Ano-ano ang mga epekto ng Social Media Addiction sa kalusugang pangkaisipan ng ika-11 baitang na mag-aaral ng pangkat HUMSS sa Mataas na Paaralang Senyor ng Nemesio I. Yabut. Ang mga sumusunod na tanong ang nagsilbing pundasyon ng pag-aaral na ito: 1. Ano-ano ang mga problema sa kalusugang pangkaisipan na nararanas ng mga mag-aaral 2. Ano ang karaniwang problema sa kalusugang pangkaisipan ng mga magaaral 3. Paano nagkaroon ng social media addiction ang mga mag-aaral 4. Ano-ano ang epekto ng problema sa kalusugangmga mag-aara .
x
NEMESIO I. YABUT SENIOR HIGH SCHOOL Escuela St., Guadalupe Nuevo, Makati City
HAYPOTESIS Walang epekto sa kalusugang pangkaisipan ang social media addiction sa mga ika-11 baitang na mag-aaral ng pangkat HUMSS sa Mataas na Paaralang Senyor ng Nemesio I. Yabut.
SAKLAW AT LIMITASYON Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa epekto ng social media addiction sa kalusugang pangkaisipan ng mga ika-11 na mag-aaral ng pangkat HUMSS sa Mataas na Paaralang Senyor ng Nemesio I. Yabut Nililimitahan ng pananaliksik na sa mga ika-11 baitang ng pangkat HUMSS lamang isasagawa ang pag-aaral sapagkat ang mga impormasyong nakalahad dito ay makatutulong sa kanila balang araw, bilang saklaw ng kanilang pangkat ang pag-aaral sa pag-uugali ng isang indibidwal. Naniniwala ang mga mananaliksik na mahalagang magkaroon ng ganitong pagaaral sapagkat bukod sa ito ay napapanahon, ito din ay lumalaking problema ng mga kabataan ngayon. Dahil sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya nababaliwala o hindi nabibigyang pansin ng karamihan ang epekto ng labis na paggamit ng social media sa kalusugang pangkaisipan natin.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Bukod sa ang mga mag-aaral ng ika-11 baitang ng pangkat HUMSS ay magkakaroon ng kamulatan at pagsusuri sa kanilang mga sarili, naniniwala ang mga mananaliksik na ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay malaking tulong at pakinabang sa pamunuan at awtoridad ng paaralan. Kapag nasangkot sa isang problema ang isang mag-aaral na may kinakaharap ding problema sa kalusugang pangkaisipan, ang pamunuan at awtoridad ng paaralan ay may sapat nang kaalaman kung anong maaaring sanhi nito at kung paano nila gagabayan ang mag-aaral na ito. Sa pamamagitan din ng pag-aaral na ito, ang ibang mananaliksik ay may makukuhang bagay mula sa mga impormasyong nakalahad dito na maaaring maghatid sa kanila tungo sa panibagong uri ng pananaliksik.
xi
NEMESIO I. YABUT SENIOR HIGH SCHOOL Escuela St., Guadalupe Nuevo, Makati City
DEPINISYON NG TERMINOLOHIYA
Social Media Addiction- labis na paggamit ng social media o social networking sites.
Kalusugang Pangkaisipan- kagalingan ng kaisipan o kapakanan na pangsikolohiya.
Addicton o Adiksyon- labis na pagkalulong, obsesyon, pagkahumaling o pagkagumon sa isang bagay o gawain.
Social Media- sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network.
Anxiety- isang grupo ng karamdamang pang-kaisipan (Mental Disorder) kung saan ang tao ay nakakaramdam ng pagkabalisa, kaba o nerbiyos (nervousness) sa mga bagay na maaring nakikita o nararanasan sa totoong buhay, o mga bagay na paulit-ulit nilang naiisip. (www.pinoymentalhealthblog.com)
Depression o Depresyon- mood disoder na kung saan ang isang tao ay nakararanas ng patuoy na kalungkutan at pagkawala ng interes sa maraming bagay. (www.ritemed.com.ph). Cyberbullying- “paggamit ng teknolohiyang pang-impormasyon at pangkomunikasyon para suportahan ang sinasadya at paulit ulit na mapanirang pamamaraan ng isang indibidwal o grupo upang makasakit ng tao.” (Bill Besev)
xii
NEMESIO I. YABUT SENIOR HIGH SCHOOL Escuela St., Guadalupe Nuevo, Makati City
LOKAL NA LITERATURA Batay sa nilathalang artikulo ng ABS-CBN News, maaaring ma-delay ang pagpapaunlad ng memorya at sa kakayahang magplano at magpocus ng bata kung siya ay labis gumamit ng gadget. Ganito din at walang pagkakaiba ang mga epekto ng labis na paggamit ng social meda sa kalusugang pangkaisipan ng mga kabataan at magaaral.
LOKAL NA PAG-AARAL Ayon sa pag-aaral ng mga
xiii
NEMESIO I. YABUT SENIOR HIGH SCHOOL Escuela St., Guadalupe Nuevo, Makati City
BANYAGANG LITERATURA Sinasabi sa “Effects of Social Media on Mental Health: A Review” nina Hilal Shabir at Shabir Ahmad Bhat ng Internatinal Journal of Indian Psychology, na ang labis na paggamit ng social media ay nagdudulot ng stress sa buhay ng isang indibidwal. At ang stress mula sa paggamit ng social media ay nagdudulot ng problema sa kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral (mula sa pag-aaral nina Kaur at Bhat 2016). “Present Paper offers an insight in the complex connection of social media usage and mental health problems of younger generations. These problems can be identify as online harassment, depression, sexting/texting, fatigue, loneliness, decline in intellectual abilities, cyber bullying, emotion suppression and lack of concentration.” –Hilal Shabir at Shabir Ahmad Bhat 2016. Ayon naman sa artikulo ni Katie Hurley na “Digital Self-Harm: Why Are Teens Cyber Bullying Themselves?” lumalabas na ang social media ay nagiging daan o lunsaran din ng mga kabataan upang magkaroon ng cyber bullying sa kanilang mga sarili. Binanggit din niya din ditto ang tinatawag na digital self-harm. “Digital self-harm occurs when kids anonymously post mean or derogatory things about themselves online. Kids can set up ghost accounts across social media platforms and use those accounts to cyberbully themselves.”-Katie Hurley 2018
BANYAGANG PAG-AARAL Sa isang pag-aaral na pinamagatang “Social Networking and Depression Among University Students” nina Nasir Ahmad, Sajjad Hussain at Narjis Munir sa Pakistan Journal of Medical Research 2018,lumabas na lagpas sa kalahati o 53.5 % ng mga respondante ay gumagamit ng social media isa hanggang tatlong oras kada araw, 29 % ang gumugugol ng hanggang sa anim na oras at 17.5 % ang lampas sa anim na oras. Ang resulta ng pag-aaral ay ang mga taong gumagamit ng social media na higit pa sa anim na oras ay nakararanas ng depresyo. Subalit may pag-aaral na nagpapatunay na walang kinalaman ang oras na ginugugol online sa depresyon. Lumabas din sa pagaaral na ang mga estudyante ay madalas na gumamit ng social media na nagdudulot ng kabawasan sa paggawa nila ng ibang gawain tulad ng pagbabasa ng libro at paglalaro ng isports.
xiv
NEMESIO I. YABUT SENIOR HIGH SCHOOL Escuela St., Guadalupe Nuevo, Makati City
SINTESIS NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL Ang mga kaugnay na literature at pag-aaral ay pare-parehong nagsasabing may negatibong epekto ang labis na paggamit ng social media sa buhay ng mga tao, higit na sa mga kabataan at mag-aaral na masugid na gumagamit ng mga ito. Ang depresyon, anxiety, pagbaba ng pagtingin sa sarili at kawalan ng konsentrasyon sa mga bagay-bagay ay matatagpuan sa mga pagaaral at literaturang ito paungkol sa epekto ng social media sa kalusugang pangkaisipan.
DISENYO NG PANANALIKSIK
Isinagawa ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptibo-analitik. Gumamit din ng sarbey sa pamamagitan ng talatanungan sa pangangalap ng datos upang malaman ang epekto ng social media addiction sa kalusugang pangkaisipan ng mga magaaral.
MGA RESPONDANTE
Ang napiling mga respondante ng pag-aaral na ito ay ang ika11baitang na mga mag-aaral ng pangkat HUMSS o Humanities and Social Sciences strand sa Mataas na Paaralang Senyor ng Nemesio I Yabut. Ang pangkat ng HUMSS ay binubuo ng dalawang seksyon o pangkat, ang 11Lucrecia Kasilag at 11-Ambeth Ocampo. Mayroong 43 kabuuang mag-aaral sa 11-Ambeth Ocampo at 38 na mag-aaral naman sa 11- Lucrecia Kasilag.
INSTRUMENTO NG PANGANGALAP NG DATOS
Sa pamamagitan ng pagsarbey, naisagawa ang pangangalap ng kinakailangang datos o impormasyon ng pag-aaral na ito. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng sarbey-kwestyoner upang matukoy kung ano nga ba ang epekto ng social media addiction sa kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral. Para mapabuti pa lalo ang pag-aaral, minabuti rin ng mga mananaliksik na mangalap ng impormasyon at datos sa iba’t ibang reperens o hanguan.
xv
NEMESIO I. YABUT SENIOR HIGH SCHOOL Escuela St., Guadalupe Nuevo, Makati City
PARAAN NG PANGANGALAP NG DATOS
Ang sarbey-kwstyoner o talatanungan na ginamit ng mga mananaliksik ay dalawang pahina na binubuo ng 20 na tanong na susukat kung ang isang mag-aaral ba ay may social media addiction na nararanasan at kung ano ang epekto nito sa kanyang kalusugang pangkaisipan. Likert scale ang pormat ng talatanungan, kung saan lalagyan lamang ng tsek ng mga respondante ang naaayon sa kanyang sagot. Tatlong panukatan ang ginamit upang ilarawan ang mga sagot ng mga mag-aaral, ito ay ang Hindi o Bihira, Minsan at Madalas o Palagi. Ang mga tanong sa talatanungan ay nagmula sa internet, wala ni isa ang binago at hindi ito inaangkin ng mga mananaliksik.
TRITMENT NG DATOS Tanging pagpata-tally at pagkuha lamang ng porsyento ang ginawa ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito sapagkat ang pamanahong papel na ito ay panimulang pag-aaral lamang. Ito ay hindi isang pangangailangan sa pagtatamo ng digri kung kaya’t wala nang ginawang masusing pagsusuri ng mga datos sa mataas o kompleks na istatistika.
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Talahanayan Blg. 1 Kabuuang resulta ng sarbey-kwestyoner
1. Kapag ginagamit ko ang aking smartphone, laptop o tablet, gumugugol ako ng mas maraming oras kaysa sa inaasahan ko. 2. Ako ay nagiging masaya sa pakikisalamuha online kaysa sa ginagawa ko sa aking mga kaibigan at pamilya 3. Gugugulin ko ang oras ko online kaysa gumawa ng mga
Hindi o Bihira (1) 10/81 (12%)
Minsan(2) 46/81 (57%)
Madalas o Palagi (3) 25/81 (31%)
19/81 (23%)
41/81 (51%)
21/81 (26%)
25/81 (31%)
45/81 (56%)
11/81 (14%)
xvi
NEMESIO I. YABUT SENIOR HIGH SCHOOL Escuela St., Guadalupe Nuevo, Makati City
4.
5. 6.
7.
8.
9.
10. 11.
12.
13.
14.
15.
gawaing-bahay Nararamdaman kong ang kalidad ng aking trabaho o gawain sa paaralan ay nasasakripisyo dahil sa Ang aking mga kaibigan at pamilya ay nagrereklamo na sa I feel unsatisfied about my life due to the things I am seeing online. I check my social media (Facebook, Instagram, etc.), texts, or emails first, before I get down to work or school work. I don’t like it when people bother me when I’m in front of my smartphone, laptop, or tablet. I’m anxious when I’m separated from my smartphone, tablet, or laptop for any extended period of time. I escape from my real life for what I can find and do online. My life would be less interesting and sad without access to the Internet. When I’m not checking my smartphone, I fear missing out with what’s going on, which often makes me unhappy. I often stay up later at night than I had intended due to doing things online. I’d rather stay home gaming, doing social media, or otherwise spending time online than go out with my friends. I’ve tried not to use my smartphone, tablet, or laptop if it will not help me to succeed in doing my work or school
19/81 (23%)
46/81 (57%)
16/81 (20%)
16/81 (20%) 32/81 (40%)
55/81 (68%) 45/81 (56%)
10/81 (12%) 4/81 (5%)
13/81 (16%)
34/81 (42%)
34/81 (42%)
29/81 (36%)
46/81 (57%)
6/81 (7%)
20/81 (25%)
52/81 (64%)
9/81 (11%)
20/81 (25%) 30/81 (37%)
50/81 (62%) 40/81 (49%)
11/81 (14%) 11/81 (14%)
25/81 (31%)
45/81 (56%)
11/81 (14%)
13/81 (16%)
56/81 (69%)
12/81 (16%)
24/81 (30%)
44/81 (54%)
13/81 (16%)
12/81 (15%)
49/81 (60%)
20/81 (25%)
xvii
NEMESIO I. YABUT SENIOR HIGH SCHOOL Escuela St., Guadalupe Nuevo, Makati City
16.
17. 18.
19.
work. I feel confident or well-liked based on the number of likes I get on something I post. Social Media distract me when I need to be productive. When I see someone post about how intriguing events going on in their life, I feel depressed by the idea that my life isn't as "cool" or "eventful" as theirs. I post things on social media just to impress certain people.
20. When someone posts a picture of me that I think I look unattractive, I untag myself from the photo.
34/81 (42%)
35/81 (43%)
12/81 (15%)
22/81 (27%) 34/81 (42%)
47/81 (58%) 36/81 (44%)
12/81 (15%) 11/81 (14%)
47/81 (58%)
23/81 (28%)
11/81 (14%)
29/81 (36%)
38/81 (47%)
14/81 (17%)
.
xviii