Hug 17-23

  • April 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Hug 17-23 as PDF for free.

More details

  • Words: 5,149
  • Pages: 28
Chapter 17 After prom, balik sa dating buhay. Kami ni Mykel? Wala. Lalong nawala. Or kung may hihigit pa sa wala, ayun na kami, kahit walang kami. Ay labo. Kung dati ako yung umiiwas, ngayon, siya na yun. Or baka napaparanoid lang ako, dahil alam kong alam na niyang gusto ko siya. Well, actually, kalat na sa room dahil dun sa "your wish is granted" ng magaling kong adviser. Eeekkk. So ikaw nga? Ikaw yun?! Waah. Hindi nga ako. Bakit? Oo, iniwan ko siya agad pero, hindi rin pwede. Kasi remember, nakipagpalit ako kay Lauren! There, I said it. Pareho kaming nanahimik ni Zara. Hey girls. Tumingin kami pareho ni Zara kay Athan, na may kasamang babae. Excuse me lang. Hinatak ni Zara si Athan, tapos yung girl naiwan sa harap ko. Dahil polite ang beauty ko. HAHAHA. eh, nagsmile ako sa kanya, nag smile din naman siya, aba dapat lang! Dahil kung hindi susungalngalin ko siya!

Tapos after nun, yumuko na uli ako at nagsulat.

Uhm. Ito na nga o! Zara, Reesha. Napatingin ako kay Athan, woah. Ngayon na lang niya uli ako tinawag ng Reesha, kasi madalas puro "EESHA" lang tawag niya sa akin. Si Jam. Jam, meet my friends, Zara and Reesha. Hi. Anong year mo? 1st year. Ah, hindi mo man lang sinabi sa amin, may kapatid ka pala dito? Or cousin?

Pinigilan ko yung tawa ko, I know, she's being sarcastic again. Actually, Zara, I'm courting her. Really? Hindi kasi halata. Wag mo na lang pansinin toh. Well, I'm happy for you. Kasabay namin silang magrecess. He's all sweet and that kay Jam. Nakakatuwa.

After ng break, pumunta kaming 3 sa locker, may naiwan kasi ako, tapos umiba na ng way si Jam.

Ano ba yan! Andami mong naiwan! Sorry ah! project!

Di kasi sinabi ni De'an na kailangan na niya tong mga ito para sa class

Naubos laman ng locker mo ah. Nagtawanan naman kami. Kasi literal talaga na naubos laman ng locker ko. HAHA. Except lang sa mga basura, haha. Gaaah. Locker=Reesha's Mini Payatas number 2! haha. Mini Payatas number 1 ko kasi eh yung kwarto ko. HAHAHA. Ako na magdadala niya. Iaabot ko na sana yung LAHAT ng dala ko, nang dumaan si Jam na may dalang maninipis na libro.

Ah, eh, wait lang huh?! Bigla siyang tumakbo papunta kela Jam, tapos kinuha niya yung books na dala niya.. Kami nama ni Zara, napatahimik na lang.

As if! Ay, ako lang pala yun. Dahil wala ata sa vocabulary ni Zara ang maspeechless! HAHAHA. Shh. Ano ka ba? As if naman talaga ah! Parang ambigay bigat ng limang libro na yun. Palibhasa, dwende-like yun babaeng yun!> Oyy. Tama na yan. Matuwa ka nga, at least, may nililigawan siya. Yeah right. Kaya pati tayo, nawawala sa priorities niya. Damn Zara. Kaibigan lang tayo. Siya, soon to be GF. Damn talaga. Ano nga ba naman kami diba? Pero I admit it, I feel dissapointed . Ano nga ba naman yung 5 librong maninipis, sa sandamakmak kong dala diba? Buti na lang andito si Zara, tinulungan niya akong magdala nung ibang gamit tapos hinatid niya ako sa room. Baka nga, siya yung tinutukoy ni Athan nung prom, buti naman, he finally had the guts to court her. Happy naman ako diba? Ewan ako, I'm really feeling odd. Akala ko pag dumating na yung time na he had someone to call his girl, magiging masaya ako for him. Pero masaya naman ako diba? It's just that.. Uh. never mind.

~*... Guys! Alam niyo na naman yung Class Project sa English diba? Yyaaappp... So, ito yung characters.... Yung project naman sa English, eh gagawa kami ng story tapos parang innarate namin siya, gamit ng scrap book.. Yung magshota. HAHA. Actually, nagkaroon ako ng matigas na oras. HA?!! Anong matigas na oras? Hard time! HAHAHA Weh Corny na! Shatap! HAHA. So ayun, dahil nga kasi alam kong mag iinarte kayo. Pero dahil likas akong matalino. HAHA. May napili na ako...

Si Jonathan.

Natawa ako nun, tapos inasar siya ni Alexa, ako rin, inasar ko siya. kahit ilang ako

At ang partner.... Si Reesha!! Hhhooooyy! Bakit naman ganun? Gamit ng super power ko, eh buong lakas akong tumutol. Bakit kasi kami? Bakit ngayon pa?

Kasi, kayo naman yung magshota dito eh. So, walang ilangan! Lalo dun sa mga scenes na mahahalay! HAHAHA. JOKE! Hindi nga kami!! Edi hindi, pero kayo pa rin yung pinaka close. So yun. Okay? Walang angal! Amffff.. Chris ikaw ang photographer diba? At ang mahiwagang alalay, si Mykel.

Chapter 18 Andito kami sa bahay nila Alexa, pero hindi naman buong section. haha. Ako, si Athan, si Alexa, si Jim, si Chris, si Mykel at si De'an, pati yung 5 pang kasama sa first 10 scenes.. Bihis na. Bihis na. HAHA. Reesha oh. Huh? Ano yan? Damit? Anong damit?! Tela lang yan eh! Sira ka talaga! HAHA. Tapos pinakita niya sa akin yung pins, doon ko lang naalala, Greek pala yung theme nitong echas na project na ito, kaya tela tela gagamitin namin tapos ipipin na lang. haha. Okay na ba yan De'an? Wala na ngang kurtina sa kwarto ko eh, pati mga kumot namin kinuha ko na! Okay na, Salamat! HAHA. After mga 30 minutes, nagstart na kami... Medyo nakakailang. Susko. Costume palang mahalay na! HAHAHA. XD Okay, 1st scene, yung grupo nila Jim, tapos si Jonathan. Tapos pinuwesto sila isa isa habang kami namang mga hindi pa kasama eh nagpapamake up na. O ano, Mykel, okay na ba ito? Hindi. Ang pangit. Blahblahblah. Sinabi niya lahat ng mali. Ayun. Ito, doon. Dapat ganun, ganyan. Ang arte pero tama rin naman yung nakikita niya. AT Hindi naman alalay si Mykel eh, para siyang critic. Mukha pa ngang alalay si Chris eh! Bossy talaga! Graar. Yung 2nd scene si Jonathan lang. Solo. HAHA. Nakailang shots din. Buti na lang nauso ang digi cam, dahil kung hindi, 2nd scene pa lang eh ubos na yung film dahil sa kaartehan ni Mykel! Arrtteeehh. Eh kasalan niyo, ako yung tinatanong niyo eh. Guys, okay lang yan, tama naman eh.

3rd, Ganun pren daming arte. 4th! Reesha, ikaw na. Kunyari titingin ka lang sa kawalan, kunyari namomroblema, alam mo naman yung istorya diba? Uo. Geh.

Huminga ako ng malalim. Kinakabahan talaga ako. Okay na? Narinig kong tinanong ni Chris kay Mykel. Hindi. Para siyang duling. Isa pa.

Sa pangalawang shot, may ayaw na naman siya. Sa third, Ang pangit, isa pa. Fourth, Pwede na nga, Sige. Ampucha, parang napilitan pa ah!! >:(Kung pwede ko lang pugutan ng ulo yang si Mykel! aba kanina ko pa ginawa! halos mangawit na leeg ko noh! Next scene, ako, yung king at yung mapapangasawa kuno. 6th scene! O, Jonathan, Reesha, kayo na pala. Kinausap kami ni De'an. Kung tinatanong niyo naman kung okay na kami ni Athan. Para sa kanya, uo. Sa akin? Ewan ko. Ganito, Para maintindihan niyo, ikukwento ko muna sayo yung story... May princess, eh nainlove siya dun, sa servant nung King. So parang patago yung relationship nila, tapos yung King parang sinet up niya yung princess sa prince ng ibang kingdom. So nag kita ng patago si Servant at Princess... Dun nila napag usapan na magtatanan sila, na ikinuwento naman ni Princess dun sa friend niyang may gusto pala dun sa prince na sinet up sa kanya, so si friend, para mapalapit kay prince eh, sinabi niya dun. So naghabulan sila, blah2. HAHA.

At ang princess at servant, ay kami. Ako at si Athan.

6th scene. Uhmm. Ito, ito yung scene na magsusumbong ka kay Jonathan, tungkol sa arranged marriage. Uhm. Ayun, maghuhug kayo. HAHAHA. Lumaki yung mata ko, as in LITERAL! Huwat?! Hmm. Dapat ganyan oh, tularan mo si Jonathan. HAHA. No comment Tiningnan ko si Jonathan na nakikinig lang sa iPod niya. Gaaaaahh.

Ito na, ito na.. Nanginginig akong nilagay yung mga kamay ko sa balikat ni Jonathan. Yakap ba yan? HAHAHAH!! Chrriiss! Yakap. Lumapit si De'an sa amin. Ganyan Sabay hagis (wat a term) ng ulo ko sa balikat niya. Ganyan lang. First shot, Mali eh. Waat. akala ko purket kumain si Mykel eh mapapadali ito! Ganyan lang ah, tapos Jonathan tumingin ka sa taas, worried yung itsura, ikaw naman reesha, idikit mo naman yang ulo mo sa balikat niya. Yung isang kamay Jonathan, sa buhok ni Reesha, yung isa nasa likod niya.

Ayyaaaann! HAHAHAHA!!

*click*

Bumitiw agad ako.

O, hala sinong nagsabing tapos na?! HAHAH. Isa pa!! Tae yan oh, pinagttripan niyo na ako eh! Hindi ah. Game na, game na. So ayun, gagawin uli namin tapos dumating si Mykel. Ano toh? 6th scene.

Oy game na, Reesha. Aakap na sana uli ako nang biglang kinuha ni Mykel yung digi cam kay Chris...

Tama na yan. Okay na.

Aba himala?!

Wala kang comments?! HAHA.

Tsss... Next scene na, gusto ko ng umuwi.

Bigla ka atang nabadtrip thol? Bilisan mo na! Sabi ko nga. 7th scene, Ikaw at si Alexa. Hindi ako makakilos masyado, feeling ko kasi may boses ipis na nakatingin sa akin ng masama. Ano na naman kayang ginawa ko? Amf naman.

Ito yung scene na sasabihin mo kay friend yung tungkol sa pagtatanan. Naka 5 shots kami. Takte. Binawian ata ako nitong lalaking to ah! lahat ng comments niya tungkol sa akin! "Ano ba yan Reesha, saan ka ba nakatingin?!" "Ngiti naman Reesha! " "Reesha, kunyari may sinasabi ka!"

Tae. Yan ba? Yan ba ang assistant photographer?!! Soo.... 8th scene, Kayo uli ni Jonathan. This time, yung magtatanan kayo, holding hands. Hindi na ako nagsalita. Let's get this over. Hindi kami okay. Hindi talaga kami okay. 1st shot, hinihintay ko lahat ng comments ni Mykel. Malaki ata talaga galit sa akin nito eh.

Okay na.

Sinabi niya yun ng walang karea- reaction. Pero natuwa naman ako, HAHA. Tumagal pa kami ng 1 hours para sa natitirang 2 scenes. Dami kasing chuchu ni Mykel. Laging nakakailang take. Arte. So nagbihis na ako, pagkalabas ko ng CR...

Ga goh ka talaga Bakit? Bias ka! Pag si Reesha at Jonathan hindi mo pinapahirapan! Pag iba daming comments! HAHA Siraulo! Tangek. Pinahirapan kaya niya si Reesha! Ilang shots yun oh! Kung ako yun, sinapak na kita! Sakita kaya sa leeg nun!

Aahhh. gets. Manahimik ka! Hindi ka na Bias! HAHAH

Nagseselos ka lang.

Sasaluhin ko na sana yung laway ko sa kilig eh, kaso mukhang luha ang sasaluhin ko nung sumagot siya kay Chris...

Asa naman.

Chapter 19 Nangyari sayo? Ha? Tumingin lang ako sa malayo. Bakit? Siya lang ba ang may karapatang umiwas? At sabihin ko mang hindi ako umasang ako na yung gusto niya, hindi ko mapagkakailang nasaktan ako nung gabing yun. Anong nangyari sayo nung Sabado?

Pakialam mo? Wala. Alam mo bang andaming scenes na hindi na nilagpasan dahil absent kayo ng shota mo. Heck. Hindi ko bf si Jonathan! Tumawa siya ng sarcastic. Nagdate kayo? Hindi. Deny ka pa, wala na rin namang magagawa eh. Sina-.... Hoy babae! Sinong nagsabing pumasok ka?! Baka mabinat ka!! Epal mo talaga! Okay na ako Alexa. Chill lang. Doon lang niya narealize na katabi ko pala si Mykel kaya umalis siya agad. Nag-. Uhmm. Nag kasakit ka? Uo. Kaya hindi ka nakaattend?

Tumango ako.Chaou! Palibhasa kasi putak ng putak. Pasakan ko ng bulak yang bibig mo eh nang hindi ko na marinig yang boses ipis mong boses!! Ah.. Binantayan ka ni Jonathan? Sweet niyo naman. Sarcastic ang puccha. Showbiz ka rin eh noh. Pero hindi, hindi ko alam kung saan nagpunta yun, at wala akong pakialam. Pagkatapos nun tumayo na ako. Ewan ko ba sa buhay ko. Kung bakit, kaibigang lalaki na nga lang, sasaktan pa rin ako. Chapu naman o. Hindi na kami masyadong nag-uusap ni Athan. Hindi na siya sumasabay sa amin pag breaks, sa room naman, nakakabanas lang siyang kausapin kasi puro si Jam mukhang bibig niya. Alam kong siguro medyo nagpapaka OA lang ako, pero try niyo lang....

Try niyo lang na sa isang iglap, pakiramdam mo binitawan ka nung taong kinakapitan mo Oh-kay. Enough. Pababa na kami ni Zara papuntang canteen.

Reesha! Ma'am? Tawagin mo nga si Jonathan...

Nice. Athan!

Tiningnan ako ni Jam ng medyo masama at gulat. Tae. Pareho pa kami ng tawag. Uhm. Jonathan, tawag ka ni Ma'am Sapat. Sige.

Inintay muna ni Jonathan si Jam para sabay silang maglakad.

*blag* Nagulat na lang ako nung nahulog yung baunan ni Jam.

Zara naman! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Jonathan, kung hindi mo napansin, nakatingin ako sa dinadaanan ko. Eh bakit nabunggo mo siya?! Nagkataon lang na hindi ako nakayuko, kaya hindi ko siya napansin.

Ano bang problema mo?! Umupo si Zara sa pinaka malapit na upuan. Wala naman.

Anyway, sorry ha!

Tapos hinatak ko na si Zara. This time, hindi ko na talaga mapigilan yung tawa ko! HAHA. Nakakatawa yung mukha ni Jam at ni Athan Jonathan. Tae ka, bakit umupo ka pa? Siyempre, mabait ako eh. Connection? Para di na mahirapan tumingala yung dwende-like na yun! HAHAH. Nagtawanan na lang kami habang pababa na kami ng hagdan. Laughter is the best medicine sabi nga ni Doc Aga. Sino bang nagsabing manligaw ka? Felize naman. Sino bang nagsabing maghintay ka? Wala. Pero gusto ko.

May pag-asa naman ako diba.. At sino bang nagsabing gusto kita?

Yumuko nun si Fey, arrggh! kitilin si na si Felize!

Look, Fey alam mong hindi pa ako pwedeng magboyfriend, alam mo ring aalis ako after graduation. Kaya please? Wag mo na lang pagpilitan, ikaw rin lang naman yung nasasaktan eh. Yun yung point Felize. Ako lang yung nasasaktan, so would you just let me show you how much I care? Kahit hanggang dito lang.

Kinuha ni Felize yung mga gamit niya tapos tumayo na. Hindi ko man masasabing mahal ko si Fey, pero nasasaktan ako para sa kanya. How I wish I could take that pain away. Nakakatawa noh, andami ko ng pinagdadaanan ngayon, pero nasasabi ko paring gagawin ko yun, pag may pagkakataon. Siguro ganun talaga, pag naging mahalaga na sayo ang isang tao, hindi na mahalaga yung sarili mo, ang mahalaga na lang sayo eh yung ngiting makikita mo sa mga labi niya. Tara na. Hinatak ako ni Zara tapos napatingin si Fey. Congratulations talaga Felize. Now, he's crying.

Chapter 20 Tumingin ako sa right. Sa left. Sa likod. Sa harap. Wala. Isa lang ang pinto. This time, it is for real. Nalock kami sa room. Sinubukan kong tawagan yung mga classmates ko, pero walang sumasagot. Pasaway ka. ANO?! Kinuha ni De'an yung cellphones at iPods diba, para wala daw pasaway. Tapos ikaw di mo sinurender. Tsk.

Yun eh. Kaya pala walang sumasagot! Waa. Bakit ganito ang nangyayari?!

Bwisit! Bakit di mo sinabing sira ka? bobo! Binato ko ng bola yung door knob. Kainis! Sisihin daw ba yung pinto? Wala yang kasalanan. Uo, dahil ikaw may kasalanan nito! Kung hindi mo binagsak yung door edi wala tayo dito! Tsss. Ako na naman.

Sa sobrang kabugnutan ko, umupo ako sa isang sulok.

Dalawang oras na kaming naghihintay dito. Kanina pa ako sigaw ng sigaw parang ambibingi naman ng mga tao! Ang init init pa dito, halos hindi na ako makahinga. Ambaho pa at ang alikabok. Gaaahh. Allergic pa naman ako dito!At gutom na gutom na ako!

Nahihilo na tuloy

ako. Musta na kayo ni Jonathan? Si Jonathan? Tama si Jonathan!

Dinial ko agad yung number ni Jonathan. Ang alam ko kasi malelate siya, baka naman nasa kanya pa yung phone niya.

Jonathan! Hello? Jam. Si Jonathan? Nasa CR eh. Toooooooot.

Nag shrug ako. Napakabait talaga nung dwende-like na yun! Pucha. Okay ka lang ba? Bakit namumutla ka? Okay lang ako.

Uhmm. Kwento ka naman. Ang boring eh. Kaw na lang. Eh? Ganito na lang. Anong type mo sa lalaki? Natawa ako sa tanong niya.

Showbiz talaga!

Uhmm. Yung.. Hirap explain. Yung one in a million? Yung walang kapareho? Yung nag-iisa? Ganun yung mga type niyo di ba? Tapos tumingin siya sa taas. Bakit ganun ba yung type ni Jill? Pwes, wag mo ako isali sa "niyo". Hindi ako katulad nila. Eh anong gusto mo? Gusto ko yung... Yung typical boy-next-door or kahit ano, basta nothing special. Typical nga lang. Tapos kumunot yung noo niya. Pero kahit ganun, kaya niyang iparamdam sa akin, na nag-iisa lang siya, sa sarili niyang paraan. Na maramdaman ko na, kahit katulad lang siya ng iba, hinding hindi ko siya ipagpapalit sa kanila. Ah okay.

Hindi ko gets?

Sira!

Ganito, typical lang siya kung titingnan ng iba pero pag dating sa akin, dapat

mapakita niyang kakaiba siya. Kaya pala wala kang boyfriend eh. Ang taas ng standards mo. Actually hindi, madali lang yun. Hindi kaya. Madali lang yun, basta mahal mo yung tao mapaparamdam mo sa kanya yung pagiging "special" na yun. So.. naramdaman mo na ba yun? may typical na naging special na ba? Oo. Ah. Bakit kayo nag break? Hindi naman kami nagbreak. Kasi wala naman naging kami. Bakit?

Hindi naman pala niya ako mahal eh. Akala ko lang.

Ang drama. Ikaw kasi eh.

Nalungkot tuloy ako lalo, naalala ko kasi yung dati. Yung dating, gusto kong hindi isipin, pero hindi ko kayang kalimutan. Dinial ko uli yung number ni Jonathan. Walang sumasagot. Tae. Paglulon na sa pride toh. Siya na lang kasi yung naiisip kong makakatulong sa amin. Malayo kasi tong bodega sa pinagppractisan namin. Tae. Hindi ba nila napapansin na nawawala kami?

Dinial ko uli yung number. Tapos dinial ko uli. Tapos dinial ko pa uli. Tapos biglang cannot be reach na yung number niya.

Okay ka lang ba ta-....

Reesha! Reesha!

Naririnig ko siya pero wala akong lakas na sumagot o idilat man lang yung mata ko. Nanghihina na talaga ako. Naramdaman kong unti unti niya akong binaba sa floor, tapos may pinagpapatungan yung ulo ko, hindi naman malambot, pero hindi rin matigas...

Sorry.

Yun na yung huli kong narinig.

{-Mykekl’s POV-} Mykel! Mykel! Naramdaman kong may yumuyugyog sa balikat ko. Aray. Itataas ko sana yung right leg kasi nangangawit na, kaso naalala kong doon ko pala pinatong yung ulo ni Reesha.

Anong nangyari sa inyo? Na lock? Kanina pa namin kayo hinahanap! Buti na lang may pinakuhang gamit si De'an dito! Anong nangyari kay Reesha? Nahilo. Binuhat ko si Reesha papunta sa loob ng bahay nila De'an, tapos hiniga namin siya sa guest room. Tapos nag simula na silang mag interogate...

Ang alam ko kasi tinawagan niya si Jonathan. Ewan ko pero parang hindi sumasagot kasi ilang beses niyang dinial. Tapos after nung huling dial niya nahimatay na siya nun..

Guys! Sorry late ako. Dumating ka pa! Anong problema mo?! Lahat kami nakatingin lang kay Jonathan at Alexa. Problema ko?! Ito oh! Binuksan niya ng bahagya yung door tapos tinuro si Reesha na natutulog sa kama. Anong nangyari sa kanya? Teka titingnan ko lang si Reesha. Uuulluuull. Paconcern effect ka pa dyan! Eh kung sinasagot mo lang yung tawag sa iyo ni Reesha edi sana naagapan agad! Bakit ako!? Tapos dun na ako nag salita, inexplain ko kung bakit siya. Sorry. Hindi lang yan, bakit ngayon ka lang dumating?! Ano ka espesyal na kahit anong oras mong gustuhin pwede?! After nun, hinatak na nila si Alexa. Nung kumalma na sila pareho, balik trabaho, at dahil wala akong role sa project, napilitan akong bantayan si Reesha.

~ Kinabukasan*

Uy De'an, thanks talaga kahapon. Sorry din. Okay lang yun. Buti naman okay ka na, kinabahan kami kahapon eh. Salamat uli. HAHA.

Teka, ikaw ba yung nagsara nung door nun?

Hindi. Si Mykel. Ah. Baka nakalimutan niya. Dapat pala sayo ko lang sinabi. Ang ano?

Sinabi ko kasi sa kanya na wag niyang ibabagsak kasi sira yung door.

Chapter 21

Sorry. After 1week ngayon lang siya nagkaroon ng guts para mag sorry. Teka, ngayon lang ba siya nagkaroon ng lakas ng loob o talagang pinili niyang pairalin yung pride niya? Okay. Teka, galit ka ba? Wag kang mag-alala, di mo naman ako responsibilidad Jonathan kaya di mo kailangang maguilty kung nagiguilty ka nga. Nilagyan ko ng emphasis yung Jonathan at binulong yung huling part. Nasasaktan akong ginagawa ko sa kanya ito. Pero mas nasaktan naman ako sa lahat ng ginawa niya sa akin. Tinanggal ko yung pagkakahawak niya sa wrist ko tapos tinapik ko yung right shoulder niya. Kung hanggang dito na lang itong tinatawag nating pagkakaibigan, nagpapasalamat ako sa lahat. Ano ba?!

Itigil na natin to, bago pa ako mawalan ng respeto sa iyo. Anong ibig mong sabihin?! Na pinuputol mo na tong pagkakaibigang toh?! Teka, pagkakaibigan nga ba ito? Eh ga goh. Kinekwestyon mo ba yung sincerity ko ha?! Kung kwestyunin mo muna kaya yung sayo?! At sino bang unang pumutol sa pagkakaibigang ito?!

He was like my bestest friend but now, he's just someone i used to know. Fine! Iwanan niyo akong lahat! Hindi kami yung nang iwan. Ikaw. Tapos naglakad na ako palayo. Pinunasan yung luhang namumuo sa mga mata ko. Sino ba namang gustong kalimutan ang isang kaibigan? Pero ano pa bang magagawa ko kung siya mismo yung naunang makalimot. I'm still hoping that everything will be fine. I'll wait for the day that I can call you ATHAN again.

*blag*

So-.. rry. No, it's my fault. I'm sorry. Yumuko ako at dumiretso na ng lakad. Yayks. Kinikilig ako. HAHAHA. Pwede bang wag ka munang umalis, Reesha. Okay. Literally, nanigas ako. HAHA. Is he talking to me? Bobo. Malamang talaga Reesha. Kaya nga may Reesha sa dulo diba. Tinabihan ko siya dun sa inuupuan niya. Ano kayang nangyari sa kanila ni Felize? May gagawin ka ba? Wala. After nun, hindi na siya nagsalita. Pero kahit ilang oras pa kaming ganito, wala akong balak iwanan siya. Para mafeel niya na hindi naman siya nagiisa. Kahit alam kong hindi naman talaga ako yung gusto niyang makasama.

Sorry ha. Kailangan ko lang ng kausap. Eh hindi ka naman nagsasalita eh. HAHA. Sorry. Nakakailang kasi. Bakit parang ang lungkot mo? Ha?Wala. Ikaw? Anong nangyari sayo? Uhh. wala. Toooiinks. Nakakahiya kasi. Hindi mo naman kasi ako kilala. I mean hindi literal ah. Gets. Pero, kilala kita, higit pa sa akala mo. Ako hindi siya kilala? Assuu. Ako pa na stalker niya?! HAHAHA

Nyyaaay. Katakot ka naman. HAHA. Joke lang.

Joke lang na joke yun.

Baka biglang tumakbo toh eh

Nung napansin kong medyo okay na siya, nagpaalam na ako, nagtext na kasi si Alexa at Zara. Pupunta ka ba dun sa fields? Yap. School fair na school fair nagddrama tayo dito. Tsk. Sama ako. Kung ano... Kung okay lang? Paano kung ayaw ko? HAHAHA. Ganun? Ayaw mo? Uo. Edi wala akong magagawa.... Sasama pa rin ako.

.

Tapos nagtawanan na lang kami. Hay. Ang saya. Sana ganito na lang palagi. Fey! Tumingin kami dun sa lalaking nakatayo sa first floor na tinuturo yung relos niya sa kamay. Sorry! Papunta na ako. Ngumiti siya sa akin tapos nagbbye.

Hay. Ang saya pero nakakalungkot. Parang panaginip. Ang ganda gandang panaginip. Kaso tulad ng mga totoong panaginip. Darating ka sa puntong... magigising ka. Chapter 22 Ilang araw na rin ang nakalipas, hindi ko pa rin nakkwento sa kahit kanino yung nangyari after nung kay jonathan, i mean yung kay fey, kasi kahit ako, nagdududa kung totoo ba yun o talagang imagination ko lang? ewan ko ba. alam niyo yung feeling na may iniimagine kang napaka impossibleng mangyari pero biglang nangyari? ganun. ganun yung feeling. Nwys, nagmumukmok ako sa room ngayon, fair pa rin namin. Hindi kasi mafeel palibahasa loner ako, si Alexa may play kaya practice ng practice, sila Zara naman may booth, si Jonathan? Ay ewan. Ayaw ko naman maghanap ng iba kasi tinatamad ako kaya ito…

Nong ginagawa mo dito? Lumapit sa akin si Mykel na may dalang lasagna at nestea iced. Uhm. Wala? Kumain ka na? Tumingin ako sa orasan, 1pm na pala, hindi pa rin ako naglulunch… Tsk. O. Inabot niya sa akin yung dala niya. Sayo yan eh. Hindi. Ha? Basta, kainin mo na kasi. Tae naman eh. Fine fine! Sorry naman.

Nung natapos na ako kumain… Ang bagal mong kumain!! Halos sampung minuto akong nakatunganga dito! Eh bakit di mo kasi ako kinausap? malamang kumakain ka? so? Kasi may manners ako. tsss..

Inirapan ko lang siya. Epal eh. Pero salamat sa food. Bakit di mo ata kasama si Jonathan? Buti na nga lang may table manners siya kung hindi nawalan ako ng gana kumain. Diba, bawal pag usapan habang kumakain ang hindi magandang bagay?

Hindi lang okay ang lahat.

Hindi okay ang lahat? O ikaw ang hindi okay? Hindi ako okay kasi hindi okay ang lahat. Ang lahat ba ang hindi okay kaya ka hindi okay o baka hindi ka okay kaya pati ang lahat hindi na rin nagiging okay? Napatahimik ako. Bakit ba nasasapol ako nito?

Ano bang ibig sabihin mo? Alam ko namang naiitindihan mo, ayaw mo lang aminin kasi totoo. Pero dahil mabait ako….

Hindi mo kasi matanggap na may mas mahalaga na para kay Jonathan kesa sayo.

Ano bang alam mo?! Wala.

Sige, pumunta lang naman ako dito para ibigay yan eh.

Yan? Anong yan?! ~** Walang practice si Alexa at hindi naman nagbabantay ng booth si Zara kaya magkakasama kami at dahil pare preho kaming depress nila Alexa naglaro kami ng "flying cellphone"

palayuan ng

bato ng cellphone! Wooo..

Ppsst. Lumingon ako, familiar yung boses pero wala naman akong makitang familiar na mukha. Reesha.

Lumingon lingon uli ako, kilala ko yung boses na yun eh. Waa. Sana hindi. nung nakita ko na yung familiar na mukha na yun.

Saka ako tumigil

Sis, Okay ka lang? I forced a smile. Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon apektado pa rin ako.

Uo, si Ivan lang yan.

Si Ivan na minahal ko simula grade 6. Siya na, hinihintay ko kahit alam kong hindi na siya babalik. Siya na, natatakot akong mawala kahit alam kong hindi siya sa akin. Siya ang past na ayaw kong isipin pero hindi ko kayang kalimutan. Si Ivan na gusto kong kagalitan pero natatakot akong saktan. Si Ivan na minahal at patuloy kong minamahal kahit alam kong kahit kailan hindi ako magiging sapat para sa kanya.

Oo nga, si Ivan lang yan. He's just my fcukin first love.

At nanghihina akong lumapit sa kanya. Ilang taon na rin ang nakalipas, hindi pa rin siya

nagbabago. Yung mukha niya walang karea-reaction. And that makes him different from others, hindi siya showy pero pag nagmahal todo. Malas ko lang hindi ako yung minahal niya.

Bigay mo kay Kokoy. Paki sabi balik niya sa akin next week. Inabot niya sa akin yung bala ng Ps2. Tapos yumuko ako.

Uhmm. Iv-..

Bye.

Nakita ko siyang palabas na ng gate ng school namin, hindi ko man lang namalayan, hindi man lang nagpaalam. Hindi pa nga talaga siya nagbabago dahil hanngang ngayon, wala pa rin akong halaga para sa kanya.

Chapter 23 Napakasalimuot ata ng araw na ito para sa akin. Dahil wala na naman akong kasama pumunta na lang ako sa may grade school building, wala kasing masyadong tao dito ngayon, dahil medyo malayo toh sa fields at halos lahat ng tao andun kasi nga fair. Tiningnan ko yung bala ng Ps2 na inabot sa akin ni Ivan. Ewan ko ba, hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganun na lang yung tingin niya sa akin, walang halaga. Alam ko namang no match ako dun sa gusto niya eh pero bakit kailangan ganito yung trato niya sa akin? tapos mas ramdam na ramdam ko pa kasi hindi naman siya ganun sa friends ko, sa akin lang siya masungit, sa akin lang siya walang paki. Kaga gahan na kung kagagahan, binago ko yung sarili ko, nagpaka adik ako sa ps2, kung anong type niyang band ginusto ko na din para lang may mapag usapan kami, para lang masabi naman niya na okay din pala ako. Pero hindi niya ako ginustong kilalanin pa. Yun lang yun eh, yun lang yun tingin niya sa akin..

"Spoiled Brat. Happy-go-lucky. Maarte"

Alam niyo ba kung gaano kasakit masabihan ng ganun? Lalo na pag hindi totoo. Lalo na pag yung nagsabi eh yung taong mahal mo. Alam niyo ba yung feeling na ginawa mo na ang lahat, akala mo mamahalin ka na niya, pero sa dulo iiwan ka rin pala ng walang explanation. At ang pinaka masakit pa, alam kong wala rin akong karapatan para manghingi ng explanation. Sinubukan ko naman siyang kalimutan eh, sa dinami dami ba naman ng pasakit na ginawa niya, hindi ko ba gugustuhang kalimutan siya dba, kaya lahat na ng gwapong makita ko crush ko na. Ginawa ko naman lahat para kalimutan siya eh, pero sa tuwing magpaparamdam siya hindi ko mapagkakailang hanggang ngayon, mahal ko pa rin siya. Naramdaman ko na lang na may tumapik sa likod ko.

Fair na fair, nagddrama ka dyan? Pinunasan ko agad yung mga luha ko. Nakakahiya. Kababae mong tao nahihiya kang umiyak.. Okay lang yan noh. Hindi ko katulad nila, ayaw ko ng nakikita akong umiiyak, ayaw kong nakikita nilang mahina ako.

Hindi na, ayaw ko na, kasi alam ko isa yun sa mga rason kung bakit ayaw na ayaw sa akin ni Ivan, dahil nung mga panahong yun, masyado akong iyakin. masyado akong mahina.. Umupo siya sa tabi ko tapos inabot sa akin yung panyo niya pero hindi ko kinuha may panyo naman kasi ako diba. Nakakatawa mang isipin pero hindi ako kinikilig kahit katabi ko si Fey, siguro, masyadong masakit yung nararamdaman ko kaya hindi ko maramdaman yung kilig na yun.

Alam kong hindi tayo close pero....

bigla niya akong niyakap.

Iyakan mo muna yung balikat ko. Hindi ko napigilan yung mga luha ko, sobrang nasasaktan lang talaga ako.

Okay ka na? Uo. Sorry. Salamat. Nakakahiya. Hmm. Ano bang nangyari? Wala. Feeling ko lang talaga napaka kulang ko, napakawalang kwenta. Tumingin siya sa taas, tapos nagsmile ng malamya. Bakit mo feeling? kasi may nagpapafeel sayo?

Tumango ako. Siguro nakakarelate din siya, ganto rin naman yung sitwasyon niya kay Felize diba, pero mas katanggap tanggap nga yung akin eh, kasi MAS naman talaga sa akin yung

mahal ni Ivan eh. Pero siya, MAS siya kesa dun sa gusto ni Felize.

Edi iprove mo sa kanya mali siya. Sinubukan ko naman eh. Pero wala eh. Kung hindi niya nakikita yung worth mo, edi hindi siya para sayo. Alam ko, siguro nga, pero tayo naman gumagawa ng sarili nating kapalaran diba? Siguro nga, gagawin mo ang lahat para sa taong mahal mo, kahit kalabanin mo pa yung nakatadhana sayo.

haha. Nakakatawa, ano nga namang karapatan kong sabihin yung tungkol dun, eh ganun din ako diba? Hay naku. Change topic nga! HAHAHA

Tapos nagtawanan na lang kami nun. Teka, kilala mo ba yun?

Tumuro siya dun sa may taas na hagdan. Tumingin naman ako.

Ay wala na pala. Bakit? Meron ba dun kanina? Uo..

Nung nasa kabilang building pa lang ako, tapos nakita kita, nakita ko rin siya, kaya hindi agad ako pumunta dito kasi akala ko friends kayo kasi nakatitig lang siya sayo, eh hindi ka naman niya nilalapitan kaya lumapit na ako.

Kinilabutan ako nun, ang alam ko kasi wala namang tao dun kanina eh. WAAAA.

Related Documents

Hug
June 2020 11
00-1723
May 2020 7
Dbsk Hug
April 2020 40
W3-1723
December 2019 7
Ec 1723 Pset 4
October 2019 15
Hug 8-16
April 2020 0