“Hindi Ako Uto-Uto" Movement "Hindi Ako Uto-Uto" Movement aims to encourage all Filipino voters to be more discerning in scrutinizing politicians who will run in the 2010 elections. The discerning voter: 1. is able to see beyond pandering political statements 2. will ignore politicians who do nothing but criticize other politicians to make themselves appear better 3. will avoid all variety shows masquerading as campaign sorties 4. will not accept gifts whether in cash or in kind from politicians 5. will not be content with campaign promises not backed by well thought out, detailed, and clear plans of action 6. will not support candidates who will run their campaign on the strength of song and dance numbers, pageantry and statements pandering to the public's anger 7. will vilify political ads that offer nothing but motherhood, feelgood statements 8. will support only candidates who are able to provide well thought out and clear platforms or plans for the country 9. will demand from all candidates a clear plan of action to fight government corruption "Hindi Ako Uto-Uto" Movement believes that by observing the aforementioned ideas the voting public will be able to force political candidates to raise the level of campaigning in this country. There is no need to sign up with any group to be part of this movement. Just put the ideas stated above into action. *You may not make changes to this document but you may change how you assess the candidates of your choice. *You will not receive any fashion accessory in exchange for your cooperation. Be content with the thought that you helped ensure a better future for the Philippines.
www.betterphilippines.com
"Hindi Ako Uto-Uto" Movement Layunin ng "Hindi Ako Uto-Uto" Movement na hikayatin ang mga botanteng Pilipino na maging mas mapanuri sa pagkilatis sa mga politikong kakandidato sa halalan sa taong 2010. Ang botanteng hindi uto-uto ay: 1. hindi nagpapadala sa anumang pambobola mula sa mga politiko 2. hindi makikinig sa mga politikong wala nang ibang ginawa kundi ang manira sa iba pang mga politiko para palabasin na mas matino sila 3. hindi dadalo sa anumang miting de abanse o kampanya na nagmimistulang variety show 4. hindi tatanggap ng anumang regalo -- pera man,gamit o produkto -- mula sa mga politiko 5. hindi makukuntento sa mga pangakong hindi suportado ng mahusay, malinaw at detalyadong plano ng implementasyon 6. hindi susuporta sa mga politikong idinadaan ang pangangampanya sa pasayaw sayaw, pakanta kanta, pagpapacute at pagpukaw sa galit ng mamamayan 7. mapagkutya sa mga political ads na walang laman maliban sa mga mapang-utong pananalita 8. susuporta lamang sa mga kandidatong nakapaglalahad ng malinaw at mahusay na plataporma o plano para sa bayan 9. hihingi sa mga kandidato ng malinaw na plano para sa pagsugpo sa katiwalian sa pamahalaan Naniniwala ang "Hindi Ako Uto-Uto" movement na sa pamamagitan ng pagsunod sa mga nabanggit na ideya mapupuwersa ng mga botante ang lahat ng mga kakandidatong politiko na itaas ang lebel ng pangangampanya sa ating bansa. Walang kailangang salihan para maging bahagi ng pagkilos na ito. Gawin lamang ang mga nabanggit sa itaas. *Hindi mo maaaring baguhin ang nilalaman ng dokumentong ito ngunit pwede mong baguhin kung paano mo kikilatisin ang mga napupusuan mong kandidato. *Wala kang matatanggap na anumang borloloy bilang kapalit ng inyong kooperasyon. Makuntento na lamang sa ideyang nakatulong ka sa pagtitiyak ng mas magandang kinabukasan para sa Pilipinas. www.betterphilippines.com