MGA KABIHASNANG NAGMULA SA HILAGANG ASYA
LOKASYONG HEOGRAPIKAL NG HILAGANG ASYA • Sa kasalukuyan, ang bansang Mongolia ay kabilang sa rehiyon ng Silangang Asya, ito ay dahil ang Inner Mongolia ay nasa ilalim ng China. • Subalit sa kasaysayan, ang Mongolia ay kabilang sa Hilagang Asya. • Kakaiba ang kultura at takbo ng kasaysayan ng mga taga Hilagang Asya (Mongol) kung ihahambing sa mga Tsino, Hapones, at Korean.
ANG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG TAO SA HILAGANG ASYA • Ang Hilagang Asya ay tirahan ng mga nomadikong pastoral na pangkat ng tao simula pa noong Panahong Neolitiko. • Lumitaw ang kulturang mandirigma ng mga taga Hilagang Asya dahil sa partikular na kapaligiran nito. • Pananakop ang batayan ng pagbuo ng mga estado sa Hilagang Asya. • Militarisado ang kabiasnang ito at talamak ang mga labanan.
ANG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG TAO SA HILAGANG ASYA • Sila ay bukas ang loob at mapagtangkilik sa mga impluwensiya ng ibang kabihasnan. • Halimbawa nito ay ang pagyakap nila sa Islam ng Kanlurang Asya at Buddhism ng Timog Asya habang patuloy pa rin ang katutubong relihiyon, ang Shamanism.
ANG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG TAO SA HILAGANG ASYA • Nakasentro sa relihiyong Shamanism ang Shaman na pinaniniwalaang may kontrol at ugnayan sa mga espiritu. • Sinasabing may angking mahika ang Shaman na kanyang ginagamit sa pagpapagaling ng maysakit at pagkontrol ng mga pangyayari.
ANG HUN AT XIONGNU • Sila ay mga estadong pantribo. • Namayani ito noong Panahong Neolitiko hanggang sa kalagitnaan ng ika-12 siglo. • Sila ay mga nomadikong pastoral na pangkat at paminsan-minsan ay nagtatanim din ng butil. • Nanirahan ang Xiongnu sa hilagang bahagi ng China. • Nakabatay ang kanilang sistemang politikal sa katapatan sa kanilang pinunong mandirigma.
ANG HUN AT XIONGNU MAODUN • • • •
•
Siya ay anak ni Touman na naging pinuno din ng Xiongnu. Pinatay ni Xiongnu ang kanyang ama na si Touman noong 209 B.C.E. Siya ay namuno sa Xiongnu mula 209 B.C.E. hanggang 174 B.C.E. Ipinatupad niya ang masalimuot na herarkiya ng hukbo na pinamumunuan ng 24 na aristokratikong opisyal. Ang bawat opisyal ay may 10,000 mandirigma.
ANG HUN AT XIONGNU ATTILA • • • •
Siya ay kilala rin bilang “Attila the Hun.” Pinamunuan niya ang mga Hun mula taong 434 hanggang taong 453. Nilusob niya ang Iran (Persia) at ang silangang Europe. Pinangunahan din niya ang pagsalakay sa Greece, Germany, at Italy at naging banta din sa Imperyong Roman (Rome) noong ika-5 siglo C.E.
ANG IMPERYONG MONGOL • Ang mga Mongol ang pinakamalakas na pangkatnomadiko sa Hilagang Asya noong huling dekada ng ika-12 na siglo. • Sila ay nagmula sa Mongolia na may mga hiwahiwalay na kagubatan at steppe sa hilagang kanluran ng China. • Sila rin ay nahati sa mga angkan tulad ng ibang nomadikong pangkat.
ANG IMPERYONG MONGOL GENGHIS KHAN (TEMUJIN)
• Noong dakong 1200, matagumpay niyang mapag-isa ang mga angkan sa kanyang pamamahala. • Siya ay tinawag na “pinunong pandaigdig” simula noong taong 1206. • 26 na taon niyang pinamunuan ang pagsakop sa malaking bahagi ng Asya. • Namatay si Genghis Khan noong taong 1227 dahil sa isang karamdaman at ipinagpatuloy ng mga sumunod na pinuno ang pagpapalawak ng Imperyong Mongol.
ANG IMPERYONG MONGOL • Ipinagpatuloy ni Ogedei (Ogodei), anak ni Genghis Khan, ang pamamahala sa imperyo mula 1229 hanggang 1241. • Pagkaraan nito, hinati ang Imperyong Mongol sa apat na bahagi na tinawag na Khanate.
ANG IMPERYONG MONGOL KHANATE GREAT KHANATE
Mongolia at Silangang Asya
KHANATE OF CHAGADAI
Gitnang Asya
ILKHANATE
Persia
KHANATE OF THE GOLDEN HORDE
Russia
ANG IMPERYONG MONGOL • Sa pagdaan ng panahon, naimpluwensiyahan ang mga Mongol ng pamumuhay ng mga tao na kanilang sinakop. • Halimabawa nito ay ang pag-aangkop ng sistemang politikal ng China sa Great Khanate, at ang paganib sa Islam ng mga Mongol sa Ilkhanate at Golden Horde.
ANG IMPERYONG MONGOL • Mula sa kalagitnaan ng ika-13 hanggang ika-14 na siglo, napanatili ang kaayusan at kapayapaan sa Imperyong Mongol. • Ligtas ang paglalakbay, aktibo ang kalakalan, at mapayapa ang lipunan sa malaking bahagi ng imperyo.
PAMUMUNO NI TIMUR TIMUR • • • •
Siya ay kilala rin bilang “Timur the Lame” o “Tamerlane.” Ipinanganak siya noong taong 1336 at namatay noong taong 1405. Namayani ang kanyang pamumuno mula taong 1370 hanggang 1405. Ipinahayag niya na siya ay nagmula sa angkan ni Genghis Khan.
PAMUMUNO NI TIMUR • Nagmula sa Khanate of Chagadai ang pamilya ni Timur. • Tinangka niyang bumuo ng bagong imperyo. • Nasakop niya ang Persia (Iran) at Mesopotamia. • Tinalo niya ang Golden Horde na nasa timog ng Russia at sandaling nasakop ang bansang India.
PAMUMUNO NI TIMUR • Malupit si Timur sa pagsalakay at sinira ng kanyang hukbo ang mga paaralan, palasyo, at iba pang mahahalagang gusali. • Iniutos niyang pagpatungin ng isang malaking piramide ang may isang libong ulo ng mga pinaslang na biktima. • Susi sa kanyang tagumpay ang malakas na pwersang militar at mga espiyang nagbigay ng impormasyon hinggil sa mga rutang tatahakin.
PAMUMUNO NI TIMUR • Hindi nanatiling buo ang teritoryong nasakop ni Timur nang mamatay siya noong 1405 dahil ito ay dulot pa rin ng tunggalian at agawan sa trono ng kanyang mga anak at kamag-anak.
ANG IMPERYONG TURK • Mula sa Hilagang Asya ang mga Ottoman Turk noong ika-10 siglo. • Naglakbay sila patungo sa Persia at Mesopotamia at namalagi sa Anatolia (kasalukuyang Turkey). • Pagpapastol din ang ikinabuhay ng mga Turk. • Nakatira sila sa mga toldang tirahan na tinatawag na yurt.
ANG IMPERYONG TURK
YURT
ANG IMPERYONG TURK • Sa mahabang panahon ng paglalakbay ay unti-unting nagbago ang kultura ng mga Turk. • Tinanggap nila ang Islam at ilang bahagi ng kulturang Persian.
ANG IMPERYONG TURK OSMAN (OSMAN I) •
•
•
Siya ipinanganak noong taong 1258 at namatay noong taong 1324 (o taong 1327). Itinatag niya noong taong 1299 ang Ottoman Turk, isang maliit na estado na may malakas na hukbo. Halaw sa pangalang “Osman” ang salitang “Ottoman.”
ANG IMPERYONG TURK Ottoman Turk • Binuo ito ng mga mandirigmang nagturingan bilang magkakapatid. • Sa paglipas ng panahon ay lumakas ang estadong Ottoman at lumawak ang sakop nito.
ANG IMPERYONG TURK SULTAN MEHMED II • •
•
•
Siya ay kilala rin bilang “Mehmed the Conqueror.” Ipinanganak siya noong Marso 30, 1432 at namatay siya noong Mayo 3, 1481. Pinamunuan niya ang imperyo mula taong 1444 hanggang taong 1446 at mula taong 1451 hanggang taong 1481. Natalo ng Imperyong Turk ang Imperyong Byzantine noong taong 1453 sa kanyang pamumuno.
ANG IMPERYONG TURK SULEIMAN • • •
Kilala rin bilang “Suleiman the Magnificent.” Pinamunuan niya ang imperyo mula taong 1520 hanggang taong 1566. Sa kanyang panahon, naabot ng Imperyong Ottoman ang tugatog ng mabilis na paglawak at nasakop ang Egypt, North Africa, Syria, at Arabia.
ANG IMPERYONG TURK • Umunlad at naging masagana ang pamumuhay ng mga tao sa ilalim ng Imperyong Ottoman dahil ito ay bunsod ng pagiging aktibo ng kalakalan sa iba’t ibang dako ng imperyo. • Nagtungo rin ang maraming tao sa kabisera ng imperyo, ang Istanbul. • Nanatili itong sentro ng Ottoman hanggang 1918.
ANG IMPERYONG TURK • Sa relihiyon, ipinagkaloob sa mga Jew, Kristiyano, at iba pang hindi Muslim ang kalayaan sa pagsamba. • Sa arkitektura, nagpagawa ng iba’t ibang impraestruktura sa Istanbul tulad ng mga mosque (moske) at aklatan.
ANG IMPERYONG TURK
The Istanbul Archaeology Museums ipinagawa noong taong 1891
MGA KABIHASNANG NAGMULA SA HILAGANG ASYA HUN ESTADONG PANTRIBO XIONGNU IMPERYONG MONGOL (1370-1405)
IMPERYONG TURK (1299-1917)