Mga teoryang Pampanitikan Ang teoryang pampanitikan ay ang sistematikong pagaaral ng panitikan at ang mga paraan sa pagaaral ng panitikanin. Mayroong iba't ibang teorya para sa pag-aaral na ito.Narito ang mga halimbawa ng teoryag pampanitikan. Teoryang Klasismo/Klasisismo v Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.
Ang teoryang klasisismo ay tumutukoy sa mga klasik at makalumang mga bagay.Ang klasisismo o klasismo ay isa sa teoryang pampanitikan ay nagmula sa Gresya, sinasabi rito na kaisipan muna kaysa sa damdamin. Mas higit na pinapahalagahan ang kaisipian kays sa damdamin. Ito ay kasalungat ng teoryang romantisismo. Ipinahahayag ng klasismo na ang isang akda ay hindi naluluma o nalalaos, sa kabilang dako ay nangyayari o nagaganap parin sa kasalukuyan. Nakasaad rin dito na nakatuon ang panitikan sa pinakamataas patungo sa pinakamabababang uri. Ibig sabihin, sa itaas matatagpuan ang kapangyarihan at kagandahan. Aristrokratiko ang pananaw na umiiral dito.
Hal. Teoryang Humanismo v Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyangtuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp. Ang pokus ng teoryang humanismo ay ang tao. Naniniwala ang mga humanista na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kung kaya't mahalagang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at kalayaan sa pagpapasya. Gaya ng ipinahahayag ni Protagoras, "Ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan ng lahat ng bagay at ang panginoon ng kanyang kapalaran."Ninanais ng tao na sa kanyang pakikiraan sa daigdig na ito ay may bakas siyang maiiwan upang ang kanyang buhay ay magkaroon ng kabuluhan at malinaw na pagkilala sa isang di maikukubling kasaysayan.
Hal. "Ako si Magiting" by Consolacion P. Conde, Teoryang Humanismo. Teoryang Imahismo v Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.Ang teoryang imahismo ay nagpapahayag ng kalinawan sa mga imaheng biswal. Nagbibigay ito ng eksaktong paglalarawan. Ang pagbibigay anyo sa mga ideya ay makikita rin
Hal. Teoryang Realismo
v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat. Nagpapahayag ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad ng buhay.Ang teoryang ito ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Karaniwan nitong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon. Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno. Mahalaga din sa nagsusuri ng mga akda na sinusuri sa teoryang ito na maiugnay ang mga pangyayari sa akda o teksto sa lipunan.
Hal. “Mabangis na Lungsod” Ni Efren R. Abueg “Mga ibong Mangdaragit” Amado V. Hernandez
“Iba Pa Rin Ang Aming Bayan” “Maganda Pa Ang Daigdig” Lazaro Francisco “Pba Pa Rin Ang Aming Bayan”
Teoryang Feminismo v Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan. Hal. Teoryang Formalismo/Formalistiko v Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa. Hal. Teoryang Eksistensyalismo v Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence). Sa utak at isip nakasentro ang teoryang pampanitikang ito [dahil] utak ang nagpapagana sa
tao. Tao ang pangunahing nilikha sa mundo; siya lamang ang may kakayahang mag-isip at magdesisyon, hindi gaya ng hayop at ibang nilalang. Pesimismo ang pangunahing kakambal ng teoryang ito sapagkat sa napakalaking responsabilidad ng tao, iniisip niyang hindi niya ito magagampanan at maisasaayos. Kinakailangang paganahin ang utak sa pagkatha ng anumang uri ng panitikan, at kinakailangan din ang utak upang maunawaan, masuri, at mabasa ang anumang magiging kayarian o kahihinatnan ng isang akda.
Hal.
Teoryang Romantisismo v Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisagsa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan.
Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan. Hal. Teoryang Markismo/Marxismo v Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa. Ang Teoryang Markismo ay inuuwa ang akda batay sa kalagayan ng mga tauhan. Hinahanapan ang akda ng patunay ng mga naglalabasang lakas sa pagitan ng mahina at malakas, matalino at mangmang, duwag at matapang, mahirap at mayaman. Dito nakapaloob ang mga tauhang bida at kontrabida. May suliranin ang bida at ang gumagawa nito ay ang kontrabida. Sa teoryang ito, di padadaig ang naaping tauhan, babalikwas ito upang madapi ang nangaaping lakas.
Hal. Teoryang Sosyolohikal v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan nglipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin. Hal. Teoryang Moralistiko v Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito. Hal. Teoryang Bayograpikal v Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng mayakda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng mayakda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo. Hal. Teoryang Queer v Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga homosexual. Kung ang mga babae ay may feminismo ang mga homosexual naman ay queer. Hal. Teoryang Historikal v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo. Hal. Teoryang Kultural
v Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam.Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon minana at ipasasa mga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi. Hal. Teoryang Feminismo-Markismo v Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang pagkilala sa prostitusyon bilang tuwirang tugon sa suliraning dinaranas sa halip na ito’y kasamaan at suliranin ng lipunan. Hal. Teoryang Dekonstraksyon v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo. Hal.
Mga
Teoryang Pampanitikan
Gubat National High School Gubat,Sorsogon
Proyekto Sa Filipino Ipinasa ni: Anthony Bryan Escurel Ipinasa kay: Mr.Gil Eresmas
sampip Some people love shoes of certain kinds Some people love afternoons or the way the moon shines And they have their own reasons To feel the way they do That's why I ask myself, what is it with you? Is there something wrong With the way I speak? You don't even see me When I pass you on the street
I'll close my eyes and let it be Because I just can't see Why you love to hate me Some people love weekends Beacause they can fool around Some people love thunderstorms Because of how the drops of rain fall down And they have their own reasons Whatever they may be That's why I think it's kind of funny That you don't have one for me
And it sucks to face the truth That I ain't got no reasons too Whenever asked the simple question Why I feel the way I do And I know it's stupid on my part to say that I love you Even though I know you hate me And you don't know why you do.
alumnihomecoming Napatunganga nung bigla kitang nakita Pagkalipas ng mahabang panahon. Highschool pa tayo nung una kang nakilala At tandang tanda ko pa Noon pa ay sobrang lupit mo na! Hindi ko lang alam kung pano, Basta biglang nagsama tayo Di nagtagal ay napaibig mo ako! Mula umaga hanggang uwian natin lagging Magkasama tayong dalawa. Parang kahapon lang nangyari Sa kin ang lahat Parang isang dulang medyo romantiko Ang banat Ngunit nung napag-usapan, Bigla nalang nagkahiyaan Mula noon hindi na tayo nagpansinan! Chorus: Bakit ko ba pinabayaan Mawala ng hindi inaasahan Parang nasayang lang. Nawala na at wala nang nagawa!!! Panay ang plano, Ngunit panay ang urong at
Inabot na ng dulo ng taon! Graduation natin nung biglang Nag-absent partner ko. TADHANA NGA NAMAN! Naging mag-partner tayo! Eksakto na ang timing! Planado na ang sasabihin! Ngunit hanggang huli, wala akong Nasabi! Napatunganga nung bigla kitang nakita Pagkalipas ng mahabang panahon. Sobrang alam ko na an aking sasabihin At ako'y napailing sa ganda ng ngiti mo sa'kin At nung ikaw ay nilapitan Bigla na lang napaligiran ng iyong mga anak Sa pangit mong asawa Sorry na Sorry na kung nagalit ka di naman sinasadya Kung may nasabi man ako init lang ng ulo Pipilitin kong magbago pangako sa iyo Sorry na nakikinig ka ba? Malamang sawa ka na Sa ugali kong ito na ayaw magpatalo At parang sirang tambutso na hindi humihinto
Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga Hindi ako nag-iisip na-uuna ang galit Sorry na talaga sa aking nagawa Tanggap ko na mali ako wag sanang magtampo Sorry na Sorry na wag kang madadala Alam kong medyo nahihirapan ka Na ibigin ang isang katulad kong parang timang Na paulit-ulit kang hindi sadyang nasasaktan Sorry na saan ka pupunta? Please naman wag kang mawawala Kapag ako ay iwan mo mamamatay ako Pagkat hawak mo sa iyong kamay ang puso ko Mahal kita sobrang mahal kita Wala na akong pwedeng sabihin pang iba Kundi sorry talaga di ko sinasadya Talagang sobrang mahal kita Wag kang mawawala Sorry na