Mga teoryang Pampanitikan Ang teoryang pampanitikan ay ang sistematikong pagaaral ng panitikan at ang mga paraan sa pagaaral ng panitikanin. Mayroong iba't ibang teorya para sa pag-aaral na ito.Narito ang mga halimbawa ng teoryag pampanitikan. Kung paanong napahuhusay ang pagtalakay sa isang sinusunng akda ay,masasabi ring"kapabayaan" ng teoryal1g pampanitikan. Isang uri ng kapabayaang ang hated ay kaaJ,sman at kasiyahan, na siyang tanging layunin ng panitikan. Bagamat teoryang dayuhan ang nakararami, hindi nangangahulugang kakapit na lamang tayo sa mga ito at walang tutol nating;tacinggapin tl:a ang mga ito lamang ang mananatilingmga teorya sa habang panaho~: Lagi nating iisiping ibang kultur~ ang nakapaieob sa mga teoryang ito. Bagamat tinatanggap natin· ang mga kulturang dayuhan, huwag tayongmagpakalunod sapagkat kailangan din nating isiping tayo'y may sariling kulturang dapat pahalagahanat payamanin upang pumaimbulog aug' ating suriin, pagkakakilanlan. Katunayan, may mangilan-ngilan nang swpusulpot nil tcoryang ating-atin ngunit hindi pa gaanong nabibigyan ng mas~g pag-aaral at pagpapahaIaga. Para itong sisiw' na dahil sa kaliitan ay namamahin pa sa kanyang ptaagtataguanupa ng isang a raw ay gulatin n,a lamang tayo sa kanyang biglang malaking tulong ang n~wa ng pag~aJarn sa kahul~, katangian, simulain atsaysayang nakapaloob sa iba't ibang teoryang pampattitikan. Tunay na napagagaan nito ang pagt~lakay sa mga akdang nais oating suriitt lalo't marunong tayong alaga sa .fuga akdang ating binabasa. Kung paano pinaghahandaan natin ang pagtalakay ng binasang akda, mula sa pagpili ng akdang babasahin, pagbuo ng mga ran.ong sa jlilalaman ng akda, pagpili ng teoryang aangkop sa pagtalakay sa akda, ' paggamit ng estratehiyang babagay sa p.agtatanong, pagpapaliwanag, pagpapalitangkuro, pagbuo ng kaisipang taglay ng akda, atbp., tahasaag masasabing handa n.a nating harapin anumanghamon ng panitikan.
Paglalahad Kung sa unang kabanata ay nabigyan tayo ng malawak na impormasyon ukol sa' " ktHkasanhg panitikan - kahulugan, uri,. anyo, kahalagahan, ·atb., makabubuti din natin talakayin ang teoryang pampanitikan ay maging malinaw sa atitt aug ,bhulugan ng teorya at teoryang pampanitikan. ' Ano ba ang teorya? Ang teorya ay pormulasyon ng palilinawing mga simulanin ng mga tiyak na kaisipan upang makalikha ng malinaw at sistematikong paraan ng paglalarawan o pagpapaliwanag ukol dito. Ano naman ang teoyang pampanitikan? Ang teoyang Pampanitikan ay isang sistema ng mga kaisipan a kahalagahan ng pag-aaral na naglalarawan sa tungkulin ng panitikan, kabilang ang layunin ng may akda sa pagsulat at layunin mg tekstong panitikan na ating binabasa.
Teoryang Klasismo/Klasisismo v Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba
ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan. Ang teoryang klasisismo ay tumutukoy sa mga klasik at makalumang mga bagay.Ang klasisismo o klasismo ay isa sa teoryang pampanitikan ay nagmula sa Gresya, sinasabi rito na kaisipan muna kaysa sa damdamin. Mas higit na pinapahalagahan ang kaisipian kays sa damdamin. Ito ay kasalungat ng teoryang romantisismo. Ipinahahayag ng klasismo na ang isang akda ay hindi naluluma o nalalaos, sa kabilang dako ay nangyayari o nagaganap parin sa kasalukuyan. Nakasaad rin dito na nakatuon ang panitikan sa pinakamataas patungo sa pinakamabababang uri. Ibig sabihin, sa itaas matatagpuan ang kapangyarihan at kagandahan. Aristrokratiko ang pananaw na umiiral dito.
Hal.”Florante at Laura” Francisco Balagtas Teoryang Humanismo v Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyangtuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp. Ang pokus ng teoryang
humanismo ay ang tao. Naniniwala ang mga humanista na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kung kaya't mahalagang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at kalayaan sa pagpapasya. Gaya ng ipinahahayag ni Protagoras, "Ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan ng lahat ng bagay at ang panginoon ng kanyang kapalaran."Ninanais ng tao na sa kanyang pakikiraan sa daigdig na ito ay may bakas siyang maiiwan upang ang kanyang buhay ay magkaroon ng kabuluhan at malinaw na pagkilala sa isang di maikukubling kasaysayan.
Hal. "Ako si Magiting" by Consolacion P. Conde, Teoryang Humanismo. Teoryang Imahismo v Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.Ang teoryang imahismo ay nagpapahayag ng kalinawan sa mga imaheng biswal. Nagbibigay ito ng eksaktong paglalarawan. Ang pagbibigay anyo sa mga ideya ay makikita rin
Hal.
Teoryang Realismo v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat. Nagpapahayag ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad ng
buhay.Ang teoryang ito ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Karaniwan nitong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon. Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno. Mahalaga din sa nagsusuri ng mga akda na sinusuri sa teoryang ito na maiugnay ang mga pangyayari sa akda o teksto sa lipunan.
Hal. “Mabangis na Lungsod” Ni Efren R. Abueg “Mga ibong Mangdaragit” Amado V. Hernandez
“Iba Pa Rin Ang Aming Bayan” “Maganda Pa Ang Daigdig” Lazaro Francisco “Pba Pa Rin Ang Aming Bayan”
Teoryang Feminismo v Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.
Hal. Teoryang Formalismo/Formalistiko v Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa. Hal. Teoryang Eksistensyalismo v Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence). Sa utak at isip nakasentro ang teoryang pampanitikang ito [dahil] utak ang nagpapagana sa tao. Tao ang pangunahing nilikha sa mundo; siya lamang ang may kakayahang mag-isip at magdesisyon, hindi gaya
ng hayop at ibang nilalang. Pesimismo ang pangunahing kakambal ng teoryang ito sapagkat sa napakalaking responsabilidad ng tao, iniisip niyang hindi niya ito magagampanan at maisasaayos. Kinakailangang paganahin ang utak sa pagkatha ng anumang uri ng panitikan, at kinakailangan din ang utak upang maunawaan, masuri, at mabasa ang anumang magiging kayarian o kahihinatnan ng isang akda. Ang teoryang eksistensyalismo ay sumigla noong huling bahagi ng ikalawang dekadang
nakaraang dantaon. Ang ma nga kritiko ay nagpapalagay na isa lamang paniniwalaang teoryang ito. Ang kalayaan at hangaring awtentiko ang tanging nais kilalaninng.Sa pananaw na ito kitan kata ng mga tao ang ploseso ngpagiging (being) at hindi pagkakaroon ng tamang,sistenia ng paniniwala ang pinahahalagahan ng tao upang mabuhay. Sa buhay ng makata at manunulat nakatuon ang teoryang ito.Ang eksistensyalismo ay walang sariling simulain. Maihahambing ang teoryang ito sa dalawang teorya: ang romantisismo dahil sa mahilig sa paghanap ng timay na paraan ng pagpapahayag o ekspresyon at ang modernismo dahil nakaipilit ito magwasak ng kasaysayan. Hal.’Ako Ang Daigdig” Alejandro G. Abadilla
Teoryang Romantisismo v Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisagsa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.
Hal. Teoryang Markismo/Marxismo v Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa. Ang Teoryang Markismo ay inuuwa ang akda batay sa kalagayan ng mga tauhan. Hinahanapan ang akda ng patunay ng mga naglalabasang lakas sa pagitan ng mahina at malakas, matalino at mangmang, duwag at matapang, mahirap at mayaman. Dito nakapaloob ang mga tauhang bida at kontrabida. May suliranin ang bida at ang gumagawa nito ay ang kontrabida. Sa teoryang ito, di padadaig ang naaping tauhan, babalikwas ito upang madapi ang nangaaping lakas.
Hal.
Teoryang Sosyolohikal v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan nglipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin. Hal. Teoryang Moralistiko v Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito. Hal. Teoryang Bayograpikal v Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng mayakda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng mayakda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo. Hal. Teoryang Historikal v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo. Malawak, ang saklaw ng teoryang historikal sa pagsusuri ng teksto lalo't kung ang pinaguusapan ay ang impluwensyang sasaklaw sa mga sa1ik na nakapaloob sa isang akda gaya ng buhay ng sumulat, iba't ibang sitwasyong politikal na lumulutang sa akcla, at ang tinatawag na tradisyonal at kombensyonal na pagtalakay sa akda malimit na pagsasama sa mga akda ang iba't ibang pwersang panlipunan lalo't hindi nagpapakitakaunlaran ang isang lipunang tigib ng pangungulila at kapighatian. Sa teoryang historikal ay binubusisi ang pwersang nabanggit na may malaking impluwensya sa buhay ng manunulat.. Hal.”Noli Me Tanghere” ni Jose Rizal “El Filibustirismo” ni Jose Rizal “Ang atlong Panahom Ng tu,ang Tagalog” Julian Cruz Balmaceda “Ang Pagkaunlad Ng Nobelang tagalong” Inigo Ed Regalado “Kwento ni Mabuti” Genoveva Edrosa Matute Teoryang Kultura v Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam.Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon minana at ipasasa mga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi. Hal.
Teoryang Dekonstraksyon v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.
Hal.
Mga Teoryang Pampanitikan
Gubat National High School Gubat,Sorsogon
Proyekto Sa Filipino Ipinasa ni: Anthony Bryan Escurel Ipinasa kay: Mr.Gil Eresmas