Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Baitang 4 Inihanda ni: Reymart A. Alo February 26, 2019 Mga Karapatan ng mga Bata I. Kasanayan: Natatalakay ang mga karapatan ng mamamayang Pilipino II. Layunin: Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang; (K) Matutukoy ang mga karapatan ng mga bata; (S) Maisasabuhay ang mga karapatan ng mga bata; at (A) Maipaliliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga karapatan. III. Pamamaraan Gawain ng Guro Gawain ng mga mag-aaral 1. Pagganyak Ang mga mag-aaral ay maglalaro ng Copy-Cut Game. a. Hatiin sa apat na grupo ang klase. b. Ang bawat grupo ay mabibigyan ng isang larawan na kanilang gagayahin at ipakikita sa kanilang kamag-aral. Bibigyan ang bawat grupo ng 2 minuto upang ayusin ang kanilang grupo at presentasyon.
a. Makilahok at makibahagi sa mga kagrupo upang mabuo ang ipakikitang presentasyon.
b. Bilang isang grupo, gayahin ang mga taong nasa larawan Mga larawan na gagayahin c. Huwag mahihiya at seryosohin ang gawain.
Tignan ang mga larawan at sagutin 2. Paglalahad A. Muling ipakita ang mga larawan at tanungin ang mga ang mga katanungan ng guro. mag-aaral. Mga Posibleng Kasagutan ng mga mag-aaral a. Ano ang iyong mga nakikita sa larawan? a. Larawan ng mga batang nasa lansangan at namumuhay sa b. Ano ang kanilang mga nararamdaman? kahirapan. b. Ang ilan ay masaya ngunit mayroon ding mga malungkot. c. Ano kaya ang kanilang kalagayan? c. Sila ay namumuhay sa lansangan, marahil sila rin ay nagugutom at nagkakasakit. Makinig at makibahagi sa talakayan patungkol sa “Mga Karapatan ng mga Bata” B. Talakayin ang “Mga Karapatan ng mga Bata” gamit ang isang babasahin. Ipabasa ito sa mga mag-aaral. 3. Pagpapalawak a. Ibigay ang katanungan: Natatamasa ba ng bawat batang Pilipino ang mga karapatan na ating tinalakay? b. Magpakita ng isang maikling video clip patungkol sa isang batang 10 taong gulang na naulila at naghahanapbuhay para sa kaniyang 3 kapatid. c. Magbigay ng mga gabay na katanungan bago manuod ang mga mag-aaral. Sino-sino ang mga tauhan sa video? Ano ang kalagayan ng mga tauhan sa video? Ano ang nararamdaman ng mga tauhan sa video? Anong mga karapatan ang hindi naibigay sa mga tauhan sa video? Ano ang iyong natutunan sa video? 4. Paglalahat Ano ang iyong mga natutunan sa araw na ito?
Subukang sagutin ang katanungan ng guro. Posibleng Kasagutan: Sa tingin ko po ay hindi lahat ng batang Pilipino ay nabibigyan ng karapatan, dahil may mga bata po na hindi nakakapag-aral. Maglabas ng papel o notebook at subukang itala ang mga impormasyon o detalye na makikita mo sa video. Isaisip ang mga sumusunod na katanungan.
Posibleng Kasagutan: Lahat po ng bata ay may karapatan, may Katulad sa isang awitin, ang bawat bata sa ating mundo ay may karaptang mamuhay ng masaya, makapagpangalan at may karapatan. Tungkulin ng bawat tao at ng aral at makapaglaro. pamahalaan ng pangalagaan ang mga karapatan ng bawat bata sa ating bansa.
5. Paglalapat/ Pagtataya Ang mga mag-aaral ay guguhit ng larawan ng isang bata, sa paligid nito ay isusulat ng mga bata ang kanilang mga karapatan bilang mga bata. Magsulat ng sampo o higit pang mga karapatan.
Sa iyong notebook, gumuhit ng larawan ng isang bata at isulat sa paligid ng larawan ang mga nalaman mong karapatan ng mga bata.