Bisa ng Wikang Ingles Bilang Midyum sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa mga mag-aaral HOLY ANGEL UNIVERSITY
KABANATA I Ang Suliranin at Kaligiran Nito Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Amamio L. (2000) na may pamagat na “Attitudes of Students, Teachers, and Parents of RVM schools in Metro Manila Toward English and Filipino as Medium of Instruction” natagpuan ng mananaliksik sa artikulo ni Associate Proffesor Romeo Y. Martin ng University of the East na may titulong English as Medium of Instruction in the Philippines, ang mga estudyante at mga kaguruan ay mas piniling gamitin ang wikang Ingles sa pagtuturo dahil sa ito ay madaling gamitin sa pagpapaliwanag ng mga ideya at konsepto . Ito ang natuklasan sa pag-aaral na ginawa na mayroong suliranin kung ano ang atityud ng mga estudyante at guro ukol sa paggamit ng Ingles bilang midyum sa pagtututro. Isa lamang ito sa mga pahayag at pag-aaral na nag papatunay na may magandang epekto at bisa ang Ingles bilang midyum sa mga mag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay nakapokus sa bisa ng wikang Ingles bilang midyum sa pagtuturo ng Araling Panlipunan sa mga mag-aaral na grade 10 ng Holy Angel University. Ang pananaliksik na ito ay makatutulong upang malaman kung mabisa ba ang wikang Ingles bilang midyum sa pagtuturo ng asignaturang Araling Panlipunan sa mga mag-aaral. Nais ng mga mananaliksik na matulungan ang mga kalahok o ang mga mag-aaral pati na rin ang mga guro. Ang mga mananaliksik ay tutulungang mas mainitindihan at maunawaan ng mga kalahok ang kanilang paksang aralin sa Araling Panlipunan tulong ng pag-aaral na ito, dahil sa pag-aaral na ito ay ating malalaman ang bisa ng wikang Ingles bilang midyum sa pagtuturo na makakatulong sa mga kalahok o mag-aaral pati na din sa mga guro. Dahil ang mga mananaliksik ay naniniwala na ang wika ay isang susi tungo sa pagkatuto ng mga mag-aaral. 1
Bisa ng Wikang Ingles Bilang Midyum sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa mga mag-aaral HOLY ANGEL UNIVERSITY Noong Marso 17, 2003 ipinatupad ng pamahalaan ang Executive Order No. 210 na nagsasaad na ingles ang tatayo bilang ikalawang wika na gagamitin sa pagtuturo sa mga pribado at pampublikong paaralan na naglalayong paghusayin ang kakayahan ng mga Pilipino sa wikang Ingles. Nakasaad rin dito na ang mga asignaturang matematika at agham ay ituturo gamit ang wikang ito mula ikatlong baitang sa mga paaralang primarya. Ipinatupad din nito na gawing Ingles ang gagamiting midyum ng pagtuturo sa mga paaralang sekundarya. Bukod pa rito, hindi pahihintulutang bumaba sa 70% ng kabuuang oras ang ilalaan sa pagtuturo gamit ang wikang Ingles. Ang layunin ng kautusang ito ay paunlarin pa ang kasanayan at karunungan ng mga mag-aaral na Pilipino sa wikang Ingles. Sa kasalukuyang panahon natin ngayon ay mas ginagamit na ang wikang Ingles sa pagtuturo o di kaya ay sa mga iba’t ibang midyum na ginagamit tulad ng aklat. Dahil sa kautusang ito ay Ingles na ang ginagamit sa pagtuturo bilang midyum sa asignaturang Agham at Matematika ganyon din sa ibang mga asignatura tulad ng Araling Panlipunan, linimitahan na din ang pag gamit ng Filipino bilang midyum sa pagtuturo . Kaugnay na Literatura at Pag-aaral Upang mas mapagtibay at mas maging kapani-paniwala ang pananaliksik na ito ay nangalap ang mananaliksik ng mga iba’t ibang literatura at pag-aaral na may kaugnayan sa paksang na maaring makatulong at makapag bigay ng dagdag na impormasyon sa mga mambabasa. Ang pananaliksik na ito ay kinabilangan ng pag-aaral at literatura ng lokal at dayuhang mananaliksik. Sa isang pananaliksik na internasyunal naman na ginawa ni Abraham at Kaidonis (2006), nakasaad ang kanilang pagbibigay diin sa pagsasama ng linggwaheng Ingles 2
Bisa ng Wikang Ingles Bilang Midyum sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa mga mag-aaral HOLY ANGEL UNIVERSITY
upang mapabuti pa ang karunungang bumasa't sumulat na naayon sa antas pang-akademiko o pang- propesyonal. Ayon sa sa impormasyon na ito masasabi na ang wikang Ingles ay mainam upang mapabuti ang karunungang bumasa’t sumulat ng mga mag-aaral kaya ito ay maaring mainam nag awing midyum bilang pagtuturo sa Araling Panlipunan. Ipinahihiwatig ni Delos Santos (2016), na maliit na ang bilang ng mga kwalipikadong guro na nagtuturo gamit ang wikang Ingles, sapagkat wala naman itong naidudulot na kabutihan at hindi ito praktikal bilang wikang panturo. Pinaliit na ang mundo ng mga makabagong teknolohiya. Ganun din naman sa larangan ng pagtuturo, napakarami ng mga bagong istratehiya at metodolohiya sa pagpapalaganap ng mga kasanayan at kaalaman. Sa larangan ng edukasyon, bukas na rin ang mga pintuan ng oportunidad na matututo tayo na gamitin ang wikang Ingles upang tayo ay makasabay sa agos ng pagbabago. Hindi naman ibig sabihin nito na tatalikuran na natin ang kinagisnang wikang Filipino. Ipapakita lang natin sa mundo na tayo ay may kakayanang magsalita ng kanilang wika bilang isang kasanayan at kaalaman upang ihanda natin ang mga sarili sa mga pagbabago. Ayon sa Annual Business English Index (BEI) noong 2012, isang pag-aaral na ginawa umano ng Global English, at tanging ang Pilipinas ang nakakuha ng iskor na mataas sa 7.0 mula sa 76 bansa. "Ang mga kabataan ay dapat na sanayin upang sila ay maging matatas sa wikang ginagamit sa buong mundo dahil ito ay magsisilbing daan para sa kanilang magandang hinaharap". Sa madaling salita ang wikang Ingles ay ginagamit upang tayon ay maka sabay sa agos ng pagbabago at daan sa magandang hinaharap ng mg kabataan o ang mga mag-aaral.
3
Bisa ng Wikang Ingles Bilang Midyum sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa mga mag-aaral HOLY ANGEL UNIVERSITY
Ayon sa KWF(2009), pinamumunuan ang Pambasansang Alagad ng Sining na si Virgilio Almario, hindi naaayon sa Saligang Batas ang mungkahi na dayuhang wika, sa halip na pambansang wikang Filipino, ang gagamitin bilang pangunahing paraan sa pagtuturo. Sa position paper ng komisyon na inihanda bilang pagtutol sa panukala ni Arroyo, sinabi na muli lang binuhay ng HB 5091 ang mga dati nang panukala na inihain [tulad ng HB 8460 noong 2009], na Ingles ang gamitin sa pagtuturo pero ibinasura na noon ng Senado. Idinagdag nito na nakasaad sa Saligang Batas na Filipino ang wikang pambansa, at dapat itong linangin, payabungin at pagyamin. Ayon sa kay Andres (2017), dalawang panukalang batas ang nakabinbin ngayon sa Kamara de Representantes nanaglalayong palakasin ang wikang Ingles at gamitin ito bilang paraan sa pagtuturo sa mga paaralan. Pero tutol sa panukala ang Komisyon sa Wikang Filipino dahil labag umano ito sa Saligang Batas at hindi maka-Pilipino.Sa ilalim ng House Bill No. 5091 na inihain ni dating Pangulo at ngayo'y House Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, nais ng mambabatas na mahasa at mapahusay pa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsusulat at magsasalita ng dayuhang wika. Nais niya na gamitin ang Ingles bilang pangunahing medium of instruction sa araling Ingles,Matematika at Agham simula sa grade 3 sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan. Samantalang wikang Filipino naman ang gagamitin sa asignaturang Filipino at Araling Panlipunan. Nais din ni Arroyo na hindi bababa sa 70 porsiyento ng oras ng pagtuturo sa mga paaralan sa secondary level ay dapat nakalaan sa paggamit ng wikang Ingles. Idinagdag nito na nakasaad sa Saligang Batas na Filipino ang wikang pambansa, at dapat itong linangin,
4
Bisa ng Wikang Ingles Bilang Midyum sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa mga mag-aaral HOLY ANGEL UNIVERSITY
payabungin at pagyamin. Kailangan na wikang Filipino lang ang maaaring gamitin bilang midyum sa pagtuturo dahil ito ay mas maiintindihan ng mga mag-aaral. Ayon sa lokal na publikasyon ng booklore na aklat ni Nenita Papa (2000), na sa muling pagbabago ng ating Saligang batas noong 1972, nabago rin ang mga probisyong pangwika. Ganito ang isinasaad sa Artikulo XV Seksyon 3 pa rin: “Ang Saligang 1atas na ito ay dapat ipahayag na Ingles at Pilipino ang mga wikang opisyal isalin sa bawat diyalektong sinasalita ng mahigit sa 50 libong taong bayan at sa Kastila at Arabic. Sakaling may hidwaan, wikang ingles ang nananaig.” Ayon sa Saligang batas na ito ay ipinahayag na ang Ingles at Pilipino na ang wikang opisyal na ang ating gagamitin na pansalin sa iba’t-ibang diyalekto at kung may hidwaan man ay wikang Ingles an gating gagamitin. Ayon kay Joel Malabanan (2008), guro ng Filipino sa isang paaralang sekundarya sa Cavite at dating propesor ng Filipino sa De La Salle University, nakakaabala sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang wikang Ingles sapagkat kinakailangan pa nilang magsalin ang mga salita sa isip nila.Aniya, “Paatras na hakbang ang EO 210 sa pagyabong ng wika at panitikang Filipino.” Ayon kay Gonzales (2010), noong taong 2003, inilabas ng dating Pangulong Gloria Arroyo ang E.O. 210 na naglalayong palakasin ang English bilang 2nd language ng Pilipino. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit noong mga nagdaang taon, isinulong ng isang mambabatas ang pagtatag sa Ingles bilang tanging medium of instruction. Ayon sa “English bill” na inakda ni Rep. Eduardo Gullas; mali ang atingsistema ng edukasyon at ito raw ay nangangailangan ng wikang dinamiko tulad ng Ingles. Sa kadahilanan na rin ng pagsakop ng mga Amerikano sa
5
Bisa ng Wikang Ingles Bilang Midyum sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa mga mag-aaral HOLY ANGEL UNIVERSITY
Pilipinas, naimpluwensiyahan ang nga Pilipino na gamitin ang wikang Ingles at dahil na rin ito ay itinuturing "universal language" ng nakararami. Ayon kay Mescallado (2018), sa kanilang mga nakalap ay namataan nila ang kagandahan at kahalagahan ng Ingles lalo na’t malaki ang naitutulong nito sa ating pagiging madunong pagdating sa paggamit ng wikang ito kung kaya’t nabatid nilang gamitin ito bilang batayan sa aming pag-aaral ukol sapaggamit ng wikang Ingles sa lahat ng asignatura maliban sa Filipino. Ayon kay Santos, T. U. (2008), naipakita na ito sa mga pag-aaral, gaya ng ginawa ng Lupon ng Pambansang Edukasyon sa Iloilo noong 1948 hanggang 1954 kung saan higit na natuto ang mga mag-aaral sa Iloilo nang Ilonggo ang ginamit na wikang panturo. Ang pagpili ng wikang panturo, batay sa naging karanasan ng ating sistema ng edukasyon, ay hindi lamang isang panandaliang usaping nakabatay sa pangangailangang pang-ekonomiya. Sa halip, mahalaga ring isaalang-alang dito kung paano nauunawaan ng mga estudyante ang kanilang paligid. Kaya’t nararapat lamang na pag-isipan nang mabuti ng pamahalaan ang mga polisiyang pangwika upang sa gayon ay higit itong makatulong. Ang pagpili ng wikang panturo, batay sa naging karanasan ng ating sistema ng edukasyon, ay hindi lamang isang panandaliang usaping nakabatay sa pangangailangang pangekonomiya. Sa halip, mahalaga ring isaalang-alang dito kung paano nauunawaan ng mga estudyante ang kanilang paligid. Kaya’t nararapat lamang na pag-isipan nang mabuti ng pamahalaan ang mga polisiyang pangwika upang sa gayon ay higit itong makatulong. ( Ignacio, 2008). Ayon sa pahayag na ito kailangan nating pag-isipan na mabuti ang gagamiting wikang
6
Bisa ng Wikang Ingles Bilang Midyum sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa mga mag-aaral HOLY ANGEL UNIVERSITY
panturo upang ito ay higit na makatulong sa mga mag-aaral. Kaya ang mga mananaliksik ay gagawin ang pag-aaral na ito dahil sa isang kadahilanan na ito. Ayon sa Bayang Pilipinas (2011), May mga nagsasabing Filipino ang dapat na gamitin bilang opisyal na wika sa pagtuturo dahil aniya mas higit itong naiitindihan ng nakakaraming Pilipino. Pagpapakita rin ito ng pagmamahal sa sariling wika tulad ng mga hapones na Nippongo ang gamit. Meron din namang tumututol dahil ayon sa kanila ay mahirap itong gamitin dahil sa mga salitang Ingles na hindi naman naisasalin sa Wikang Filipino lalo na sa asignaturang Science, Math at iba pa. Diumano, mas nakakalito ito sa mga estudyante at pati na sa mga guro. Ayon kay Magdael (2011), Masasabi nating maraming dinadalang tulong sa atin ang wikang Ingles, ngunit mas makabubuti sa atin kung tuturuan tayo gamit ang wikang Filipino o sa dayalektong higit tayong pamilyar dahil mas magiging madali ang pagpapalitan ng ideya na nagaganap sa klase sa ganoong paraan. Marami nang sitwasyon kung saan naipakita na higit na natututo ang mga estudyante sa sarili nilang wika, lalo na lamang sa mga lugar na hindi ganoon kalawak ang kaalaman hinggil sa wikang ingles. Hindi lamang dapat laging binabase sa pangekonomikal na kaunlaran ang mga desisyon na binibitawan ng gobyerno kundi sa kung saan mas matututo at makaiintindi ang nakararami. Ayon kay Bartolome (2013), Ang mga stratehiya sa pagtuturo at pagkatuto sa asignaturang panlipunan ay mga paraan na ginagamit sa paglilipat ng konsepto, ideya, katotohanan, kasanayan, at salobin sapag-iisip at mga gawain ng mga mag-aaral. Natatamo ang layuning ito samahusay at walang sawang pag-gabay ng guro. Sa madaling salita ang pagkatutuo ng isang mag-aaral ay naka depende sa kanyang guro, kaya nais na linangin ng mga
7
Bisa ng Wikang Ingles Bilang Midyum sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa mga mag-aaral HOLY ANGEL UNIVERSITY
mananaliksik ang mas mabisang gamiting wikang panturo upang higit na makatulong sa mga mag-aaral at sa mga guro. Ayon kay Macalintal (2018), sinasabi ng ibang mag-aaral na hirap silang matutuhan ang asignaturang Araling Panlipunan, sa dahilang maraming petsa, lugar at pangyayari ba dapat tandaan, maraming dapat kabisahin. Malaking tulong sa kanila kung may visual aid na gagamitin ang guro. Madaling maunawaan at tandaan. Kung gagamit ang guro ng Araling Panlipunan ng multimedia sa loob ng silid-aralan, marahil ang mga bata ay higit na magiging interesado sa pagaaral ng asignaturang ito. Dapat pagtuunan ng pansin ng mga guro ang mabilis na pagbabago sa mundo ng digital technology, na dapat ay umagapay sa mga estratehiya at pagdulog na ginagamit sa pgtuturo ng iba’t ibang paksa ng Araling Panlipunan. Maraming guro ang nakapapansin na maraming mga mag-aaral ang nagiging aktibo kung gumagamit ng mga laro o video games sa pagtuturo kaysa sa tradisyunal na paraan ng pagtuturo. Kagaya ng tanong at sagot, lecture, discussion at chalk and blackboard approaches. Dahil mas naaakit o nae-engganyo ang mga magaaral sa tuwing may mga ibang aktibidades na pinapagawa ang kanilang mga guro. Ayon sa Araling Panlipunan (2017), Ang pangunahing kahalagahan ng economics ay upang makatulong sa lipunan ng magpasya sa mga pinakamahusay na laang-gugulin ng mga mapagkukunan. Ito rin ay tumutulong upang magpasya sa mga tanong tulad ng kung ano upang makabuo ng, kung paano bumuo ng ito at para kanino upang makabuo. Batay sa Sec. 3 ng Republic Act No. 7104, Ang wikang panturo ang wikang opisyal na ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitan sa pagtuturo sa silid-aralan. Ang itinatag na pambansang
8
Bisa ng Wikang Ingles Bilang Midyum sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa mga mag-aaral HOLY ANGEL UNIVERSITY
sistema ng edukasyon ng mga Amerikano sa umpisa ng ika-20 siglo ay monolingguwal. Ang ibig sabihin, may iisang wikang panturo - ang wikang Ingles.Nagsimulang ipagamit ang Wikang Pambansa bilang wikang panturo sa panahong Komonwelt at para sa edukasyon ng mga magiging guro ng Wikang Pambansa. Bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay may mga guro nang nagtuturo ng Wikang Pambansa. Sa isang sirkular noong 3 Mayo 1940, iniatas ni Direktor Celedonio Salvador ng Kawanihan ng Edukasyon ang pagtuturo ng Wikang Pambansa bilang regular na asignatura sa Ikaapat na Taon sa paaralang sekundarya. Pagkaraan ng digma, unti-unting binuksan ang mga asignatura sa elementarya at sekundarya na nagtuturo ng wika at panitikan at gumagamit ng Wikang Pambansa bílang wikang panturo. Ayon kay Magdael (2011), Masasabi nating maraming dinadalang tulong sa atin ang wikang Ingles, ngunit mas makabubuti sa atin kung tuturuan tayo gamit ang wikang Filipino o sa dayalektong higit tayong pamilyar dahil mas magiging madali ang pagpapalitan ng ideya na nagaganap sa klase sa ganoong paraan. Marami nang sitwasyon kung saan naipakita na higit na natututo ang mga estudyante sa sarili nilang wika, lalo na lamang sa mga lugar na hindi ganoon kalawak ang kaalaman hinggil sa wikang ingles. Hindi lamang dapat laging binabase sa pangekonomikal na kaunlaran ang mga desisyon na binibitawan ng gobyerno kundi sa kung saan mas matututo at makaiintindi ang nakararami. Ang paggamit ng wikang Ingles sa pagtuturo ay isa sa mga kahinaan natin sa edukasyon ng Pilipinas. Karamihan sa ating mga mag-aaral ay hindi naiintindihan kung ano tinuturo dahil ito ay isang wika na hindi sila sanay salitain at gamitin. Hindi nasusundanng mag estudyante ang
9
Bisa ng Wikang Ingles Bilang Midyum sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa mga mag-aaral HOLY ANGEL UNIVERSITY
mga aralin dahil hindi nila naiintindihan ang sinasabi ng guro (Apilado, 2008). Dahil sa pahayag na ito mas lalong gustong malaman ng mga mananaliksik ang bisa ng wikang Ingles sa pagkatuto ng mga mag-aaral at ang implikasyon nito sa mga mag-aaral. Nais ng mga mananaliksik na malaman ang mas mabisang gamiting wikang panturo. Ayon kay Victoria (2015), ang wikang Ingles ay isang internasyonal na wika na naglalayon namagkaunawaan ang mga tao sa pamamagitan ng pakikipagusap sa bawat isa, anuman angnasyonalidad o lugar ng paninirahan at ang Ingles ay karaniwang wika para sa buong sangkatauhan. Sa madaling salita ang wikang Ingles ay ginagamit sa buong mundo kaya ito ay isang magandang midyum sa pagtuturo. Batayang Konseptwal Sa parteng ito nakapaloob ang mga propayl ng aming mga respondante. Dito natin matutuklasan kung paano natin mabibigyang linaw o solusyon kung paano nga ba ang takbo ng pag-aaral na ito na patungkol sa bisa ng paggamit ng wikang Ingles bilang midyum sa pagtuturo ng asignaturang Araling Panlipunan sa mga mag-aaral na grade 10 sa Holy Angel University. Malalaman natin dito ang paglutas ng mga sagot sa mga suliraning ito na kung saan ay gumamit tayo ng metodolohiyang pamamaraan. Ang unang hakbang ay gumamit kami ng sarbey at ito ay ang magsisilbing instrumento sa pagkuha ng mga sagot sa aming mga respondante. Ikalawa, bibilangin namin ang mga sagot nila batay sa katanungan na kung ano nga ba ang mas mabisa o mas epektibo na paraan ng
10
Bisa ng Wikang Ingles Bilang Midyum sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa mga mag-aaral HOLY ANGEL UNIVERSITY
pagtuturo kung wikang Filipino ba o Ingles. Sa paraan na ito matutuklasan natin kung ano nga ba ang epekto ng wikang Ingles bilang midyum sa pagtuturo. Batay sa kontent at mga prosesong ginamit ay makikita ang bisa ng paggamit ng wikang Ingles bilang midyum sa pagtuturo sa asignaturang Araling Panlipunan na siyang nais bigyang kasagutan sa pag-aaral na ito.
11
Bisa ng Wikang Ingles Bilang Midyum sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa mga mag-aaral HOLY ANGEL UNIVERSITY INPUT 1. Paano malalaman ang propayl kalahok batay sa: 1.1 Kasarian;
PROCESS
OUTPUT
Pagbibigay ng mga sarbey o talasagutan sa mga respondante na mga magaaral na Grade 10 sa Holy Angel University.
Ano nga ba ang bisa ng bisa ng paggamit ng Wikang Ingles bilang midyum sa pagtuturo sa asignaturang Araling Panlipunan sa mga magaaral?
1.2 Seksyon; 1.3 Edad 2. Paano malalamn ang bisa ng wikang Ingles bilang midyum sa pagtuturo ng Araling Panlipunan sa pagkatuto ng mga kalahok batay sa pangunawa sa paksang aralin. 3. Paano malalaman ang implikasyon ng paggamit ng wikang Ingles sa pagtuturo ng Araling Panlipunan sa pagkatuto ng mga kalahok. Pigura 1: Konseptwal na Balangkas
12
Bisa ng Wikang Ingles Bilang Midyum sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa mga mag-aaral HOLY ANGEL UNIVERSITY Paglalahad ng Suliranin Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang bisa ng paggamit ng Wikang Ingles bilang midyum sa pagtuturo sa asignaturang Araling Panlipunan sa mga magaaral na Grade 10 ng Holy Angel University. Sa pagtatapos ng pananaliksik ay titiyakin ng mananaliksik na mabibigyang kasagutan ang mga sumusunod na katanungan: 1. Paano malalaman ang propayl kalahok batay sa: 1.1 Kasarian; 1.2 Seksyon; 1.3 Edad 2. Paano malalamn ang bisa ng wikang Ingles bilang midyum sa pagtuturo ng Araling Panlipunan sa pagkatuto ng mga kalahok batay sa pangunawa sa paksang aralin. 3. Paano malalaman ang implikasyon ng paggamit ng wikang Ingles sa pagtuturo ng Araling Panlipunan sa pagkatuto ng mga kalahok. Haypotesis Walang makabuluhang kaugnayan ang bisa ng paggamit ng wikang Ingles bilang midyum sa pagtuturo sa asignaturang araling panlipunan sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Maaring mag resulta ito sa mabagal o mabilis na pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang araling panlipunan. 13
Bisa ng Wikang Ingles Bilang Midyum sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa mga mag-aaral HOLY ANGEL UNIVERSITY Kahalagahan ng Pag- aaral Ang mga mananaliksik ay naniniwala na ang pag-aaral na ito ay makatulong upang malaman ang negatibo at positibong bisa ng wikang ingles bilang midyum sa asignaturang araling panlipunan sa mga mag-aaral. Umaasa din ang mga mananaliksik na ito ay makatulong sa mga mag-aaral upang malaman kung ano nga ba ang mas mabisang wika bilang midyum sa pagtuturo, ang wikang ingles o ang ating sariling wika. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing susi tungo sa maunlad na kinabukasaan na kabataang Pilipino ng ating bansa. Upang malaman natin kung ipagpapatuloy pa natin ang pag tangkilik sa banyagang wika o mas nating tangkilikin ang ating sariling wika. Ang pananaliksik na ito ay inaasahang makatutulong lalo na sa mga sumusunod na sektor ng lipunan: Para sa mga Mag- aaral Dahil sa pananaliksik na ito ay malalaman ng mga mananaliksik kung ano ang mas mabisang wika bilang midyum sa pagtuturo upang malaman natin kung saang wika mas natututo, mas naiintindihan at kung saang wika ba mas komportable ang mga mag-aaral . Nais din ng mga mananaliksik na paunlarin ang edukasyon ng mga mag-aaral , dahil ayon nga kay Jose Rizal ang mga kabataan o ang mga mag-aaral ay ang pag-asa ng ating bayan. Para sa mga Guro Nais ng mga mananaliksik na tulungan ang mga guro upang mas mapadali ang kanilang pagtuturo at mas maunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang aralin na itinuturo sa asignaturang nasabi. Nais ng mga mananaliksik na mas malinang ang kanilang midyum na gagamitin sa 14
Bisa ng Wikang Ingles Bilang Midyum sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa mga mag-aaral HOLY ANGEL UNIVERSITY kanilang pagtuturo. Dahil ang lahat ng kaalaman na natutunan ng mga mag-aaral ay nang gagaling sa kanila. Sa mga Susunod na Mananaliksik Ang pananaliksik na ito ay maaring mag bigay ng impormasyon at karunungan sa mga sumusunod na mananaliksik. Maari itong makatulong sa kanila upang mas malinang ang kanilang gagawin na pananaliksik sa hinaharap. Saklaw at Delimitasyon Ang pag-aaral na ito ay tatalakay sa bisa ng pagtuturo ng wikang Ingles sa Araling Panlipunan. Masasaklaw din sa pag-aaral na ito ang mga naging batayan at kasagutan na nakalap ng mga mananaliksik ukol sa paggamit ng wikang Ingles bilang midyum sa pagtuturo ng Araling Panlipunan sa ,ga mag-aaral na Grade 10 ng Holy Angel University. Ang pag-aaral na ito ay isasagawa lamang sa mga mag-aaral na Grade 10 ng Holy Angel University at kukuha lamang ng datos gamit ang Yamane’s formula. Katuturan ng mga Salitang Ginamit Midyum. Ito ang komunikasyon na ginagamit sa nasabing asignatura. Pananaliksik. Sa pag-aaral na ito ang pananaliksik ay isang proseso na ginagawa upang makakuha ng kasagutan at makakuha ng datos o impormasyon. Araling Panlipunan. Ay isang sangay ng pag-aaral na naglalayong pagsamahin ang iba’t-ibang mga aralin tulad ng kasaysayan, ekonomiks, sosyolohiya, heograpiya at antropolohiya upang lubos na maunawaan ang ating lipunan. 15
Bisa ng Wikang Ingles Bilang Midyum sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa mga mag-aaral HOLY ANGEL UNIVERSITY Asignatura. Lupon ng mga aralin na ginagamit ng mga estudyante upang matuto, Metodolohiya. Ito ang mga paraan o stratehiyang ginagamit ng mga mananaliksik upang mapatunayan at maipakita ang mga suliranin sa kanilang pag-aaral. KWF. Ang komisyon sa Wikang Filipino ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na may katungkulang mag sagawa ng mga pananaliksik, paglilinang, pagpapalaganap at pagpapaunlad ng Filipino at iba pang wika sa bansa. Position Paper. Ito ay isang salaysay na nag lalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang isinusulat ng may akda o ng may entidad, gaya ng isang partidong politika. Diyalekto. Ang tanging paraan ng pananalita ng isang wika. Monolinggual. Iisang wika ang umiiral bilang wika ng eduksyon, wika ng komersyon, wika ng negosyo at wika ng pakikipag-talastasan sa pang araw-araw na buhay. KABANATA II PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK Makikita sa kabanatang ito ang disenyo ng pananaliksik, ang setting ng pag-aaral, ang instrumentong gagamitin upang mag bigay ng kasagutan sa hangarin ng mga mananaliksik. Sa kabanata ding ito makikita ang pamamaraan, estraehiya, hakbang o proseso ng isasagawang pag-aaral.
16
Bisa ng Wikang Ingles Bilang Midyum sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa mga mag-aaral HOLY ANGEL UNIVERSITY
Disenyo ng Pananaliksik Gagamitin ang deskriptibong pamamaraan o Descriptive Method, ang uri ng Descriptive Survey Research Design ang angkop na gamitin ng mga mananaliksik. Ito ay ginagamitan ng survey quaetionnaires o talatanungan na sasagutin ng mga respondante at syang pagkukunan ng datos ng mga mananaliksik. Ang mga mananaliksik ay naniniwala na ito ang angkop na gagamitin sa gagawing pananaliksik dahil mas madaling makakuha ng datos sa napakaraming respondante. Ang disenyo ng pananaliksik ang nagbigay linaw sa mga katanungang nais bigyan ng kasagutan ng mga mananaliksik. Seting ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa unibersidad ng Holy Angel sa Angeles City, Pampanga. Ang pamantasang ito ay mayroong mga Estudyante sa ika 10 baitang na magsisilbing sasagot sa mga pasagutan na gagamitin upang malaman kung anong mas mabisang gamitin sa pag tuturo. Respondante Ginamit ng mga mananaliksik ang ramdom sampling sa pag kuha ng mga respondante. Ang paggamit ng paraang ito ay makakatulong upang makakuha lamang ng piling mag aaral sa bawat seksyon ng ika sampung baitang. Ang talahanayan 1 ay pinapakita kung ilan ang mga estudyante sa isang seksyon at kung ilan ang kukunin respondante sa pananaliksik. Sa unang kolum ay makikita ang mga pangalan ng bawat seksyon. Sa ikalawang kolum makikita ang total na estudyante sa seksyon. Ang pangatlong sekyon ang nag papakita kung ilan ang kukuning
17
Bisa ng Wikang Ingles Bilang Midyum sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa mga mag-aaral HOLY ANGEL UNIVERSITY
sampol sa ginagawang pananaliksik. Ang kabuoang populasyon ng ika 10 baitang ng JHS ng HAU at ang kabuoang bilang ng mga respondante. Naniniwala ang mga mananaliksik na sapat na ang bilang na ito upang maging epektibo ang ginagawang pananaliksik. Ang kabuoang populasyon ng mga mag-aaral sa ika-10 baitang ay 8 at ang kabuoang bilang naman ng mga gagamiting sampol sa pag-aaral ay 275. Naniniwala ang mananaliksik na sapat na ang mga ito upang maging mabisa ang isinasagawang pananaliksik.
Seksyon
Kabuoang Bilang
Mga Respondante
St. Albert
45
16
St. Alphonsus
44
16
St. Anselm
45
16
St. Athnasius
45
16
St. Agustine
45
16
St.Basil
46
16
St. Bonaventure
45
16
St. Catherine
46
16
St. Scholastica
46
16
18
Bisa ng Wikang Ingles Bilang Midyum sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa mga mag-aaral St. Jerome
HOLY ANGEL UNIVERSITY 45
16
St. Justine
45
16
St. Martin
45
16
St. Thomas
47
16
St. Therese
47
16
St. Timothy
46
16
St. Gemma
47
16
Kabuoang Bilang
729
16
Talahanayan 1: Bilang ng mga Kalahok Instrumento at Teknik A. Talatanungan Upang malaman ang mga impormasyon o datos, kailangan gunamit ng sarbey. Sa paraang ito ay makukuha rin ang mga paglutas sa mga suliranin. Gumawa ng talatanungan ang mga mananaliksik na mayroong tatlo na bahagi. Unang bahagi ay kung saan nakapaloob ang propayl ng respondante. Kinapapalooban ito ng kasarian, seksyon at edad ng mga mag-aaral. Ikalawa, may pagpipilian ang aming mga kalahok na piling sagot na kung saan ay sasagutin ito sa pamamagitan ng check list. Naka-base ang mga sagot nila kung ang wikang Ingles ba ay mabisa bilang midyum sa pagtuturo ng Araling Panlipunan sa pagkatuto ng mga kalahok batay sa pang-unawa sa paksang aralin.Panghuling bahagi, mayroon ring mga piling sagot na kaugnay
19
Bisa ng Wikang Ingles Bilang Midyum sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa mga mag-aaral HOLY ANGEL UNIVERSITY
sa implikasyon ng paggamit ng wikang Ingles sa pagtuturo ng Araling Panlipunan sa pagkatuto ng mga kalahok. B. Obserbasyon Ang mga mananaliksik ay oobserbahan ang mga mag-aaral sa kanilang silid aralan habang sila ay tinutiruan ng kanilang guro sa asignaturang araling panlipunan.
Dahil sa obserbasyon at pagsasagot ng mga respondante na gagawin ay maaaring maka likom ng datos ang mga mananaliksik upang makita ang bisa ng wikang ingles bilang midyum sa pagtuturo at pati na din ang mga negatibo at positibong epekto nito. Mga Hakbang sa Pag-aaral Pagbuo ng Konsepto sa Gagawing Pag-aaral Nagkaroon ng sapat na oras ang mga mananaliksik upang mag-isip ng isang paksa o konsepto na patungkol sa wika na kanilang pag-aaralan. Ang guro a pumili ng angkop na paksa na tatalakayin sa isasagawang pananaliksik. Pagbuo ng Titulo ng Pag-aaral Mula sa mga naisip at nabuong konsepto o paksa tungkol sa wika ang napiling talakayin ng mga mananaliksik ay tungkol sa wikang ingles bilang midyum sa pagtuturo. Ang konsepto o paksa na naglalayong malaman ang “ Bisa ng Wikang Ingles Bilang Midyum sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa mga Mag-aaral na Gr. 10 ng Holy Angel University. “ 20
Bisa ng Wikang Ingles Bilang Midyum sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa mga mag-aaral HOLY ANGEL UNIVERSITY
Pagbuo ng Layunin Ukol sa Pag-aaralang Paksa Ang mga mananaliksik ay gumawa ng mga layunin upang maging gabay sa kanilang gagawing pag-aaral. Ang mga layuning ito ay ang mga sumusunod: 1. Maipakita ang bisa ng wikang Ingles bilang midyum sa pagtuturo ng Araling Panlipunan sa pagkatuto ng mga kalahok batay sa pangunawa sa paksang aralin. 2. Malaman ang implikasyon ng paggamit ng wikang Ingles sa pagtuturo ng Araling Panlipunan sa pagkatuto ng mga kalahok. Pagkalap ng Datos Patungkol sa Pag-aaral Ang mga mananaliksik ay naglakap ng ibat’t-ibang datos mula sa internet na kanilang gagamitin sa kanilangg pananaliksik. Ang mga datos na ito ay nagsisilbing gabay at tulong sa kanilang pag-aaral. Ito rin ay nakatulong upang ipagtibay ang kanilang isasagawang pag-aaral. Paggawa at Pagpapatibay ng Talatanungan Bilang isang hakbang na dapat maisakatuparan para masolusyunan ang suliraning kinakaharap ng mananaliliksik ay gumawa o bumuo ng talatanungan ang mga mananaliksik na magsisilbing instrument sa gagawing sarbey sa pag-aaral. Ang mga suliranin na inilahad sa unang kabanata na naglalayong malutas ng mga mananaliksik sa katapusan ng pag aaral ay ang nag silbing batayan upang mabuo ang instrumentong ito. Dapat ay maging katanggap-tanggap at kapani-paniwala ang talatanungang gagamitin sa pag-aaral kaya naman pagkatapos mabuo ng talatanungan ay nararapat lamang na mapagtibay ito ng mga ilang gurong propesyonal pati na rin ang magsisilbing statistician. 21
Bisa ng Wikang Ingles Bilang Midyum sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa mga mag-aaral HOLY ANGEL UNIVERSITY
Pamamaraang Estatisko Gagamit ng paraang istatistikal na rating scale ang mga mananaliksik. Narito ang palarawang marka ng check list na gagamitin. Wikang Ingles Wikang Filipino Oo Hindi
Pagsusuring Istatistikal ng Datos Ang mga sumusunod ay ang mga pormulang gagamitin sa buong pananaliksik:
1. Yamane’s Formula
𝑛=
𝑁 1+𝑁(𝑒)²
22
Bisa ng Wikang Ingles Bilang Midyum sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa mga mag-aaral HOLY ANGEL UNIVERSITY MGA SANGGUNIAN WEBSITES: Abramaham & Kaidonis. (2006). Implementasyon ng Paggamit ng Wikang Ingles sa Lahat ng Asignatura Maliban sa Filipino. Retrieved from https://www.academia.edu/23007697/_Implementasyon_ng_Paggamit_ng_Wikang_Ingle s_sa_lahat_ng_Asignatura_maliban_sa_Filipino_Kabanata_1_and_2 Acelajado, M. (2018). Epekto ng mga wikang Filipino at Ingles bilang midya sa pagtuturo. Retrieved from https://ejournals.ph Almario, V. (2015). Ano ang Araling Panlipunan at nga sangay nito. Retrieved from https://ekonomiks.info/araling-panlipunan/ Amamio, L. (2000). Pagsasama ng Lenggwaheng Ingles sa Asignatura ng Pagtuturo. Retrieved from https://www.academia.edu/6173695/PAGSASAMA_NG_LENGGWAHENG_INGGLES _SA_ASIGNATURA_NG_PAGTUTUOSdxgfdyhhf Andres. (2017). Filipino o Ingles: Ano ang dapat na gamitin sa pagtuturo sa paaralan? Retrieved from http://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/talakayan/621945/filipino-o-inglesano-ang-dapat-na-gamitin-sa-pagtuturo-sa-mga-paaralan/story/ Apilado. (2008). Wika ng Edukasyon. Retrieved from Blogspot: http://buhaydrayber.blogspot.com/2011/12/wika-ng-edukasyon.html 23
Bisa ng Wikang Ingles Bilang Midyum sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa mga mag-aaral HOLY ANGEL UNIVERSITY Bastilla, C. (2018). Monolingguwalismo, bilingguwalismo at multilingguwalismo. Retrieved from https://www.slideshare.net/mobile/chxlabastilla/monolingguwalismobilingguwalismo-at-multilingguwalismo Calbay, R. (2006). Wika o diyalekto. Retrieved from https://varsitarian.net/features/20060818/wika_o_diyalekto Cezar, F. (2017). Posisyong papel. Retrieved from https://prezi.com/m/97nklv9jhivb/posisyong-papel/ Delos Santos. (2016). Isang Sariling Wikang Filipino. Retrieved from http://kwf.gov.ph/wpcontent/uploads/2018/02/Isang-Sariling-Wika-Filipino.pdf Gatsby, (2014). Ano ang kahulugan ng asignatura. Retrieved from https://brainly.ph/question/59777 Gonzales. (2010). Isang Kritikal na Pagsusuri: Ang Wikang Ingles bilang Medium of Instruction Retrieved from http://politikalon.blogspot.com/2011/01/isang-kritikal-na-pagsusuri-angwikang.html Magdael. (2011). Misedukasyon: Pagtuturo ng Wikang Ingles. Retrieved from Blogspot: http://bn61.blogspot.com/2011/12/misedukasyon-ang-pagtuturo-ng-wikang.html Mamauag, C., (n.d.). Pagsasama ng mga lenggwaheng Ingles sa asignatura. Retrieved from https://www.google.com/url?q=http://www.academia.edu/6173695/PAGSASAMA_NG_ LENGGWAHENG_INGGLES_SA_ASIGNATURA_NG_PAGTUTUOSdxgfdyhhf&us g=AFQjCNEMBSucI9JomSdpXZVdTKFg3e_8gQ Mendoza, R., (2017). Ano ang Araling Panlipunan at mga sangay nito. Retrieved from https://ekonomiks.info/araling-panlipunan/ Nenita Papa (2000). Retrieved from https://www.academia.edu/22659642/Kabanata_2/ Velasco, K., (2014). Metodolohiya ng pananaliksik. Retrieved from https://prezi.com/m/r9k3nc8e3vfh/metodolohiya-ng-pananaliksik/
24
Bisa ng Wikang Ingles Bilang Midyum sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa mga mag-aaral HOLY ANGEL UNIVERSITY
Victoria. (2015). Retrieved from https://www.coursehero.com/file/p7068nn/Wikang-InglesAyon-kay-Victoria-2015-ang-wikang-Ingles-ay-isang-internasyonal/
25
Bisa ng Wikang Ingles Bilang Midyum sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa mga mag-aaral HOLY ANGEL UNIVERSITY
“Bisa ng Wikang Ingles Bilang Midyum sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa mga Magaaral na Grade 10 ng Holy Angel University” Kami ay mananaliksik tungkol sa paksang “Bisa ng Wikang Ingles Bilang Midyum sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa mga Mag-aaral na Grade 10 ng Holy Angel University”. Kami ay humihingi lamang ng kaunting oras para masagot ng buong puso at may katapatan ang talatanungang ito upang kami ay maka likom ng datos para sa aming pananaliksik. Maraming salamat! Kasarian
Babae
Lalake Seksyon: ________________
Edad ___________
Panuto: Makikita sa ibaba ang iba’t ibang tanong tungol sa perspektibo ng mga mag-aaral sa bisa at ang implikasyon ng paggamit ng wikang Ingles sa pagtuturo ng Araling Panlipunan sa pagkatuto ng mga kalahok. Lagyan ng tsek
ang natipuhang sagot.
1. Ano ang mas epektibong midyum sa pagturo ng asignaturang Araling Panlipunan? 2.
Wikang Ingles
3.
Wikang Filipino
2. Saan mas mabilis naintindihan ang leksyon sa asignaturang Araling Panlipunan? Wikang Ingles Wikang Filipino
26
Bisa ng Wikang Ingles Bilang Midyum sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa mga mag-aaral HOLY ANGEL UNIVERSITY 3. Ano ang mas nais mong gamiting midyum na panturo ng mga guro sa asignaturang Araling Panlipunan? Wikang Ingles Wikang Filipino 4. Sa anong wika ka mabilis na nakakasunod sa talakayan sa asignaturang Araling Panlipunan? Wikang Ingles Wikang Filipino 5. Sa iyong palagay, saang wika angkop ang pagtuturo ng asignaturang Araling Panlipunan? Wikang Ingles Wikang Filipino 6. Nakikilahok ka ba sa talakayan niyo sa Araling Panlipunan kapag ang ginagamit na wika ay Ingles? Oo Hindi
7. Matataas ba ang iskor na nakukuha sa tuwing may aktibidad sa asignaturang Araling Panlipunan kapag wikang Ingles ang gamit? Oo Hindi
27
Bisa ng Wikang Ingles Bilang Midyum sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa mga mag-aaral HOLY ANGEL UNIVERSITY 8. Mas marami bang nakikilahok sa talakayan kapag wikang Ingles ang gamit panturo? Oo Hindi 9. Nawiwili ka bang makinig tuwing tinuturo ang asignaturang Araling Panlipunan gamit ang wikang Ingles? Oo Hindi 10. O mas nakakawiling makinig tuwing tinuturo ang asignaturang Araling Panlipunan gamit ang wikang Ingles? Oo Hindi
28