New Era University College of Business Administration No.9 Central Avenue New Era, Quezon City 1107
PARAAN NG PAMAMAHALA NG ORAS NG MGA NON-ABM
Pagtupad sa pangangailangan para sa kursonf Business Administration Major in Human Resource
Nina: Lopez, Loraine T. Polarde, Aubrey Retuerto, Kristine Jhoy Borja, Karen Marie Caasi, Ronan Rithzer Jean
Dr. Ligaya Del Rosario 2019
Abstrak Ang pag-aaral na ito ay umiikot lamang sa signipikong kaugnayan ng visual aids sa asignaturang marketing ng mga mag-aaral ng ABM sa SJDM Cornerstone College Incorporated. Nais mamulat ng mga mananaliksik ang mga mag-aaral o mamababasa patungkol sa kahalagahan ng paggamit ng panturong biswal. Sa unang kabanata o bahagi ng pananaliksik na ito makikita ang introduksyon kung saan malalaman ang panimula ng pag-aaral, paglalahad ng suliranin kung saan makikita ang mga katanungan na sasagutin ng pag-aaral na ito at patungkol lamang sa nasabing paksa, kahalagahan ng pag-aaral, batayang konseptuwal o paradaym kung saan makikita ang blueprint o proseso kung paano gagawin ang pag-aaral na ito, saklaw at delimitasyon ng pagaaral, at pagbibigay kahulugan sa mga katawagan o terminolohiya. Sa ikalawang kabanata o bahagi naman makikita ang mga literatura at pag-aaral na kaugnay ng naturang paksa kung saan ito din ay isa sa mga magsisislbing patunay o dagdag impormasyon sa pag-aaral na ito. Naglalaman ito ng lokal at dayuhang pag-aaral at literatura kung kaya’t malalaman din ng mga mambabasa kung ano-ano ang pagkakaiba ng mga impormasyon na manggagaling dito. Sa ikatlong kabanata o bahagi naman makikita ang disenyo ng pananaliksik kung saan malalaman kung anong metodolohiya ang ginamit sa pananaliksik, pamamaraan sa pagpili ng respondente, instrumento ng pananaliksik, pamamaraan sa pagkalap ng datos, at estatistikal na pagsusuri sa datos. Sa ikaapat na kabanata o bahagi naman makikita ang mga resulta ng mga nakuhang datos. Dito malalaman ang paliwanag ng mga datos at konklusyon ng mga mananaliksik. Sa ikalimang kabanata o bahagi naman, dito na makikita ang buod na paglalahad ng mga mananaliksik sa kabuuang impormasyong nahinuha sa pag-aral at ano ang konklusyon nila sa nakalap na mga datos at obserbasyon nila dito. Sa huling bahagi ng pag-aaral na ito malalaman kung nasagot nga ba ng mga mananaliksik ang mga suliranin at na aayon nga ba ito sa kanilang inaasahan.
KABANATA 1 SULIRANIN AT KALIGIRAN Sa kabanatang ito, ipapakita ang mga suliranin na dapat sagutin ng pag-aaral na ito, parte rin ng kabanatang ito ang saklaw at limitasyon na kung saan sinasaad doon kung ano ang hangganan ng pag-aaral na ito, dito rin makikita ang kahalagahan ng pag-aaral na kung saan binibigyan pansin ang pagbibigay importansya sa mga taong pwedeng gumamit ng pag-aaral na ito.
Panimula Sa panahon ngayon karamihan ng mga estudyante ay nagagahol ng oras. Nag rereklamo sapagkat hindi nila magawa ang lahat ng takdang gawain at ipasa sa tamang oras. Ayon sa artikulong “how thus studying affect the student.” Na ang pag kraming at ang pagrerebyu bago ang pagsusulit ay hindi nakakatulong sa mga eatudyante upang makakuha ng mataas na marka. Ayon naman sa pag aaral ni Tauhues, “Success and the balance of commitment and time: effect of percieved time management control on college students performance. Ang ganitong uri ng kaugalian ay nakakahadlang sa produktibo at pamamahala ng mga estudyante sa tamang oras. Ang tamang pamamahala ng oras ay isang kaugalian na matutunan kung ito ay lilinangin sa pamamagitan ng mabisang pagsasanay at patuloy na pag gawa. Maliban dito ang pamamahala ng oras ay isa sa mga importanteng bagay na dapat na pag gawa ng isang tao, mapa estudyante, propesyonal, o isang manggagawa, ito rin ay makakatulong upang maka iwas sa “stress”. Ayon sa artikulong isinulat ni Matt Mayberry 2015, ang oras ay isa sa pinaka importanteng bagay sapagkat kung hindi mo ito ginagamit ng wasto hindi ito maibabalik pa sa iyo. Isa sa mga mabisang paraan ng pag gamit ay ang pagiging marunong o tamang pag balanse ng oras. Ito din ay magiging paraan upang maging desiplinado ang tao
sapagkat kung ang tao ay marunong mag balanse ng kanyang oras siya ay mas lalong magiging produktibo. Maliban sa pagtuklas kung ano nga ba talaga ang “time management” o wastong pag gamit ng oras, ang pananaliksik na ito ay para sa mga mag aaral ng non-abm sa Pamantasan ng New Era upang malaman kung ano nga ba ang mga dahilan kung bakit nag kakaroon sila ng hindi wastong pag oorganisa ng kanilang oras. Halimbawa ay ang di maayos na pag organisa ng mga nakatakdang gawain kung alin ba ang dapat unahin at dapst na agad na tapusin upang walang maging sagabal o hadlang sa iba pang mga naka takdang oras. Nagiging sakit na din ito ng mga estudyante sa pagkat ginagawa nila lahat ng mga gawain kung saan malapit na ang takdang araw at takdang oras ng pasahan nito. Panghuli ay ang pagkagulo ng kanilang isipan sa mga isipan sa mga bagay na nakapalibot sa kanila na nakakadulot ng hindi pag tapos ng mga takdang gawain o aralin sa paaralan.
Paglalahad ng Suliranin Ang pananaliksik na ito ay tumutulong upang suriin ang mga mabisang pamamaraan ng mga NON-ABM sa kailang pag-aaral. Ang proseso ng pananaliksik na ito ay tumutuon sa batayan ng mga katanungan sa pananaliksik na magiging gabay ng mga mananaliksik Ang mga sumusunond na katanungan sa pananaliksik ay pinili upang matugunan ang mga kinakailangan: 1. Ano-ano ang iba’t- ibang pamamaraan ng mga respondante sa kanilang pag-aaral? 2. Paano pinapahalagahan ng mga estudyante ang kanilang oras? 3. Paano nakaapekto ang pagpapahalaga ng oras ng mga estudyante sa kanilang oras?
Saklaw at Limitasyon Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa loob ng Pamantasan ng New Era na kung saan ang mga mananaliksik ay layong mangolekta ng datos na may kaugnayan sa pamamahala ng oras at layunin din ng mga mananaliksik nap ag-aaralan ang mga iba’t-ibang pamamaraan ng mga estudyante upang maiaayos nila ang kanilang pamamahala ng oras. Ang pag-aaral na ito ay magkakaroon ng pitumpu’t pitong (75) na respondante na sumasaklaw lamang sa mga estudyante na maroon “bridging subject” o mga non-abm na estudyante. Kahalagahan ng Pag-aaral Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay upang malaman kung ano nga ba ang mga pamamaraan ng mga esudyanteng meroong “briging subject” o mga non-abm na estudyante, liban don tinutukoy din ng pag-aaral na ito kung paano nga pahalagahan ng mga mag aaral ang kanilang oras upang mabalanse ang kanilang mga takdang gawain.
Ang makikinabang ng pag-aaral na ito ay ang mgasumusunod:
Mag-aaral- ito ay mag sisilbing reperensya at gabay ng mag-aaral kung paano gamitin ng maayos, makahulugan at prodaktibo ang kanilang mga oras. Ito rin ay tumutukoy sa mga mag-aaral na nag karoon ng “bridging subject” o isang “non-abm” na estudyante na kumukuha ng kursong tungkol sa “business”
Mga Guro- ito ay maaring maging basehan ng mga pwedeng aksyon sa mga estudyanteng non-abm na kung saan na hihirapan sa pag oorganisa ng kanilang oras, tumutulong din itong pag-aaral na ito upang malaman ng mga guro kung paano nga ba inaayos ng mga estudyante na non-abm ang kanilang oras
Mga Mananaliksik- Ito ay makakatulong upang maging reperensya ng mga mananaliksik sa kanilang gagawing pag-aaral patungkol sa wastong paraan ng pamamahala nng oras at ano nga ba ang mga bagay na ginagawa ng mga estudyante upang mapabuti ang kanilang pag-aaral
Kahulugan ng mga Terminolohiya
Ang mga salitang ginamit sa pag-aaral na ito ay binigyan ng kahulugan ayon sa depinisyon o operasyonal upang ito ay mas maintindihan ng mga mambabasa ang mga terminong ginamit sa pagaaral na ito.
Bridging Subject- Karagdagang asignatura sa mga mag-aaral na kumuha ng kursong hindi konektado sa kanilang kinuha noong senior high school Filipino – Ito’y sa mga asignatura sa kurikulum ng sekondarya mula unang taon hanggang ikaapat na antas, tinutukoy sa asignaturang ito ang mga bagaybagay na may kaugnayan sa bararila, bilang kabilang sa medium ng pagtuturo. Karunungang Nakamtam – Kaalam na natamo ng mga estudyanteng mula sa isang aralin o asignatura (Abad, 1995) nakukuha ang mga pagmamasid o pagsasariling aral. Kapaligiran ng Paaralan – Ang salik na ito ay may epekto sa pag-aaral ng estudyante, at kung saan din ginawa ang pananaliksik
Non Abm- Mga mag-aaral na kung saan kumukuha ng kursong konektado sa business na kung saan hindi kumuha na strand na ABM
Pamamahala ng Oras – Ito’y ang wastong pag-gamit ng oras at pag-gamit sa tamang panahon ng oras. Pananaliksik – Isang sistemang paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon. Stress – Nakakatulong ito maiwasan ang panganib o matugunan ang deadline.
Time Management- Wastong pag gamit ng oras sa makabuluhang bagay
KABANATA 2 REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA Sa kabanatang ito, malalaman natin kung ano ang mga literature at pag-aaral na konektado sa pag-aaral na ito, makikita rin dito ang teoretikal na balangkas na kung saan bibigyan pansin ang teoryang pwedeng magbigay pakahulugan sa pag-aaral na ito dito rin sinaad ang konseptwal na balangkas na kung saan binigyang pakahuluga kung paano gagawin ang pagaaral na ito Kaugnay na Literatura at Pag-aaral Ayon kay Bittle, lumalagong kamalayan na dramatikong impluwensiya sap ag-uugali kung paano nito tingnan at gamitin ang oras. Wala kayong kakayahan na kontrolin ito, maging binasa sa pag gamit nito o gamitin ito sa madiskarteng kadahilanan liban na lamang kung lubos nating nauunawaan ang epekto nito sa ating buhay bilang indibidwal o bilang kaanib sa isang pang kating organisasyon. Sinabi rin sa tekstong ito ng maayos lamang tayong limitadong oras kung kaya’t kailangan ng magkaroon ng maayos na pag oorganisa ng oras base sa durasyon. Sa madaling salita kailangan mong i-organisa ang iyong oras sa mga sumusunod; (1.) gamitin ang mga minuto upang maging isang bloke ng gusali para sa pagsukat ng pagiging epektibo para sa pag-gamit ng oras para sa pagplapano para sa pagbubuti sa pagigigng produktibo. (2.) gamitin ang mga buwan at taon upang markanan ang iyong mga pangako at mga obligasyon upang suriin ang inyong mga pangako patungo sa milestone na ito. (3.) gamitin ang iyong mga bilang na araw para sa isang “ledger” laban sa kung saan ang mga bagay para sa paggamit ng iyong oras. Sabi naman ni Wif (1968) maraming mga mag-aaral sa kolehiyo ay nagrereklamo tungkol sa pagiging maikling panahon. Ang una ay maaring pagtagumpayan sa pamamagitan ng pagtatagumpay sa pagdaragdag sa iyong kasalukuyang sa dating bilang ng mga iba’t ibang paraan tulad ng part time na trabaho, utang tulong sa pamilya ngunit ang pangalawang mahalagang oras
ay hindi maidaragdag. Ayon kina Thuy Lam at Manitoba (2018) sinabi din dito na ang wastong pag-gamit ng oras ay tungkol din sa pag-organisa at pagplano ng iyong prayoridad, obligasyon at iyong iskedyul. Ang pamamahala ng oras ay pinagbuo-buo ng mga panuntunan mga pag-gawa ng mga bagay sa naayon na oras, sa loob ng pamahalaan o paaralan ng Unibersidad ng New Era. Time Management Matrix, ang isa sa mga nabigay ng mga mahahalagang bagay o kagamitan na ito ay ang time management (Covey, 2000). Ang mabisang pamamahala ng oras ay patuloy na nagiging isang mahalagang sektor ng pagtatrabaho ng mga mag-aaral hindi lamang dahil mahalaga ito sa pagdaragdag ng kaalaman at mabuting pananaw ukol sa kanilang mga gawain kundi dahil na rin ito’y nagiging mahalagang sakop sa pagpapadali ng kanilang pang araw-araw na proyekto (Brain Tracy, 2003). Ayon kila Sansgiry, Kawatkar, Dutta at Bhosle (2014), ang mga pangunahing kasanayan sa pamamahala ng oras ay nagsisimula sa pag-prayoridad, paglalagay ng higit na diin sa mga mahahalagang gawain, pagsisimula agad tiyak na mga aktibidad sa mga iskedyul dapat gumawa ng listahan ng “gawain” at kailangan ng disiplina upang manatiling nakatuon sa listahan upang magkaroon ng mas mahusay na pamamahala ng magagamit na oras. Ang iba pang mga mananaliksik ay inilarawan ang pamamahala ng oras bilang paraan kung saan ang isang indibidwal ay mas mahusay na nagagawa ang mga gawain at layunin; pagkakaroon ng balanseng kakayahang umagkop at pagkontrol sa paglipas ng panahon; pagtatakda ng mga prayoridad at pag-iiskedyul ng mga gawain na nakita ni Kaushar (2013). Ang oras ay napakahalaga sapagkat hindi na naibabalik ang mga nasayang na oras at pagkakataon. Gayun din ang pag-aaral, maraming pagkakataon at oportunidad ang maaring
mawala kung hindi pamamahalaan ng tamang oras. Ang pagkakaroon ng pamamahala at pamamaraan kung paano pamamahalaan ang oras ay nakatutulong upang sa paglinang ng kaalaman at sa pagkonserba ng oras. (Porevro, 2018). Ang buhay kolehiyo ay nagbibigay daan sa mga estudyante ng kalayaan sapagkat hawak nila ang kanilang oras. Subalit habang ang taon ay pataas ng pataas ay nagiging mahalaga na para sa estudyante ang namamahala sa kanilang oras. Ang time management ay may mahahalagang papel sa pag-gawa ng mag-aaral sa paaralan at sa pagtamo ng mga pagtatagumpay pang akademiko. Lahat ng mag-aaral ay nararapat na magkaroon ng kakayahan sa time management kasama na ito ang pagtatakda ng layunin, prayoridad na gawain, at pagiging organisado sa paggamit ng oras. Posible lamang na maisakatuparan ang time management sa pamamagitan ng pag ganyak sa sarili o pansariling motibasyon. (Brigitte, Claessens, Eerde at Ruttie, 2005). Ayon kay Denlinger (2009), walang tamang paraan upang ating mapamahalaan ang ating oras; Sa kabilang banda, mahalagang maunawaan natin ang ating sarili upang magkaroon tayo ng mabuting pagpapasya sa pag gamit ng ating oras. Ang pamamahala ng oras ay isang kasanayan na hindi lang dapat malaman ng isang estudyante, dapat din ay gamitin. Marami sa mga estudyante ay nagrereklamo sa pagkaubos ng oras kapag may ginagawang gawain. Nakakaramdam din sila ng pagkabigo dahil hindi sila nakakaabot sa takdang araw. Ang pamamahala ng oras ay napaka halaga lalo na sa mga kolehiyo dahil dito nagpapataas ng porsyento ng produktibo nila bilang isang estudyante (Laurie at Hellsten, 2002). Gayunpaman, karamihan sa mga estudyante ay kumakalap sa mga problema katulad ng pag-ayaw at hindi sigurado sa mga bagay, at dahil don nagsisimula silang lumiban dahil meron silang mababang pag-oorganisa ng oras na nagreresulta na ang estudyante ay hindi na aayos ang kanilang tungkulin ayon sa kanilang prayoridad, at dahil don madaling maguguluhan at nag-
reresulta ito sa pagliban sa klase. Ang pag-organisa ng oras ay isang mahalagang bagay lalo na sa kolehiyo, at ito ay isa sa mga bagay na makakatulong upang makakamit ng mataas na marka (Kelly, 2004). Ayon sa kanilang mga resulta, ang pamamahala ng oras ay isa sa nakakaambag sa perpormans ng mga estudyante na naging masinop sa pamamahala ng kanilang oras upang walang masayang (Kalamag,2004). Ayon sa pag-aaral nina Shazia N at Muhammad Sagib K. nailathala sa research gate na ang kahulugan ng pamamahala ng oras sa bawat estudyante sapagkat ito’y nakakaapekto sa kanilang indibidwal na pag-ganap. Samakatuwid, ang tamang pamamahala ng estudyante nang oras ay isa sa mga nagbibigay daan upang sila ay maging mabuting estudyante. Binigyan pansin din ng mga mananaliksik na ang pamamahala ng oras ay maaring nakaka-stress sa mga estudyante sa kagustuhan na mapagaan at magampanan lahat ng nakatakdang gawain. Ayon kay Faisal 2. Migdadi noong Abril 4, 2014, “The relationship between time management and academic achievement) performance at study from petreloum Institute in Abu Dhabi”, ang hindi pagoorganisa ng sariling kagamitan ay isa rin sa dahilan ng pagkaubos ng oras. Ang mga sistema ng pamamahala ng panahon ay kadalasang nabigo dahil ipinanganak sila ng pagiging perpekto at hindi makakatohanang mga inaasahan halimbawa, ang ilang mga tao ay hindi nagpapasimula ng isang diskarte sa pamamahala ng oras hanggang sa nahuhulog na sa kanilang gawain. Ang mga sinusubukan na sundan ang mga iskedyul, madalas na nahulog sineseryoso sa likod ng kanilang hinahangad na bilis at aburdunahin ang plano ng buo na nagreresulta sa patuloy na problema sa oras. Ang ilan ay nagtataka sa paanuman na ang mga istratehiyang ito ng pagplapano. https://lss.info.yorku.ca/resouces/university-time-management
Teoretikal na Balangkas Ang mga teorya patungkol sa “Time Management” ay pag-aaralan at ikonekta sa sitwasyon ng mga estudyante katulad ng Maslow’s Hierarchy of Needs at Alfred Theory ano nga ba ang masasabi ng teoryang nabanggit tungkol sa pamamahal ng oras sa trabaho, pag-aaral at social life, pagkatapos ay ikokonekta sa sitwasyon ng mag-aaral. Ang mga teoryang ito ay napili dahil tumutukoy ito sa pangangailangan ng tao, tulad ng motibasyon , self esteem at iba pa. Maslow’s Theory- Ayon kay Maslow (1954) “As long as the efficient use of the time helps us meet higher goals of fulfilment spiritually and well being we perieved it as helpful. But for the sake of interest in better efficiency if we give up bigger things like agenda and self-satisfaction in life, then this can be seen a most victory.” Ang teorya ni MasLow ay tumutukoy sa pangangailangan ng tao, bilang isang estudyante, na kung saan wala sa magandang estado ng pagiisip, ito ay isang mapamang hamon na bagay na kung saan ay gagawa ng plano sa pag-aaral at maayos na pag-gamit ng oras. Itong teoryang ito ay sumasalamin kung paano naayos ang estudyante ang kanilang sarili upang mapunan ang kanyang pangangailangan (Jeffrey,2011). Ang teoryang Maslow ay umuugnay sa pag-aayos ng mga estudyante ang kanilang oras sa aspeto ng layunin at satispaksyon. Gaano man kailangan mag trabaho ang mga estudyante, mapagtatanto nila kung ano ang layunin ng kanilang pinagaaralan at para saan ito. Ang pag gamit ng mas maraming oras at trabaho ay nagreresulta sa pagkawala ng pokus ng estudyante sa kanyang layunin.
Alderfer’s ERG Theory- Ang pamamaraan ng ibat-ibang label ay mas nakikita bilang karugtong kasya hiwalay na kategorya ay hindi kumukuha ng sunod sunod na pag-unlad hanggang sa Hierarchy, ngunit nagbigay ng higit pa kaysa sa isang antas upang maging aktibo sa parehong oras (Rollinson 2008, Organization Behaviour and Analysis).
Conceptual na Balangkas
TIME MANAGEMENT
Pag-paprayoridad ng gawain
Pagpapaliban ng gawain
Resulta ng gawain
Ang figure na nasa itaas ay nag papakita ng relasyon sa pagitan ng dependent at indepent baryabol ng pag aaral na ito, at ang ginamit na method sa pag aaral na ito. Ipinapakita rito na ang resulta ng gawain ay dumedepende sa pagpaprayoridad ng gawain at pagpapaliban ng gawain.
Kabanata 3 PAMAMARAAN Sa kabanatang ito, bibigyan pansin kung ano-anong pamamaraan ang gagamitin ng mga mananaliksik. Disenyo ng pananaliksik Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong sarbey na disenyo para sa kanilang pag aaral. Ang deskriptibong sarbey ay isang metodo sa pananaliksik na kung saan gumagamit ng survey questionnaire o talatanungan na pupunan ng mga respondante. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang sinabing disenyo ay ang pinaka angkop para sa pag aaral Mga Respodante Ang mga respondante na ginamit sa pananaliksik ay nag mula sa pamantasan ng New Era na kumukuha ng kursong may kinakaman sa business, na may roong karagdagang asignatura (bridging subject) o ang mga estudyanteng NON-ABM. Ang mga mananaliksik ay may pitongput-lima (75) na respondante na nang galing sa College of Business Administration. Paraan ng pag Pili Gumamit ng Simple Random sampling ang mga mananaliksik upang malaman ang pangkat ng mga respondate para sa pag aaral na ito. Ang mga estudyanteng napili ay siyang mag sasagot ng inihandang talatanungan ng mga mananaliksik. Paraan ng Pangangalap ng Datos Ang mga mananaliksik ay humingi ng pahintulot sa kanilang propesor upang mangalap ng datos para sa ginagawang pag aaral at ito ay pinahinulutan ni Dr. Ligaya Del Rosario. Gumamit ang mga mananaliksik ng survey questionnaire o talatanungan na may labing-limang tanong ukol sa kanilang pag aaral sa loob ng pamantasan ng New Era.
Paraan ng Pagbuo Humanap ang mga mananaliksik ng naangkop na talatanungan sa internet at ito ay isinalin ng mga mananaliksik sa Tagalog. Kumuha ang mga mananaliksik ng ilang pahayag na naangkop sa pag aaral sa Time management questionnaire for college student na inihanda ng University of Kent. Kasama sa mga pinag kuhaan ay ang Study habits survey at How good is your management. Pag-aanalisa ng Datos Ang datos sa pananaliksik ay nagmula sa sagot ng mga respondent na nakalap sa pamamagitan ng pagsagot sa kwestyoner. Gumamit ng Percentage at Likert Scale upang mas lalong maunawaan ang mga nakalap na datos at matugunan ang suliranin ng mga mag-aaral sa pamamahala ng kanilang oras. Ang percentage ay nakukuha sa pagsasamasama ng frequency at hahatiin sa bilang ng respondente at imumultiply sa 100. Halimbawa: P=
x 100
P = Percentage F = Frequency N = Bilang ng respondente
Weighted mean: Sa pagkuha ng weighted mean kailangan na imultiply ang bilang ng respondente sa ibinigay na timbang at ang resulta ay hahatiin sa kabuuang bilang ng respondente. Halimbawa: Wx = Σ Σ = Kabuuan ng Frequency N = Bilang ng respondente Sa istadistiko ang Likert Scale ay isang sikolohikal na pagsukat aparato na ginagamit para sukatin ang mga ugali, pagpapahalaga, at mga opinyon. Ito ay gumagana sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang taong kumpletuhin ang isang kwestyoner na nangangailangan sa kanila upang ipahiwatig ang lawak na sila ay sumasang-ayon o hindi sumasang-ayon sa isang serye ng mga pahayag.
KABANATA 4 PRESENTASYON AT INTERPRETASYON Sa kabanatang ito, bibigyan interpretasyon ang mga impormasyong nakalap at malalaman rin dito sa kabanatang ito kung epektibo ba ang pag kakaroon ng maayos na pag-oorganisa ng oras sa mga estudyante (Non-abm)
KASARIAN
LALAKI BABAE
Frekwensi 24 51 75
Balangkas 44% 66% 100%
Sa kasarian ng mga respondente na nakiisa sa aming pananaliksik, ang bilang ng mga lalaki ay dalawampu't apat (24) at ito'y may apatnapu't apat na porsyento (44%). Ang kabuuang bilang naman ng mga babae ay limampu't isa (51) at may ito ay may animnapu't anim na porsyento (66%). Mayroong kabuuang bilang na pitumpu't lima (75) ang lahat ng respondente at may katumbas na isang daang porsyento (100%). II. KURSO
Financial Management Human Resource Marketing Management Legal Management
Frekwensi
Balangkas
22 16 30 7
29% 21% 40% 9%
Sa pangangalap ng datos na aming ginawa may nakilahok na iba't ibang kurso na nakapaloob sa Business Administration. Ang bilang ng mga kabilang sa financial management ay dalawampu't dalawa (22) at mayroong dalawampu't siyam na porsyento (29%). Sa kabilang banda ang mga nasa Human Resource Management Development naman ay may kabuuang
bilang na labing anim (16) at mayroong dalawampu't isang porsyento (21%). Samantala ang respondente naman na kabilang sa Marketing Management at may kabuuang bilang na tatlumpu (30) at may apatnapung porsyento (40%). Panghuli ay ang mga magaaral na kabilang sa kursong Legal Management na may kabuuang bilang na pito (7) at may siyam na porsyento (9%). III IBA’T IBANG PAMAMARAAN NG MGA RESPONDANTE SA KANILANG PAG-AARAL
3.1 PAG TATALA NG LEKSYON HABANG NAG TUTURO
Lubos na sumasang ayon (4) Sumasang ayon (3) Hindi sumasang ayon (2) Lubos na hindi sumasang ayon (1)
Frekwensi 23 34 11 7
Bahagdan 31% 45% 15% 9%
Sa talahanayan 3.1 ay pinapakita na mas mataas ang bilang ng mga respondanteng sumagot ng sumasangayon na may balangkas na 45% at ang lubos na di sumasangayon ang pinaka mababa na may bahagdan na 9%. Ayon sa datos maraming estudyante ang sumasangayon na ang pagtatala habang nag tuturo ang guro ay isa sa kanilang paraan ng pag aaral. Ayon kay Grohol (2018), ang pag tatala ay isang mabisang paraan para makakuha ng mataas na marka, sapagkat ito ay mas nakatutulong sa mga estudyanteng matadaan ang kanilang aralin. Ito ay nangangahulugan na marami sa mga estudyanteng NON-ABM sa pamantasan ng New Era ay gumagamit ng ganitong pamamaraan sa kanilang pag aaral.
3.2
MAY SAPAT NA TULOG
Lubos na sumasang ayon (4) Sumasang ayon (3) Hindi sumasang ayon (2) Lubos na hindi sumasang ayon (1)
Frekwensi 30 27 9 9
Bahagdan 40% 36% 12% 12%
Sa talahanayan 3.2 maraming sumagot ng lubos na sumasangayon at ito ay may bahagdan na 40% at ito ay may bilang na 40 sa 75 na respondanteng sumagot. Samantalang may parehas na bilang at bahagdan naman ang hindi sumasangayo at lubos na hindi sumasangayon na may 9 at 12%. Nangangahulugan lamang ito na marami sa mga respondante ang lubos na sumasangayon na mas tumatatak sa kanilang isipan ang mga aralin kapag sila ay nakatulog ng wastong oras. Ito ay pinatunayan ni Tesoro (2015) sa kanyang pag aaral, na ang pag kakaroon ng wastong oras ng pag tulog ay hindi lamang para sa kalusugan kundi sa maayos na pag takbo nang ating utak. Ayon din sa kanyang pag aaral na isa sa dahilan ang kakulangan ng tulog lalo na sa mga estudyanteng nasa pinakamataas na antas ang pag baba ng kanilang marka. Ipinapakita lamang sa talahanayan na ito na mas epektibo ang pag aaral kung ang mga estudyante ay may sapat na oras ng tulog.
3.3 Lubos na sumasang ayon (4) Sumasang ayon (3) Hindi sumasang ayon (2) Lubos na hindi sumasang ayon (1)
PAG OORGANISA NG ORAS Frekwensi
Bahagdan
32 25 9 9
43% 33% 12% 12%
Ang talahanayan 3.3 ay may resulta na mas maraming sumagot na mas nakatutulong sa kanila pag aaral kung sila ay may roong kasama o group study sapagkat may bahagdan na 43% ang nag sabi na sila ay lubos na sumasangayon samantalang parehas ng bilang at bahagdan naman ang lubos na hindi sumasangayon at hindi sumasangayon. Nangangahulugan lamang ito na marami sa mga respondante ang nag aaral ng may kasama o nag gugroup study. Ayon sa Oxford (2018) na ang pag aaral ng may kasama ay nakatutulong sa mentalidad at emosyon ng estudyante , sapagkat sila ang mag sisilbing motibasyon ng isa’t isa, at maaring makatulong sa pag iintindi nang lektura. 3.4
MAS NAKAKATULONG ANG ITINALANG LEKSUR KESA SA MGA LIBRO
Lubos na sumasang ayon (4) Sumasang ayon (3) Hindi sumasang ayon (2) Lubos na hindi sumasang ayon (1)
Frekwensi
Bahagdan
30 28 10 7
40% 37% 13% 9%
Ang resulta sa talahanayan 3.4 ay 40% ang nag sasabi na sila ay sumasangayon na mas nakatutulong ang kanilang sariling itinala sa pag rerebyu habang ang guro ay nag leleksur samantalang pitong (7) respondante naman ang nag sasabing sila ay hindi lubos na sumasangayon. Ipinapakita lamang nito na isa sa mabisang paraan ng pag aaral ay ang pag tatala ng mga salita habang ang guro ay nag leleksur. Ayon kay Lundin (2019), na ang pag kakaroon ng
magandang bahagdan sa pag tatala ng mga salita ay mas lalong nakatutulong upang mapadali ang pag aaral ng estudyante. Bagama’t sanay na ay mas mapauunlad at mapagaganda pa ito kung palaging sinasanay. 3.5
PAG TULONG NG INTERNET SA PAG AARAL
Lubos na sumasang ayon (4) Sumasang ayon (3) Hindi sumasang ayon (2) Lubos na hindi sumasang ayon (1)
Frekwensi 25 30 11 9
Bahagdan 33% 40% 15% 12%
Sa talahanyan 3.5 ay may resulta na nag sasabing ang mga respondante ay lubos na sumasangayon na nakatutulong ang internet sa kanilang pag aaral at ito ay may bahagdan 63% at walang nag sasabi na lubos silang hindi sumasangayon. Ipinapakita lang nito na ang mga estudyante ay nag aaral ng may internet sapagkat ito ay makatutulong din sa kanilang pag aaral. Sabi ni Purwar (2015) na halos lahat ng tao ay may kakayahang gumamit ng internet at nakatutulong ito sa nakakararami. Bagama’t nakatutulong ay nakasisira din ito kung ito ay ginamit sa tamang paraan ay tayo ay makakakuha ng kaalaman.
IV. PAMAMARAAN NG PAG PAPAHALAGA NG MGA ESTUDYANTE SA KANILANG ORAS 4.1 PINAGHAHANDAAN ANG PAG SUSULIT Lubos na sumasang ayon (4) Sumasang ayon (3) Hindi sumasang ayon (2) Lubos na hindi sumasang ayon (1)
Frekwensi 28 30 10 7
Balangkas 37% 40% 13% 9%
ipinapakita ang paghahanda sa pagsusulit ng mga respondente ng mga mananaliksik, nangunguna ang Sumasang ayon na may frekwensi na tatlongput (30), sumusunod ang Lubos na Sumasang ayon na may frekwensi na dalawangput walo (28), ayon sa resultang ito nagpapatunay na pinaghahandaan ng mga respondente ang kanilang mga pagsusulit sa pamamaraan ng pag papahalaga ng oras. Sa apat na pagpipilian, dalawa nito ay may malaking resulta sa frekwensi at dalawa naman ay nanatili sa mga mababang resulta. 4.2 NAGLILISTA AT NAGLAAN NG ORAS BASE SA KANILANG IMPORTANSYA Lubos na sumasang ayon (4) Sumasang ayon (3) Hindi sumasang ayon (2) Lubos na hindi sumasang ayon (1)
Frekwensi 24 35 9 7
Balangkas 32% 47% 12% 9%
Ipinapakita dito ang resulta ng mga respondente kung naglilista at naglalaan sila ng oras base sa kanilang importansya. Ang mga respondente na sumasang ayon ay may frekwensi na tatlongput lima (35) o katumbas na apat na putpitong porsyento (47%). Sa apat na pagpipilian, ang Sumasang-ayon ang nangunguna sa lahat sunod ang Lubos na sumasang-ayon na may frekwensi na dalawang putapat (24) o tatlong na putdalwang porsyento (32%). Nagpapahiwatig ito na ang mga respondente ay may naglilista na ng mga gagawin upang mapagkasya din oras sa mga ibang bagay.
4.3 INUUNANG GAWIN ANG MADADALING GAWAIN Lubos na sumasang ayon (4) Sumasang ayon (3) Hindi sumasang ayon (2) Lubos na hindi sumasang ayon (1)
Frekwensi 20 35 15 5
Balangkas 27% 47% 20% 7%
ipinapakita dito ang resulta ng mga respondente sa inuunang gawin ang madadaling bagay, nangunguna ang Sumasang-ayon na may frekwensi na tatlong putlima 35 o katumbas na apat na putpitong porsyento (47%). Sinundan naman ng Lubos na sumasang ayon na may frekwensi na dalawangpu (20) o katumbas ng dalawangput pitong porsyento (27%). Nagpapahiwatig na ang mga respondente ay gusto gawin ang mga madadaling bagay sa kanilang sariling pamamahala ng oras. 4.4 INIIWASAN IPAGPALIBAN ANG MGA GAWAIN Lubos na sumasang ayon (4) Sumasang ayon (3) Hindi sumasang ayon (2) Lubos na hindi sumasang ayon (1)
Frekwensi 30 25 14 9
Balangkas 40% 33% 19% 12%
Inilalarawan ang resulta base sa iniiwasan ipagpaliban ang gawain. Nangunguna sa lahat ang Lubos na sumasang ayon na may frekwensi na 30 o may 40% percent sa data. Sumunod ang sumasang ayon sa frekwensi na 25 or 33%. Ipinahihiwatig nito na ang mga respondente ng mga mananaliksik ay lubos na sumasang ayon na wag ipagpaliban ang mga gawain, marahil ito’y importante parte ng kanilang pag-aaral tulad ng mga assignatura sa paaralan.
4.5 PINAPAHALAGAHAN ANG MGA GAWAIN Lubos na sumasang ayon (4) Sumasang ayon (3) Hindi sumasang ayon (2) Lubos na hindi sumasang ayon (1)
Frekwensi 33 25 9 8
Balangkas 44% 33% 12% 11%
inilalathala ang resulta kung paano pinapahalagahan ng mga respondente ang kanilang mga gawain, nangunguna ang Lubos na sumasang ayon na may tatlongput tatlo (33) na frekwensi o apat na put apat (44%) na porsyento. Sumunod ang sumasang ayon na may dalang put lima (25) na frekwensi o tatlongput tatlo (33%) na porsyento. Nagpapahiwatig na maraming respondente ay pinapahalagahan ang kanilang mga gawain sa paaralan dahil maaaring dito sila nakakakuha ng mga matataas na marka mula sa kanilang mga guro. V. EPEKTO SA PAGPAPAHALAGA NG ORAS NG MGA ESTUDYANTE SA KANILANG PAG-AARAL 5.1 MATAAS NA MARKA SA PAG SUSULIT Lubosnasumasangayon (4) Sumasangayon (3) Hindi sumasangayon (2) Lubosnahindisumasangayon (1)
Frekwensi 31 32 6 6
Bahagdan 41% 43 8% 8%
ang may pinaka mataas ay ang sumasangayon na may bahandag na 43% at parehas naman ang hindi sumasangayon at lubos na hindi sumasangayon na may bahagdan na 8%. Nangagahulugan lamang ito na mas mataas ang makukuhang marka ng mga estudyante kung sila ay may pag papahalaga nang kanilang oras. Ito din ay binigyang diin sa pag aaral ni Migdadi (2014), na sinasabi na ang pag lalaan ng 2-3 oras sa pag aaral ay may makatutulong sa estudyante na mag karoon ng mataas na marka.
5.2 NAKAKAPAG PASA SA TAMANG ORAS Lubosnasumasangayon (4) Sumasangayon (3) Hindi sumasangayon (2) Lubosnahindisumasangayon (1)
Frekwensi 31 34 8 2
Bahagdan 41% 45% 11% 3%
Ang resulta sa talahanayan 5.2 ay ang sumasangayon ang nakakuha ng pinaka mataas na bahagdan 45% at lubos na hindi sumasangayon na meroong 3%. Ipinapakita lamang dito na ang mga estudyanteng may pag papahalaga sa kanilang oras ay nakakapag pasa ng gawain sa tamang oras. Ayon kay Tracy (2014) na ang mabisang pamamahala ng oras ay patuloy na nagiging isang mahalagang sector ng pag tratrabaho nang mga estudyante hindi lamang ito sa pagdaragdag ng kaalaman at mabuting pananaw ukol sa kanilang mga gawain kundi dahil na rin ito’y nagiging mahalagang sakop sa pagpapadali ng kanilang pang araw-araw na proyekto. 5.3 NAIIWASAN ANG PAG GAGAHOL SA ORAS
Lubosnasumasangayon (4) Sumasangayon (3) Hindi sumasangayon (2) Lubosnahindisumasangayon (1)
Frekwensi 36 30 5 4
Bahagdan 48% 40% 7% 5%
Sa talahanayan 5.3 mas maraming sumagot ng lubos na sumasangayon na may 48% na bahagdan at ang hindi lubos na sumasangayon ay may 5% na bahagdan. Nangangahulugan lamang ito na ang pag papahalaga ng oras ay nakatutulong sa mga estudyante na maiwasan ang pag gagahol sa oras o ang pag ka cramming. Ayon kay (Porevro, 2018), Ang
oras ay napakahalaga sapagkat hindi na naibabalik ang mga nasayang na oras at pagkakataon. Gayun din ang pag-aaral, maraming pagkakataon at oportunidad ang maaring mawala kung hindi pamamahalaan ng tamang oras. Ang pagkakaroon ng pamamahala at pamamaraan kung paano pamamahalaan ang oras ay nakatutulong upang sa paglinang ng kaalaman at sa pagkonserba ng oras. 5.4 NAIIWASAN ANG PAGBAWAS NG MARKA DAHIL SA MAAGAP NA PAG PASA Lubosnasumasangayon (4) Sumasangayon (3) Hindi sumasangayon (2) Lubosnahindisumasangayon (1)
Frekwensi 31 35 2 7
Bahagdan 41% 47% 3% 9%
Ang talahanayan 5.4 ay may resulta na ang may pinakamataas na bahagdan ay ang sumasangayon na may bilang na 47% ay ang pinaka mababa naman ay ang hindi sumasangayon na may 3% na bahagdan. Ang pag papasa ng hindi sa tamang oras ng proyekto o takdang aralin ay nakakabawas ito ng marka, ang estudyanteng may pag papahalaga sa kanyang oras ay kalimitang naiiwasan ang ganitong pangyayarin sapagkat, ayon kay Briggitte et al., (2005) na ang buhay kolehiyo ay nagbibigay daan sa mga estudyante ng kalayaan sapagkat hawak nila ang kanilang oras. Subalit habang ang taon ay pataas ng pataas ay nagiging mahalaga na para sa estudyante ang namamahala sa kanilang oras. Ang time management ay may mahahalagang papel sa pag-gawa ng mag-aaral sa paaralan at sa pagtamo ng mga pagtatagumpay pang akademiko. Lahat ng magaaral ay nararapat na magkaroon ng kakayahan sa time management kasama na ito ang pagtatakda ng layunin, prayoridad na gawain, at pagiging organisado sa pag-gamit ng oras.
Posible lamang na maisakatuparan ang time management sa pamamagitan ng pag ganyak sa sarili o pansariling motibasyon. 5.5 NAKAKAPASOK SA TAMANG ORAS Lubosnasumasangayon (4) Sumasangayon (3) Hindi sumasangayon (2) Lubosnahindisumasangayon (1)
Frekwensi 32 27 3 13
Bahagdan 43% 36% 4% 17%
Ang resulta sa talahanayan 5.5 ay nag papakita na ang may pinakamataas na bahagdan ay ang lubos na sumasangayon na may bilang na 43% at ang pinaka mababa naman ay may 3%. Nangangahulugan lamang ito na ang pag kakaron ng tamang pag papahalaga sa oras ay laging nasa tamang oras ng pag pasok sa paaralan, ayon kay sagib (2014) na ang kahulugan ng pamamahala ng oras sa bawat estudyante sapagkat ito’y nakakaapekto sa kanilang indibidwal na pag-ganap. Samakatuwid, ang tamang pamamahala ng estudyante nang oras ay isa sa mga nagbibigay daan upang sila ay maging mabuting estudyante. Ang pag pasok ng nasa tamang oras ay isang kalidad ng mabuting estudyante.
KABANATA 5 Buod, Konklusyon, at Rekomendasyon Sa kabanatang ito, ibubuod ang kabuuang ng papel at kung anong naging resulta ng aming pag-aaral liban don, dito rin nag bigay rekomendasyon upang mas mapalawak ang pagaaral na ito Buod 1 Ano-ano ang iba’t- ibang pamamaraan ng mga respondante sa kanilang pag-aaral? .Mayroong iba’t ibang pamamaraan ang mga estudyante na nagsilbing respondente sa kanilang pagaaral isa na dito ang pagtatala ng leksyon habang nagtuturo ang pinakamataas na frekwensi ay ang sumasang ayon na may tala na tatlumpu’t apat (34) . marami naman ang lubusang sumasang ayon sa pagkakaroon ng sapat na tulog at ito ay may bilang na tatlumpu (30) , sa pag oorganisa ng oras na may bilang na tatlumpu’t dalawa (32), mas nakatutulong din ang paglelektura kaysa libro at ito’y may bilang na apatnapu (40). Pang huli ay ang pag gamit ng internet na nakatutulong sa pag aaral na may kabuuang bilang na 30 ang sumang ayon at ito ang may pinakamataas na frekwensy. 2. Paano pinapahalagahan ng mga estudyante ang kanilang oras? Mayroong mga pamamaraan ang mga respondente kung paano nila pinahahalagahan ang kanilang oras. May pinakamataas na frekwensy sa hanay ng sumasang ayon ay ang mga sumusunod: pinaghahandaan ang pagsusulit na may kabuuang bilang na tatlumpu (30), naglilista at naglalan ng oras base sa kanilng importansya na may bilang na tatlumpu’t lima (35), at inuunang gawin ang madadaling gawain na may bilang na tatlumpu’t lima (35). Sa kabilang banda, sa hanay ng lubusang sumasang ayon ay ang pagiwas na ipagpaliban ang mga gawain na
may bilang na talumpu (30) at ang pagpapahalaga sa mga gawain na may kabuuang bilang na tatlumpu’t tatlo (33). 3. Paano nakaapekto ang pagpapahalaga ng oras ng mga estudyante sa kanilang oras? Sa ikatlong bahagi ay ang epekto ng pagpapahalaga ng oras sa pag aaral. Ang kabilang sa sumasang ayon na may mataas na frekwensy ay ang mga sumusunod: mataas na marka sa pagsusulit na may bilang na tatlumpu’t dalwa (32), nakakapagpasa sa tamang oras na may bilang na tatlumpu’t apat (34), at ang naiiwasan ang mababang marka dahil sa maagap na pagpapasa na may kabuuan bilang na (35). Samantala sa hanay ng lubusang sumasang ayon ay ang naiiwasan ang pag gagahol sa oras na may bilang na (36), at ang nakakapasok sa tamang oras na may kabuuang bilang na tatlumpu’t dalawa (32).
Konklusyon 1. Sa aming isinagawang pananaliksik, lubusang mahalaga na malaman kung ano ang mga wasto at angkop na pamamaraan sa pag aaral upang mas lalong maging produktibo ang mga mag aaral at walang masayang na oras. 2. Sa aming isinagawang pananaliksik. Lubusang mahalaga na magkaroon ng wastong pamamaraan sa pagpapahalaga sa oras upang walang anumang mapinsala sa pagaaral lalong higit sa pang araw araw na buhay. 3. Sa aming isinagawang pananaliksik, aming napagtanto na lubusang mahalaga ang tamang pamamahala sa oras lalong lalo na sa mga estudyante. May malaking kinalaman din ito sa kanilang pag gawa lalong lalo na sa mga pang akademikong gawain. Lubos ding mahalaga na magtakda ng dapat unahin na gawain at pagkakasunod-sunod nito upang walang masasayang na oras.
Rekomendasyon Nais naming na makatulong itong aming isinagawang pananaliksik sa mga mag aaral na magsasagawa din ng ganitong uri ng pananaliksik sa hinaharap na may kinalaman sa pamamahala sa oras. Nais din naming na makatulong ito sa mga estudyante na may suliranin patungkol sa wastong pamamahala ng kanilang oras. 1. Epektibo ang pagkakaroon ng mga talaan ng iilang mga pamamaraan upang mas lalong maunawaan ang mga aralin at di mahirapan sa ginagawang pag aaral. Ngunit dapat maging disiplinado sa pag gawa ng mga pamamaraan na ito upang makatulong ito at hindi makapinsala. 2. Maraming pamamaraan sa pagpapahalaga sa oras at dapat na gawin upang di makapinsala sa ginagawang pag aaral. Dapat na huwag iwasan ang gawain at dapat itong pahalagahan upang matapos ito ng naaayon sa takdang panahon. 3. Dapat na magtakda ng listahan ng mga gawain upang ito’y matapos ng maayos at naaayon sa takdang panahon. Mula sa pinakamahalaga hanggang sa huli upang matapos ito ng di naghahabol sa oras. Wag sayangin ang panahon sa mga bagay na walang kinalaman sa pagaaral at ituon ng lubusan ng isip sa ginagawang gawain upang di ito maging mitsa ng pagkakaroon ng mababang marka.