Abstrak Ang pag-aaral na ito ay umiikot lamang sa signipikong kaugnayan ng visual aids sa asignaturang marketing ng mga mag-aaral ng ABM sa SJDM Cornerstone College Incorporated. Nais mamulat ng mga mananaliksik ang mga mag-aaral o mamababasa patungkol sa kahalagahan ng paggamit ng panturong biswal. Sa unang kabanata o bahagi ng pananaliksik na ito makikita ang introduksyon kung saan malalaman ang panimula ng pag-aaral, paglalahad ng suliranin kung saan makikita ang mga katanungan na sasagutin ng pag-aaral na ito at patungkol lamang sa nasabing paksa, kahalagahan ng pag-aaral, batayang konseptuwal o paradaym kung saan makikita ang blueprint o proseso kung paano gagawin ang pag-aaral na ito, saklaw at delimitasyon ng pag-aaral, at pagbibigay kahulugan sa mga katawagan o terminolohiya. Sa ikalawang kabanata o bahagi naman makikita ang mga literatura at pag-aaral na kaugnay ng naturang paksa kung saan ito din ay isa sa mga magsisislbing patunay o dagdag impormasyon sa pag-aaral na ito. Naglalaman ito ng lokal at dayuhang pag-aaral at literatura kung kaya’t malalaman din ng mga mambabasa kung ano-ano ang pagkakaiba ng mga impormasyon na manggagaling dito. Sa ikatlong kabanata o bahagi naman makikita ang disenyo ng pananaliksik kung saan malalaman kung anong metodolohiya ang ginamit sa pananaliksik, pamamaraan sa pagpili ng respondente, instrumento ng pananaliksik, pamamaraan sa pagkalap ng datos, at estatistikal na pagsusuri sa datos. Sa ika-apat na kabanata o bahagi naman makikita ang mga resulta ng mga nakuhang datos. Dito malalaman ang paliwanag ng mga datos at konklusyon ng mga mananaliksik. Sa ikalimang kabanata o bahagi naman, dito na makikita ang buod na paglalahad ng mga mananaliksik sa kabuuang impormasyong nahinuha sa pag-aral at ano ang konklusyon nila sa nakalap na mga datos at obserbasyon nila dito. Sa huling bahagi ng pag-aaral na ito malalaman kung nasagot nga ba ng mga mananaliksik ang mga suliranin at na aayon nga ba ito sa kanilang inaasahan.
II