Fil2.docx

  • Uploaded by: Jairuz Ruelo
  • 0
  • 0
  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Fil2.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 785
  • Pages: 2
Kalikasan, Ating Pangalagaan!

Akda ni Percy galing sa Definitelyfilipino.com

Ang kalikasan ang isa sa mga pinakamagandang regalo ng Diyos sa atin kaya dapat natin itong pangalagaan. Subalit sa halip na pangalagaan, kapabayaan ang aking nakikita. ‘Di ba kaya nga nilikha ang tao para pangalagaan ito?

Kaming mga Iskolar ng Philberth sa Taal, Batangas ay nagkaroon ng isang workshop/seminar nitong nakaraang June 1-3, 2012. Ang naging tema ng aming workshop ay tungkol sa kalikasan. Isa sa mga ipinaliwanag dito ang kung paano sinisira ang ating kalikasan. Sa loob ng tatlong araw, nagkaroon kami ng talakayan tungkol sa kalikasan upang magkaroon kami ng dagdag kaalaman ukol dito at bilang mga kabataan, ano ang aming magiging hakbang upang maprotektahan ang ating Inang kalikasan at paano namin ito sisimulan. At para magkaroon ng output ang workshop na ito, gumawa kami ng isang teatro na umiikot lamang sa problemang pangkalikasan ng Batangas at maganda naman ang kinalabasan nito.

Batay sa aming nakuhang kaalaman tungkol sa workshop, unti-unti na ngang nasisira ang ating kapaligiran bunga ito ng mga sakunang dumarating sa ating buhay. Marami nang tao ang nagkakasakit dahil na din sa maruming kapaligiran. Ang landslide, flashfloods, at iba pang mga sakuna na galing sa kalikasan ay epekto ng illegal logging sa kabundukan at maging sa kagubatan. Ang Ozone layer ay untiunti na ring nabubutas dahil sa mga pagsusunog ng basura at sobrang paggamit ng carbon dioxide. Ito ang nagiging sanhi ng Climate Change.

Bilang isang mamamayan ng ating bayan, may magagawa pa tayo para mapigil pa ang mga masasamang epekto nito. Hindi pa huli ang lahat upang mapigil ito. Ngunit kung papairalin natin ang ating kapabayaan, patuloy na masisira ang ating kalikasan at wag tayong mabibigla kung may dumating sa ating ganti ng kalikasan. Laging Tandaan: Nasa Huli ang Pagsisisi.

Ikaw, bilang mamamayan, Ano ang magiging hakbang mo upang mapigilan ang ganitong sitwasyon? Paano mo ito sisimulan?

Kalikasan ay Kayamanan na dapat Pangalagaan!

Akda ni Nicole Cordovez Reyes galing sa DeviantArt.com

Sa panahon ngayon nahaharap ang mundo sa ibat ibang sakuna. Isa na dito ang bansang Pilipinas maraming lugar na nalubog sa baha dala ng hanging habagat. Paulit-ulit na lang nahaharap ang mga Pilipino sa ganitong kalagayan. Ngunit masakit man isipin na hindi ito nasosolusyunan ng ating bansa. Ano ba dapat gawin ng ating pamahalaan? Kulang nga ba sa disiplina ang mamayang Pilipino? Bakit nga ba nalulubog sa baha ang maraming lugar? Higit sa lahat bakit hindi lamang nadadala ang mga Pilipino sa mga gantong sakuna? At pano natin maliligtas ang ating kalikasan? Sa panahon ngayon kailangan natin ng isang batas, batas na makakapagsuporta sa pangagalaga ng kalikasan. Oo may batas pangkalikasan ngunit kayang kayang ng mga nangaabuso na magpyansa. Dapat ang batas ay matibay na hindi kayang buwagin ninuman. Dapat rin i-relocate ang mga informal settlers sa tamang lugar, na nakakasagabal sa pagdaloy ng tubig. Nakakalungkot man isipin na sobrang dami pa rin informal settlers ito ang pagkawala ng disiplina ng ating mga kababayan. Totoo nga kulang sa disiplina ang mga Pilipino nakakalungkot man isipin na kung sino pa yung kulang sa kaalaman yun pa ang mga nakatira sa tabing ilog. Natural di nila maiiwasang magtapon ng basura sa ilog dahil hindi nila naiisip kung anong mangyayari. Tapon lang sila ng tapon. Hindi lamang ang mga informal settlers ang problema pati na rin ang iba’t ibang polusyon at sobrang daming basura. Ito ang dahilan ng pagkalubog ng maraming lugar sa ating bansa. Sa iba’t ibang polusyon na gawa ng tao. Ito’y isang malaking epekto sa ating inang kalikasan. Isa na dito ang sobrang dami ng basura sa sobrang paggamit ng plastik pagtatapon kung saan saan at marami pang iba. At ang pagdami ng populasyon dahil sa sobrang tao nawawalan ng kontrol ang pamahalaan sa mga sakuna. Nagkukulang din ng mga mapagtatamnan ng ating mga puno at iba pang mga pangangailangan sa kadahilanang puro bahay na lang. At nakakalungkot sa ating lipunan sapagkat hindi nagtatanda ang mga pilipino sa mga ganitong sakuna. Isa pa sa mga nakakalungkot na dahilan na hindi lamang nadadala ang mga Pilipino sa mga ganitong sakuna patuloy pa ring naninirahan sa tabing ilog at pagkawala ng disiplina. Sana’y magkaroon tayo ng disiplina at magising na sa mga pangyayaring kahindik-hindik. Magkaroon ng sapat na edukasyon. Maging isa sa solusyon sa problema ng ating bansa at huwag nang dumagdag pa. Ako at ikaw bilang isang estudyante tayong lahat ay makakatulong. Sa simpleng pagtapon ng maayos sa basuharahan at pagbawas ng plastik sa lipunan isang malaking tulong sa ating bansa. Makisali sa mga programang nagsusulong para iligtas ang inang kalikasan. Dahil kung hindi ito pangangalagaan darating ang panahon maghihirap ang lahat ng tao at wala nang magandang kinabukasan para sa susunod na henerasyon. Makiisa, makitulong at simulan ang pagbabago.

More Documents from "Jairuz Ruelo"