3. Numero Ano ang paborito mong numero? Kahulugan: bilang 4. Madugo Naging madugo ang opersasyon ni Matilda sa puso. Kahulugan: maraming dugo ang proseso. 5. Institusyon Ang senado ay isang pampulitikang institusyon. Kahulugan: organisasyon 6. Maitim Maitim na damit ang kanyang suot kagabi Kahulugan: kulay 7. Ahas May ahas sa ibabaw ng lamesa. Kahulugan: hayop 8. Ilaw Walang ilaw sa bahay namin. Kahulugan: liwanag 9. Bola Nagalit si Jeffrey nung natamaan siya ng bola. Kahulugan: gamit o laruan 10. Tulay Nakakatakot talaga dumaan sa tulay na iyon! Kahulugan: sa Ingles “Bridge” F.Konotasyon- Ang Konotasyon ay ang nakabatay ayon sa pagkakaugnay nito sa ibang salita at sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Ito ay may kaugnayan sa konteksto ng mensahe o pangungusap. Sa pamamagitan ng konotasyon, nagiging masining ang paglalahad ng pangungusap. Halimbawa: 1.Mapula Isang mapulang pagbati sa mga kapwa ko mag-aaral! Kahulugan: progresibo at radikal na pagpapahayag. 2. Kamatis Si Manang Rosing ay nagmumurang kamatis. Kahulugan: nagpapabata 3. Numero
Mahirap mamasukan bilang katulong sa ibang bansa sapagkat de-numero ang kilos mo. Kahulugan: natutukan o binabantayan 4. Nagbibilang ng poste Si Manong Eduardo tumanda na lang nagbibilang pa rin ng poste. Kahulugan: walang trabaho 5. Utak lamok o ipis Napakautak lamok talaga ng anak kong ito! Kahulugan: Tanga o bobo 6. Mukhang bangkay Mukhang bangkay talaga si Lea dahil hindi ito kumakain ng maayos. Kahulugan: payat 7. Parang baboy Si Marilou ay parang baboy dahil sa kalagakan nito. Kahulugan: mataba 8. Mukhang aswang Wala ng tatalo sa pagkamukhang aswang ni bakekang. Kahulugan: pangit 9. Hugis kandila Nagalit na ang aming guro kay Luisa dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya pinuputol ang kanyang hugis kandila. Kahulugan: mahahaba ang daliri 10. Coke Nakakaingit talaga ang coke na katawan ni Alicia. Kahulugan: sa Ingles “sexy”