Esp 7.docx

  • Uploaded by: Charity Anne Camille Penaloza
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Esp 7.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 1,031
  • Pages: 3
Republic of the Philippines Department of Education Region X-Northern Mindanao Division of Lanao del Norte CALUBE INTEGRATED SCHOOL Calube, Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte EUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7 Fourth Quarter Examination

Pangalan : __________________________________________________

Marka:_____________

A. Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at pangungusap at piliin ang pinakaangkop na sagot. Ilagay lamang ang titik sa guhit na nakalaan. _____1. “Mas malala pa sa pagiging isang bulag ang may paningin ngunit walang tinatanaw na kinabukasan?”Ano ang higit na malapit na pakahulugan ng pahayag ni Helen Keller; a. Mahirap maging isang bulag b. Ang kawalan ng pangarap ay mas masahol sa kawalan ng paningin c. Hindi mabuti ang walang pangarap d. Hindi garantiya ang pagkakaroon ng paningin sa pagtatagumpay sa buhay ______ 2. Ano ang kaibahan ng panaginip sa pangarap? a. Ang panaginip ay natatapos din kung ikaw ay magising b. Ang panaginip ay nangyayari lang sa isip habang natutulog c. a at b d. wala sa nabanggit ______ 3. Ano ang kaibahan ng pagpapantasya sa pangarap? a. Ang pagpapantasya ay likha ng malikhaing isip b. Ang pagpapantasya ay pananaginip ng gising c. Ang pagpapantasya ay ginagawa ayon sa kagustuhan ng nagpapantasya d. a at b ______ 4. Ano ang kahulugan ng bokasyon? a. Ang bokasyon ay higit sa trabaho o propesyon o negosyo b. Ang bokasyon ay kalagayan o gawain na naayon sa plano ng Diyos sa atin c. a at b d. Ito ay tumutukoy sa mga gawaing hindi nangangailangan ng kapalit na sweldo o pasahod ______ 5. Ito ay pinaka tunguhin o pinakapakay na iyong nais na marating o puntahan sa hinaharap a. Pangarap b. Mithiin c. Panaginip d. Pantasya ______ 6. Sa pagtatakda ng mithiin, ang ibig sabihin ng SMARTA ay: a. S-smart, M-manageable, A-attainable, R- relevant, T- time-bound, A – action-oriented b. S-smart, M-measurable, A-attainable, R- refreshing, T- time-bound, A – action-oriented c. S-smart, M-measurable, A-attainable, R- relevant, T- time-bound, A – action-oriented d. S-smart, M-measurable, A-attainable, R- relevant, T- time-bound, A – affordable ______ 7. Anu-ano ang dalawang hangganan ng pagtatakda ng mithiin? a. Pangmatagalan at Panghabambuhay b. Pangmatagalan at Pangmadalian c. Pangmadalian at Panghabambuhay d. Pangngayon at Pangkinabukasan ______ 8. Alin ang halimbawa ng pangmatagalang mithiin? a. Makapasa sa Licensure Exams for Teachers

b. Maging guro sa aming pamayanan c. Makatapos ng pag-aaral d. Maging iskolar ng bayan ______9. Bakit mahalaga ang kakailanganing mithiin o enabling goals? a. Nakatutulong ang mga ito upang makamit ang itinakdang pangmatagalang mithiin b. Nakatutulong ito sa pagpapanatili ng tuon sa itinakdang mithiin c. Napapabilis nitong makamit ang itinakdang mithiin d. Wala sa mga nabanggit ______ 10. Alin sa mga sumusunod ang hakbang sa pagtatakda ng mithiin? a. Isulat ang iyong itinakdang mithiin at ilagay ito sa ilalim ng unan b. Sabihin ang itinakdang mithiin sa mga kaibigan c. Ipagpasa Diyos ang mga itinakdang mithiin d. Isulat ang takdang-panahon sa pagtupad ng mithiin _______11. Ito ay preperensya sa mga partikular na uri ng gawain. Ito ang naggaganyak sa iyo na kumilos at gumawa. a. Hilig b. Pagpapahalaga c. Kakayahan d. Mithiin _______12. Sa kabilang banda, ito ay kalakasan (“power” o mas akma, “intellectual power”) upang makagawa ng isang pambihirang bagay tulad sa musika o sa sining. Ito ay likas o tinataglay ng tao dahil na rin sa kanyang intellect o kakayahang mag-isip. a. Hilig b. Pagpapahalaga c. Kakayahan d. Mithiin _______13. Siyang nagiging dahilan upang ang isang bagay o ideya ay maging kanais-nais, kaiga-igaya, kahanga-hanga o kapaki-pakinabang. Mga motibo upang piliin ang isang hakbangin o pasya. (Hall, 1973) a. Hilig b. Pagpapahalaga c. Kakayahan d. Mithiin _______14. Ito ay ang pinakatunguhin o pinakapakay ng iyong nais na marating o puntahan sa hinaharap. Sa simpleng salita, ito ang nais mong mangyari sa iyong buhay sa hinaharap. a. Hilig b. Pagpapahalaga c. Kakayahan d. Mithiin 15-19. Isa sa mga hakbang sa pagtatakda ng mithiin ang pagkakaroon ng tuon sa nais nating maabot, may kasiguruhan at pinag-isipan. a. Tiyak o ___________________ b. Nasusukat o ____________________ c. Naabot o ______________________ d. Angkop o__________________________ e. May itinakdang panahon o ________________________ B. Panuto: Isulat ang salita o mga salitang tinutukoy sa mga sumusunod na sitwasyon. Pumili sa mga salita o mga salitang nakasulat sa kahon.

a. job market

b. labor market information

c. job mismatch

__________20. Si Lara Faye ay isang medical sales representative sa isang malaking kumpanya ng gamot. Siya ay nagtapos ng medisina sa isang kilalang pamantasan sa Maynila. __________21. Matagal nang nagtratrabaho si Auring sa pagawaan ng payong. Sa katunayan siya ngayon ay isa nang tagapangasiwa roon. Nagsimula siya bilang isang manggagawa sa assembly line bagama’t siya noo’y isa nang lisensiyadong guro. __________22. Nakatira si Mang Juan sa isang kariton sa kanto ng Aurora Boulevard at St. Michael Street. Naisanla nito ang lupang sinasaka nang magkasakit ang asawa at kinailangang lumuwas ng Maynila upang magtrabaho. Mag-iisang taon nang namumulot ng basura si Mang Juan para kumita at makaipon upang muling makabalik ng probinsya. __________23. Maraming mga trabahong nakalathala ngayon sa peryodiko ang wala pa sa listahan ng mga trabaho noong dekada 90.

__________24. Isa sa mga in-demand na trabaho ngayon ang mga may kaugnayan sa cyberservices. C. Panuto: Sagutin ang mga tanong. Umuwi si Tom sa kanyang bahay na may dalang sulat mula sa mga opisyal ng paaralan. Si Tom ay may pagkabingi bunga ng isang karamdaman. Inaakala ng mga opisyal ng kanyang paaralan na mahina ang ulo niya at wala siyang kakayahang matuto. Nang mabasa ng kanyang ina ang sulat ay nagpasya itong siya na lamang ang magturo sa anak. Dati itong guro at may mahusay na silid-aklatan sa kanilang bahay. Nang mamatay si Tom noong 1931, ipinakita ng Amerika ang kanilang pagdadalamhati sa pamamagitan ng pagpatay ng ilaw sa kanilang mga bahay sa loob ng isang minuto. Ito ay simbulo ng kanilang na pagbibigay-halaga kay Thomas Alva Edison - ang imbentor ng bumbilya (lightbulb), motion picture, at phonograph. Sa kanyang buhay siya’y nakapagpa-patent ng 1,093 imbensyon sa Amerika. Mahusay din siyang magsulat ng mga katagang nakapagbibigayinspirasyon.

1. Ano sa palagay mo ang pangarap ni Thomas Edison? Patunayan. (6 puntos)

2. Ano ang naging papel ng nanay ni Tom sa kanyang naging tagumpay? Ipaliwanag. (5 puntos)

3. Masasabi mo bang naayon sa plano ng Diyos ang kanyang mga mithiin? Pangatwiranan. (5 puntos)

Related Documents

Esp
October 2019 61
Ciot2003 Esp
November 2019 45
Ergonomi Esp
November 2019 37
Jap-esp
June 2020 25
Motores Esp
November 2019 54
Papelpicado Esp
November 2019 58

More Documents from ""

Esp 7.docx
June 2020 18
English 8.docx
June 2020 6
Tos.docx
June 2020 3
Home Visitation Form.docx
November 2019 9
Peserta Pakem Rev Final
December 2019 35
Pregnancy Massage Newsletter
November 2019 32