Mga Pahahalagahang Kaisipan at Lilinanging Mabuting Asal • Pananagutan Natin na Padaluyin ang Buhay Ang ating buhay ang pinakadakilang kaloob ng Diyos sa atin. Ang pagpapahalaga sa ating buhay ay pagpapakita ng ating pagtanggap sa biyayang ito mula sa Maylalang. Sabi nga ng isang manunulat na si Leo Buscaglia ay “Ang iyong buhay ay biyayang galing sa Diyos. Kung paano at gaano kabuti mo isasabuhay ang biyayang iyan ang iyong isuskli o ihahandog naman sa Kanya. Ang ating buhay ay hindi natin sarili. Ibig ng Diyos na ihandog natin ito sa ating kapwa at ibang buhay na Kanyang nilikha. Ibig ng Diyos na ating padaluyin ang buhay para sa ibang tao at mula sa tao para sa ibang buhay sa kalikasan, at patuloy mula sa kalikasan para sa tao. Sa ibang salita, ito ay dumadaloy sa ating mabuting kaisipan at mabuting asal at kilos para sa ating sarili, para sa kapwa, para sa lipunan at para sa kalikasan. Samakatwid, tayo, TAO, na pinakatangi sa lahat ng kanyang nilikha ang may pinakamalaking pananagutan sa pangangalaga ng iba niyang Nilikha.
• Paano Maisasakatuparan ang Ating Pananagutan? Ang responsableng tao ay may kakayahang suriin ang kanyang sarili kung paano at gaano niya naisasakatuparan ang pananagutang ito. Hindi siya dapat maging bulag sa pagkilala ng kanyang kahinaan upang akuin ang kanyang pananagutan. Kinikilala at tinatanggap ang mga kahinaang ito at itinatalaga ang sarili sa pagbubuti ng mga aspetong dapat paunlarin. Makakatulong ang isang tuntuning pansarili o action plan upang matiyak ang pagsasakatuparan ng ilang naitalagang dapat gawin.
Mga Pahahalagang Kaisipan at Lilinanging Mabuting Asal
Miyembro: Maureen Maquinta Manilac Melissa S. Ranin Leonilo Uba