Dokyumentaryo.docx

  • Uploaded by: melody lazaga
  • 0
  • 0
  • December 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Dokyumentaryo.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 1,820
  • Pages: 5
Kung kalusugan ang pag-uusapan ang malinis at ligtas na tubig ang kailangan ng mga mamamayan.Bagamat halos lahat sa lugar ng Masbate at iba pang karatig ay iilan naman sa ating mga kapwa Pilipino sa mga kanayunan ang kulang o kung hindi naman ay talagang walang mapagkunan ng maayos na tubig.Ang resulta ditto malaking kaso ng mga nagkakasakit na nauugnay sa paggamit ng maduming tubig. Ayon sa aking napanuod na dokyumentaryo ni kara david na pinamagatang “Paraisong Uhaw” na kung saan sinasabi o kinukwento o ipinapakita ang kalagayan ng mga tao sa Masbate o sa lugar ng mga tao.Sa lugar ng Balut Masbate ay ipinapakita din na kung saan paano sila kumukuha o makakakuha ng tubig sa kanilang lugar na parang disyerto at kung mapapansin niyo o makikita niyo ang kanilang lugar na parang asyenda na kung saan sobrang tuyot na tuyot ang kanilang lugar at hindi rin sila nakakakuha ng sapat na tubig at kung may makukuha man sila hindi naman ito malinis. Kahit ganun kahit hindi malinis ang nakukuha nilang tubig iniinom pa rin nila dahil upang mapawi o maibsan lang nila angkanilang kauhawan sa pang araw-araw nilang pamumuhay at kung makikita o mapapansin niyo rin ang kanilang tinitirahan ito’y parang tuyot din kagaya ng kanilang lugar na parang asyenda at kung mamapansin niyo parang kulang na kulang din sila sa pagkain at kung mayroon lang ito’y hindi pa rin sapat sa kanilang pamilya. Kung makikita niyo o mapapansin niyo ang mga batang nagbubungkal o nahuhukay ng lupa ay para talaga silang kawawa dahil sa liit ng kanilang katawan kayang-kayang pa nilang magbungkal at maghukay ng lupa para lang may mapagkunan lang sila ng tubig na kanilang iinomin,pangpapaligo, at panglalaba ng kanilang mga damit. Makikita niyo rin na kung saan-saan talaga sila naghahanap ng tubig o balon na kanilang mapagkukunan ng tubig makikita mo talaga ang kanilang mga tiyaga,sipag para lang makakuha ng tubig na kanilang maiinom, makakahanap man sila ay kulang pa o kapos pa rin hindi pa rin sapat sa kanila dahil paubos na rin ang tubig ng balon na kanilang pinagkukunan. Kaya kailangan pa nilang maghanap ng mga ibang balon sa kabilang bundok na kung saan kilokilometro ang kanilang lalakarin o lalakbayin makahanap o makakuha lang sila ng tubig na maiuwi sa kanilang mga tahanan na para magamit nila sa pang araw-araw nilang pamumuhay .kung makakahanap man sila minsan hindi pa ito gaanong malinaw o malinis ang tubig na kanilang nakukuha sa mga balon. Kahit ganun naman ito’y kinukuha pa rin nila para lang may mainom at may maiuwi sa kanilang pamilya na naghihintay sa kanilang mga tahanan ng tubig na kanilang makukuha na maiinom nila at pwedeng magamit sa paghuhugas ng plato,at pwedeng gamiting panglaba at pangligo ng mga bata.kaawa-awa talaga sila dahil tuyot na tuyot din ang kanilang mga lupang sinasakahan. Mapa sanggol man na bata tubig balon din ang kanilang nilalagay o tinitubig sa gatas ng mga bata, kahit ganun naman daw ay okay lang daw sa kanila kasi okay lang naman daw sa bata at pinakukuluhan naman ang tubig na hinahalo sa gatas ng bata.Minsan nakakaramdam sila ng sakit ng tiyan o sa madaling sabi ay nagkakaroon sila ng sakit na water-borne diseases tyulad ng typhoid fever,amoebiasis at diarhea. Kaya kailangan nila ng sapat na stock na gamut tulad ng loperamide.Dahil gamut yun sa kanilang sakit tulad ng sakit sa tiyan o sikmura.

Bunga na lang niyan ang pag-inom nila ng tubig na hindi malinaw o malinis at dahil na rin nito sa kakulangan ng sapat na suplay ng tubig kaya nangyayari o nararanasan nila ang ganitong mga sakit. Ayon din sa aking napanuod na dokyumentaryo ni kara david. Sa kabilang baryo ng Masbate makikita mo niyo talaga ang kanilang kakapusan sa tubig at makikita niyo talaga na hirap talaga sila sa paghahanap ng tubig at kung makikita niyo o mapapansin niyo ang baryong ito ay tabing dagat talaga kaya ang lahat ng balon na kanilang ginagawa ay maalat-alat ang tubig nito.Dahil nga tabing dagat sila nakatira kaya ganun ang lasa ng kanilang nakukuhang tubig sa kanilang mga balon. Kung mapapansin niyo yung mga ibang balon nilang pinagkukunan ng tubig ay kung makikita niyo ito,y natambakan o nabaraduhan ng maraming mga basura at ito,y marami na ring mga lumot at mga insekto kaya hndi na sila nakakakuha ng tubig dito. dahil napabayaan na nila kaya nagkaganito natambakan ng maraming mga basura at mga insekto at lumot. Kahit ganun namnan ay mayroon pa rin silang mga balong matitino na mapagkukunan nila ng kanilang mga maiinon at gagamitin nilang pangligo ng mga bata at gagamiting panglaba ng kanilang mga damit at kung makikita niyo ang gagamitin nilang panglaba ay gagamitin na rin nilang pangligo dahil para makatipid sila ng tubig kaya ang ginagawa nila ay pagkasyahin na lang nila ng makatipid sila ng tubig. Kahit ganun ang pinagkukunan nila ng kanilang mga tubig masaya pa rin sila dahil nakakaraos o naiibsan nila ang kanilang kauhawan sa pang araw- araw nilang pamumuhay at titiisin nila kahit hindi gaanong malinis o malinaw ang tubig at kahit maalat-alat pa ito titiiisin pa rin nila para may mapainom lang sila sa kanilang mga anak.dahil sa pagtitiis nila na uminom ng tubig na hindi malinis ay nagbubunga o nagkakaroon sila ng mga sakit lalong lalo na ang mga bata dahil sila ang karaniwang madaling lapitan ng mga sakit tulad na lang ng diarrhea. Dahil sa walang kaukulang access sa sapat na suplay ng malinis o malinaw na inuming tubig na isang dahilan sa paglaganap ng mga water-borne diseases tulad ngtyphoid fever, amoebiasis at diarrhea .Dahil sa kakulangan o kakapusan ng tubig maraming bata ang nagkakaroon ng sakit pero dahil nga sa tubig na kanilang iniinom kaya madali silang lapitan ng kung ano-anung mga sakit. Ayon pa sa aking napanood na dokyumentaryo ni kara david ang pamilya ni moymoy o pmilya salafar, ay isa lamang sa libu-libong pamilyang naninirahan sa Balut,Masbate na walang sapat na suplay ng tubig. Gaya nga ng sinabi ko na walang kaukulang access sa sapat na suplay ng malinis o malinaw na inuming tubig. Ang karamihan ay naghuhukay ng mga balon. Hindi alintana ang maaaring masamang maidulot sa kalusugan ng paggamit ng tubig na nagmumula dito. Gaya nga ng sinabi ko ang naidudulot ng maduming tubig ay nagkakaroon ng sakit sa tiyan o sikmura ang mga bata gaya nga ng sinabi ko ang mga bata ang madaling lapitan ng mga sakit.kahit matanda man sila ay nakakaranas din ng ganitong sakit ang sakit ng tiyan o sa madaling sabi ay may diarrhea.dahil nga sa kakapusan nila sa tubig kailangan nila itong tiisin para lang maibsan o makaraos sa kanilang uhaw.

Kaawa-awa talaga ang pamilya salafar dahil sa kabilang bundok pa ang balong pinagkukunan nila ng tubig na kanilang iinomin o magagamit nila para sa paghuhugas ng kanilang plato at kanilang pangpapaligo at pati na rin sa gagamitin nilang panglaba sa kanilang mga damit . at isa pa kilo-kilometro pa ang kanilang lalakarin o lalakbayin para lang makahanap at makakuha ng kanilang mga inuming tubig .Kahit ganun naman ay may kalabaw naman silang dala-dala o kanilang gagamitin sa pagsakay ng kanilang mga tubig na balde-balde kung sakalinh sila ay makahanap ng balong maraming tubig . Maswerte sila dahil may kalabaw pa silang ginagamit sa paglalakbay para lang makahanap ng tubig na kanilang gagamitin at para lang may masakyn papunta sa kablang bundok na paghahanapan nila ng tubig.Masasabi ko talagang matiyaga sila kasi makikita niyo naman kung gaano sila kasipag at katiyaga maghanap ng tubig para lang may maiuwi sa kanilang mga tahanan at isa pa dinugtungan pa talaga nila ng pawid ng kawayan ang kalabaw para lang may paglagyan sila ng balde-baldeng tubig na kanilang kukunin sa kabilang bundok. Minsan maaga pa lang maghahanap na sila ng tubig na kanilang mapagkukuhanan ang mga tao dahil para maaaga din silang makauwi sa kanilang mga tahanan.at para may magamit agad ang kanilang mga pamilya tulad ng paggamit agad nila ng panghugas ng plato at pangligo sa kanilang mga anak at gamiting panglaba sa kanilang mga damit. Minsan kapag sila ay nangunguna sa pagkuha ng tubig mas maaga silaang nakakauwi sa kanilang mga tahanan.Minsan dahil nga sa walang takip ang kanilang mga balde at timba, madalas na mas maraming tubig ang natatapon mula dito .dahil na lang sa mababato at lubaklubak na kanilang dinadaanan sa paguwi. Sa bawat patak ng nasasayang na tubig ay mababakas mo sa mukha ng mga bata ang kanilang panghihinayang sa kanilang pinagpagurang tubig. Ayon sa pananaliksik ni kara david hindi lang pala nag-iisa ang pamilya salafar sa dumaranas ng kauhawan sa tubig.Dahil ayon sa tula ng department of interior and local government sa 5540 pamilya sa Balut, Masbate,175 lamang sa mga ito ang mga may sapat na mapagkukunan ng malinis at malinaw na tubig. Ayon sa pamilya salafar,sampung taon na silang hirap sa paghahagilap ng tubig na malinis ang mga nag-iigib ay ginagamit pangligo,panglaba,panghugas ng mga plato,at ang nakapanlulumong sa aking natuklasan ginagamit din nila itong inumin. Ayon pa sa kanila sa mga panahong pila-pila ang nag-iigib ng tubig,malas mo kung mahuli ka.Dahil tiyak, ang masasalok mo ,latak.Kung kaya’t nagkukumahog ang bawat pamilya na sumalok ng maaga sa mga balon upang higit na mas malinis na tubig ang makukuha. Ayon pa sa tanggapan ng balut,Masbate sampung libong piso ang nilalaan nila pambili ng gamut na loperamide at antibiotic kada buwan.Ang mga gamut na ito ay para sa sakit sa tiyan o sikmura bunga ng pagkunsumo ng maduduming tubig tulad na lang ng tubig balon.Dahil hindi moa lam kung malinis ba o madumi ang tubig nito.Dahil nga dito nagkakaroon ng mga sakit ang mga tao dahil nga tubig balon kasi hindi moa lam kung malinis ba o hindi ang tubig.

Bunga na rin nito sa kawalan ng sapat na suplay ng tubig na malinis.Gaya nga ng sinabi ko karamihan,humuhukay ng mga balon ang mga tao.hindi alintana ang maaaaring masamang maidulot nito sa kalusugan ng paggamit ng tubig na nagmumula dito . Kaya nakakaawa ang mga taong gumagamit nito dahil hindi nila alam kung malinis ba o hindi ang tubig.kahit ganun naman tiniis nila ito.dahil para lang may mapainom lang sila sa kanilang mga pamilya at para may magamit na pangligo,panglaba, at panghugas ng plato at para maibsan lang nila ang kanilang uhaw sa pang araw-araw nilang pamumuhay. ARAL: Isa sa mga aral na naidulot sa akin ng dokyumentaryong ito ay ang pagpapahalaga sa tubig Habang ako ay madalas na nag-aaksaya sa paglalaro ng malinis na tubig,Heto ang iba kong kapwa Pilipino ay hirap na hirap at halos, buwis ang buhay makatikim lamang ng malinis na tubig at upang mapawi ang kanilang uhaw ng lalamunan.Ika nga malalaman mo lamang ang halaga ng isang bagay kapag wala na ito.” At bilang isang mamamayang Pilipino,higit kong pangangalagaan ang mga bagay na nakukuha ko sa madaling paraan,ANG MALINIS NA INUMING TUBIG.

Narrative Report Sa Araling Panlipunan Ipinasa ni: Kyla Mae L Lazaga Ipinasa kay: Mr. Brian Medina

Dokyumentaryo Ng Paraisong Uhaw

More Documents from "melody lazaga"

Chapter Ii.docx
December 2019 15
Dokyumentaryo.docx
December 2019 19
English 10 Report.docx
December 2019 5
Mres Report.docx
December 2019 10
Informed Consent.docx
December 2019 33