Documents.tips_unibersidad-ng-santo-tomas-kolehiyo-ng-narsing.docx

  • Uploaded by: Kyla Kathrine Fernandez
  • 0
  • 0
  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Documents.tips_unibersidad-ng-santo-tomas-kolehiyo-ng-narsing.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 3,885
  • Pages: 7
UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS Kolehiyo ng Narsing Taong Akademiko 2009-2010 “Culture Shock: Game ka na ba?” ONG, Debbie Jesselyn M.*, DE TORRES, Athena Louise D.L., RAMORES, Ma. Hazel Antonette B, RETIRADO, Raymark F., SABER, Micah Jimae A., TOLENTINO, Katrina Erika Paula F., TORIO, Beatrice Jewelle B., VILLANUEVA, Ralph Aldric B. Unibersidad ng Santo Tomas, Kolehiyo ng Narsing, BSN 1-3 sa patnubay ni Gng. Zendel Taruc, M. Ed. Ika-16 ng Marso, 2010 I. II.

PANIMULA LAYUNIN Ang pamanahong papel na ito ay naglalayong:  Mabigyan ng kahulugan ang culture shock at isa isahin ang mga sanhi sa pagdanas nito  Malaman ang mga maaaring maging epekto ng culture shock sa pamumuhay ng isang tao  Makapagbigay ng solusyon ang mga suliranin kaugnay ng culture shock  Makapagbigay ng mga impormasyon bilang paghahanda sa maaaring maranasan ng taong dumadaan sa sitwasyon ng culture shock.

III.

KAHALAGAHAN Mabibigyang kahalagahan ng pamanahong papel na ito ang mga sumusunod:    

Mabawasan ang pagkakaroon ng mga kaso na may kaugnay sa “Culture Shock” Matulungan ang mga nakararanas upang mabawasan ang feeling nila ng pagkakaroon ng culture shock Makakatulong ito upang maging positibo ang pananaw ng mga nakakaranas nito. Mabibigyang linaw nito kung tunay bang “Culture Shock” ang nararanasan ng isang tao.

1

IV.

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL

A. Mga Kaso ng Culture Shock 1. Ito ay isang kwento ng “culture shock” ng isang Asyano sa Ehipto: Alam niyo ba na ayon sa isang pagsusuri na inilabas ng Egyptian Center for Women’s Rights, 98 na posyento ng mga babaeng dayuhan at 83 porsyento ng mga babaeng Ehipto ay iniulat na nakaranas ng “sexually harassment” sa Ehipto. “Ako ay isang Asyano. Napagpasyahan namin ng aking kaibigan na pumunta sa Ehipto. Kumuha kami ng kwarto sa Paris Hotel Cairo sa unang gabi namin doon. Nabigla kami nang ang mayari pa mismo ng hotel ang sumundo sa amin sa paliparan. Binilhan pa niya kami ng agahan at inayos ang paglilibot namin sa Pyramid of Giza. Bumalik kami mula sa paglilibot, kami’y inimbitahan ng mayari sa isang inuman. Sinabihan kami ng aming mga kaibigan na magsuot ng mga singsing at magpanggap na may mga asawa na, ngunit sinabi namin ang totoo dahil sa pagtitiwala namin sa may-ari. Dito na nag-umpisa ang pagkukuwento niya tungkol sa kanyang “sex life” na aming ikinagulat. May isa ring lalaki na nagpupumilit na bigyan ng masahe. Pagkatapos ng araw na iyon, pumunta kami sa Luxor at naglibot sa mga templo. Isa sa payo ng aming gabay na libro ay sumakay http://lucialai.org/wpcontent/uploads/2009/09/egypt_river_nile.jpg sa bangka sa Nile river. Ang dalawang lalaking bangkero ay nagpupumilit na kami ay halikan. Hindi nila kami tinigilan hanggang sa sinabi namin na may naghihintay sa amin. Pagkababa namin, sinundan kami ng mga lalaki sa kalsada. Ang aking kaibigan na isang “blonde” at kulay asul ang mata ay halatang pinagkakainteresan. Kahit sa mga tiangge ay meron pa ring mga lalaking nagsasamantala sa amin. May nanghahawak pa ng aking puwit ngunit pagtingin ko naman ay walang kumikibo. Aking napagtanto na sana ay may isinama akong lalaki. Isa ito sa mga hindi ko malilimutang karanasan. Tunay na nakakagulat.” - Lynn Doan Hartford Courant Pinagkuhanan: (http://www.chron.com/disp/story.mpl/travel/rss/6269434.html) 2. Culture Shock ng isang Amerikano sa Korea Habang kami ng kaibigan ko ay nakaupo sa parke, may isang lalaking nagtapon ng upos ng sigarilyo sa lawa. Malamang, ay madudumihan nito ang napakagandang lawa. Ang mga goldfish ay maaaring mamatay dahil dito. Kaya tinanong ko siya, “Hoy! Anong ginagawa mo? Bakit mo naisipang gawin yun?”

http://www.cartoonstock.com/news cartoons/cartoonists/bgr/lowres/bgr n512l.jpg

“Ano? Ilang taon ka na?” wika ng lalaki. “Sa palagay ko ay mas bata ako sayo,” sabi ko naman. “Ha! Kung gayon ay manahimik ka. Wala kang pakialam. Napakabastos mo!” “Ano? Isipin mo naman yung goldfish! Magiging masaya ka ba kung tapunan ka ng upos ng sigarilyo?” Sinigawan niya ako at sinubukang saktan. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagagalit sa akin na parang nagngangalit na aso. Kinausap ng kaibigan ko ang matanda

http://www.cartoonstock.com/ newscartoons/cartoonists/ksc/l owres/kscn1194l.jpg

at sinabihan naman akong kumalma. Sa sobrang galit ko ay iniwan ko na lang ang lugar. Maya-maya naman ay tinanong ako ng mga kaibigan ko, “Hoy! Bakit mo ginawa yun?” “Ano? Anong ginawa ko?” “Hindi mo dapat ginawa yun! Mas matanda siya sa’yo!” “Ha? Wala akong maling ginawa, siya ang mali.” “Nasa Korea ka. Kahit na mali siya, di mo siya dapat sisihin, mas matanda siya.” Sa tingin ko ay nangyari ito dahil sa pagkakaiba ng kultura. Sa Amerika, maaari kong sabihin kahit ano maging mga payo sa isang nakatatanda. Nasanay ako sa ganitong kultura, kaya nakalimutan ko ang kultura ng Korea. Dahil sa nangyari na ito, napunta ako sa isang malalim at madilim na pagkalito. Pinagkuhanan: (http://internationallife.wikispaces.com/culture+shock+stories?responseToken=0c7fecdc0a89929e2069d562946e7b424) B. Demograpiya Ayon sa isang websayt (http://www.askmen.com/top_10/travel/top-10-culture-shock-cities_1.html), sinasabi na ang mga sumusunod na lungsod ay kabilang sa “Top 10 Culture Shock Cities”. Isa rito ay ang nangunguna na lungsod ng Marrakech ng bansang Morocco kung saan makakaranas ang isang dayuhan ng “Culture Shock” sa unang tanaw pa lamang. Matatanto rin na kung sakaling naliligaw ang isang dayuhan sa

2

kanyang nais puntahan ay tiyak na hindi lamang siya tutulungan ng mga tao roon kundi dadalhin pa siya sa kanyang paroroonan. Ngunit, natural naman din sa kanila na ang kabutihang-loob na ito ay may nakalaang kapalit. Sa karagdagan, nakagugulat din ang mga kakaibang amoy na malalanghap sa paligid ng lungsod at ang paraan ng pagtanggap ng mga tao roon sa mga dayuhan. Top 10 Culture Shock Cities 1

Cairo, Egypt

Marrakech, Morocco

6

Bangkok, Thailand

7

Cape Town, South Africa

8

Beijing, China

2

Delhi, India

3 4

Riyadh, Saudi Arabia Havana, Cuba Amsterdam, Netherlands

5

9 Moscow, Russia 10

C. Mga Katotohanan Tungkol sa Culture Shock Ang culture shock ay isang estado ng pagkalito at pagkabalisa na naranasan ng isang indibidwal dahil sa bago, kakaiba at banyagang kultura. Bawat bansa ay may iba’t ibang kultura. Mayaman sa kultura ang Pilipinas. Sa Pilipinas, mayroong mahigit na 80 dayalekto na maaaring humantong sa hindi pagkakaintindihan ng mga tao. Dalawa lang din ang klima sa Pilipinas: tag-init at tag-ulan. Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng mabagal na daloy ng trapiko o “traffic jam” sa mga lungsod. Iba rin ang mga pagkain at paraan ng pagkain ng mga Pilipino. Nakasanayan na rin ng mga Pilipino ang pagkain ng kaninsa araw-araw. Kung sa Japan chopsticks ang ginagamait, sa Pilipinas naman ay may ibang mga taong ginagamit ang kanilang mga kamay sa pagkain. Sobrang pinapahalagahan ng mga Pilipino ang kanilang relihiyon. Karamihan sa mga Pilipino ay Katoliko kaya naman halos mapuno ang simbahan tuwing Linggo. Marami ring mga ugali ang mga Pilipino na kailangang pagtuunan ng pansin. Karamihan sa mga Pilipino ay sumusunod sa “Filipino time”, kaya huwag kang magtataka kung 1 oras bago mo makausap ang iyong kikitain. Pinapahalagahan din nila ang “utang na loob”. Kapag may nagawang maganda ang isang tao sa iyo, isipin mo na may utang na loob ka na sa kanya. Ibig sabihin ay kailangan mong bayaran ang magandang nagawa niya sa iyo. Panghuli, magiliw sa mga panauhin ang mga Pilipino. Kahit wala na silang pera ay sisiguraduhin nila na may handang pagkain sa mesa para sa mga darating na bisita. Ang Pilipinas talaga ay punung-puno ng iba’t ibang kultura. Ang karaniwang sanhi ng Culture Shock ay ang mga pagbabago sa mga aspetong nakasanayan na tulad ng pagkain, wika, pananamit, panahon o klima, at ang pamamaraan ng pakikitungo sa ibang tao. Ang isa pang dahilan ay ang pagsasawalang-bahala sa kulturang banyaga dahil sa pag-aakala na ang sariling kultura at ang banyagang kultura ay magkatulad o may pagkakahawig sa ilang aspeto. Ang karaniwang senyales at sintomas ay maaaring pisyolohikal o emosyonal. Ang ilansa mga pisyolohikal na sintomas ay may kaugnayan sa pagbabago o problema sa kalusugan tulad ng pagkakasakit at pagkakaroon ng mga “allergies”. Kadalasan ay rin ay hirap itong matulog (insomnia) o may labis na kagustuhang matulog (hypersomnia) ngunit hindi ito maisagawa ng maayos. Mapapansin din natin na namamayat at nanghihina ang katawan ng taong dumaranas ng Culture Shock dahil sa kawalan ng ganang kumain. Ang mga emosyonal sa senyales naman ng Culture Shock ay ang labis na kalungkutan at pagkabalisa, kawalan ng kagustuhang makisalamuha sa ibang tao at kawalan ng lakas ng loob. Ang taong ito ay madalas rin makaramdam ng pagkabagot sa mga gawain na maaring humantong sa pangungulila sa pamilya. Ang Culture shock ay nahahati sa apat na bahagi. Ang unang bahagi ay ang tinatawag na “Initial Euphoria” o ang panahon kung saan mararamdaman ang pananabik sa mga bagay bagay na iba sa kultura. Karaniwan ay nangingibabaw rito ang pagkakatulad sa kultura kaysa sa mga pagkakaiba. Ang ikalawang bahagi naman ay ang “Irritation and Hostility”, itinuturing na sukdulan ng Culture Shock, na nakatuon sa mga pagkakaiba sa pagitan ng dalawang kultura. Ang ikatlong bahagi ay ang “Gradual Adjustment”, o ang daan tungo sa pakikibagay, kung saan nagiging mas kumportable o pamilyar na ang tao sa bagong kultura. At ang huling bahagi ay ang “Adaptation o Biculturalism” o ang kakayahang makibagay sa dalawang kultura nang may tiwala sa sarili II. Paglalapat ng Sariling Pag-aaral A. Metodolohiya Ang pamamaraang ginamit sa pagkalap ng mga datos ay ang pakikipanayam. 1. Mga Pamamaraan Ang pamamaraan na aming ginamit upang mangolekta ng datos mula sa mga respondanteng nakaranas ng culture shock ay ang pakikipanayam. Ito ang instrumentong aming ginamit dahil gusto naming makausap ng harap-harapan ang mga respondateng nakaranas ng culture shock dito sa Pilipinas at mabigyang linaw ang aming mga katanungan ukol sa aming paksa. 2. Lugar at Panahon

3

Ang aming pakikipanayam sa mga respondante ay nangyari sa iba’t-ibang lugar. Ang dalawa sa aming mga respondate ay nakapanayam namin noong ika-5 ng Marso 2010 sa Unibersidad ng Santo Tomas at Far Eastern University at ang isa naman ay aming nakapanayam gamit ang telepono o ang tinatawag na “Phone Interview “ noong ika-9 ng Marso 2010. Ang huling panayam naman ay naganap noong Marso 14, 2010 sa pamamagitan ng phone interview. 

3. Mga Respondente (KULANG PA.) Mikki Paula O. Morales Si Mikki ay kasalukuyang kumukuha ng kursong Commerce sa Unibersidad ng Santo Tomas. Simula pagkabata ay lumaki siya sa bansang Qatar kapiling ang kanyang mga magulang at mga kapatid. Doon siya nagkaisip at nag-aral ng kindergarten hanggang hayskul. Umuuwi siya sa Pilipinas kasama ng kanyang pamilya tuwing bakasyon. Samakatuwid, hindi siya sanay sa buhay sa Pilipinas na tiyak na naiiba sa kanyang kinasanayang kapaligiran sa Qatar. Pagkatapos ng hayskul ay umuwi siya sa sariling bayan upang magkolehiyo at dito nagsimulang magbago ang kanyang buhay. 

Sitti Meryam Agatha Reyes Si Sitti ay kasalakuyang kumukuha ng Business Administration sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Lumipat siya sa Qatar noong siya ay nasa ikalawang taon sa mataas na paaralan ngunit siya ay bumalik sa Pilipinas upang mag-aral dito ng kolehiyo. Bagamat lumaki siya sa Pilipinas, matindi pa rin ang naging epekto culture shock sa pag-aaral niya sa kolehiyo. Unang beses pa lamang siyang nawalay sa kanyang pamilya, isang bagay na talagang tumatak at nagbigay daan sa kanyang pagkaranas ng culture shock.  Ha Young Lee Si Ha Young Lee ay isang Koreana na lumipat sa Pilipinas noong siya ay nasa hayskul pa lamang. Siya ngayon ay isang 1st year student na nag-aaral ng Narsing sa Far Eastern University. Noong 2005, ang kanyang pamilya ay lumipat dito sa Pilipinas dahil naririto ang kanilang hanap-buhay. 

Reem Jumah Si Ha Young Lee ay isang Koreana na lumipat sa Pilipinas noong siya ay nasa hayskul pa lamang. Siya ngayon ay isang 1st year student na nag-aaral ng Narsing sa Far Eastern University. Noong 2005, ang kanyang pamilya ay lumipat dito sa Pilipinas dahil naririto ang kanilang hanap-buhay. 4. Uri ng Pag-aaral Ang uri ng pag-aaral na aming ginawa ay isang case study o aral kaso. Kami ay kumuha ng 4 na mga respondente at aming kinapanayam. Ang aming panayam ay ginawa sa paraang harapang interbyu at interbyu gamit ang telepono. Sa paggamit ng case study o aral kaso, mas maiintindihan namin ang mga kalagayan ng aming mga respondenteng nakakaranas ng culture shock. B. 1. Paglalahad ng Datos-Resulta ng Pag-aaral STORY TELLING! 2. Analisis Ayon sa aming mga nakapanayam ay kusa silang nagpunta dito sa Pilipinas para mag-aral. Nagkaroon din ng pagkakataon kung saan kailangan pang pag-usapan ng pamilya kung papupuntahin nga ang kanilang anak dito sa Pilipinas. Masasabi natin na ang desisyon na ito ay magkahalong desisyon mula sa magulang at sa anak. Una nilang naranasan ang culture shock sa una hanggang ikalawang buwan ng kanilang pananatili dito sa Pilipinas. Ayon sa pagkakaintindi nila ng culture shock, sinabi nila na may kaugnayan ito sa mga pagkakaiba ng dalawang kultura.maari din daw itong ituring na isang karanasan kung saan ay pinagtutuunan nila ng pansin ang mga pagkakaiba sa pagitan ng dalawang kultura na nagreresulta sa pagdanas ng labis na kalungkutan at iba pang halu-halong emosyon na maaring makaapekto sa indibidwal. Lubusan itong nakaapekto sa kanilang pag-aaral partikular na ang Koreanang aming nakapanaym kung saan ay bumagsak siya sa asignaturang Filipino dahil sa hirap siyang intindihin ang wika dito sa Pilipinas. Ang mga galling naman sa Qatar ay emosyonal. Sila ay kadalasang umiiyak at may pagkakataong hindi sila pumapasok dahil sa kawalan ng kagustuhan o walang pumipilit na sila ay pumasok. Minsan ay gumagawa pa sila ng mga bagay na mag-uudyok sa kanilang mga magulang na pabalikin sila sa Qatar. Karaniwan ay nagkakaroon daw ng pagkakaiba sa pagkain, pananamit, wika, at pakikisalamuha sa ibang tao. Nakaapekto rin ang pisikal na kapaligiran sa isang tao. Lubos na ikinagulat ng isa naming respondante ang mga batang namamalimos sa kalsada. Ayon sa kanya ay hindi niya inaasahan na ganito kahirap ang buhay sa Pilipinas at labis siyang nagulat nang bumili ang batang namamalimos ng sigarilyo gamit ang perang nalikom. Nahihirapan naman silang makisalamuha sa ibang tao dahil sa pagkakaiba ng pag-uugali dito. Sinasabi nila na mulat na ang mga Pilipinong tinedyer na tulad nila sa mga bagay bagay na sa tingin nila ay hindi pa dapat malaman sa murang edad pa lamang. Mula

4

sa apat naming mga respondante, dalawa sa kanila ang masasabing nakarekober na mula sa culture shock sa kadahilanang nasabi na nila sa kanilang mga magulang ang kanilang mga problema at nagawa silang payuhan ng mga tao sa kanilang paligid kung papaano ito masosolusyunan. Nagkaroon na sila ng mga kaibigan at sinabi nila na mas tumindi ang tiwala nila sa kanilang sarili at nagagawa na nilang magtiwala sa mga taong nasa paligid nila. Samantala ang dalawa ay hindi masasabing nakarekober na dahil sa mga problemang kinakaharap pa rin nila. Ang Koreana ay hirap pa rin sa pakikipag-usap sa ibang tao dahil sa pagkakaiba sa wika at ang isa naman ay babalik na sa Qatar para doon na ipagpatuloy ang pag-aaral. C. Kongklusyon Bilang konklusyon, ang pagkaranas ng “Culture Shock” ay bahagi na ng magiging karanasan ng isang taong bago pa lamang sa isang lugar. Ang matinding pagkagulat sa bagong mundong kanyang ginagalawan ay natural lamang dulot ng iba’t ibang kulturang kanyang nararanasan. Dagdag pa rito, ang “Culture Shock” ay may malaking epekto hindi lamang sa paraan ng pamumuhay ng isang tao kung hindi pati na rin sa kanyang emosyonal at sikolohikal na katangian. Sa aming aral-kasong isinagawa, masasabi natin na iba-iba ang reaksyon ng bawat indibidwal sa pagkaranas ng “culture shock”. Ang iba ay hindi kinakaya ang ganitong karanasan at bumabalik na lamang sa kanilang pinaggalingan ngunit para sa iba, lalo na ang mga estudyante, tila nagrerebelde pa upang sila ay pabalikin na sa kanilang pinanggalingan. Ang ilang halimbawa na lamang dito ay ang hindi pagpasok sa eskwelahan, hindi pagkain, pagbubulakbol ng iba at ang pinakamatindi ay ang pagtatangka nilang pagkitil sa sarili nilang buhay. Ang ilan naman ay nakarekober sa ganitong karanasan. Nahirapan man silang makisalamuha noong una ay patuloy nilang sinubukan na sumabay at makibagay sa iba’t ibang taong kanilang nakikilala at tanggapin ang kulturang kanilang hinaharap sa kasalukuyan at patuloy na lamang sila sa kanilang pang araw-araw na gawain. Para sa mga estudyanteng tulad nina Miki Morales at Sitti Reyes naging malaki ang epekto ng “culture shock” sa kanilang edukasyon dahil sa kawalan ng gana sa kanilang mga dapat gawin, maging ang mga responsibilidad nila bilang estudyante ay hindi na nila nagagampanan. Sa kabila ng mga bagay na kanilang nararanasan bilang dulot ng “culture shock” ay nagawa nilang masolusyonan http://expacked.files.wordpress.com/2009/04/rok-cultureang kanilang mga suliranin, tulad ng pagsali sa mga shock-web.jpg organisasyon at pakikipagkaibigan upang makatulong sa pagiging pamilyar sa bagong kapaligiran. Sa tulong na din ng kanilang “support system”, tulad ng kanilang mga magulang, ay nagawa nilang ipagpatuloy ang kanilang pakikipagsapalaran. D. Rekomendasyon 1. Kaugnay sa Sariling Pag-aaral Upang mas madaling makibagay at makapag “adjust” sa isang lugar dulot ng culture shock, maaaring makatulong ang mga sumusunod: una, iminumungkahi ng mga manunulat na mas maging bukas sa opinion ng iba’t ibang tao ang isang taong nakararanas ng culture shock. Kung maaari ay magkaroon siya ng mga tunay na kaibigan o mga taong malalapitan kung may problema upang magsilbing kanyang pamilya at umalalay sa kanya sa pag-angkop sa sitwasyong kanyang nararanasan. Dapat din ay may oras siya para sa kanyang gawaing nakakapagpahinga sa kanyang utak upang maiwasan ang pagka-stress na maaaring maging isa sa mga sanhi ng pagkaranas ng culture shock. Ikalawa, dapat na ang isang tao ay laging handa sa mga bagay na kanyang mararanasan at dapat iwasan ang maraming ekspektasyon upang maiwasan ang pagkalumo o pagkagulat kapag hindi nasunod ang mga matataas na ekspektasyon. Huli, dapat ay malawak ang isipan ng isang tao at marunong umintindi sa lahat ng bagay upang maging positibo ang lahat ng kanyang pananaw sa kanyang kapaligiran. Hindi maaalis sa isang tao ang pagkaranas ng culture shock lalo na kung sila ay baguhan lamang sa isang lugar at nasanay na sila sa dati nilang pinanggalingan ngunit dahil din sa mga karanasang ito, sila ay mas lalong natututo, mas lalong nagiging matapang at mas nagkakaroon sila ng malawak na isipan pagdating sa realidad ng buhay. Sa madaling salita, sila ay mas nagiging ganap na tao na nakakabuti dahil isa ito sa dahilan ng kanyang pagkatuto. Bagama’t hindi madali para sa isang tao ang bumagay sa loob lamang ng mabilis na panahon, dapat pa ring isaalang-alang ang respeto sa sarili at sa ibang tao at tanggapin na hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa mabilisang paraan. Minsan kailanagan munang magkaroon ng karanasan at masaktan bago matutunan ang isang bagay. 2. Sa Larangan ng Pananaliksik Sa natapos na pag-aaral, inirerekomenda ng mga mananaliksik na maghanap naman ng mga lalaking respondante na nakaranas ng culture shock. Makakatulong ito upang maipagkumpara ang mga karanasang at sitwasyong kinanaharap ng mga lalaki at babae sa culture shock. Dagdag pa rito, inirerekomenda ng mga mananaliksik na pag-aralan ang pagkaranas ng culture shock ng mga

5

Pilipino sa ibang bansa. Marahil ay makakatulong rin sa pananaliksik ang iba’t ibang uri ng respondante mula sa iba’t ibang larangan o propesyon. 3. Mga Makikinabang sa Pag-aaral Habang ginagawa ang pananaliksik papel na ito, isa sa mga layunin namin ay ang mapakita ang kaseryosohan ng kasong ito upang mabigyan ng wastong atensyon at maiwasan ang paglala ng mga ganitong kaso. Unang makikinabang sa pag aaral na ito ang mga nakaranas ng “culture shock” o ang mga tao na kasalakuyang nakakaranas ng “culture shock”, sa pag aaral na ito ay malalaman nila na natural ang kanilang naramdaman o nararamdaman at hindi lang sila ang nakakaranas nito. Pangalawa ay ang mga taong nagbabalak mag migrate o mangibang bansa para mag bakasyon o di kaya permanenteng manirahan doon. Sa tulong ng pag-aaral na ito, mabubuksan ang kanilang mga mata sa mga posibleng problema o sitwasyon na naghihintay sa kanila sa ibang bansa, malamang ay hindi na nila naisip ang malaking pagkakaiba na maari nilang maranasan kapag nakatira na sa isang bansa. Pangatlo ay ang mga susunod na mag-aaral sa Pilipinas na lumaki sa ibang bansa. Ang aming mga respondent ay mga estudyante na lumaki sa ibang bansa at pumunta ng Pilipinas upang mag-aral ng kolehiyo. Ang kanilang mga naisalaysay na karanasan ay makakatulong ng malaki sa mga padating na estudyante upang malaman talaga kung ano ang buhay na naghihintay sa kanila sa Pilipinas. Kapag may sapat sila na impormasyon ay makakaapekto ito sa desisyon nila na ipagpatuloy ang planong mag aral sa Pilipinas o di kaya ay gumawa ng “plan B”. Kung sakaling sigurado and mag-aaral na ito na sa Pilipinas mag-aral, mas maihahanda niya ang sarili niya sa buhay na maaari niyang maranasan dito. Pang-apat ay ang mga magulang ng mga taong nakaranas ng culture shock, nakararanas ng culture shock o may malaking posiilidad na makaranas ng culture shock. Sa pag aaral na ito malalaman ng magulang ang maaring tunay na dinaramdam ng kanyang anak kapag ito ay nanibago sa kanyang kapaligiran. Kung sakaling malaman ng mga magulang ang tunay na nararanasan ng kanilang mga anak, mabibigyan nila ng solusyon ang mga problema ng kanilang anak. Panlima ay ang mga guidance counselor at faculty ng mga eskwelahan. Sa pag-aaral na ito maliliwanagan sila sa tunay na nararamdaman ng mga batang nakaranas ng culture shock at mabibigyang solusyon kung paano nila magapagaan ang nararamdaman ng bata upang hindi ito makaapekto sa kanilang pag aaral. Maari ring makinabang ang mga sikolohista at siyentipiko na nagbabalak pag aralan ang paksa na ito. E.                     

Bibliograpiya Corsini, R. (1994). Culture shock. Encyclopedia of Psychology (2nd. ed.), 1, 376-377. Canada: John Wiley and Sons. Ramchandran, V.S. (1994). Cross-cultural adaptation. Encyclopedia on Human Behavior, 2, 33-34. California, USA: Academic Press. Brislin, R. (1993). Success in intercultural interaction. Understanding culture’s influence on behavior (2nd. ed.), 209-210. New York: Harcourt Jovanovich College Publishers Communicaid Group Ltd. (2009). Impact of culture shock. Retrieved January 6, 2010, from http://blog.communicaid.com/?p=41 Duncan, M. Culture shock:A fish out of water. Retrieved January 11, 2010, from http://international.ouc.bc.ca/cultureshock/printext.htm Balini, M. Ph.D. (2005). The four stages of culture shock. Retrieved January 6, 2010, from http://blogs.squaremouth./travel-advice/thefour-stages-of-culture-shock/ Jakarta, A. Culture shock (and how to survive it). Retrieved January 4, 2010, from http://articlescollection.com/culture-shock-and- how-tosurvive-it/ Cao, C. Returned Chinese scholars commit suicide. Retrieved January 6, 2010, from http://www.upiasia.com/Society_Culture/2009/10/27/returned_chinese_scholars_commit_suicide/7072/ Culture shock. Retrieved January 4, 2010, from http://www.globalsemesters.com/culture-shock.html Middle Kingdom Life. Coping strategies. Retrieved January 6, 2010, from http://middlekingdomlife.com/guide/culture-shock-china.htm Culture shock. Retrieved January 6, 2010, from http://edweb.sdsu.edu/people/cGuanipa/cultshok.htm What causes Culture shock?. Retrieved January 4, 2010, from http://kidshealth.org/teen/your_mind/emotions/culture_shock.html Kohls, R. Culture shock. Retrieved January 4, 2010, from http://international.uiowa.edu/study-abroad/students/outbound/culture/shock.asp Ramchandran, V.S. (1994). Cross-cultural adaptation. Encyclopedia on Human Behavior, 2, 37-42. California, USA: Academic Press. Culture shock. Retrieved January 6, 2010, from http://c2.com/cgi/wiki?CultureShock What are symptoms of culture shock. Retrieved January 6, 2010, from http://www.languagelizard.com/v/vspfiles/newsarticle17.html Culture shock. Retrieved January 4, 2010, from http://oisss.unc.edu/students/newstudents/culture_shock.html Way to help with culture shock. Retrieved January 4, 2010, from http://www.toeflaccess.com/articles/ETS/uk/living/fitting_in/culture_shock.html Starmometer. Big brother swap: Kaitlin and Cathy experience culture shock. Retrieved January 2, 2010, from http://www.starmometer.com/2009/11/04/big-brother-swap-kaitlin-and-cathy-experience-culture-shock/ YFO Exchange Program. Understanding culture shock. Retrieved January 2, 2010, from http://www.rotary5080ye.org/understanding_culture_shock.htm Gordon, A. Culture shock. Retrieved January 2, 2010, from http://en.wikipedia.org/wiki/Culture_shock

6

    

Courant, L.D. Travel smart: harassment in foreign lands can be a culture shock . Retrieved March 1, 2010, from http://www.chron.com/disp/story.mpl/travel/rss/6269434.html LSE. International students and culture shock. Retrieved February 19, 2010, from http://www2.lse.ac.uk/intranet/students/studentServicesCentre/infoOverseasStudents/internationalStudentsandCultureShock.aspx The Center for Global Education. Adjustments and culture shock. Retrieved February 19, 2010, from http://www.studentsabroad.com/cultureshock.html Ngo, L. Students experience culture shock in reverse in returning home. Retrieved February 19, 2010, from http://www.iiespassport.org/pages/sitecontent/culture_shock.aspx QUT. Culture shock. Retrieved February 19, 2010, from http://www.issupport.qut.edu.au/student/advice/cultureshock.jsp

7

More Documents from "Kyla Kathrine Fernandez"