Document.docx

  • Uploaded by: Vaheey Ralliza
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Document.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 378
  • Pages: 2
Ayon kay Rubrico, ang kultura ay pangkabuoang pananaw ng mga tao sa isang lipunan. Hango ito sa mga paniniwala, tradisyon, uri ng kanilang pamumuhay at iba pang mga bagay na nag-ugnay sa kanila at nagpatibay sa bigkis ng pagkakaisa na siyang nagpapalaganap sa pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian at adhikain. Ayon pa rito, ang kultura ay sandigan at gabay sa paglalakbay tungo sa makabuluhang buhay. Sa karagdagan, ayon kay Almario na kabilang aa Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan, "Ang kultura ay kapangyarihan dahil nakapagsimula ito ng pride - pride of country and of self - at nakakapagsimula ito ng national creativity." (Santos, 2012). Ibig sabihin lamang nito na malaki ang naiaambag ng kultura sa isang bayan. Sa simpleng depinisyon ni Cruz sa kultura, ito ay anh karunungan, sining literatura, paniniwala at kaugalian ng isang pangkat ng mga taong nanahan sa isang lugar. Ang depinisyon ni Cruz ay susuporta sa ideya ni Poliran na nagsasabing ang lahat ng kultura ay natututunan, subalit hindi lahat ng bagay na natututunan ay tinatawag na kultura. Dahil, ang kultura ay mga natatanginh kasanayan ng mga ninuno sa isang lugar.

Ang katutubong Bukidnon ay isang tribu na ang mga ninuno ay may light brown complexion, buhok na may kaitiman at mahaba at ang tangkad ay nasa limang talampakan. Samantala, ang kanilang nose bridge ay hindi flat. Ang tribung ito ay nananahan sa mababang parte sa bundok ng Sumilao, mayroon rin sa Malaybalay at sa lowland ng Central Bukidnon. Ang kanilang kultura ay isang pagkakakilanlan na nagmula sa nakaraan na naipagpapatuloy sa pamamagitan ng pagsunod at pagiging tapat kasanayan ng kanilang mga magulang na nagmula sa kanilang kanuno-nunoan. Dahil dito, naipagpapatuloy ang mga kasanayan sa kasalukuyan. Sa pamamagitan ng kanilang mga ritwal na patuloy na bumubuhay sa kultura ng katutubong Bukidnon ( BNHS blog, 2011).

References: Alombro, K.(2015). "The 7 Tribes of Bukidnon". Retrieved from https://www.pdfcoke.com BNHS

blog,.(2011).

"

Keepers

of

Dreams:

The

Bukidnon

Tribe".

Retrieved

from

https://www.blogger.com Cruz, E. "Kahulugan ng Kultura". Retreived from https://www.academia.edu Mordeno, H.(2011). "Traditional Farming Practices of the Bukidnon Tribe.". Retreived from https://www.mindanews.com

Province of Bukidnon. "Cultural Practice". Retrieved from https://www.bukidnon.gov.ph Rubrico, J. "Linggwistiks para sa mga Mag-aaral ng Agham Panlipunan1". Retrieved from https://www.languagelinks.org Santos, J. (2012). " Kultura, Sandigan ng Kaunlaran ng Sarili at Sambayanan". Retrieved from https://www.varsitarian.net

More Documents from "Vaheey Ralliza"

Pe.docx
June 2020 1
Document.docx
June 2020 7
Methodology.docx
June 2020 2
Budgetary.docx
June 2020 4