Kabanata 29: MGA HULING SALITA TUNGKOL KAY KAPITAN TIAGOSi Padre Irene ang namahala sa mga pamana ni Kapitan Tiago. Bahagi ay mapupunta sa sa Sta Clara, Papa,Arsobispo at Korporasyong relihiyoso; 20 pesos ay mapupunta sa matrikula ng mga dukhang mag-aaral, at ang25 pesos na binawi ni Kap. Tiago na para sana kay Basilio ay ibinalik ni Padre Irene at sasabihin sa kanya itogaling.Pinagtalunan kung ang susuotin ba ay prak na sinasabing suot ni Kap. Tiago nang magpakita siya sa mgamongha, o isang abito ng Pransiskano na mungkahi ni Kapitan Tinong. Ngunit nanaig pa rin ang desisyon niPadre Irene na damitan si Kap. Tiago ng kahit alin sa kanyang mga dating suot.Napag-usapan din dito kung magsasabong ba si San Pedro at Kap. Tiago, at kung sino ang mananalo. Si DonyaPatrocino naman inggit na inggit sa libing ni Kap. Tiago at tila nagnanais na mamatay na rin at magkaroon nglibing na higit pa sa naging libing para kay Kap. Tiago. Kabanata 30: JULINaging malaking balita ang pagkakahuli kay Basilio at labis itong pinagalala ni Juli. Siya ay binabangungot sakakaisip kay Basilio. Sa pagnanais niyang makalaya si Basilio ay naisip niya si Padre Camorra. Isang salitalamang ni Padre Camorra ay makakalabas ng kulungan si Basilio. Siya na lamang ang natira sa bilangguan dahilwala siyang tagapagtanggol at wala rin naman kamag-anak.Ayaw pumunta ni Juli sa kumbento dahil natatakot siya kay Padre Camora ngunit pinilit siya ni Hermana Bali.Nang makapasok na sila sa kumbento, kinahapunan ay may nangyaring hindi maganda. May babaeng tumalonsa bintana at namatay at may babaeng nagtatakbong lumabas ng kumbento na tila wala na sa katinuan.Pinuntahan ni Tata Selo ang kumbento at hinahanap si Juli ngunit hind siya pinapasok at sa halip aypinagtabuyan pa. Hinanap niya ang gobernadorsilyo, Juan de Paz at tinyente ngunit wala ang mga ito. Narinigsa bayan ang panaghoy ni Tata Selo at kinabukasan ay dinala niya ang kanyang itak at nilisan ang lungsod.(Upang sumapi sa mga tulisan)