Pagsasalin Sa Diwang Politika, Ekonomiya, At Kultura Pangkat 3
Pagsasaling Wika
•
Ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man o pasulat, ay nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa isang dati nang umiiral na pahayag sa ibang wika.
•
Ang pagsasaling- wika ay paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas sa diwa at estilo na nasa wikang isinasalin.
•
Sa mabisang pagsasalin, kung magkakaroon ng ibang pakahulugan sa itutumbas na salita, humanap ng ibang maaaring ipalit dito o di kaya linawin ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng context clue.
•
May mga pagkakataon na ang isang kaisipang ipinahahayag nang tahsan sa Ingles ay kailangang gamitan ng eupemistikong salita sa Filipino upang hindi maging maging pangit sa pandinig.
•
Ang isang magandang pamagat sa Ingles ay hindi nangangahulugang magiging maganda ring pamagat sa Filipino.
Pagsasalin sa Diwang Politika: Wikang Pasulat At Wikang Pasalita
•
May kaibahan ang wikang pasulat sa wikang pasalita. Hindi laging angkop at dapat panaigin ang tuntuning “higit na gamitin” sa pagpili ng salita sa gawaing pasulat. (Almario V.)
•
Magaganap ang kultibasyon ng Filipino kapag at habang lumalaganap ito bilang wika ng batas, negosyo, at pamahalaan sa mga dominyo ng kapangyarihan sa ating lipunan.
•
Magiging isang tunay na Wika ng Karunungan ito sa panahong ginagamit ito sa pagtuklas at paglikha ng karunungan. Sa ganitong paraan ay magiging wika naman ito ng kaunlaran.
•
“Kailangan ang wikang pambansa bilang pambigkis sa sambayanang may iba’t- ibang unang wika. Isang sangkap ito sa paghubog ng Nasyonalismo”, saad ng dating pangulong Manuel L. Quezon.
•
Iwinagayway naman noong panahon ni Pangulong Garcia ang islogang “Filipino Muna” bilang opisyal na patakaran sa ekonomiyang pambansa.
Pagsasalin sa Diwang Ekonomiya Saan pumapasok ang pagsasalin?
• Nakasandig sa ngayon ang mga edukadong Filipino sa Espanyol at Ingles bilang Wika ng Edukasyon.
• Mula sa ganitong katunayan, malinaw na isang unang hakbang sa kultibasyon ng Filipino ang pagsasalin mula sa mga nabanggit na wikang pandaigdig. • Sinayang na natin ang halos isang siglo sa kawalan ng direksyon at sa mapagpaubayang paghihintay sa ngalan ng ebolusyon at kusang pagbabago ng wika.
Pangkat Prayoridad ng Pambansang Adyenda sa Pagsasalin
1.
Propesyonalisasyon ng Pagsasalin - Nangangahulugan ito ng pagsasanay sa isang hukbo ng mga tagasalin sa buong bansa, ng pagbibigay ng kaukulang lisensiya sa karapat- dapat, at ng pagkilala sa pagsasalin bilang isang kagalang- galang at kapaki- pakinabang na propesiyon
2.
Kawanihan sa Salin - Nangangasiwa sa mabubuong adyenda sa pagsasalin. Matitipon ng kawanihan ang mga propesyonal na tagasalin sa iba’t- ibang wika na ginagamit sa bansa.
3.
Sistematikong Pamimili ng Isasalin - Mahalagang patnubay muna sa pamimili ang isang pambansang planong wika. Itatakda ng plano kung alin sa mga pangunahing direksiyon sa pagsasalin ang higit na nararapat unahin para sa higit na mabisa at makatwirang pagbuo ng aklatan ng karunungan sa Wikang Filipino.
Pagsasalin sa Diwang Kultura Wika at Kultura: Pagsasaling Nagpapakahulugan ni Simplicio P. Bisa
• Ang kaalaman sa pagsasalin ng wika ayon sa kultura ay isang importanteng aspekto ng pagsasalin sapagkat nangangailangan ito ng kakayahan na maintindihan ang kultura at wika ng dalawang magkaibang kinabibilangan. • Tuwing tayo ay nagsasalin ng isang akda mula sa isang banyagang salita patungo sa Pilipino, ating inisaalang- alang ang mga angkop na salita na nagkakatulad sa ating kultura at pagwika, kaya mas nagkakaroon ng kulay at karakter na mas Pilipino ang isang akda na isinalin upang maging mas malapit ito sa kultura at nakagisnan ng mga mambabasa, ang mga Filipino.
Mga Batayan sa Pagsasalin
1.
Pagpapakahulugan o interpretasiyon- ay isinasalin ay mga ideya at hindi mga salita.
2.
Mas madali ang pagsasalin ng isang banyagang salita sa Wikang Filipino o Filipino sa diyalektong rehiyonal kapag Pilipino ang may akda sapagkat magkatulad ang kultura nito.
3.
Ang idyomatikong pahayag sa wikang dayuhan ay dapat tapatan din ng katumbas na idiyoma.
4.
Inaalam ang kultura ng tagpuan ng isang akda.
5.
Sinisikap na mabigyang kahulugan ang matalinhagang taglay ng orihinal na akda.
Malaki ang pananagutan ng tagapagsalin sa awtor ng akdang isinalin at sa kaniyang mambabasa. Ang maling pagpapakahulugan sa isinalin ay pipinsala sa mahalagang layunin ng awtor nang sulatin ang orihinal na katha.