Demofil.docx

  • Uploaded by: Claudette Balais
  • 0
  • 0
  • April 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Demofil.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 629
  • Pages: 4
Sagad High School Pinal na Pakitang Turo Taong Panuruang 2017-2018 I. Layunin A. Napagsusunod-sunod ang mga mahahalagang pangyayari sa kada sa tulong ng mga larawan. B. Naibabahagi ang sariling opinyon sa mga pagsubok o problemang lumutang sa akda. C. Nakabubuo ng mga malikhaing ideya na nagpapakita ng paglutas sa mga pagsubok sa buhay. II. Paksang Aralin 1. Paksa: Florante at Laura Aralin 18: Dalawang Trahedya (saknong 224-241) 2. Kagamitan: Larawan, tsart at aklat. 3. Sanggunian: Obra Maestra Florante at Laura; pp 125-127 III. Pamamaraan A. Pang-araw-araw na gawain 1. Pagpuna sa kalinisan ng silid-aralan 2. Panalangin 3. Pagbati 4. Pagtatala ng liban sa klase B. Pagganyak (Storybooth) Sa loob ng story booth, ang mga mag-aaral ay magbabahagi ng sariling karanasan base sa mabubunot nilang mga paksa. Storybooth

Mga paksa:

#Kaligayahan

#Kalungkutan

#Tagumpay

#Pagsubok

Gabay na tanong: 1. Ano ang naging inspirasyon mo upang makamit ang nasabing tagumpay? 2. Anong mga hakbang ang iyong ginawa upang malagpasan ang pagsubok na naranasan? C. Talasalitaan (Word Curtain) Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit batay sa pagkakagamit nito sa saknong at gamitin sa makabuluhang pangungusap.

Hinandulong ni Adolfo si Florante sa kanilang palabas at akmang papatayin.

Maging ang magiliw na salita ng maestro ay hindi nakaawas sa dalang hirap ni Florante.

Hindi maapula ng kahit sino ang pagdaramdam ni Florante pagkatapos basahin ang liham galing sa ama.

Ang bawat letra ng sulat na tinanggap ni Florante ay kamandag na halos pumatay kay Florante.

D. Pagtalakay (Now Showing: Dalawang Trahedya) Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga mahahalagang pangyayari gamit ang mga larawan upang mabuo ang kuwento.

Dalawang Trahedya

A

B

C

D

E

F

Mga gabay na tanong: 1. Bakit iniba ni Adolfo ang diyalago sa kanilang palabas? 2. Ano ang isinasaad ng liham na tinanggap ni Florante makalipas ang isang taon? 3. Paano tinanggap / hinarap ni Florante ang dalawang trahedya sa kanyang buhay? 4.. Kung ikaw si Florante, paano mo tatanggapin ang mga trahedya sa buhay mo? Ipaliwanag ang sagot.

E. Pangkatang Gawain Pangkat I (1,2,3 Action) Panuto: Pumili ng isang isyu na karaniwang kinakaharap ng isang kabataan. Pagkatapos, bumuo ng isang maikling pagtatanghal na nagpapakita kung paano ito malalampasan. Gawin ito sa loob ng 3 minuto.

Mababang grado

Panghuhusga

Lulong sa masamang bisyo.

Maagang pagpasok sa relasyon.

Pangkat II (Slogan) Panuto: Bumuo ng isang slogan na inilalarawan ang tema ng tinalakay na paksa.

Slogan Pangkat III (Simbolismo) Panuto: Gumuhit ng isang simbolismo na may kaugnayan sa katauhan ni Florante na ipinakita sa kuwento. Pangkat IV (AdviceGanda) Panuto: Magbigay ng ilang mungkahi na maaaring sundin upang malagpasan ang pagsubok sa buhay.

Rubriks Pamantayan sa Pag-uulat

Kraytirya 1. Naging malikhain sa inihandang presentasyon. 2. Makabuluhan ang mga ideyang inilalahad. 3. Nagakaroon ng kaisahan sa pagbuo ng gawain. 4. Napukaw ang atensyon ng mga tagapakinig. KABUUAN:

F. Presentasyon ng bawat pangkat G. Pagbibigay-feedback

Puntos 15 15 10 10 __ 50

H. Sintesis Dugtungan ang kaisipan

Ang maskara ay maihahalintulad ko sa __________________________________________ Ang buhay ay parang isang teatro sapagkat _______________________________________ I. Ebalwasyon Panuto: Suriin kung katotohanan o opinyon ang sumusunod na mga pahayag. Isulat sa patlang ang O kung opinyon at K kung katotohanan. ______1. Gumanap bilang magkapatid sina Florante at Adolfo sa trahedyang ipinalabas sa paaralan. ______2. Higit na mahusay gumanap si Florante kaysa kay Adolfo. ______3. Ang palabas na dapat kagiliwan ay nauwi sa trahedya. ______4. Iniligtas ni Menandro si Florante nang pagtangkaan ni Adolfo ang buhay ni Florante. ______5. Ikinasaya ni Florante ang nilalaman ng liham buhat sa ama. J. Takdang Aralin 1. Magbigay ng isang problema na kinakaharap bilang isang kabataan. Bigyan ito ng alternatibong solusyon. 2. Bakit mahalaga ang payo ng mga magulang o nakatatanda?

Inihanda ni: Claudette C. Balais Gurong Nagsasanay

Binigyang-pansin nina: Gng. Maryann O. Preligera Gurong Tagapayo Gng. Azenith A. Bobis Tagapag-ugnay Kagawaran ng Filipino`

More Documents from "Claudette Balais"

Finalna To.docx
April 2020 14
Demofil.docx
April 2020 17
Checklist
August 2019 79
Letter Para Sa Pagliban
August 2019 29
Katibayan
August 2019 29