Dekada

  • November 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Dekada as PDF for free.

More details

  • Words: 589
  • Pages: 3
Dekada '70 Director: Chito S. Roño Producers: Malou-Santos Concio Screenwriter: Lualhati Bautista Music: Nonong Buencamino Editor: Jess Navarro Cinematography: Neil Daza Mga gumanap: Vilma Santos - Amanda Bartolome Christopher De Leon- Julian Bartolome Piolo Pascual- Jules Bartolome Marvin Agustin- Emmanuel Bartolome Kris Aquino - Student Leader Ana Capri – Mara Dimples Romana - Evelyn Jhong Hilario Willy Carlos Agassi Isagani Bartolome Danilo Barrios - Jason Bartolome Carlo Muñoz - Rene

Tirso Cruz III - Evelyn's Father Orestes Ojeda - Dr. Rodrigo John Wayne Sace - Bingo Bartolome Marianne de la Riva – Nanay ni Evelyn Manjo del Mundo Policeman Cacai Bautista - Rallyist Dekada '70 (REBYU) Si Amanda Bartolome (Vilma Santos) ay isang babaeng nagsisikap matunton at maunawaan ang tunay na kahulugan ng pagiging isang babae sa gitna ng masalimuot na kalagayan ng bansa noong dekada '70 sa ilalim ng Batas Militar. Siya ay kumikilos bilang isang ina (sa limang anak na pulos lalaki) at asawa ayon sa dikta ng lipunan at ng asawa niyang si Julian (Christopher de Leon). Bagama't tradisyonal, umiiral sa pamilyang Bartolome ang kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin kung kaya't lumaki ang kanilang mga anak na mulat ang kamalayan sa nangyayari sa lipunan. Dahil dito'y sumali sa kilusang makakaliwa ang kanilang panganay na si Jules (Piolo Pascual), naging makata at manunulat naman si Emman (Marvin Agustin), at nahilig sa musikang rock n roll si Jason (Danilo Barrios). Si Gani (Carlos Agassi) naman ay malayang pinasok ang pagiging US Navy bagama't taliwas ito sa paniniwala ng mga kapatid. Nanatiling matatag ang pamilya Bartolome sa kabila ng napakaraming pagsubok ng panahon. Dito rin nasubok ang katatagan ng pagsasama nina Amanda at Julian, kung saan si Amanda ay nagnais na matunton ang sarili bilang isang babae, malayo sa dikta ng lipunan at ng asawa. Ang Dekada '70 ay isang mahusay na adaptasyon sa pelikula ng nobela nitong may parehong titulo. Napanatili ang kaluluwa ng nobela sa pelikula sa kabila ng limitasyon ng pelikula bilang isang audio-visual na medium. Marahil,

nakatulong ng malaki ang pagkakaroon ng iisang manunulat lamang. Naging maayos ang takbo ng pelikula na tulad sa nobela nitong nahati sa mga taon ng dekada '70. Mahusay ang pagkakaganap ng mga pangunahing tauhan (maliban kay Carlos Agassi) na nakapagbigay hininga sa mga tauhang noo'y nababasa lamang. Naibalik ng pelikula ang larawan ng dekada '70 sa mga eksena nitong nagpapakita ng mga demonstrasyon, protesta at rallies na tunay na nangyari noong panahon na iyon. Ang musika at tunog ay madalas na akma at nagpapaigting sa emosyong nais ipahatid ng pelikula. Naging mahina lamang ang disenyong pamproduksiyon ng pelikula na hindi naging masusi sa make-up, at kasuotan ng mga tauhan sa pawang hindi parating umaangkop sa panahon. Ang Dekada '70 ay isang pelikulang puno ng kahulugan, lalim at pagtatanong sa tunay na kahulugan at kalagayan ng kababaihan sa lipunan. Bagama't maliwanag na ang manunulat na si Lualhati Bautista ay nagmumula sa feministang pananaw, hindi naging radikal ang kanyang pagtrato sa isyu ng kababaihan. Sa halip mas pinaigting pa ng pelikula ang kahalagan ng papel na ginagampanan ng isang ina sa pamilya. Mamumulat ang mga magulang na makakapanood ng Dekada '70 sa tunay na papel na kanilang ginagamapanan sa mga anak. Sa kabilang banda'y mas mauunawaan ng mga anak ang kanilang mga magulang na nagsusumikap na maging gabay sa anumang kanilang naisin sa buhay. Sinasabi ng pelikula na walang perpektong magulang o anak sa anumang panahon, ngunit mananatiling matatag ang isang pamilyang may tunay na pagmamahal at pagmamalasakit hindi lamang sa kanilang sarili kundi maging sa ibang tao at sa bayan.

Related Documents

Dekada
November 2019 1
Dekada 70
October 2019 6
Dekada 70
June 2020 1
Dekada 70
November 2019 2
Dekada '70 Paper
November 2019 12