Cot_ Esp 5.docx

  • Uploaded by: mark cometa
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Cot_ Esp 5.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 691
  • Pages: 3
Banghay Aralin sa ESP 5 I. Layunin  Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng pananalig sa Diyos na nagbigay ng buhay  Nakapagpapakita ng iba’t-ibang paraan ng pasasalamat sa Diyos (EsP5PD - IVe-i - 15)  Naisasabuhay ang tunay na pasasalamat sa Diyos na nagkaloob ng buhay Halimbawa - palagiang paggawa ng mabuti sa lahat II. Paksang Aralin: Pagtulong sa Kapwa, Pagmamahal sa Dakilang Lumikha Kagamitan: Larawan, Tarpapel at Slide Deck Video Presentatio (https://www.youtube.com/watch?v=qhU5JEd-XRo) Sanggunian: Grade 5 K-12 Curriculum Guide p. 79 Integration: Filipino (sanhi at bunga) English (Uri ng Graphic Organizers) Value Focus: Pagtulong III. Pamamaraan A. Balik Aral Magandang Umaga mga Bata, mayroon ako ditong mga Graphic Organizer. Ano nga ang tawag sa mga Graphic Organizers na ito? 1. Pangkatin ang mga magaaral sa tatlo (3). 2. Gamit ang mga Graphic Organizers ay ilalahad ng mga magaaral ang iba’tiibang mga biyaya na natanggap nila mula sa may kapal batay sa mga nauna nilamng talakayan. (hal. Pamilya, Kaibigan, atbp.) Pangkat I- Balloon Pangkat II- Ice Cream Pangkat I- Hamburger B. Panlinang na Gawain 1. Panimulang Gawain (4 Pics 1 Word) Magpakita ng mga larawan na nagpapakita ng pamamaraan ng Pasasalamat sa Diyos Batay sa mga nauna nang Talakayan. (halimbawa: Pagdarasal, Pagkain ng Masustansyang Pagkain atbp.) 2. Pagganyak Magpakita ng larawan at ipasuri ito sa mga mag-aaral.

Pagganyak na Tanong: 1. Ano ang ipinapakita ng larawan? 2. Ano ang magandang naidudulot ng pagtutulungan? 3. Bilang isang mag-aaral, maaari ka rin bang maging isang mabuting halimbawa sa iyong kapwa? Ipaliwanag.

3. Paglalahad a. Panoorin ang Video Clip tungkol sa pagtutulungan Itanong sa mga mag-aaral: 1. Ano ang napanood ninyo mula sa Video? 2. Ano kaya ang magiging bunga kung hindi sila nagtulungan? 3. Sa tingin ba ninyo, ang Pagtulong sa Kapwa ay ikatutuwa ng Diyos? b. Tayo ay may mga pananagutan na dapat tuparin, hindi lang para sa ating sarili, bagkus maging sa ating kapwa. Ang Pagtulong natin sa ating kapuwa ay isa rin sa pamamaraan natin ng Pasasalamat sa diyos dahil pinapahalagahan natin ang ating kapuwa na sia rin sa kanyang mga nilikha. 4. Pagpapalalim Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon, bilang isang mg-aaral, paano mo maipapakita ang iyong pagtulong sa iyong kapwa? 1. Nakita mo ang iyong guro isang umaga na maraming daladalahan papasok sa inyong paaralan, Ano ang gagawin mo? 2. Nakita mo si Albert na natumba mula sa pagbibisikleta, siya ay bahagyang nasugatan, Ano ang gagawin mo? 3. Lumiban ang is among kamag-aaral dahil siya ay nagkasakit. Sa kanyang pagbabalik ay nahihirapan siya sa bagong paksa na inyong pinag-aralan, Ano ang maaari mong gawin? 5. Pangkatang Gawain Itanong sa mga mag-aaral “Paano ninyo maipapakita ang pagtulong sa inyong kapuwa?” Sagutin ang tanong sa sumusunod na Paraan: Pangkat I- awit Pangkat II- tula Pangkat III- slogan Bago ang pangkatang Gawain, ipalahad sa mga mag-aaral ang Pamantayan sa Pangkatang Gawain 6. Paglalahat (Isapuso Mo) Tayo ay may mga pananagutan na dapat tuparin, hindi lang para sa ating sarili, bagkus maging sa ating kapwa. Ang Pagtulong natin sa ating kapuwa ay isa rin sa pamamaraan natin ng Pasasalamat sa diyos dahil pinapahalagahan natin ang ating kapuwa na sia rin sa kanyang mga nilikha. 7. Pagtataya Iguhit ang Masayang Mukha kung ang sumusunod ay nagpapakita ng Pasasalamat sa Diyos at Malungkot na mUkha kung Hindi. ___1. Tumutulong si Andrea sa mga gawaing Pansimbahan sa kanilang pamayanan. ___2. Mahilig kumain si Bong ng mga hindi masusutansyang pagkain kaya madalas siyang magkasakit. ___3. Hinayaan nalamang ni Jonas ang batang nadapa sa parke. ___4. Tinulungan ni Mang Jose ang Matandang patawid sa kalsada ___5. Laging nagsisimba ang mag-anak ni Gng. Cruz tuwing Linggo. 8. Takdang Aralin

Gumupit ng Hugis Puso sa isang Kulay Pula na papel, sa harap nito ay isulat ang Pangalan ng tao na nabigyan mon a ng tulong. Sa kabila naman ay isulat ang tulong na naibigay mo sa kanya. Humanda sa pagbabahagi ng iyong gawa sa klase. Mga Tala 5 4 3 2 1 0

– – – – – –

MPS: ______ Mn: _______ SD : _______

Inihanda ni: MARK BRUCE A. COMETA Teacher I

Iwinasto ni: JOSEFINA V. CAGAYAT Master Teacher I

Binigyang Pansin: FRENE W. MONSALUD OIC-School Head

Related Documents

Cot
November 2019 28
Cot
May 2020 22
Esp
October 2019 61
Char Cot
June 2020 20
Cot Pro
December 2019 28
Cot-1
August 2019 26

More Documents from "Cathelyn"

Cot_ Esp 5.docx
June 2020 1
May 2020 8
Realtimeinstructions.pdf
October 2019 8