AP 1 WEEK 8 DAY 5
Ang Bahay Namin Ito ang bahay namin. Sa bahay kami nakatira. Ang bahay namin ay may bubong. Ang bahay namin ay may pader. Ang bahay namin ay may bintana. Ang bahay namin ay may pinto. Ang bahay namin ay may hagdan. Pasok ka sa bahay namin!
• Pangkatang Gawain. Pagbuo ng puzzle. Hatiin sa 2 Pangkat ang klase.Ang bawat grupo ay bibigyan ng puzzle. Paunahan silang bumuo o magdikit nito.Pagkatapos nito, sila ay aawit ng bahay kubo.
Bahay
sala
silid-kainan
silid-tulugan
palikuran
kusina
Ano-anong mga bahagi ng bahay ang nakita mo? Ilarawan ito.
Sala
Ito ang pinakasentro ng maraming gawain Dito tumatanggap ng panauhin Dito nag-uusap, nag-aaral at nagbabasa ng libro o magasin Dito nagdidiwang ng iba’t ibang okasyon Dito nagdadaos ng mga kapakipakinabang na Gawain
Silid-Kainan
Ito ang lugar na kung saan kumakain ang pamilya ng almusal, tanghalian at hapunan. Dito inaasikaso ang mga panauhin at kamag-anak kapag may salu-salo Ito ang pinagdarausan ng pulong at okasyon pampamilya
Silid-tulugan
Ito ang lugar na kung saan ang mag-anak ay nagbibihis, nagbabasa at nag-aaral, nagpapahinga at nakikinig sa musika, at natutulog.
Palikuran
Ito ang lugar na kung saan naliligo, umiihi at dumudumi ang mag-anak Ito ay may inodoro, salamin, at lababo
Kusina
Ito ang lugar na kung saan isinasagawa ang mga sumusunod: - pagluluto ng pagkain - imbakan ng pagkain at kagamitang pangkusina -hugasan ng mga pinggan - paghahanda ng ihahaing pagkain
Anong mga gamit o bagay ang makikita sa sala,silidtulugan, silid-kainan. kusina at palikuran?
Pangkatang Gawain: Isagawa ang pangkatang Gawain Pangkat I at II Buuin ang puzzle ng mga bahagi ng tahanan Pangkat III at IV Pagtambalin ang larawan ng bahagi ng tahanan sa pangalan nito
Dumating ka galing paaralan, nais mong kumain dahil gutom na gutom ka. Anong bahagi ng tahanan ang pupuntahan mo?
Ano- ano ang mga bahagi ng tahanan? Isa-isahin natin ang mga ito.
Tandaan: Ang bahay ay binubuo ng mga bahagi at mga lugar na may kanikaniyang lokasyon. Bahagi ng Tahanan
Sala
- Ito ang pinakasentro ng maraming gawain Dito tumatanggap ng panauhin Dito nag-uusap, nag-aaral at nagbabasa ng libro o magasin Dito nagdidiwang ng iba’t ibang okasyon Dito nagdadaos ng mga kapakipakinabang na Gawain
Silid-tulugan
- Ito ang lugar na kung saan ang mag-anak ay nagbibihis, nagbabasa at nag-aaral, nagpapahinga at nakikinig sa musika, at natutulog
Silid-Kainan
Ito ang lugar na kung saan kumakain ang pamilya ng almusal, tanghalian at hapunan. Dito inaasikaso ang mga panauhin at kamag-anak kapag may salu-salo Ito ang pinagdarausan ng pulong at okasyon pampamilya
Palikuran
Ito ang lugar na kung saan naliligo, umiihi at dumudumi ang mag-anak Ito ay may inodoro, salamin, at lababo
Kusina
Ito ang lugar na kung saan isinasagawa ang mga sumusunod: -pagluluto ng pagkain - imbakan ng pagkain at kagamitang pangkusina -hugasan ng mga pinggan - paghahanda ng ihahaing pagkain
Takdang-Aralin: Gumuhit ng isa sa bahagi ng tahanan.