Civil Service Commission.docx

  • Uploaded by: chache charing
  • 0
  • 0
  • December 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Civil Service Commission.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 1,328
  • Pages: 6
CIVIL SERVICE COMMISSION (KOMISYON SA SERBISYO SIBIL) Ipinagkakatiwala ng konstitusyon sa Civil Service Commission (CSC) ang pamamalakad ng serbisyo sibil, pati ng lahat ng sangay at ahensya ng pamahalaan, at korporasyong pag-aari o kontrolado ng pamahalaan. Ang CSC ang tumatayong punong tanggapan na nangangasiwa sa mga empleado ng pamahalaan. Inatasan itong magsagawa ng mga hakbang na magpapaangat ng sigla, kahusayan, integridad, pagkabukas, pagkaprogresibo, at pagkamagalang sa mga kasapi ng burukrasya. Naatasan din itong paigtingin ang sistema ng paggagantimpala sa mga ahensya ng gobyerno, pag-isahin ang mga programang pampaunlad ng yamang-tao ukol sa lahat ng antas at ranggo, at magtaguyod ng isang kapaligirang tumutulong sa pagiging tapat at responsable ng mga taong-gobyerno. Isinasagawa ng CSC ang Career Service Eligibility examinations para sa mga nagnanais maging opisyal at empleado ng pamahalaan. Pinamumunuan ang CSC ng isang tagapangulo at dalawang komisyoner, na itatalaga ng Pangulo—nang may pagsang-ayon ng Commision on Appointment (Komisyon sa Paghirang)—para sa iisang terminong tatagal nang pitong taon. Kailangang taglayin ng mga pinuno ng CSC ang sumusunod na kuwalipikasyon: 1. 2. 3. 4.

mamamayang likas na ipinanganak bilang Pilipino; hindi kukulang sa tatlumpu’’t limang taon ang gulang; napatunayan na ang kakayahan sa pamamahalang pampubliko; at hindi naging kandidato sa kahit anong halal na posisyon bago ang kanilang paghirang.

Mga Opisyal Tagapangulo: Francisco Duque III Mga Komisyoner: Nestor Martinez Nieves Osorio

COMMISSION ON ELECTION (KOMISYON SA HALALAN) Ang Commission on Elections (COMELEC) ang punong ahensya ng pamahalaan na responsable sa pagsasagawa ng regular at espesyal na halalan sa bansa. Tulad ng ibang lupong pansaligang batas, isang independiyente at nagsasariling ahensya ang

COMELEC. Malayo ito sa impluwensya o pangingialam ng tatlong sangay, na nagbibigay-daan sa pagsasagawa ng malaya, patas, at tapat na halalan. Ayon sa konstitusyon, saklaw ng COMELEC ang sumusunod na kapangyarihan at tungkulin: 















Ipatupad at pangasiwaan ang lahat ng batas at tuntuning may kinalaman sa pagsasagawa ng halalan, plebisito, inisyatibo, reperendum, at pagbawi ng katungkulan. Gamitin ang eksklusibong kapangyarihan sa mga protestang may kaugnayan sa halalan, resulta at kuwalipikasyon ng mga pinunong-halal sa mga rehiyon, probinsya, at lungsod; pati na ang kapangyarihang bawiin ang pasya ng mabababang hukuman hinggil sa mga protestang may kaugnayan sa pinunonghalal ng mga munisipalidad o barangay. Pagpasyahan lahat ng katanungang nakaaapekto sa halalan, kasama ang pagtukoy ng bilang at lokasyon ng mga botohan, paghirang ng mga opisyal at inspektor habang halalan, at pagrerehistro ng mga botante. Pakilusin ang mga ahensyang tagapagpatupad ng batas, kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP), upang siguruhin ang mapayapa, maayos, at mapagkakatiwalaang halalan. Magrehistro ng mga partidong pampolitika, organisasyon o koalisyon, at bigyangkapangyarihan ang mga citizen’s arms/watchdogs o mga sibilyang magbabantay sa lagay ng mga balota para siguruhing walang dayaang magaganap. Maghain ng mga petisyon sa korte para sa pagtanggap o di-pagtanggap ng mga botante, at mag-imbestiga at magsakdal ng mga kaso ng paglabag sa batas panghalalan, kasama na ang pandaraya at mga maling pamamaraan. Magrekomenda sa Kongreso ng mga hakbang upang paliitin ang paggasta sa halalan, limitahan ang lugar para sa mga pampropagandang materyales; hadlangan at parusahan ang lahat ng anyo ng pandaraya sa eleksyon, at mga nuisance candidate o panggulong kandidato. Magsumite sa Pangulo at Kongreso ng komprehensibong ulat ng bawat naisagawang halalan, plebisito, inisyatibo, reperendum, o pagbawi ng katungkulan.

Binubuo ang COMELEC ng isang tagapangulo at anim na komisyoner, na itatalaga ng Pangulo—nang may pagsang-ayon ng Commision on Appointment (Komisyon sa Paghirang)—para sa iisang terminong tatagal nang pitong taon. Kailangang taglayin ng mga pinuno ng COMELEC ang mga sumusunod na kuwalipikasyon: 1. 2. 3. 4.

mamamayang likas na ipinanganak bilang Pilipino; hindi kukulang sa tatlumpu’’t limang taon ang gulang; nakapagtapos ng kolehiyo; at hindi naging kandidato sa kahit anong halal na posisyon bago ang kanilang paghirang.

Dagdag pa rito, kailangang kasapi ng Philippine Bar ang tagapangulo at karamihan sa mga komisyoner, at naging abala sila sa larangan ng batas nang di-bababa sa sampung taon. Mga Opisyal Tagapangulo: Sixto Brillantes Jr. Mga Komisyoner: Lucenito Tagle Elias Yusoph Christian Robert Lim Maria Gracia Cielo Padaca Al Parreño Louie Tito Guia COMMISSION ON AUDIT (KOMISYON SA AWDIT) Haraya na maging lupong lalaban sa katiwalian, itinatag ang Commission on Audit (COA) upang mag-awdit, magsiyasat, at magsaayos ng lahat ng kuwentang patungkol sa kita, pondo, paggugol at ari-ariang angkin o hawak ng mga ahensyang pampamahalaan; kasama na ang ibang mga lupong pansaligang batas, korporasyong pag-aari o kontrolado ng pamahalaan, pampamahalaang unibersidad at kolehiyo, at mga organisasyong sibil na tumatanggap ng tulong na pondo mula sa gobyerno. Kasama sa kapangyarihan at tungkulin ng COA, ayon sa nakasaad sa konstituyon, ang: 

   

Pagpapalaganap ng mga batas at alituntunin sa pagtutuos (accounting) at pagaawdit; kasama na ang paghadlang at di-pagpapahintulot sa iregular, dikinakailangan, labis-labis, magarbo, o di-makatarungang paggamit ng mga pondo at ari-arian ng pamahalaan. Magsumite ng taunang ulat sa Pangulo at Kongreso tungkol sa pinansyal na kondisyon at gawain ng pamahalaan. Magrekomenda ng mga hakbang para pabutihin ang pagkaepisyente at pagkaepektibo ng mga gawain ng pamahalaan. Itago ang pangkalahatang mga talatuusan (accounts) ng pamahalaan, at ipreserba ang mga garantiya (voucher) at mga suportang dokumento ukol dito. Pagpasyahan ang kahit anong kasong inihain dito sa loob ng 60 araw.

Binubuo ang COA ng isang tagapangulo at dalawang komisyoner, na itatalaga ng Pangulo—nang may pagsang-ayon ng Commision on Appointment (Komisyon sa Paghirang)—para sa iisang terminong tatagal nang pitong taon. Kailangang taglayin ng mga pinuno ng COA ang mga sumusunod na kuwalipikasyon: 1. mamamayang likas na ipinanganak bilang Pilipino; 2. hindi kukulang sa tatlumpu’’t limang taon ang gulang; 3. isang certified public accountant, na di-bababa sa sampung taon ang karanasan sa pag-aawdit, o kasapi ng Philippine Bar na naging abala sa larangan ng batas nang di-bababa sa sampung taon; at 4. hindi naging kandidato sa kahit anong halal na posisyon bago ang kanilang paghirang. Dagdag pa, nakasaad sa konstitusyon na hindi kailanman maaari na ang tagapangulo at ang mga komisyoner ng COA ay mula sa parehong propesyon. Mga Opisyal Tagapangulo: Maria Gracia Pulido-Tan Mga Komisyoner: Heidi Mendoza Jose Fabia

COMMISSION ON HUMAN RIGHTS (KOMISYON SA KARAPATANG PANTAO) Bukod sa tatlong lupong nalikha ng Artikulo IX ng konstitusyon, itinatag naman ng Seksyon 17 at 18 ng Artikulo XIII at ng Administrative Code of 1987 ang isa pang nagsasariling lupon na Commission on Human Rights (CHR). Saklaw ng kapangyarihan at tungkulin ng CHR ang sumusunod:  





Imbestigahan ang lahat ng anyo ng paglabag sa karapatang pantao kasama na ang mga karapatang sibil at politikal. Magbigay ng angkop na legal na hakbang para sa pagtatanggol ng karapatang pantao ng lahat ng mamamayang nasa Pilipinas, maging mga Pilipinong nasa ibang bansa. Magtakda ng mga hakbang upang maiwasan ang paglabag sa karapatang pantao at magkaloob ng tulong-legal sa mga kapuspalad na nilapastangan ang karapatang pantao o nangangailangan ng proteksyon. Gamitin ang kapangyarihang bumisita sa mga bilangguan at piitan.





 

Magtagtag ng programa para sa pananaliksik, edukasyon, at impormasyon upang lalong payabungin ang matayog na pagtingin sa kahalagahan ng karapatang pantao. Magrekomenda sa Kongreso ng mabibisang hakbang upang magsulong ng karapatang pantao, at magkaloob ng tulong-pinansyal sa mga biktima, o kanilang mga pamilya. Subaybayan at tiyakin ang pagsunod ng pamahalaan sa mga obligasyong takda ng kasunduang pandaigdig ukol sa karapatang pantao. Magbigay ng immunity o pagpapawalang-bisa ng pagsasakdal sa kahit sinong may testimonya o hawak na ebidensyang kailangan sa pagtuklas ng katotohanan sa kahit anong kasong iniimbestigahan ng CHR.

Binubuo ang CHR ng isang tagapangulo at apat na komisyoner, na itatalaga ng Pangulo para sa iisang terminong tatagal nang pitong taon. Kailangang taglayin ng mga pinuno ng CHR ang mga sumusunod na kuwalipikasyon: 1. mamamayang likas na ipinanganak bilang Pilipino; 2. hindi kukulang sa tatlumpu’’t limang taon ang gulang; at 3. hindi naging kandidato sa kahit anong halal na posisyon bago ang kanilang paghirang. Dagdag pa, nakasaad sa konstitusyon na kailangang karamihan sa mga nabanggit na opisyal ay kasapi ng Philippine Bar.

Mga Opisyal Tagapangulo: Loretta Ann Rosales Mga Komisyoner: Cecilia Rachel Quisumbing Ma. Victoria Cardona Norberto dela Cruz Jose Manuel Mamauag

Related Documents

Civil Service
July 2020 9
Civil Service
July 2020 11
Civil Service
July 2020 7
Nj Civil Service Act
July 2020 3

More Documents from "Carrie Joy Decalan"

Section 5.docx
December 2019 9
Survey.docx
December 2019 14
Executive Summary.docx
December 2019 13
Sanitary Permit.docx
December 2019 20