Chek

  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Chek as PDF for free.

More details

  • Words: 897
  • Pages: 6
TSAPTER 1 INTRODUKSYON Kaligiran ng Pag-aaral Natanong mo na ba sa sarili mo kung sinong gumawa ng halos lahat ng bagay sa pailigid mo? Damit, computer, appliances, mga dambuhalang makinarya sa mga pabrika atbp. Ang unang papasok sa isip mo ay tao ngunit ang sabay na paglabas ng mga ito? Halimbawa, 100 bagong gawang computer sa isang araw? Hindi ba nakapagtataka? Ito ay dahil sa tulong ng siyesya, teknolohiya at robotiks. Ayon sa wikipedia, ang robotiks ay ang katawagan sa teknolohiya ng paggawa, paggamit, pagpapaandar ng mga tau-tauhang kilala bilang mga robot. Base naman sa wikibooks, nauuri ang mga robot sa mga kaya nilang gawin, kung ano ang “domain of operation”, “degree of autonomy” at ang “goal” nila na dapat gawin.

Layunin ng Pag-aaral Layunin ng pag-aaral na ito na gisingin ang kamalayan ng mga estudyante ng Colegio de Dagupan – Dagupan sa kursong I.T hinggil sa patuloy na paglaganap ng robotiks sa buong mundo. Layunin rin nito na bigyan ng sapat na kaalaman ang mga estudyante sa mga pangunahing detalye ukol dito. Pagpapahayag ng Suliranin Sinisikap na sagutin ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan: 1. Anu-ano ang mga dahilan ng patuloy na paglago ng industriya ng robotiks sa buong mundo? 2. Anu-ano ang mga mabuting epekto ng robotiks sa tao? 3. Anu-ano ang mga masamang epekto ng robotiks sa tao? 4. Ano ang magiging epekto nito sa hinaharap?

Kahalagahan ng pag-aaral Para sa mga mag-aaral, ang pag-aaral na ito ay inaasahang maging kanilang motibasyon upang kanilang mas lalong maintindihan ang larangan ng robotiks sa business. Para sa mga magulang, inaasahang ang pag-aaral na ito ay maging daan upang sila ay makatulong sa pagbubukas ng kamalayan ng kanilang mga anak, na siya ring mga mag-aaral, hinggil sa pag-unlad ng industriya ng robotiks hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Para sa mga mananaliksik, inaasahang ang pag-aaral na ito ay mapukaw ang kanilang pansin at malaki ang maiambag sa kanilang mga ginagawa at gagawin pang pag-aaral tungkol sa industriya ng robotiks. Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral Sumasaklaw ang pag-aaral na ito sa mga dahilan ng patuloy na paglaganap ng robot sa mundo. Saklaw lamang ng pag-aaral na ito ang mga kailangang malaman ng isang tao mula rito. Depinisyon ng Termino Robotiks. Ang robotiks (mula sa Ingles: robotics) o robotika (mula sa Espanyol: robótica) ay ang katawagan sa teknolohiya ng paggawa, paggamit, pagpapaandar ng mga tau-tauhang kilala bilang mga robot. Teknolohiya. (Griyego τεχνολογια < τεχνη "kasanayan sa sining" + λογος "salita, pagtutuusin" + ang hulapi ια) ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya. Siyensya. Ang agham (o syensya) ay kapwa ang proseso sa pagtamo ng kaalaman at ang organisadong bahagi ng kaalaman na natamo sa pamamagitan ng pamamaraang nito. Domain of Operation. Ito ang aspeto kung saan idedesenyo ang angkop na disenyo para dito.

Degree of Autonomy. ito ang aspeto kung saan ang paraan ng pagkontrol sa robot o paano imani-obra ng tao. Goal. Ito ang “routine” o ang dapat nilang marating o kung saan papunta ang kanilang gagawin.

TSAPTER 2 MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL

Mga Kaugnay na Pag-aaral Ayon sa LabAutopedia at Biosero, mga tanyag na institusyong eksperto sa robots, may ilang disbentahe at bentahe ang robot sa larangan ng business. Ayon sa kanilang pag-aaral, napapabilis ng mga robot ang pagproproseso ng trabaho kaysa sa pangkariniwang tao, gayon din ang pag-uulit nito, ang productivity ay ganoon rin, ang kakahayahan ay hindi nagbabago, gumagawa ito ng mas ligtas na lugar sa trabaho, ang pagkontrol sa waste o kalat ay organisado, nakakagawa ng trabaho na hindi umiinda ng anumang sakit katulad ng sa tao at kayang gawin ang trabahong mahirap o komplikado. Ilang disbentahe naman ay ang pagmamay-ari ng mga ganitong bagay ay sadyang napakamahal, halos lahat ng “laboratory technique” para sa mga ito ay hindi pa napaghuhusay, mahirap mani-obrahin sa mga larangan ng visual analysis/recognition/comparison kung saan ito at kailangan, ang pagpapanatili sa kaayusan nito at higit sa lahat ay pinaliliit nito ang employment rate ng isang kumpanya. Malaking bagay rin ito sa larangan ng medisina, tinatawag itong Laboratory Robotics, halimbawa, sa paggawaan ng gamot o pharmaceutical companies, gumgamit sila ng robot sa paglipat ng mga kemikal lalo na kung ito ay delikado sa kalusugan. Ang mga ginagawa ng robot rito ay ang pag-uulit ng trabaho(halimbawa: pagpulot/paglagay, paghahalo, pagiinit/pagpapalamig, at pagtetest.)

TSAPTER 3 PAMAMARAAN NG PAG-AARAL

Naglalahad ang tsapter na ito ng mga pamamaraan at instrumentong gagamitin sa paglilikom at pagsusuri ng mga datos na kakailanganin upang masagot ang mga suliranin sa pag-aaral na ito.

Disenyo ng Pananaliksik Ang paglalarawang pananaliksik ang gagamitin sa pag-aaral na ito. Naniniwala ang mananaliksik na ito ang pinaka-angkop na paraan upang matuklasan ang mga katotohanan na magiging batayan ng interpretasyon sa pagkakatulad o pagkakaiba, pag-uuri-uri at pagbibigay halaga sa mga nabanggit na talatanungan. Ang talatanungan ang pangunahing instrumentong gagamitin sa paglikom ng mga datos. Magkakaroon din ng pormal na pakikipanayam ang mga mananaliksik sa mga respondent tungkol sa kanilang mga pananaw hinggil sa patuloy na pagbaba ng passing rate ng mga mag-aaral ng Far Eastern University sa Nursing Board Exam.

TALASANGGUNIAN

INTERNET http://wikipedia.org/ LabAutopedia Biosero

Colegio de Dagupan Arellano St., Dagupan City

Disbentahe at Bentahe ng Robotiks sa Larangan ng Business

Related Documents

Chek
June 2020 11
Chek List De Andamio
October 2019 14
Breast Chek Kit Booklet
October 2019 12
Breast Chek Kit
October 2019 17
Chek List De Camion.xls
October 2019 9