BUILDING CHILD AND YOUTH AGENCY Ang bata ay may gampanin na maging gabay sa kapwa bata. Bilang mga bata at kabataang pinuno o lider, sila ay inaasahang na sa kanilang pagbuo ng organisasyon ay makapagdudulot sila ng pagbabago. Ang mga ito ay ang sumusunod: Mula sa…. Tungo sa…….. • Panganib o kakulangan • Kalakasan • Kabataan bilang sentrong • Kabataang kumikilos upang pagtagatanggap ng programa ibayuhin ang kanilang mga kalakasan • Nakatutok sa mga natatanging grupo ng kabataan • Kumikilalasa lahat ng kabataan • Konsentrasyon sa kamusmusan • Pag-unlad na pumapaloob sa unang dalawang dekada ng buhay • Serbisyo para sa kabataan • Pakikipag-ugnayan kasama ang • Programa kabataan • Pagbibigay direksyon at kontrol • Programa at relasyon/ugnayan • Unleashing Ang ahensya na kinabibilangan ng mga bata at kabataan ay nakatuon sa kanilang kapasidad o kondisyong makapagbibigay ng pagkakataon na sila ay makibaka o makipaglaban para sa kanilang karapatan. Ito ay tumutukoy sa proseso kung saan ang isang sanggol, bata o kabataan ay kusang kumikilos sa pagkakaroon ng mga karanasan at ng kanyang sariling pag-unlad. Kumbensyon ng Nagkakaisang Banasa sa Karapatan ng Bata (UNCRC) Ang Karapatan ng Bata na Makilahok Lahat ng bata na ang edad ay 18 pababa ay may pantay na karapatan na: 1. Magpahayag ng opinion at makilahok sa pagbuo ng desisyon o pasya sa mag bagay na nakakaapekto sa kanila (Artikulo 12) 2. Magpahayag ng kanilang mga pananaw sa pamamaraang sila ang pumili (Artikulo 13) 3. Kalayaan ng isip, konsensya at relihiyon (Artikulo 14) 4. Bumuo ng sariling samahan o asosasyon ( Artikulo 15) 5. Maabot ng impormasyon ( Artikulo 17) 6. Edukasyon tungo sa responsableng pamumuhay (Artikulo 29) 7. maglaro (Artikulo 31)
Ano ang programang may kalidad? • • • • • • •
Kaiga-igaya—masaya May pagpipilian sa kung ano at saang Gawain nais sumali Akma sa edad Nagbibigay ng pagkakataon na magkaroon ng patuloy na pakikilahok habang tumatanda Nagbibigay ng pagkakataon upang magbigay ng kontribusyon at gumawa ng desisyon Relasyong mapagkalinga at may pagtitiwala sa ligtas na kapaligiran Mataas na inaasahan
Implikasyon ng pagsasaprograma ng BCYA sa CCF:
Siguruhing ang mga bata at kabataan ay napapakinggan at mayroong regular at makabuluhang oportunidad na makapagbigay ng kontribusyon
Mapagtibay sa pamamgitan ng pagbubuo ng mga samahan ng bata at kabataan ang boses ng mga nakababata Pagbibigay ng pagkakataon sa mga bata at kabataan at upang maging direktang responsable sa pagpapatupad ng mga programang may kinalaman sa kanila Pag-organisa ng mga lugar na nakatuon sa bata, mga samahang pambata at iba pang programang makabata
Paglikha ng Kapaligirang susuporta sa CYA Ang mga bata at kabataan ay may maayos na kapaligiran at suportado ng mga nakatatanda
Malaking kaibahan sa kung paano tignan ng mga nakakatanda ang mga bata at kabataan
DAAN TUNGO SA TUNAY NA PAKIKIPAGTULUNGAN Paghahanda sa Makabuluhang Pakikilahok ng mga Bata at Kabataan •
Pakinggan ang mga babae at lalaki ng anumang edad at kakayahan
•
Pag-unawa sa karanasan at kung ano ang kahirapan sa mata ng isang bata/kabataan at sa kanilang mga ideya sa kung paano mapaunlad ang kanilang pangkalahatang kalagayan at sitwasyon ng kanilang pamayanan
•
Pahalagahan at bigyang-pansin ang pagtingin ng bata sa pagsasagawa ng mga pamamaraang makasasagot sa kahirapang kanilang nararanasan
Bilang isang organisasyon, makakatulong sa mas makabuluhang pakikilahok ng mga bata at kabataan kung: •
Isali ang mga kabataan sa lahat ng bahagi ng pagbubuo ng programa tulad ng pagpaplano, pagpapatupad at pagtatasa
•
Siguruhing malinaw ang mga tungkulin at responsibilidad ng mga kabataan sa loob ng organisasyon
•
Bigyan ang mga kabataan ng pagkakataong maging kinatawan ng organisasyon sa mga gawain sa labas ng samahan
•
Kilalanin ang pasya ng mga kabataang tumanggi sa mga proyekto, oportunidad o responsibilidad kung saan kulang ang kanilang kahandaan at makipagtulungan sa sa kanila sa pagtukoy ng mga kasanayan at suporta na kanilang kakailanganin sa pagharap sa mga panibagong responsibilidad
Ano ang kabuluhan ng pakikibahagi o pakikilahok ng bata at kabataan? • • • • • • • • • • •
Maipahayag ang mga isyu at bagay-bagay na may kinalaman sa kanila Pagtibayin ang pakikilahok ng mga bata at kabataan sa pagpapanibago ng lipunan Mapakinggan ang boses ng bata Mabigyang-kapasidad ang mga bata at kabataan Makiha ang pagtingin ng bata at kabataan sa pagkakaroon ng mga programang pangkaunlaran ng pamayanan at isali o isaalang-alang ang kanilang mga ideya sa pagbuo ng desisyon Maglinang ng talento at kasanayan Mapag-aralan ang mga pangangailangan at plano ng mga bata at kabataan Humubog ng mga pinuno tungo sa pagbabago ng lipunan Maitaguyod ang karapatang makilahok Magkaroon ng pagkakaisa at pagkakabuklod Para sa kabuuang pag-unlad ng bata at kabataan
Ang mga CYA ( Child and Youth Associations) o samahan ng mga bata at kabataan ay nagbibigay ng pagkakataon na magbuo ng isang ahensya sa pamamagitan ng iba’t ibang gampanin ng istruktura bilang isang samahan. Ang samahan ay nagsasagawa ng mga konsultahan sa pamayanan, pagpaplano, pagdidisenyo ng programa, pagsubaybay, pagpapatupad at pagtatasa. Bilang bahagi ng CYA, ang mga bata at kabataang kabilang sa samahan ay may oportunidad na paunlarin ang mga sumusunod na kasanayan: Kakayahang makipagtalastasan sa mga kaibigan, mas nakabata, mga nakatatanda, mga kinatawan ng gobyerno , organisasyon ng kabataan at iba pang ahensya Aktibong pakikinig Pag-uulat at pagtatala Pag-aaral sa kalagayan ng pamayanan pagpaplano ng proyekto Ang isang paraan upang suriin ang samahan ng mga bata at kabataan ay ang Spider Tool Assessment. Sa pamamagitan nito: matutulungan ang mga bata na suriin ang kanilang sariling pagkilos at ng kanilang organisasyon ayon sa mga tiyak na elemento patungkol sa kalidad ng pagiging isang samahan (Key Quality Elements) masusuri kung ano ang kanilang gustong makamit, kung saan sa kanilang palagay sila ay mahusay gayundin ang mga bagay na kailangan pa nilang pagbutihin
mapagninilayan ang proseso kung saan ang mga bata, kabataan at mga nakakatanda ay sama-samang kumikilos para sa iisang ninanais magagamit ang resulta ng pagsusuri sa pagpaplano ng mga kinakailangang pagbabago at pagkilos upang lalong mapagbuti ang samahan Ang mga nakatatanda ay nararapat na pagnilayan ng mga sumusunod: tignan at suriin kung sila ay mas may kontrol kung bakit ang ibang grupo ay mas maayos kumpara sa iba at ang mga batayan sa pagsusuri nito anu-ano ang mga kondisyon at prosesong kinakailangan upang paunlarin at pagtibayin ang mga inisyatibo ng bata at kanilang samahan tukuyin, itala at kumilos upang suportahan ang anumang kakulangan para sa mas may kapasidad na samahan base sa resulta ng pagtatasa Pamamaraan ng Spider Tool: Ang mga kalahok ay sama-samang pag-uusapan at susuriin ang kanilang kalakasan ayon sa mga tiyak na elemento patungkol sa kalidad ng pagiging isang samahan (Key Quality Elements) Ang resulta ng pagsusuri ay ilalapat sa isang sapot na siyang magsisilbing ilustrasyon ng kanilang organisasyon. Ito hinati kung saan maaring markahan ang numerong kakatawan sa kanilang pagtingin sa kanilang samahan base sa nilalaman na paliwanag ng bawat elemento at pumapaloob sa bilang. Sa gayon, makikita ng mga kalahok kung ano ang dapat pagtuunan ng pansin. Ang resulta ng pagsusuri ay magbibigay-daan kung saan sisimulan ang pagbabago ng samahan. May 15 elemento ang spider tool na nakasailalim sa 3 malalaking aspeto: Ang mga Nakatatanda at ang Mundo sa Labas ng Samahan: Paghahanda ng agenda o usapin (sa pangunguna ba ito ng bata/kabataan o mga nakakatanda?) Impormasyon at bukas na komunikasyon Sumusuportang mga nakatatanda
Pakikipagtulungan at impluwesnya Pakikipag-isa sa iba pang CA/YA Relasyon sa mga Mas Nakababata
Buhay na kasapian at regular na pagpupulong Iisang pananaw, pagkakakilanlan at pag-aari Pagbuo ng pagkakaibigan Demokratikong pagpapasya at buong pagkatawan Pagpili at malawak na pamamaraan Pagninilay, pagsubaybay at pagtatasa
Indibidwal Nakapagpapaunlad ng kasanayan sa pamumuhay Ang bata at kabataan ay mulat at aktibong itinataguyod ang kanilang karapatan at responsibilidad Pagsusuri, pagkilos at pagiging bukas tungo sa pagbabago Pagpaplano ng Proyekto (Project Planning) Tuon ng Proyekto (Project Focus)- hindi kinakailangang direktang sasagot sa kahirapan tulad ng kung paano ang pagtingin ng mga nakatatanda sa pagbuo ng kanilang mga proyekto ngunit nararapat na maisasaalang-alang isyu ng pagsasantabi o pagkakasadlak ng mga bata at kabataan sa panganib Haba ng Proyekto (Project Length)- ang isang proyekto na isang bata/kabtaan ang nagdisenyo ay limitadong maisagawa sa loob ng 6-12 buwan lamang. Disenyo ng Proyekto (Project Design) • Ang proyektong idinisenyo ng bata/kabataan ay dapat maintindihan ng lahat anuman ang edad • Mahalaga ang mga kaagapay ngunit hindi dapat lampasan ang natural na kagustuhan ng bata na pangunahan ang proyekto • Ang pagsasakatuparan ng proyekto ay nakaplano sa paraang ang mga bata/kabataang lalahok ay mauunawaan ito • Kung sakaling kailanganin na isaayos ang disenyo ng proyekto sa paraang makakauha pa ito ng ibang pondo/suporta, hindi dapat maiba o mapalitan ang unang disenyo na simple at mas makabata
Paano ilalapat ang ideya ng mga bata sa disenyo ng programa? Madalas, ang mga ideya ng bata ay hindi naisasalang-alang sa dahilang higit na marami ang nakatatanda sa mga konsultasyon at pagpaplanong isinasagawa kung saan mas malakas ang boses ng nakatatanda. Ang mga ideya nila ay hindi napapansin sapagkat ang mga pinipiling programa na nais isagawa ay sumasang-ayon sa mga sasagot sa isyu ng kalusugan, edukasyon at pangkabuhayan samantalang ang mga isyu ng mga bata ay ukol sa proteksyon, kaligtasan at pagkalinga.