MGA BAYANING PILIPINO DR. JOSE RIZAL Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo. Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at Heidelberg.
Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.” naglalahad ng mga pangaabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila. Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura. Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan, hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.
Noong Setyembre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano at inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon nakulong siya sa Fort Santiago. Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila. Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan. Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).
ANDRES BONIFACIO Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre, 1863. Ang kanyang mga magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Nakatapos siya sa mababang paaralan ni Guillermo Osmenia ng Cebu at sa gulang na 14, ang kanyang mga magulang ay namatay at napilitan siyang huminto sa pag-aaral upang alagaan ang mga nakababata niyang kapatid na babae and lalaki. Bilang hanap-buhay, inatasan niya ang kanyang mga kapatid na tulungan siya sa paggawa ng kahoy na baston at papel na pamaypay na kanyang itininda sa lansangan.
Dahil siya ay marunong magbasa at sumulat, siya ay naging isang kawani ng Kumpaniyang "Fleeming and Company", isang kumpaniya na nagtitinda ng rattan at iba pang mga paninda. Dahil siya ay masipag, siya ay ginawang ahente. Subalit ang kanyang kinikita ay hindi pa rin sapat na pang-suporta sa kanyang mga naulilang kapatid. Lumipat siya sa kumpaniyang "Fressell and Company" bilang ahente. Ipinakita niya ang bukod tanging determinasiyon at sipag kaya naging matatag siya sa kanyang trabaho Dinagdagan niya ang kanyang kakulangan sa pag-aaral sa pamagitan ng pagbabasa at sariling pagaaral. Kasama sa sa mga kakaunting aklat na kanyang binasa ay ang mga nobela ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo, Ang mga buhay ng Pangulo, Ang "Les Miserables" ni Victor Hugo (na isinalin niya sa Tagalog), Ang pagkasira ng Palmyra at Himagsikang Pranses. Nakapagsulat din siya ng mga artikulo at mga tula, isa na dito ang pinakasikat na 'Pag-ibig sa Tinubuang Lupa'. andres the great plebian image Ang mga nabasa niyang aklat ang nagsiklab sa kanyang kaluluwa ng paggawa ng Himagsikan at pagtatag ng Katipunan o KKK (Kataastaasang Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan). Itinatag niya ang Katipunan noong ika-7 ng Hulyo, 1892 kasama sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata at Deodato Arellano. Ang kanyang pangalan ay Maypagasa. Ang kanyang asawa na si Gregoria de Jesus ang siayng lakambini ng Katipunan. Ang samahang ito ay mabilis na kumalat sa maraming bahagi ng Pilipinas. Naramdaman ni Bonifacio na kaya na niyang umpisahan ang himagsikan noong Mayo ng 1896. Subalit, bago pa man siya mag-umpisa; ang Katipunan ay natuklasan ng mga Kastila. Mahigit sa 1,000 Katipunero ang sumama sa kanya sa Pugad Lawin, Caloocan noong ika-23 ng Agosto, 1896. Buhat noon ,ang Katipunan ay natuklasan ng mga Kastila, kaya hindi sila makatakas sa pang-aaresto ng mga Kastila, at ang mga tauhan niya na kulang sa armas, pagod at gutom at kakaunti ang tumulong ay nakaranas ng malabong tagumpay at malubhang pagkatalo. Ito ang nagkumbinsi sa bahaging Magdiwang na anyayahan si Bonifacio sa Cavite para ayusin ang kanilang hidwaan at patuloy na magkaisa. Isang Pulong ang ginanap sa Tejeros, Cavite. Si Bonifacio ang namuno ng pagpupulong upang itatag ang Republika ng Pilipinas. Sa halalan si Aguinaldo ang nahalal na Pangulo, si Mariano Trias naman ang Pangalawang Pangulo at si Bonifacio ang Taga-Liham. Si Bonifacio ay nasaktan at ginamit niya ang kanyang karapatan bilang Pinakamataas na Pinuno ng Katipunan, upang mapawalang bisa ang halalan. Si Bonifacio ay lumipat sa Naic, Cavite at nagumpisa siyang gumawa ng sarili niyang pamahalaan at puwersa. Samantala, ang mga umaabanteng tropa ng Kastilang Heneral na si Camilo de Polavia ay nagbabantang sakupin ang Cavite. Inutusan ni Aguinaldo sila Pio del Pilar at Noriel na pawang binigyan ng matataas na katungkulan na iwanan si Bonifacio at bumalik sa kanilang gawain. Si Bonifacio kasama ang kanyang pamilya ay umalis sa Naic papuntang Indang at sa kanyang pagbabalik sa Montalban, si Aguinaldo ay nagpadala ng tauhan para siya ay arestuhin, subalit si Bonifacio ay lumaban at nasugatan. Humarap siya sa isang paglilitis dahil sa kanyang gawain na laban sa bagong pamahalan at binigyan ng sentensiyang bitay ng isang Militar na Hukuman. Ang mga tauhan ni Aguinaldo ang bumitay sa kanya sa kabundukan ng Maragondon, Cavite noong ika-10 ng Mayo, 1897. Hanggang ngayon si Bonifacio ay kilala ng mga Pinoy sa kanyang katapangan na inilarawan sa mga katagang ito: " Andres Bonifacio Matapang na Tao...."
EMILIO AGUINALDO Si Emilio Aguinaldo (Emilio Famy Aguinaldo, Sr) ay isang rebolusyonaryong Filipino, politiko, at isang lider ng militar na kinikilala bilang opisyal na unang Pangulo ng Pilipinas (18991901) at unang presidente ng isang konstitusyunal na republika sa Asya. Pinamunuan niya ang pwersa ng Pilipinas sa unang laban sa Espanya noong mga huling taon ng Rebolusyong Pilipino (1896-1898), at pagkatapos ay sa Digmaang Espanyol-Amerikano (1898), at sa wakas ay laban sa Estados Unidos sa panahon ng Digmaang PilipinoAmerikano (1899-1901) . Siya ay nahuli sa Palanan, Isabela ng pwersang Amerikano noong Marso 23, 1901, dahilan upang magtapos ang kanyang pagkapangulo. Noong 1935, tumakbo si Aguinaldo sa pagkapangulo ng Philippine Commonwealth subalit siya ay natalo ni Manuel Quezon. Matapos sumalakay ang mga Hapones sa Pilipinas noong 1941, nakipagtulungan siya sa mga bagong pinuno at umapila pa sa radyo para sa pagsuko ng mga pwersa ng Amerikano at Pilipino sa Bataan. Siya ay naaresto bilang isang tagatulong ng mga Hapones matapos ang mga Amerikano ay bumalik ngunit sa kalaunan ay napalaya sa isang pangkalahatang amnestiya. Si Emilio Aguinaldo ay ipinanganak noong Marso 22, 1869 sa Cavite el Viejo (kilala ngayon sa tawag na Kawit, Cavite). Ang mga magulang niya na sina Carlos Jamir Aguinaldo at Trinidad Famy Aguinaldo ay mag-asawang mestizo Tagalog-Tsino at may kaya sa buhay. Ang kanyang ama ay ang inatasang gobernadorcillo ng komunidad (munisipal na gobernador) sa administrasyon ng Espanyol kolonyal. Nag-aral si Aguinaldo sa Colegio de San Juan de Letran ngunit ay hindi niya nagawang tapusin ito dahil sa pagsiklab ng kolera noong 1882. Si Emilio ay naging "Cabeza de Barangay" ng Binakayan, isang punong baryo ng Cavite el Viejo noong siya ay 17 taong gulang lamang upang maiwasan ang pagiging sapilitang kawal. Talambuhay ni Emilio Aguinaldo Si Emilio Aguinaldo sa harap ng lumang limang piso. Noong 1895 ipinatupad ang Maura Law para sa bagong tatag na lokal na pamahalaan. Sa edad na 25, si Aguinaldo ay naging unang "gobernadorcillo capitan municipal" (Municipal GobernadorCaptain) ng Cavite el Viejo habang nasa business trip sa Mindoro.
Noong Enero 1, 1896, pinakasalan niya si Hilaria del Rosario (1877-1921), ito ay ang kanyang ikatlong asawa. Sila ay may limang anak: sina Carmen Aguinaldo-Melencio, Emilio "Jun" R. Aguinaldo Jr, Maria Aguinaldo-Poblete, Cristina Aguinaldo-Linggo, at Miguel Aguinaldo. Si Hilaria ay namatay sa sakit na ketong noong Marso 6, 1921 sa edad na 44. Siyam na taon ang nakalipas, noong Hulyo 14, 1930, pinakasalan ni Aguinaldo si Maria Agoncillo sa Barasoain Church. Namatay si Maria Agoncillo noong Mayo 29, 1963, isang taon bago si Aguinaldo mismo ay namayapa rin noong Pebrero 6, 1964.
Apolinario Mabini Si Apolinario Mabini (1864-1903), kilala bilang Dakilang Paralitiko at Utak ng Rebolusyon, ay pangalawa sa walong anak nina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan, sa baryo Talaga, Tanauan, Batangas. Noong siya ay bata pa, nagpakita na siya ng hindi pangkaraniwang talino at pagkahilig sa pag-aaral. Sa Maynila noong 1881, nakamit niya ang isang partial scholarship na nagbigay-daan upang makapag-aral siya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. Natapos niya ang kanyang Batsilyer sa Sining noong 1887. Nag-aral din siya ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas mula 1888 hanggang 1894. Noong 1893, isa siya sa mga bumuhay ng La Liga Filipina na siyang nagbibigay-suporta sa Kilusang Pang-reporma. Noong taong 1896 naman, nagkaroon siya ng matinding sakit na nagdulot sa kanya na maging paralitiko habambuhay. Hinuli siya ng mga gwardiya sibil noong 10 Oktubre 1896, dahil sa pagkakaroon niya ng koneksyon sa mga repormista. Sumailalim siya sa house arrest sa ospital ng San Juan de Dios at nang kinalaunan ay pinalaya na rin dahil sa kanyang kondisyon. Nang bumalik sa Pilipinas si Emilio Aguinaldo noong 19 Mayo 1898, pinasundo niya si Mabini sa Laguna at matapos ang kanilang pagpupulong noong 12 Hunyo 1898, si Mabini ay naging punong tagapayo ni Aguinaldo. Isa sa mga pinakamahalagang rekomendasyon ni Mabini ay ang pag-aalis ng Diktadurya ng pamahalaan ni Aguinaldo at ang pagpapalit nito sa isang rebolusyonaryong pamahalaan. Nagsilbi rin siya sa kabinete ni Aguinaldo bilang Pangulo ng Konseho ng nga Kalihim at bilang Kalihim ng Ugnayang Panlabas. Isa pa sa mga importanteng dokumento na kanyang nagawa ay ang Programa Constitucional de la Republica Filipina, isang konstitusyon na kanyang iminungkahi para sa Republika ng Pilipinas. Ang introduksyon sa balangkas ng konstitusyong ito ay ang El Verdadero Decalogo, na isinulat upang gisingin ang makabayang diwa ng mga Pilipino. Nang sumiklab ang gyera sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano, tumakas si Mabini papuntang Nueva Ecija at nadakip ng mga Amerikano sa Cuyapo noong 10 Disyembre 1898. Nanatiling bilanggo si Mabini hanggang 23 Setyembre 1900. Nanirahan siya sa isang maliit na dampa sa Nagtahan, Maynila, at kumikita sa pamamagitan ng pagsusulat sa mga lokal na pahayagan. Ang artikulo niyang El Simil de Alejandro ay nagdulot sa kanyang muling pagkadakip at pagkatapon sa Guam kasama ang iba pang mga Pilipino. Habang nasa Guam, naisulat niya ang La Revolucion Filipina. Namatay si Mabini noong 13 Mayo 1903, sa gulang na 39 dahil sa kolera.
Panahon ng Amerikano at Espanyol PANAHON NG ESPANYOL Kristiyanismo – ito ang layunin ng mga Espanyol na ikintal sa mga Pilipino sa kanilang pananakop. Pagano, Barbariko, Di-sibilisado – ito ang paglalarawan ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Katutubong Wika – ang ginamit ng mga Espanyol sa pagpapatahimik ng mga mamamayan. Pinag-aralan nila ito at ginamit noong una sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo.Paghahati ng mga isla ng pamayanan – ito ang unang ginawa ng mga Espanyol upang mapabilis ang kanilang layunin. Limang orden ng Misyonerong Espanyol 1.
Agustino
2.
Pransiskano
3.
Dominiko
4.
Heswita
5.
Rekoleto
Gob. Tello – nagmungkahi na turuan ang mga indio ng Wikang Espanyol. Carlos I at Felipe II – naniniwalang kailangang maging billinguwal ang mga Pilipino. Gagamitin nila ang katutubong Wika at Espanyol. Carlos I – nagmungkahi na ituro ang Doctrina Christiana gamit ang Wikang Espanyol. Doctrina Christiana – isang maagang aklat ng Romano Katoliko katesismo, isinulat ni babaganJuan de Plasencia, at ay pinaniniwalaan na isa sa pinakamaagang mga libro na nakalimbag saPilipinas, sa 1593. Marso 2, 1634 – muling inulit ni Felipe II ang kanyang utos na turuan ng Espanyol ang mga indiyo. Carlos II – lumagda ng isang deskrito tungkol sa pagtuturo ng Wikang Espanyol. December 29, 1972 – lumagdas si Carlos IV ng deskrito na nag-uutos na gamitin ang Wikang Espayol sa lahat ng paaralan.
PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPINO 300 taon – sinakop ng Espanyol ang Pilipinas. 1872 – nagkaroon ng kilusan ang propagandista. Ito ang simula ng paghihimagsik. Andres Bonifacio – itinatag ang Katipunan. Wikang Tagalog – ang ginagamit sa kautusan at pahayagan ng katipunan. Isang Bansa, Isang Diwa laban sa mga Espanyol – ang sumibol sa kaisipan ng mga Pilipino sa panahong ito. Konstitusyon ng Biak na Bato – pinagtibay noong 1899. -
Ito ang unang kongkretong pagkilos ng mga Pilipino laban sa mga Kastila.
Tagalog – ginawa nilang opisyal na wika bagamat walang isinasaad na ito ang magiging Wikang Pambansa. Riza at mga Propagandista – nakabatid na ang wika ay malaking bahagi upang mapagbuklod ang mga kababayan nila. Aguinaldo – ang namuno sa Unang Republika. Ginawa niyang opsiyonal ang paggamit ng Wikang Tagalog.
PANAHON NG AMERIKANO Almirante Dewey - namuno sa mga Amerikanong dumating sa Pilipinas. Wikang Ingles – ginamit na Wikang Panturo at Wikang Pantalastasan mula sa antas primarya hanggang sa kolehiyo sa panahon ng mga Amerikano. Jacob Schurman – ang namuno sa komisyong naniniwalang kailangan ng Ingles sa edukasyong primary. Batas Blg. 74 – itinakda ng komisyon noog Marso 21, 1901 na nagtatag ng mga paaralang pambayan at nagpahayag na Ingles ang gagawing wikang panturo. Reading, Writing & Arithmetic (3R’s)) – ang binigyang-diin sa pagtuturo subalit nahihirapan ang mga guro sa pagpapaunawa sa mga mag-aaral kaya ipinagamit ang bernakular bilang wikang pantulong. Ipinagbawal ang paggamit ng Wikang Bernakular at tanging Wikang Ingles nalang ang ipinagamit naWika ng Panturo nang mapalitan ang director ng kawanihan ng edukasyon. Service Manual ng Kawanihan ng Edukasyon – nagsasaad na tanging Ingles lamang ang dapat gamitin sa pag-aaral, sa bakuran ng paaralan at sa gusali ng paaralan. Mga sundalo – ang unang nagturo ng Ingles at sumunod ang grupong Thomasites. Bise Gobernador Heneral George Butte – Kalihim ng Pambayang Pagtuturo sa apat na taong pag-aaral noong 1931. Sinabi niyang hindi kailanman magiging wikang pambansa ng mga Pilipino ang Ingles dahil hindi ito ang wika ng tahanan. Jorge Bocobo at Maximo Kalaw – sumang-ayon sa sinabi ni Butte. Mga Dahilang Nagtataguyod sa Paggamit ng Ingles 1. Ang pagtuturo ng bernakular sa mga paaralan ay magre-resulta sa suliraning administratibo. Mahihirapang lumipat ang mga mag-aaral sa iba-ibang pook dahil iba-iba ang itinurong wika sa ibang rehiyon. 2. Ang paggamit ng bernakular sa pagtuturo ay magdudulot lamang ng rehiyonalismo sa halip na nasyonalismo. 3.
Hindi magandang pakinggan ang magkahalong Ingles at Bernakular.
4. Malaki na ang nagasta ng pamahalaan sa paglinang ng wikang Ingles upang maging wikang Pambansa. 5.
Ingles ang nakikitang pag-asa upang magkakaroon ng pambansang pagkakaisa.
6.
Ingles ang wika ng pandaigdigang pangangalakal.
7.
Ang Ingles ay mayaman sa katawagang pansining at pang-agham.
8.
Yamang nandito na ang Ingles ay kailangang hasain ang paggamit nito.
Mga Dahilang Nagtataguyod sa Paggamit ng Bernakular 1. Pagsasayang lamang ng panahon at pera ang pagtuturo ng Ingles dahil wala itong kinalaman sa kanilang sosyal at praktikal na pamumuhay. 2.
Magiging epektibo ang pagtuturo sa primary kung bernakular ang gagamitin.
3. Tagalog ang nararapat na pipiliing Wikang komon sapagkat isang porsyento lamang ng tahanang Pilipino ang gumagamit ng Ingles. 4. Hindi magiging maunlad kung Ingles ang gagamitin sa pagtuturo dahil hindi naman natututo ang mga mag-aaral kung paano malulutas ang mga problemang kakaharapin nila. 5. Ang paglinang ng wikang Ingles bilang wikang pambansa ay hindi nagpapakita ng nasyonalismo. 6. Nararapat lamang na magsagawa ng mga bagay para sa ikabubuti ng lahat katulad ng paggamit ng bernakular. 7.
Walang kakayahang makasulat ng klasiko sa Wikang Ingles ang mga Pilipino.
8. Hindi na nangangailangan ng mga kagamitang panturo upang magamit ang bernakular, kailangan lamang na ito ay pasiglahin. Henry Jones Ford –nagsagawa ng unang pagsisiyasat sa pagtuturo gamit ang Ingles. Kanyang natuklasan na ang Ingles ay kay hirap makilala na Ingles na nga.
Saleeby – iginiit niya na makabubuti ang magkaroon ng isang wikang pambansang hango sa katutubong wika nang sa gayon ay maging malaya at mas epektibo ang paraan ng edukasyon sa buong bansa.