Bea: Dear Charo, Sa lahat ng lakas ay may tinatagong kahinaan. Ang mga ngiti sa labi ay madalas may kinukubling lihim. Lihim ng lungkot, dalamhati at pighati. Tulad din ako ng ilang kabataan, Charo. Maraming problema sa buhay at bahay. Siguro madalas hindi nakikita ng ilan sa mga taong nakapaligid sa akin, pero alam ko na sa sarili ko na kabilang ako sa mga taong naliligaw. Kasama ako sa mga taong nagmahal at nasaktan. Naliligaw kung ano nga ba ang dahilan ko kaya ako nabuhay. Noong tumungtong ako sa highschool, isa lang ang misyon ko sa buhay. Mag-aral ng mag-aral hanggang sa hindi na kailanganin pa ni Papa na pumunta sa ibang bansa. Bata pa lang ako, mas close na ako sa tatay ko. Para sakin kasi noon yung Mama namin, para na sa bunso kong kapatid so di ayun di na ako nakihati pa ng atensiyon. Weird man pakinggan Charo pero yun lang yung pangarap ko noon. Sinusumpa ko nga yung kalagayan namin eh. Kung sana di kami mahirap, eh di sana di kailangan umalis ng tatay ko. Di ko siya hahanap-hanapin sa tuwing uwian namin at umaasang susundo sa akin. Eh di sana di ako naiinggit sa mga kaklase kong may tatay na, may nanay pa. Di ba? Akala ko dun na iikot mundo ko. Mali pala ako. Dahil kasabay ng pagpasok ko sa aking panibagong paaralan, Paranaque Science High School, ang dami pang ibang bagay na nadiscover ko. *video ng vlog* Charo yan ang naging buhay ko. Masaya ba panuodin? Pero sa totoo lang hindi madali ang buhay na ginagalawan ko. Maraming masasakit na salita at mapapait na karanasan ang pinagdaanan ng isang taong tulad ko. Sa unang taon ko sa highschool, malaking isyu ang grades ko. Kahit na kabilang ako sa pang-apat at huling section sa ParSci, issue pa rin yun. Umabot pa nga sa puntong pinagsalitaan ako ng masama ng isa kong teacher. Pinagkalat ng teacher na yun sa faculty room na mataas daw ang grades ko kasi inuutusan palagi ako. Pati nga mga kaklase ko, yun na rin ang tingin sakin. Ang bago-bago ko pa lang sa ParSci, yun na agad ang bungad. Nakakapagtaka man pero nalampasan ko ang taong yun. Siguro dahil masiyado akong busy sa pagdiscover sa mga activities sa MHCC. Adoration, doxology, formation every wednesday at marami pang iba. Sa pagtuntong ko nung grade 8, gulat na gulat ako. Nalipat ako sa pinakaunang section. Ang saya isipin noh? Pero hindi rin dahil kung ako tatanungin, ito ang taong halos pag-iyak ang ginawa ko. Hindi ko kinaya yung talino ng mga kaklase ko. Nanliliit ako sa sarili ko. Na-culture shock ako na totoo pala yung crab mentality. ‘Di ko alam na may mga tao pala na kayang magpakamatay para sa grades nila. Eto din yung taon na halos ng kaibigan ko, hindi na ako kinakausap. Yung iba, masiyadong busy. Yung ilan naman, nakahanap na ng iba. Hindi ko alam kung san ako kakapit nun. Hindi naman kasi ako close sa nanay ko. Yung bestfriend ko, may mga sariling mundo. Yung mga tao sa classroom, hindi ako kinakausap. Tipong tuwing uwian, habang naghihintay ng sundo, natutulala na lang ako kasi “LITERAL” na walang kumakausap sakin. Wala man lang nagtatanong kung buhay pa ba ako, or ok pa ba ako sa Section A. Walang nagtatanong kung may problema ako. Walang-wala talaga ako nung panahon na to. Sobra akong naligaw. Yung tinatawag kong second home, di ko maramdaman na home. Pero ang amazing lang na nung time na walang sinumang tao ang lumapit sakin, dun naman dumami yung mga invitations. Saan? “Uy may regional values formation, punta ka?” “Next week na grand Mariology, tulong ka samin ah?” “Sa Saturday ah? Attend tayo FNYO.” “Gusto mo bang magvigil?” “Masaya umattend ng believe, sama ka?”
Siguro sa paningin ng mga kaklase ko, napakagala ko. Nung nagvivigil ako, lagi akong pinipigilan ng Mama ko. Pareho kaming takot sa Papa ko kaya naiintindihan ko kung bat ayaw niya ako payagan. Ayaw kasi ng Papa ko na nagvivigil ako. Delikado raw kasi gabi ka aalis ng bahay tas uuwi ka, umaga na. Iniiyakan ko Mama ko nun. Yun din yung mga panahon na magugulat bestfriend ko na dadating ako sa meeting place para sa vigil na namumugto ang mga mata. Ang OA ba Charo na talagang umiiyak ako dahil dun? Pero kasi ito yung taon na narealize ko na andiyang lang pala si God para satin. May nakikinig pala sakin. Meron palang taong laging na andiyan para sa akin. Masiyado kasi akong nabulag sa acads na naging parte na rin ako ng sistemang kinaayawan ko. Sa sobrang busy natin kakahanap sa mga bagay na tingin natin para satin, di natin alam na mali na pala ang bagay, lugar o tao na nilalapitan natin. Kaya pala tayo nasasaktan kasi hindi natin maintindihan yung mga plano Niya para sa atin. Pano nga ba natin kasi maiintindihan kung hindi naman natin binibisita ang tahanan Niya? Kinakalimutan natin humingi ng guidance Niya at mag thank you sa lahat blessings? Nung grade 9 na ako, lagi na akong pinapayagan ng Mama ko sa mga events. Sinusuportahan na niya ako. Siguro kasi napapansin niya na ang laking tulong ng MHCC para mas makilala ko pa yung buhay ni God. Alam mo ba yung unconditional love? Kasi naramdaman ko yun. Yung tipong sa bawat hinga at pagmulat ng mga mata mo, ramdam mo na may nagmamahal sayo? Yung taong handang mamatay para lang sa kasalanan mo? Yun pala dapat ang hinahanap ko. Hindi yung mga temporary na tao and feelings. Masaktan man ako sa problema na kinakaharap ko ngayon at haharapin pa lang, alam ko na may plano si God at hindi Niya ako pababayaan. Sa pag attend ko ng iba’t ibang events ng MHCC, dun ko narealize na hindi pala dapat pinapaikot ko yung mundo ko sa acads. Namulat ako na hindi pala dapat ang grades ko sa card ang magdidictate ng happiness ko. Hindi pala dapat ang materyal na bagay ang dahilan natin para mabuhay. Ang galling nga Charo kasi akala ko pag nawala yung MHCC sa ParSci, maliligaw na landas namin. Kaya nga ngayong grade 10, first quarter, tinanggal na yung club na MHCC. Sobrang nalungkot ako kasi sayang di man lang naabutan ng ibang year level yung MHCC. Siguro akala rin ng ibang tao na titigil na kaming mga members sa pag-aadore, rosary, atbp. Pero hindi dahil challenge lang yun para mas mapalapit tayo sa Kaniya. Dun ko napatunayan na once narealize mo how great His love is para sa ating lahat, maligaw ka man ng landas, manghina man ang faith mo, babalik at babalik ka sa Kaniya. Lubos na gumagalang, Bea
Bea: Marahil sa iba mababaw lang ibinahagi kong kwento. Pero yung thought na nahanap mo yung sarili mo dahil kay God matapos mong maligaw? Para sakin yun yung best reason kung bat ako naging Marian Crusader. Yung sa bawat dapa mo, magdadasal ka at unti-unti kang babangon? Ang sarap sa feeling na mabuhay para sa Kaniya. Hindi para sa grades at sa ibang material na bagay. Oo importante na hindi yun pabayaan, pero mas importante na hindi tayo mawawalan ng koneksiyon sa Kaniya. Kaya sa lahat ng mga kabataang narito ngayon, ask yourselves. Bakit kayo nandito ngayon? Malay niyo kayo na yung susunod na magkwekwento sa harap ng maraming tao. Malay niyo ito yung isa sa mga sign ni God para sa daang hinanda niya para sa ating lahat.