Awit At Korido.pdf

  • Uploaded by: Airah Santiago
  • 0
  • 0
  • December 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Awit At Korido.pdf as PDF for free.

More details

  • Words: 395
  • Pages: 9
Awit at Korido Ang awit at korido ay nabibilang sa isang uri ng tulang pasalaysay. Ito ay naging tanyag sa Europa noong Gitnang Panahon na tinatawag ding tulang romansa. Lumaganap ito sa Pilipinas noong ika-18 siglo, dala ng mga Kastila.

Ang awit ay pumapaksa sa mga hari’t-reyna at prinsipe’t prinsesa. Tinatalakay rin ang mga mandirigma at mga bayani, pakikipag-ibigan sa mga dugong bughaw at nagtatapos sa isang masayang wakas. Ang awit ay may sukat at tugma. Ang bawat taludtod ay binubuo ng 12 pantig at ginagamitan ng mga pananalitang nagpapahiwatig ng iba’t-ibang uri ng damdamin. Ang mga tauhan dito ay

makatotohanan at ang mga pakikipagsapalaran ay maaaring maganap sa tunay na buhay. Ang korido ay pakikipagsapalaran ng mga prinsipe na may halong kababalaghan. Ito ay binubuo ng walong pantig sa bawat taludtod. Ang mga tauhan dito ay nagsasagawa ng mga bagay na di maaaring gawin sa tunay na buhay.

1. Awit – Florante at Laura Ang magandang asal ay ipinupukol Sa laot ng dagat ng kutya’t linggatong; Balang magagaling ay ibinabaon, At inililibing nang walang kabaong.

2. Korido – Ibong Adarna Marangal na ermitanyo Ituring na anak ako Na ngayon po’y naririto Nagsasabi ng totoo.

Ang Florante at Laura ay nahahati sa tatlong bahagi:

1. Paghahandog sa babaeng nagpatibok sa puso ni Balagtas na siya ring nagbigay ng kasawian. (Kay Celia) 2. Bahaging patungkol sa mga mambabasa. (Sa Babasa Nito) 3. Pinakasimula ng awit

Mga Tauhan sa Florante at Laura FLORANTE – bugtong na anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca; kasintahan ni Laura. LAURA – dalagang iniibig ni Florante; anak ni Haring Linceo. PRINSESA FLORESCA – ina ni Florante; anak ng hari ng Krotona.

HARING LINCEO – ama ni Laura; Hari ng Albanya. DUKE BRISEO – ama ni Florante; tagapayo ng Hari ng Albanya. ADOLFO – mahigpit na kaaway ni Florante at karibal niya kay Laura. ALADIN – anak ng sultan ng Persya; kasintahan ni Flerida; nagligtas kay Florante.

SULTAN ALI-ADAB – ama ni Aladin; kaagaw niya kay Flerida. FLERIDA – kasintahan ni Aladin; nagligtas kay Laura. MENALIPO – pinsan ni FLorante; nagligtas sa kanya noong bata pa. MENANDRO – kaibigan ni Florante; pamangkin ni Antenor.

ANTENOR – guro sa Atenas na nag-aruga kay Florante. HENERAL OSMALIK – Heneral ng Persya na lumusob sa kaharian ng Krotona. MIRAMOLIN – ang namumuno ng hukbong Turkiya na nakalaban ni Florante. KONDE SILENO – ama ni Adolfo.

Related Documents


More Documents from "anon_331886630"

A Suprasegmental.docx
December 2019 8
Awit At Korido.pdf
December 2019 7
June 2020 57
Expo Economia.pptx
November 2019 25