1. Mga Kinipil na Triviang Pang-agham Nadiskubre niya ang Erythromycin Isang Pilipinong siyenista ang napabalitang nakabiskubre ng erythromycin noong 1949. Siya ay si Dr. Abelardo aguilar na namatay noong 1993 na hindi man lamang kinilala at pinarangalan sa kanyang nadiskubre. Sinasabaing, nadiskubre ni Aguilar ang antibiotic mula sa specie ng Aspergillus na isang uri ng fungi at nagpadala ng mga halimbawa nito noong 1949 sa isang pharmaceutical firm na Indianabased, ang Eli Lily Co. Ang nasabing firm ay agad nerihistro ang pangalang Iloson para sa antibiotic na nakuha mula sa pangalang Iloilo kung saan ito nadiskubre ni Aguilar. Noong 1952, nagsimula ang Eli Lily Co. na mamahagi ng Iloson na binebenta kapalit ng penicillin, isa ring uri ng antibiotic. Ang Iloson, o mas kilala sa pangalang Erythromycin ay sinabing pinakaunang matagumpay na antibiotic sa U.S at maski dito sa bansa. “Tubig Talino” Sinabi ng DOST na nakaggawa sila ng “Tubig Talino”, isang naiinom na tubig na sagana sa iodine na maaaring makatulong sa kakulangan ng mga micronutrients na nagdudulot ng goiter, problema sa panganganak at kakulangan sa pag-iisip at pisikal. Ang “Tubig Talino” ay gawa sa 20 L ng tubig at 15 L “Tubig Plus +12.” Ang paginom ng 5 baso araw-araw nitong “iodine fortification” sa inuming tubig ay makakapagdagdag ng 120 micrograms ng iodine na aabot sa 100% ng recommended dietary allowance o RDA ng isang lalaki. Paalam Nunal ko.. Noong taong 2000, si Rolando dela Cruz ay nakaggawa ng isang formula na agad-agad makakapagtanggal ng “malalim na nunal” at warts (tagalog?) na hindi mag-iiwan ng peklat o kaya’y sakit. Nabuo niya ang formula mula sa (extracts) ng cashew nuts (Annacardium occidentale) na makikita lang ditto sa Pilipinas. Ang formula ay nakapagpanalo ng gintong medalya kay Rolando sa International Invention, Innovation, Industrial Design and Technology Exhibition sa Kuala Lumpur noong Setyembre 2000 na nagpatakbo sa mga klinikang gumagawa ng “walang operasyong pagtanggal ng warts, nunal at iba pang tumutubo sa balat” na magbibigay dito ng panibagong lakas at walang sakit at mamahaling operasyon. Sino ang Nakadiskubre sa Paggawa ng Patis? Hindi gaya sa pinaniniwalaan ng karamihan, wala pang Patis noong panahon ng mga Espanyol. Nagsimula lamang magin bahagi ng hapag ng mga Pilipino ang patis pagkatapos ng panahon ng mga Hapon. Pagkatapo na pagkatapos ng digmaan, ang pamilya ni Ruperts David o Aling Tentay ay nagtayo ng negosyo na pagbebenta ng tuyong isda. Isang araw, inimbak ni Aling Tentay ang ibang mga isdang inalat
sa mga banga na nagging pira-piraso bago pa man sila natuyo. Habang nasa banga pa, ang mga pira-pirasong isda ay naging likido na katulad ang lasa sa mga Patis natin ngayon. Doon nagsimula ang negosyo ng Patis ni Aling Tentay, na opisyal na nerihistro noong 1949 at kilala ngayon bilang Tentay Food & Sauces Inc.
2. Trivia: ALam mo ba na.. • Ang sobrang acetylcholine na mahahanap sa loob ng utak ay nagdudulot ng convulsion at epilepsy? • Ang mga German ang pinakaunang lahi na gumamit ng poison gas para sa kanilang mga kalaban noong Unang Pandaigdigang Digmaan? • Ang Chow-Chow ang tanging lahi ng aso na kulay itim ang dila? • Ang Isla ng Camiguin ay may pinakamaraming bulkan bawat kilometro kwadrado sa lahat ng isla sa buong mundo? Ito din ang natatanging lugar sa Pilipinas na may mas maraming bulkan (7) kaysa mga bayan (5). • Ang Del Monte Pineapple Plantation sa Bukidnon ay tinaguriang pinakamalaki sa dulong silangan ng mundo?