“Argumentatibo patungkol sa One Child Policy”
UNANG PANGKAT CSS/A & BEAUTY CARE-11 Ipinasa nina:
Dianne Ruiz Michelle Ann Jordan Caren Buenafe Ginalyn Tala-tala Joshua Saludares Carlo Denolan
Dianne Ruiz Nasa panig ng Sang-ayon sa ONE CHILD POLICY. Sang-ayon ako sa One child policy sapagkat satingin ko maganda ang maidudulot nito sa ating bansa. May punto ka kaya ngang gawin ng isang magulang lahat para sa kanyang mga anak ngunit hindi naman lahat ng magulang magagawa ito lalo na at mahirap makahanap ng trabaho sa pilipinas na makakapagbigay sa kanilang pamilya ng sapat na kita. Ang pagkakaroon ng isang anak ay napakalaking responsibilidad na para sa isang magulang. Responsibilidad na kahit isang anak lamang ay hindi madaling panagutan at bigyan ng magandang kinabukasan. Ayon kay Rizal ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan ngunit paano ito mangyayari kung mismong ang mga magulang hindi kayang bigyan ng maganda at maayos na kinabukasan ang mga kabataang sinasabi nilang pag-asa ng bayan. Tingnan na lamang natin ang mga kabataang nasa lansangan. Mga kabataang sa murang edad ay kaya ng magbanat ng buto upang may maipakain lamang sa kanilang sarili. Mga kabataang sa murang edad ay kaya ng itaguyod ang sarili dahil sa kahirapan. Mga responsibilidad ito na dapat ang kanilang mga magulang ang gumagawa. Mga obligasyon ng magulang na ang mga kabataan ang sumasalo. Nanaisin mo bang maranasan ito ng iyong magiging mga anak?. Ang pagkakaroon ng isang anak ay napakalaking pasanin na paano pa ang higit sa isa?. Karamihan ng pamilya ay kayang magpalaki ng higit pa sa isang anak gayun pa man mas higit parin ang mga pamilya na hindi kayang magpalaki ng higit sa isang anak. Kadalasan sa magulang sapat lamang para sa kanilang sarili ang kinikita kaya nasasabi nila na isusubo na lamang nila ibibigay pa nila para sa kanilang mga anak. Sa hirap ng buhay dito sa pilipinas hindi madaling makahanap ng maayos na trabaho ang mga taong hindi nakapag tapos ng pag-aaral at hindi mataas ang antas sa buhay na nagdudulot upang maghanap sila ng trabaho sa ibang bansa . marami ang ating mga kababayan na pinipiling manirahan sa ibang bansa upang magtrabaho para sa kanilang mga anak. Kung maipapatupad sa pilipinas ang One child policy malaki ang maitutulong nito upang manatiling sapat, maayos at mas mabibigyan ng pasin ng isang magulang ang kanyang nagiisang anak. Malaki din ang maitutulong nito sa pagbaba ng populasyon ng mga kabataang nakakalat sa lansangan. Makakabuti ito hindi lamang sa mga kabataan kundi pati narin sa mga magulang dahil hindi na mabigat ang kanilang papasanin at hindi na nila kailangang kumayod ng husto at lalo na maibibigay na nila ang kanilang buong
atensyon sa nag-iisa nilang anak. Dahil para sa akin sapat na ang isang anak para buuin ang isang Masaya at sama-samang pamilya. Hindi nakikita sa bilang ng membro ng pamilya ang pagmamahal at saya nakikita ito sa pagkakaisa.
Ginalyn Tala-tala Nasa panig ng Sang-ayon Sang-ayon ako sa One child policy dahil maraming magaganda ang naidudulot nito sa ating bansa. Una, benepisyo para sa mga magulang na iisa lang ang anak dahil maaari na nilang matuunan ng pansin ang pangangalaga at mabibigyan nila ito ng mas maayos na edukasyon. Pangalawa, makokontrol nito ang paglobo ng ating populasyon na naging 0.7% at maaari nitong maiwasan ang pagkakaroon ng 400 milyon na tao na nabubuhay sa ating bansa. Pangatlo, oportunidad sa trabaho sa kanilang paglaki, dahil sa hindi karamihan ng mga kabataansa patakarang One child policy maaari na silang makahanap ng mas maganda at mabuting trabaho, at panghuli, ang pangangalaga sa kanilang pamilya ay mabibigyan na ng sapat na atensyon at magandang kalusugan na siyang dahilan para mamuhay sila ng komportable at Masaya.
Michelle Ann S. Jordan Nasa panig ng Di sang-ayon
Hindi ako sang-ayon sa One child policy sapagkat tama ka na mapapakain mo ito ng tatlong beses sa isang araw at mas matutuunan ng pansin ngunit alam naman nating lahat na ang ating mga magulang ay gagawin ang lahat upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang mga anak kahit na ang buhay pa nila ang kapalit. Kaya nga tayo binigyan ng katuwang sa buhay para magtulungan at makasama mo sa habang buhay. Makikita mo naman sa dami ng anak na mahal na mahal nila ang isat-isa. Inisip nyo ba ang pwedeng maidulot nito sa magulang at anak kung maipapatupad ang One child policy. Marami itong maidudulot kagaya nalang ng sapilitang pagpapalaglag ng bata, mapipilitan ang mga magulang na ipalaglag ang kanilang ikalawang anak dahil sa takot sa batas. Sapilitang pagpapaampon, sa pagpapatupad ng patakarang ito ay mapipilitan din ang mga magulang na hindi gustong ipalaglag ang kanilang ikalawang anak na itago ito o ipaampon upang maligtas lamang ang bata sa kamay ng batas. Malaki rin ang pasanin ng nagiisang anak sapagkat kapag matanda na at may kapansanan na ang kaniyang mga magulang mahihirapan itong alagaan ito at ang kanyang magiging sariling pamilya lalo na kung nagtatrabaho pa ito dahilan ng pagtatrabaho nito ay ang pagtaas ng bilihin at mababang sweldo sa ating bansa na nagiging malaking pasanin ng nagiisang anak. Hindi katulad ng pagkakaroon ng kapatid na maaaring maging karamay at katuwang sa lahat ng bagay. Ang pagkakaroon ng iisang anak ay maaaring maging malaking kalungkutan sa hinaharap.
Carlo Denolan
Nasa panig ng Di Sang-ayon
Hindi ako sumasang-ayon sa One child policy dahil naniniwala parin akong mas masaya ang magkaroon ng maraming kapatid. Napakalungkot ang magisa. Matutuonan nga ito ng pansin ng magulang ang nagiisang anak gayun pa man ay hindi maiiwasan ng anak na maghanap ng kalaro, kasama at karamay na maaari nitong masandalan sa kalungkutan na magkapatid lamang ang magkakaintindihan. Sa ibang sitwasyon din ay hindi maiiwasan ng magulang na maghanap ng kiliti sa isat-isa na nagbubunga sa pagkakaroon nila ng higit sa isang anak. Hindi talaga ako sang-ayon sa One child policy sapagkat pag may kapatid ka alam mong may masasandalan ka pagdating ng panahon kahit na minsan hindi kayo magkasundo mananaig parin ang inyong pagmamahal sa isatisa na dahilan ng pagkabuo at pagkakaisa ng inyong pamilya sa hirap man o ginhawa. Basta nagkakaisa kahit gaano pa man kayo karami makakaya ninyong lagpasan lahat ng pagsubok manatili lang kayong masaya at nagtutulungan lahat ng pagsubok makakaya yan dahil yan ang diwa ng isang pamilya.
Joshua Saludares
Nasa panig ng Di Sang-ayon Hindi ako sang-ayon sa One child policy sapagkat kung ang pagbabasehan ng pagpapatupad nito ay para kumonti ang populasyon ng ating bansa hindi ito magandang solusyon. Sapagkat unang-una nawawalan ng karapatan ang mga mag asawa na gustong magkaroon ng malaking pamilya na gawin ito sa takot na managot sa batas. Pangalawa, kung maipapatupad ito mabibigay nga ng magulang ang lahat ng kanyang atensyon sa nagiisang anak ngunit maaari itong magulot ng paglaki ng ulo at sakim nito na gugustuhin na nitong makuha ang lahat ng gusto niya dahil sa isip nito madali nalamang niya itong makukuha. Kadalasan din ng nagiisang anak ay hindi marunong ng gawaing bahay dahil nagiging tamad sapagkat kadalasan sa kanila ay umaasa na lamang sa magulang. Ang pagkakaroon ng maraming anak ay napakasaya ayon nga sa karamihan “mas
marami, mas masaya”.
Caren Buenafe Nasa panig ng Sang-ayon Sang-ayon po ako sa One child policy dahil mas matutuunan mo ng pansin ang iyong nagiisang anak at mabibigyan mo ito ng magandang kinabukasan, mapapaaral mo ito sa magandang paaralan, masisiguro mong mapapakain mo ito ng tatlong beses sa isang araw o higit pa. Sang-ayon ako sa pagpapatupad ng batas na ito dahil sa panahon ngayon mahirap makahanap ng maayos na trabaho na malaki ang pasahod na pera para sa pang araw-araw na gastos ng iyong pamilya lalo na kung galing ka sa mahirap na pamilya. Bago ka bumuo ng malaking pamilya dapat iniisip mo ang magiging kinabukasan nila, dapat nagpaplano kayo ng asawa mo kung kaya nyo bang palakihin ito ng maayos at maibigay dito ang pangangailangan nito hindi lamang materyal kundi narin sa atensyon at pagkalinga. Mas marami, mas masaya tama ka pero kaya mo bang panagutan at ibigay ang pangangailangan nila kung mismong sarili mo hindi mo maibigay pangangailangan mo? Nasa tao na siguro kung nanaisin niyang maging masaya kahit alam niyang nahihirapan na siya, pero nasa tao rin ang desisyon para baguhin ito lalo na kung pipiliin niya lang ang alam niyang tama at mabibigyan hindi lamang siya kundi pati na rin ang magiging pamilya niya ng magandang kinabukasan na siguradong hindi niya pagsisisihan at magpapasalamat pa siya sa Diyos dahil naging matalino siya sa pagpili ng tama para sa kanyang magiging anak/pamilya.