Aralin I Ekosistem Edna

  • November 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Aralin I Ekosistem Edna as PDF for free.

More details

  • Words: 847
  • Pages: 5
MGA PANTUBIG AT GAWANG TAONG ECOSYSTEM Session Guide Blg. 1 I.

MGA LAYUNIN Natutukoy ang kahulugan ng ecosystem at ang mga binubuo nito Naipaliliwanag ang pagkakaugnayan ng isang ecosystem ng dagat Nailalahad ang mga sagot sa pamamagitan ng mapanuring pakikipagtalakayan. II. PAKSA A. Aralin I : Ang Ecosystem, pp. 4-8 Pangunahing Kasanayan sa Pakikimuhay: Mapanuring Pakikipagtalastasan at Pansariling Kamalayan Kagamitan: manila paper at pentel pen III. PAMAMARAAN Panimulang Gawain 1. Balik-aral •

Kumustahin ang mga mag-aaral.



Itanong sa mag-aaral kung ano ang alam nila tungkol sa ecosystem sa lupa. Ipaawit ang awit : Maliliit na Gagamba.



Maaaring ipahimig sa isang marunong ng awit.

Maliliit na Gagamba Maliliit na gagamba Umakyat sa sanga Dumating ang ulan At itinapon siya Sumikat ang araw Natuyo ang mga sanga Ang maliliit na gagamba Palaging masaya



Pansinin ng mga nasasambit sa awit.



Ipaliwanag na ito ay bahagi ng ecosystem sa lupa

B. Panlinang na Gawain 1. Paglalahad •

Simulan ang paglalahad sa pamamagitan ng kapaligiran.



Bigyan ng alituntunin sa pag-ikot sa kapaligiran, may buhay o walang buhay



Pagbalik sa paaralan o center, ay ipasulat sa pisara ang nakita sa paligid



Sabihin na isulat nila lahat sa kapaligiran



Ipasulat ito sa isang tsart na ganito: May Buhay

pag-ikot

sa

Walang Buhay



Sabihin sa kanila na lahat ng ito ay bahagi ng ecosystem



Ipapikit ang mga mata at himuking damdamin ang kuwento ng magkakaibigan. Ang Karanasan nina Nene, Uma at Sam Bakasyon sa eskwela noon at naisipang pumunta sa bundok ng magkakaibigang Nene, Uma at Sam. Tahimik ang paligid at palamig nang palamig ang daan patungong bundok. Laking gulat nila nang makakita sila ng nagsisilakihang puno sa gitna ng malawak na bundok na para sa kanila ay napakaganda. Nadinig din nila ang sari-saring huni ng ibon at sari-saring kulay ng paruparo na dumapo sa makukulay na mga bulaklak. Ngunit, nabigla si Sam at Nene nang marinig nila ang sigaw ni Uma ng ay….ahas ! ay…uod! at sabay takbo sa kinaroroonan nina Nene at Uma.

Maya-maya ay tumawid sila ng ilog at dumaan sa isang lambak, nakakita naman sila ng sari-saring kulay ng orkiyas, ferns na nakadikit sa mga puno. Marami ding unggoy at paniki na palipatlipat sa mga puno. Malapit na ang dapit- hapon nang pauwi na sila, naisipan nilang pumunta sa malapit na ilog at laking tuwa nila habang pinagmamasdan nila ang nagsisilakihang mga bato, malinaw na tubig at mga isdang lumalangoy. Ngunit biglang napasigaw ulit si Sam nang makakita siya ng maraming palakang gumagalaw at sari-saring kulay ng isda. Dito nagtatapos ang kuwento ng magkakaibigan. •

Sabihin na buksan na ang mata.



Ipalarawan ang lugar na pinuntahan ng magkakaibigan at itanong ang mga sumusunod: -

Anu-ano ang nakita nilang mga bagay na may buhay? Sa dagat? sa bukid?



Isulat sa pisara, hanay ng may buhay at wala Hikayating lagyan ng guhit ang nagkakaugnayan sa bawat isa.



Gawing springboard tungo sa paksang ecosystem at ang kahulugan ayon sa kanilang pagkakaunawa. Sabihin ang: Pagisipan Natin Ito nasa p.2

2. Pagtatalakayan •

Ipagawa ang Small Group Discussion



Pangkatin ang mag-aaral sa tatlo. Bawat pangkat ay pumili ng isang magbabasa at isang tagapagdaloy at tagapag-ulat. Ipaliwanag ang mga sumusunod na hakbang: a. Bawat pangkat ay babasahin ang paksa Ang Ecosystem p. 4-7 b. Bigyan ng sapat na panahon upang sila ay magbasa ng tahimik. c. Ipabasa ang mga gabay na tanong na makatutulong sa pangunawa o Anu-ano ang mga bagay na may buhay? o Anu-ano ang dalawang bahagi ng ecosystem?

o Paano nagtutulungan o nagkakaugnayan ang dalawang uri ng ecosystem? •

Gamitin ang Venn Diagram sa pagtatalakay at pagpapaliwanag ng dalawang uri ng ecosystem.



Pagbigayin ng mga halimabawa sa bawat isa uri, paguuganayan ng dalawang uri ng ecosystem.

Ecosystem Terestrial

Aquatic

3. Paglalahat •

Sa mga nakuhang datos sa binasa ipalahad ang kanilang natutunan. Ipabasa ang Tandaan Natin na nasa pahina 8. Maari itong dagagn. Halimbawa: Ipasalarawan ang isang ecosystem sa pamamagitan ng pagbabalangkas na tulad ng nasa kahon. Patingnan ang Tandaan Natin sa pagsagot. Ano ang ecosystem _____________________________ Dalawang uri ng ecosystem________________________ Mga katangian ng bawat uri ng ecosystem_____________ Paguugnayan ng bawat ecosystem ______________ Patutulongan ng mga ibat-ibang uri ng ecosystem?

Paglalapat •

Pagbigayin ng saloobin sa pamamagitan ng paggamit ng isang reflection sheet.



Padugtungan ang ang mga sumusunod na pangungusap. a. Natutuhan ko na ang ecosystem ay _________________.

b. Nagkakaugnay ang dalawang uri ng ecosystem sa sumusunod na paraan _____________________________ _______________________________________________. •

Pasagutan ang Pag-isipan Natin Ito p. 5 upang makabuo ng paglalahat.

5. Pagpapahalaga •

Patnubayan ang mga mag-aaral sa pagbigay ng isang mapanuring pagpapahalaga. Ipasulat sa kapirasong papel ang kanilang sagot at patnubayan na tukuyin kung bakit mahalaga na panglagaan ang ecosystem?

IV. PAGTATAYA •

Pasagutan ang Alamin Natin ang iyong mga Natutunan sa pahina ipahambing ang sagot sa pahina 40.

8 at

V. KARAGDAGANG GAWAIN •

Mangalap ng mga impormasyon tungkol sa mga bagay na nakikita sa dagat. Kumunsulta sa magasin, aklat o iba’t-ibang lathalain upang makapaghanda sa susunod na paksa. Isulat ang buod at may-akda nito



Ibahagi ang impormasyong nakuha sa mga kamag-aral.

Related Documents

Aralin I Ekosistem Edna
November 2019 5
Aralin 3 Ekosistem Edna
November 2019 11
Ekosistem
May 2020 32
Ekosistem
May 2020 35
Ekosistem
May 2020 35
Ekosistem
May 2020 28