APPENDIX A PETSA
Kinalulugod na Ginang/Ginoo;
Magandang araw pos a inyo. Kami po ay mga mag-aaral ng University of Santo Tomas, Faculty of Medicine and Surgery na kasalukuyang nagsasaliksik sa mga halamang ginagamit sa alternatibong medisina. Narito po kami ngayon upang magtanong sa inyo tungkol sa ilang impormasyon sa nabanggit. Hinihiling po namin ang kabuuang pakikibahagi sa aming proyekto. Sinisigurado namin na ang mga personal na impormasyon na magmumula sa inyo ay pananatilihing pribado at protektado. Makakatulong po ang inyong mga sagot hindi lamang sa aming proyekto kundi pati sa pagkakaroon ng kabuuang impormasyon ukol sa mga halamang gamot na prominente sa inyong bayan. Bukod rito, maari din na lalo pang maipagtibay ang paggagamot sa ganitong paraan. Maraming salamat po at pagpalain kayo ng Poong Maykapal.
Gumagalang,
Estudyante UST Faculty of Medicine and Surgery Inaprubahan ni: Prof. Maria Minerva P. Calimag, MD, MSc Boluntaryo kong sinasagutan ang mga katanungansa kondisyon na ang mga impormasyon ng aking mga kasagutan ay magiging lihim; at anuman ang maging resulta ng pag-aaral na ito ay gagamitin lamang sa akademya ng pananaliksik na ito at hindi labag sa akin. Ako ay nangangakong sasagutin ang mga katanungan nang buong katotohanan at sa abot ng aking makakayanan. Sasagutin ko ang mga katanungan ng kumpleto, sa abot ng aking kakayahan at nang walang tulong o opinion na nangaling sa iba. Pangalan
Lagda
Petsa
APPENDIX B