BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN IX EKONOMIKS Ika-27, Marso 2019
I. LAYUNIN A. Pamantayang Pangnilalaman B. Pamantayan sa Pagaganap C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Isulat ang code ng bawat kasanayan)
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang pang-ekonomiya nito sa harap ng mga hamon at pwersa tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad. Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na pagpapatupad at pagpapabuti ng mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang pang-ekonomiya nito tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad. Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng pagkakaroon ng impormal sa sektor----AP9MSP-IVg-15 Layunin: a) Natatalakay at natutukoy ang mga dahilan at epekto ng pagkakaroon ng Impormal na Sektor b) Naiuugnay sa tunay na buhay ang bahaging ginagamapanan ng Impormal na Sektor.
II. NILALAMAN KAGAMITANG PANTURO A. Sanggunian 1. Mga pahina sa Gabay ng Guro
IMPORMAL NA SEKTOR: Mga Dahilan at Epekto nito sa Ekonomiya
2.Mga pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral
Araling Panlipunan Ekonomiks (Modyul), Pahina 430-448
3.Mga pahina sa Teksbuk 4.Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource B. Iba pang Kagamitang Panturo III. PAMAMARAAN A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin
Araling Panlipunan Ekonomiks (Gabay sa Pagtuturo), Pahina 291-303
Powerpoint Presentation, Projector, at mga larawan Sino sa inyo ang may kakilala o nakaranas ng magbenta ng barbeque, bananacue, balut, kakanin at iba pa.? Masaya ba ang magbenta? Madali bang kumita ng pera? Ano ang mga aral na inyong natutunan buhat sa pagbebenta sa inyong murang edad?
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
Gawain 1: Fix Me Baby Ayusin ang mga sumusunod na titik sa loob ng shape box upang mabuo ang mga salita o konsepto na tumutukoy sa ibat’ ibang gawain o hanapbuhay. ALBANDRAE
LABUT VEDNOR
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
GRDU PSHERU
ESTRET VNDORE
CILHD LBORA
ILLGAEL GMBLINAG
HUNAM TFRAFCKINGIP
MAINGIHLOHT
Pamprosesong tanong: 1. Ano ang pagkakatulad ng nabuo nyong mga uri ng hanapbuhay? 2. Sa inyong palagay, maituturing ba silang bahagi ng ekonomiya? Bakit?
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1
Gawain 2: Photo Bucket Ngayon, nais kung suriin ninyo ang mga larawan.
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2
Pamprosesong tanong: 1. Patungkol saan ang mga larawan? 2. Saang lugar mo madalas makita ang ganitong mga sitwasyon? 3. Paano mo maiuugnay ang mga larawang ito sa pamumuhay ng mga tao at sa ating ekonomiya? Ayon sa inyo, ang mga uri ng hanapbuhay na pinapakita sa mga larawan ay itinuturing na bahagi ng ekonomiya. Sa anong sektor ng ekonomiya kaya sila nabibilang? Tama! Ngayong araw ating tatalakayin ang Impormal na Sektor ng Ekonomiya, mga dahilan at epekto nito.
Ang mga larawan ay nagtatalakay at tumutukoy ng mga halimbawa ng hanapbuhay na kasama sa tinatawag nating impormal na sektor. Sa inyong palagay, ano ang kahulugan o ibig sabihin ng impormal na sektor? Tumpak! Para mas lalo pa nating maintindihan ang impormal na sektor, dahilan at epekto nito ay magkakaroon kayo ng pangkatang gawain kung saan bawat pangkat ay may ibat ibang katanungan na dapat sagutin. Mayroon lamang kayong 15 minuto para gawin ito, pagkatapos ito ay inyong ibabahagi sa klase. Pangkat 1: Project R.A.I.D (Read, Analyze, Interpret & Draw) gamit ang Tri-Linear Model Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang nais iparating/ipahayag ng teksto? 2. Sumasang ayon ba kayo sa pangkalahatang mensahe o ideya ng teksto? Bakit? 3. Mula sa datos na nakalap sa teksto, iguhit o punan ng tamang sagot ang tri-linear model.
IMPORMAL NA SEKTOR
F. Paglinang sa Kabihasan (Tungo sa Formative Assessment)
Kahulugan Mga halimbawa ng gawain o hanapbuhay Iba pang katawagan
Pangkat 2: Concept of Wisdom! Sabi nila, Isulat mo! Punan sa boxes ang mahahalagang konspetong sinabi ng ilang piling tao o organisasyon tungkol sa impormal na sektor mula sa tekstong inyong nabasa. 1. W. Arthur Lewis 2. Hedayet Ullah Chowdhury 3. Cleofe S. Patrana 4. International Labor Organization (ILO) 5. Cielito Habito 6. iBon Foundation 7. House of Representatives 8. Informal Sector Survey/National Statistics Office (NSO) Pangkat 3: Teksto-Suri Batay sa inyong tekstong binasa, sagutin ang mga sumusunod na tanong at punan ang radial cycle. 1. Ano ang pangkalahatang tema ng teksto? 2. Isa-isahing tukuyin ang mga dahilan kung bakit umiiral o lumalaganap ang impormal na sektor gamit ang radial cycle. 3. Sa inyong palagay, makatuwiran ba ang mga dahilan kung bakit pumapasok ang isang tao sa loob ng impormal na sektor? Bakit?
?
?
?
Mga Dahilan ng pag iral ng Impormal na Sektor ?
?
Pangkat 4: Cycle Matrix Chart Gamit ang cycle matrix chart, tukuyin at ipaliwanag ang mga epekto ng impormal na sektor. (Tatawagin bawat pangkat isa isa para ibahagi sa klase ang kanilang ginawa.) • Ipaliwanag
• Ipaliwanag
• Ipaliwanag Epekto ng Impormal na Sektor
Epekto ng Impormal na Sektor
Epekto ng Impormal na Sektor
Epekto ng Impormal na Sektor
• Ipaliwanag
Anong ugaling Pilipino ang ipinapamalas ng mga kasapi sa Impormal na Sektor? Sa inyong palagay, paano nakakatulong sa mamamayan ang impormal na sektor? Bakit mahalaga ang bahaging ginagampanan ng impormal na sektor sa ating ekonomiya?
May katanungan pa ba kayo? G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay
Ngayon ay dadako na tayo sa ating huling gawain pero bago yon, ito ang ating rubric (Parehong grupo lang) Gumuhit ng isang larawan o bagay na nagtatalakay sa gawain/hanapbuhay na kabilang sa Impormal na Sektor ang gusto ninyong matigil o wakasan na. Upang maisagawa ng maayos ang presentasyon, isaalang-alang ang mga sumusunod na tanong. 1. Ano ang pangunahing konsepto ng impormal na sektor ang inyong ipinakita? 2. Ipaliwanag ang simbolismong ginamit upang ilahad ang inyong ginuhit. 3. Sa iyong palagay, maliwanag bang naipapakita ng inyong larawan ang konsepto ng impormal na sektor? Pangatwiranan ang inyong sagot. Rubrik para sa Pagguhit Kaangkupan sa Tema 10 puntos Masining na Paglalahad ng 10 puntos Presentasyon Kooperasyon at Pagkakaisa ng 10 puntos bawat pangkat KABUUAN 30 PUNTOS
H. Paglalahat ng Aralin
Sino ang maaaring makapagbigay sa akin ng mga dahilan ng pagpasok ng isang tao sa Impormal na Sektor? Magaling, anu-ano naman ang mga epekto ng Impormal na Sektor sa Ekonomiya? May katanungan pa ba kayo?
I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Suriin at tukuyin ang mga pahayag kung ito ay dahilan o epekto ng impormal na sektor. 1. Ang kawalan ng regulasyon mula sa pamahalaan na kung saan ang mga batas at programa ay hindi naipapatupad nang maayos kung kaya maraming mamayan ang kabilang sa impormal na 2. Pumapasok ang mga mamayan sa impormal na sektor upang mapangibabawan ang matinding kahirapan.
3. Sa kagustuhan na kumita nang mabilisan, ang mga tao ay nauudyok na pumasok sa impormal na sektor na kung minsan ay mga gawaing ilegal o labag sa batas. 4. Ang mga bumubuo sa impormal na sektor ay hindi rehistrado at hindi sumusunod ayon sa itinatalaga ng batas tungkol sa kanilang operasyon, maaaring ang mga produkto o serbisyo ay hindi pasado sa quality control o standards ayon sa itinakda ng Consumer Act of the Philippines, kung kaya’t ang mga mamimiling tumatangkilik dito ay maaaring mapahamak, maabuso, o mapagsamantalahan 5. Ang mga kabilang sa impormal na sektor ay hindi nakarehistro, hindi rin sila nagbabayad ng buwis mula sa kanilang kinikita o operasyon. Ito ay nangangahulugan ng malaking pagbawas sa kabuuang koleksiyon o maaaring kitain ng pamahalaan sa pangongolekta ng buwis. J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation
Gawain: IFLASH REPORT MO, REPLEKSYON KO! (Makinig sa radyo, magbasa sa diyaryo, manood sa TV o maghanap sa internet) Pagsasaliksik at pag-uulat ng isyung may kinalaman sa Impormal na Sektor na inyong gagawan ng repleksyon at ipost sa inyong FB account at itagged ang inyong Guro sa Araling Panlipunan IX. Indibidwal na gawain. Rubrik: Nilalaman Paglalahad ng pananaw Pagkamalikhain sa nabuong pananaliksik
IV.
Mga Tala
V.
Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation
-
10 puntos 10 puntos 10 puntos
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong? F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng aking punungguro at superbisor? G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?
Inihanda ni: JESSICA E. DAITOL Teacher Applicant