PANALANGIN SA ASIGNATURANG FILIPINO
Panginoon naming mahal, sa pagsisimula ng araw na ito nawa’y buksan mo ang aming isipan sa hiwaga ng panitikan
at wika na siyang salamin ng aming buhay,na kung saan ang bawat aral ay magsilbing naming gabay.
Turuan mo pong mangusap ang aming mga labi at gamitin nang wasto ang wika ng aming lahi.Hinihiling namin ito sa ngalan ng iyong anak na si Hesus. AMEN
San Benito at San Iskolastika….. Ipanalangin mo kami….. Nang sa lahat ng bagay…… Ang Diyos ay papurihan……
Unang Araw
LAYUNIN: Nakakaguhit ng interpretasyon ng mag-aaral mula sa pahayag ni Nelson Mandela.
LAYUNIN:
Naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa anekdotang napanood sa you tube (F10PT-IIIb-75)
LAYUNIN: Nabibigyang-kahulugan ang mga salita batay sa ginamit na panlapi ( F10PT-IIIb-77)
LAYUNIN:
Naibibigay ang sariling opinyon sa mga sinipi mula sa taong pinatutungkulan ng anekdota. ( F10PT-IIIb-75)
“Edukasyon ang pinakamalakas na sandatang magagamit upang mabago ang mundo.” – Nelson Mandela
Ilabas ninyo ang inyong kwaderno sa Asignaturang Filipino. Magtatala ng mga importanteng kaisipang mula sa iyong pinanood. Pagkatapos ang mga mag-aaral ay magbabahagi ng opinyon tungkol sa pinanood.
Nelson Mandela video clip
ALAM MO BA?
Ang Hulyo 18 ay kinikilala sa buong mundo bilang Mandela Day.
ALAM MO BA?
Ito ang kaarawan ng dakilang lider na si Nelson Mandela at araw rin kung kailan hinihikayat ang lahat na gumawa ng kabutihan para sa iba.
ALAM MO BA?
“Ang bawat tao ay may kakayahan at tungkuling baguhin ang mundo para sa ikabubuti ng kapwa”
Hindi mahalaga kung sa maliit o malaking paraan mo naisagawa ang kabutihan, ang importante’y sinisimulan mo ito sa iyong munting paraaan.
Hulyo 18 Ang araw kung kailan ito pinagtibay sa UN General Assembly noong 2009 at ipinagdiriwang sa buong mundo, ang lahat ay hinahamong gawing araw- araw ang Mandela Day at huwag basta maghintay ng isang beses lang sa isang taon upang makagawa ng kabutihan para sa iba.
Ang binigyang pansin ni Nelson Mandela Foundation Pagtulong sa pamamagitan ng pagkain Pagtulong sa pamamagitan ng edukasyon at literasi. Pagtulong sa pamamagitan ng pabahay at impraestraktura Pagtulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyo at pagbobolontaryo.
Panuto: Bigyang kahulugan ang salita sa ginamit na panlapi
Mahalaga ang mga panlapi sa pagbuo ng salita. Nababago kasi ang kahulugan ng mga salita base sa gamit ng mga ito. Kilalanin ang kahulugan ng mga salita batay sa ginawang paglalapi. Piliin ang sagot at saka isulat ang titik sa linya
E
1. minamahal
C D A
2. mahalin
B
A. dalawang taong may pag-ibig sa isat’t isa. B. isang bagay na mataas ang pesyo o hindi mura.
C. sinasabi sa Bibliya na dapat gawin para sa isang kaaway. 4. nagmamahalan D. taong nakakaramdam o nagbibigay ng pagmamahal E. taong pinag-uukulan ng 5. mamahalin pagmamahal
3. nagmamahal
PANUTO:Piliin at Bilugan ang titik ng kasingkahulugan ng salitang nakasulat nang madiin sa bawat bilang.
1. Kilala ng lahat si Mandela bilang isang taong mapagkumbaba. A. mahiyain B. matalino CC. may mababang loob D. tahimik
2. Siya rin ay hinahangaan dahil siya’y marangal. A A. dakila B. mayaman C. palaisip D. malikhain
3. Narinig ng lahat ang malakas nilang hagalpakan. A. biruan B. kuwentuhan C. asaran DD. tawanan
4. Magiliw silang sinalubong ng ginoo nang sila’y pumasok sa pinto. A A. masaya B. natataranta C. malamig D. mabagsik
5. May taglay silang halina ng tao maging sa mga bata. A. pambili B. pangkuha C. pantawag D. pang-akit D
Papapangkatin ang mga mag-aaral at
PINUNO
ipapakita ang salitang gamit ang estratehiyang Write Round ay ipasusulat sa bawat miyembro ng pangkat kung ano ang pumapasok sa isip nila kapag binabanggit ang salitang pinuno.
PINUNO
PAGBABAHAGI NG MGA KASAGUTAN NG BAWAT PANGKAT
Ipabahagi sa bawat kinatawan ng pangkat ang kanilang ginawa. Talakayin kung alin sa mga katangian o kaisipang isinulat nila ang tumutukoy sa isang mabuting pinuno at alin ang mga tumutukoy sa hindi kanais-nais na pinuno.
PANGKATANG GAWAIN Pangkat 1 – Ayon kay John Carlin Pangkat 2- Ayon kay Jessie Duterte Pangkat 3 – Ayon kay John Simpson Pangkat 4 – Ayon kay Matt Damon
PAGBABAHAGI NG MGA KASAGUTAN NG BAWAT PANGKAT
Gabay na Tanong:
2. Bakit minamahal at iginagalang hindi lang ng kanyang mga kababayan sa South Africa kung maging man buong mundo si Mandela?
Gabay na Tanong:
3. Alin-alin sa mga katangian ni Mandela ang gusto mo rin sanang maging katangian ng mga pinuno o lider sa ating bayan? Bakit?
Gabay na Tanong: 4. Ano ang masasabi mo sa pananaw niyang hindi siya apektado kung ang “matataas” na tao ay masaktan o masagasaan sa kanyang mga ginawa o ipinaglalaban subalit ayaw niyang may “ maliit” na taong sumama ang pananaw na ito sa ginawa ng mga lider o pinunong kilala mo?
Gabay na Tanong:
5. Kung ikaw ang nasa kalagayan niya, sisikapin mo rin bang maging mabuti sa mga taong kabilang sa lahing nagdiskrimina, nagpahirap at hindi gumawa nang tama sa iyo at sa mga kalahi mo? Bakit?
Paano ba maging mabuting pinuno o lider?
Bakit mahalagang magkaroon ng isang mabuting pinuno o lider ang isang bayan?
LAYUNIN:
Naibibigay ang sariling opinyon sa mga sinipi mula sa taong pinatutungkulan ng anekdota. ( F10PT-IIIb-75)
Ikalawang Araw LAYUNIN:
Nasusuri ang binasang anekdota batay sa paksa, tauhan,tagpuan, motibo ng awtor, paraan ng pagkakasulat, at iba pa. (F10PB-IIIb-81)
Panuto:Basahing mabuti ang mga sinipi mula kay Nelson Mandela. Magbigay ng sariling opinion o reaksiyon kaugnay ng bawat isa.
“Ang matatapang na tao ay hindi natatakot magpatawad sa ngalan ng kapayapaan.”
“Huwag mo akong husgahan batay sa aking mga tagumpay kung hnid sa mga pagkakataong ako ay nadapa at muling bumangon.”
“Ang mahusay na ulo at mabuting puso ay napainam na kombinasyon. Subalit kung idaragdag pa rito ang matalinong dila at panulat, taglay mo na ang napakaespesyal na handog.”
“Natutuhan kong ang katapangan ay hindi ang kawalan ng takot kundi ang pagtatagumpay laban dito. Ang matapang na tao ay hindi iyong taong di nakararamdam ng takot, kundi ang taong napaglabanan ang takot.”
ANEKDOTA
Ito ay isang maikling pagsasalaysay ng isang makatawag – pansin o nakakatuwang pangyayari sa buhay ng isang tao na kadalasa’y kilala o tanyag.
Ang pagsasalaysay ay karaniwang maikli at mga pangyayari ay maaaring totoong nangyayari sa buhay ng nasabing tao o maaari ding mga likhang – isip lamang subalit halos nahahawig sa katotohanan.
Ang anekdota hango sa tunay na buhay ng isang tao ay nagbibigay ng pagkakataon upang lalo pang makilala ng mga mambabasa o tagapakinig ang totoong pagkatao o ang personal na buhay ng taong pinagtutungkulan nito.
Ang anekdota ay maaaring ring personal na pangyayari sa buhay ng manunulat o mananalumpati. Sa pamamagitan nito maipasisilip nila ang isang bahagi ng kanilang buhay na maaaring kapulutan ng aral o pagnilayan ng mambabasa o tagapakinig at maiuugnay sa paksang tinalakay.
Alamin mo ang layunin o paksang paggagamitan mo ng personal na anekdota. Mula rito’y piliin mo ang isang pangyayari sa iyong buhay na angkop na angkop para sa iyong layunin o paksa.
Pakaisiping mabuti ang mga detalye sa pangyayaring ilalahad mo bilang personal na anekdota. Itala ang lahat ng naalala o natatandaan mo kaugnay ng anekdota. Balikan ang isang larawan ang lahat ng pangyayari.
Sa pagsasalaysay nito huwag agad sasabihin ang kasukdulan dahil mawawala ang pananabik ng mambabasa o tagapakinig sa halip na simula sa”
1. Isasalaysay ko sa inyo ang pagkawala ng pinakamamahal kong iPhone6s.
2.Maaari mong sabihin “mayroong iPhone6s na ibinibgay ng aking ate pagkatapos ng halos dalawang taon kong pangungulit na ipasa niya sa akin at magpa-upgrade na siya.
Iwasan gumamit ng mabibigat na salitang hindi agad maunawaan ng mga mambabasa o tagapakinig.
Ang pagsasalaysay ng anekdota ay para lang pakikipagkuwentuhan sa isang kaibigan tungkol sa isng hindi pangkaraniwang pangyayari sa iyong maghapon kay gumagamit ng mga payak na salitang madaling maunawaan.
Kung gagamitin mo ang anekdota sa pagtatalumpati o pagsasalita ay mahalagang makapag-ensayo ka upang mailahad ito nang mabisa.
Bilang pangwawakas ay bibigyang diin ang dahilan kung bakit mo inilahad ang anekdotang ito. Dito nila mauunawaan at mapahahalagahan kung bakit mo isinama ang anekdota sa iyong paglalahad.
Anekdota sa buhay ni Jose Rizal Isang umaga, kaming mag-anak ay nagaagahan. Si Pepe noon ay may gulang na dalawang taon lamang. Sinabi niya sa aming ina na nais niyang matutong bumasa ng abakada. Datapuwa't ang tugon ni Ina'y hindi pa sapat ang taglay niyang gulang upang matupad ang gayong hangarin.
Si Pepe'y nagpumilit kaya't sandal munang ipinakilala sa kaniya ni Ina ang bawa'titik. Hindi siya tumigil sa pagkilala sa mga titik at manaka-naka ay angangailangan siyang magtanong. Pagkatapos ng mga dalawang oras, ang lahat ng titik ng abakada ay natutuhan niyang basahin. Kaming magkakapatid, pati ng aming mga magulang, ay labis na namangha sa gayong katalinuhan ni Pepe.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong : Ano ang paksa ng anekdota?
Sino-sino ang tauhan? Saan naganap ang mga pangyayari sa teksto? Anong motibo ng may-akda ang ibig niyang ipabatid sa mga mambabasa? Anong paraan ng pagsulat ang ginawa ng mayakda?
Anekdota sa buhay ni Manuel L. Quezon Samantalang ang Pangulong Quezon ay nasa isang pagamutan sapagka't may-sakit, ay dinalaw siya ni Padre Serapio Tamayo, O.P., isang matalik na kaibigan ng Pangulo noon ay Rektor ng Pamantasan ng Santo Tomas. Bago pa lamang pumapasok ang pari sa silid ng Pangulo ay hinadlangan na siya ng nars.
Anekdota sa buhay ni Manuel L. Quezon Nang magpilit ang pari ay sinabi ng nars na maghintay nang ilang saglit pagka't ipagbibigay-alam muna niya sa maysakit ang kanyang pagdating. Wikang ingles ang ginamit ng nars sa pagpapabatid sa Pangulo na may panauhin. Ganito ang sinabi, "Mr. President, the prest is
Nang magpilit ang pari ay sinabi ng nars na maghintay nang ilang saglit pagka't ipagbibigay-alam muna niya sa maysakit ang kanyang pagdating. Wikang ingles ang ginamit ng nars sa pagpapabatid sa Pangulo na may panauhin. Ganito ang sinabi, "Mr. President, the priest is here."
Inakala ng Pangulo na ang kanyang panauhin ay isang mamamahayag. Ang pasigaw nautos ng Pangulo ay, "Sabihin mo sa 'press' na pumunta sa impyerno." Subali't bago niya natapos ang pangungusap na ito ay nakapasok na ang pari sa silid ng Pangulo at narinig ang pahayag na yaon.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong : Ano ang paksa ng anekdota? Sino-sino ang tauhan? Saan naganap ang mga pangyayari sa teksto? Anong motibo ng may-akda ang ibig niyang ipabatid sa mga mambabasa? Anong paraan ng pagsulat ang ginawa ng may- akda?
Pagsusuri ng binasang akda sa pahina, tauhan,tagpuan, motibo ng awtor, paraan ng pagsulat at iba pa ( F10PBIIIb-81)
Sasagutan ang inihandang grapikong pantulong na inihanda ng guro para sa mga mag-aaral.
Ayon kay Nelson Mandela, kapag kinausap mo ang isang tao sa wikang ginagamit niya ay mapupunta it sa kanyang puso. Ngunit kung ika’y makikipag-usap gamit ang wikang iyong naiintindihan ngunit hindi mo naman kabisado, Ano ang iyong gagawin upang matiyak na naipaabot mo ang iyong mensahe at kayong nagkakaintindihan ng iyong kausap?
Narito ang sagot sa tanong, ang apat na sangkap sa paglinang ng kasanayang komunikatibo. Partikular na nakatutulong ang mga ito sa mga taong nag-aaral ng bagong wika. Mababasa sa ibaba ang apat na komponent ng kasanayang komunikatibo ayon kina Michael Canale at Merril Swain.
GRAMATIKAL Ang komponent na nagbibigaykakayahan sa nagsasalita upang epektibong makipagtalastasan gamit ang angkop na mga tuntuning pang-gramatika.
GRAMATIKAL Mahalagang batid niya ang tuntuning pang-gramatika dahil magagamit ang mga ito sa epektibong pagbuo ng salita, pangungusap, tamang pagbigkas,pagbaybay at maging sa pagbibigay kahulugan sa salita.
GRAMATIKAL Mahalagang batid niya ang tuntuning pang-gramatika dahil magagamit ang mga ito sa epektibong pagbuo ng salita, pangungusap, tamang pagbigkas,pagbaybay at maging sa pagbibigay kahulugan sa salita.
GRAMATIKAL 1. Anong salita ang angkop gamitin? 2. Paano magagamit nang tama ang mga salita sa mga parirala at pangungusap?
SOSYO-LINGGUWISTIK Ang komponent na nagbibigaykakayahan sa nagsasalita upang magamit ang salitang naaangkop sa sitawsyon at sa kontekstong sosyal ng lugar kung saan ginagamit ang wika.
SOSYO-LINGGUWISTIK Kailangang alam at magamit ang salitang angkop para sa hinihinging pagkakataon. Dito makikilala ang pagkakaiba ng isang taong mahusay lang magsalita kompara sa isang katutubong nagsasalita ng wika.
SOSYO-LINGGUWISTIK Madalas, ang isang mahusay lang magsalita ay maaaring magkamali sa pagpili ng salitang gagamitin na puwedeng magbigay ng impresyon sa tagapakinig na siya'y walang galang, mayabang , o naiiba.
SOSYO-LINGGUWISTIK Sa pakikipag-usap, importanteng malaman natin kung anong mga wika ang ginagamit, ng iyong kausap, hindi kung ano lang ang kanyang naiintindihan na wika. Isinasaalang rin sa sosyo-lingguwistik na diskorsal kung anong salita ang angkop sa isang partikular na lugar.
1.Anong salita o parirala ang angkop sa partikular na lugar sitwasyon? 2.Paano maipahahayag nang maayos at hindi mabibigyan ng iba o maling inteprerasyon ang inilalahad na paggalang, pakikipagkaibigan, paninindigan at iba pa?
3. Paano ko makikilala ang kaugalian at kulturang taglay ng isang tao sa pamamagitan ng mga salitang kanyang ginagamit?
DISKORSAL Ang komponent na nagbibigaykakayahang magamit ang wikang binibigkas at wikang ginagamit sa pagsulat sa makabuluhang paraan upang maipabatid ang mensahe at maunawaan din ang tinatanggap na mensahe.
DISKORSAL
Dito binibigyan ng wastong interpretasyon ang salita, pangugusap o pahayag upang makabuo ng isang mas malawak at malalim na kahulugan.
DISKORSAL Tinuturo ng paraang diskorsal kung sa paanong paraang ang mga salita, parirala, at pangugusap ay mapagsasama-sama o mapaguugnay-ugnay upang makabuo ng maayos na usapan , sanaysay, talumpati, e-mail at artikulo.
1. Sa paanong paraang ang mga salita, parirala at pangungusap ay mapagsama-sama o mapaguugnay-ugnay upang makabuo ng maaayos na usapan, sanaysay, talumpati, e-mail, artikulo?
STRATEGIC Ang komponent na nagbibigaykakayahang magamit ang berbal at hindi berbal na mga hudyat upang maihatid nang mas malinaw ang mensahe at maiwasan o maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan o mga puwang (gaps) sa komunikasyon.
STRATEGIC
Sa isang bagong nag-aaral ng salita na hindi pa bihasa sa paggamit ng wikang binibigkas ay makatutulong ang paggamit ng mga hindi berbal na hudyat tulad ng kumpas ng kamay, tindig, at ekspresyon ng mukha upang maipaabot ang tamang mensahe.
STRATEGIC Maging ang mga katutubong nagsasalita ng isang wika ay gumagamit din ng strategic kapag minsang nakalimutan ang tawag sa isang bagay o nasa “dulo na ito ng kanilang dila” at hindi agad maalala ang tamang salita.
STRATEGIC Kilala rito ang mga Pilipino na madalas isinesenyas sa pamamagitan ng nguso o pagkumpas ng kamay kapag tinatanong kung nasaan ang isang lugar.
STRATEGIC Isinasaalang-alang sa strategic na diskorsal kung paano malalaman kung hindi mo pala naunawaan ang ibig sabihin ng kausap mo o kung hindi niya naunawaan ang gusto mong iparating at kung ano ang sasabihin o gagawin mo upang maayos ito.
STRATEGIC Itinuturo rin dito kung paano ipahahayag ang iyong pananaw nang hindi mabibigyan ng maling interpretasyon ang iyong sasabihin kung hindi mo alam ang tawag sa isang bagay.
Ang apat na komponento ay dapat isinasaalangalang sa pakikipag-usap sa isang tao upang kayo ay mas magkaintindihan. Ang hindi berbal na mga hudyat ay malaki rin tulong upang magkaunawaan pa rin kayo ng iyong kausap kahit na hindi ka bihasa sa wikang kanyang ginagamit.