9

  • Uploaded by: Beryl Bautista
  • 0
  • 0
  • October 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View 9 as PDF for free.

More details

  • Words: 1,079
  • Pages: 6
Republic of the Philippines Region IV-A CALABARZON Department of Education District of Tanay II-A Banghay Aralin sa Health 3 I.

Layunin:  Naipapakita ang pag-unawa sa mga panganib upang matiyak ang kaligtasan sa kalsada at komunidad o pamayanan.  Naisasagawa ang pagsunod sa mga pangkaligtasang tuntunin sa kalsada/ kalye at maging sa pamayanan.  Napapahalagahan ang mga naitutulong ng mga pananda sa kalsada (traffic signs).

II.

Paksang Aralin: Maging Ligtas sa Kalsada Sanggunian: Kagamitan: Larawan ng iba’t-ibang pananda sa kalsada, Powerpoint Presentation, at Tarpapel. Pagpapahalaga: Paggalang at pag-unawa sa iba’t-ibang pananda sa kalsada.

III.

Pamamaraan Gawain ng Guro

Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagbati 3. Pagtsek ng Attendance 4. Pagbabalik- Aral Mga bata handa na ba kayo? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Buuin ang kahulugan ng bawat jumbled letters na nasa itaas ng mga kulay. opst

owsl odwn

og Stop, Slow down, Go

Lahat tayo ay tumayo at magmamartsa nang sabaysabay. Tumingin sa hawak kong flaglets na may tatlong kulay. Isa-isa kong itataas ang bawat kulay at isagawa ang mga sumusunod: Pula- Stop o Hinto Yellow- Slow Down o Bagalan Berde- Go o Diretso o Patuloy

Mga bata saang lugar ninyo madalas makita ang mga ganitong kulay?

Ma’am , sa mga kalsada po

Magaling! Bigyan natin siya ng shake-shake clap. (ang lahat ng mag-aaral ay papalakpak). Bukod sa mga kulay na ito, anu-ano pang mga traffic sign ang makikita ninyo sa kalsada? Ma’am, mga babala po.

2. Paglalahad Magpapakita ang guro ng isang video clip sa mga bata patungkol sa mga Road Signals na makikita sa mga kalsada.(Ngunit bago simulan ang panunood itatanong sa mga bata ang mga dapat isaalang-alang ng mga mag-aaral habang nanunood ng video clip).

3. Pagtatalakay Ipakita ang mga larawan ng mga Road Sign na makikita sa kalsada sa pamamagitan ng isang powerpoint presentation

Ilaw trapiko o Traffic Light

Huminto

Pook Tawiran o Pedestrian Lane

Hintuan ng Bus

Riles ng Train

Ilaw para sa Tawiran

Tumahimik Manood ng mabuti Umupo ng maayos

Ϻay ilang kulay ang ilaw trapiko?

Ma’am, tatlo po

Tama! Ano ang ibig sabihin ng bawat kulay ng ilaw?

Ma’am, pula- tumigil, dilaw- bumagal, berde- magpatuloy

Magaling! Kung ikaw ay mag- aabang ng bus, saan ka dapat pumunta? Bakit?

Ma’am sa bus stop po, dahil dito po humihinto ang bus kung may sasakay pong pasahero.

Mahusay! Bigyan natin siya ng angel clap. (ang lahat ng mag-aaral ay papalakpak). Ano ang kahulugan ng salitang STOP?

Ma’am, paghinto po

Anong marka ang iyong makikita sa riles ng tren? Ma’am, X po Maaari ba tayong dumaan dito? Bakit? Ma’am, hindi po, dahil tanging mga tren po lamang ang maaring dumaan dito. Tama! Saan ka dapat tumawid kapag gusto mong pumunta sa kabilang kalsada? Ma’am sa tawiran po ng tao o pedestrian lane. Bakit dito ka dapat tumawid?

Ma’am, dahil dito po ang tamang tawiran ng tao, at upang maging ligtas po tayo sa pagtawid.

Magaling! Bigyan natin siya ng spaghetti clap. (ang lahat ng mag-aaral ay papalakpak). Anu-ano ang mga kulay ng dalawang ilaw na may hugis taoang nakikita ninyo? Ano ang ibig sabihin ng bawat- isa?

Ma’am, pula at berde po. Ang ibig sabihin po ng pulang kulay ay senyales na bawal pa pong tumawid at ang berdeng kulay naman po ay senyales na maaari nang tumawid ang mga tao.

Mahusay! Bigyan natin siya ng Aling Dionisia clap. (ang lahat ng mag-aaral ay papalakpak). Dapat ba nating sundin ang bawat pananda sa kalsada o road signals? Bakit?

Ma’am, Opo, Dahil po sa pamamagitan ng pagsunod natin sa mga pananda sa kalsada ay mamaging ligtas po ang

bawat isa at maiwasan ang anumang kapahamakan o sakuna sa kalsada.

Magaling na mga bata! Ngayon ay malinaw na sa inyo ang iba’t- ibang pananda sa kalsada o road signals na makatutulong upang tayo’y maging ligtas sa kalsada.

Pangkatang Gawain Ang guro ay maghahanda ng pangkatang gawain at bubuo ng tatlong (3) pangkat. (Ngunit bago ibigay ang pangkatang gawain itatanong sa mga bata ang mga dapat isaalang-alang ng mga mag-aaral habang gumagawa ng pangkatang gawain at pagkatapos ng bawat pangkat ay kinakailangang gumawa ng isang kanta upang masabing sila ay tapos na.)

Gumawa ng tahimik. Tumulong sa kamag-aral Maki-isa

Pangkat I- Buuin ang puzzle at sabihin ang ipinakitang kahalagahan nito.

Kahalagahan:

Pangkat II- Isa-isahing banggitin ang pangalan ng mga pananda sa kalsada o road signals na nasa larawan. Traffic light

Riles ng tren

Hintuan ng Bus

Pangkat III- Bumuo ng isang maayos at ligtas na kalsada sa pamamagitan ng pagdidikit ng mga pananda sa kalsada road signals.

Pangkat 1- Aizalyn Pangkat 2- Darlyn Pangkat 3- Keziah

4. Paglalapat (Magbibigay ang guro ng mga sitwasyon. Pipili ang mag-aaral sa loob ng kahon ng tamang sagot ayon sa sitwasyon na ibibigay ng guro)

Huminto

Pook Tawiran o Pedestrian Lane

Pedestrian lane

Bus Stop

Riles ng tren

Huminto

Sitwasyon 1. Isang umaga habang naglalakad si Maria patungong palengke ay nakita niya ang kanyang matalik na kaibigan na si Ana. Nais sana niyang puntahan si Ana ngunit ito ay nasa kabilang bahagi ng kalsada. Ano ang road signal ang kailangan ni Maria upang makapunta sa kabilang bahagi ng kalsada kung saan naroon ang kaniyang kaibigan si Ana?

Pedestrian lane o pook tawiran

Sitwasyon 2. Sabado ng umaga, maagaang naggayak ang pamilya ni Aling Susan. Ito’y dahil napagpasyahan nilang mamamasyal sa mall sa bayan. Tanging bus lamang ang maaari nilang masakyan patungo sa bayan. Saan lugar nararapat maghintay ng bus sila Aling Susan?

Bus Stop o hintuan ng bus

Sitwasyon 3. Ang magkakaibigang sina Peter, Nelson at Carlo ay masayang naglilibot sa kanilang barangay. Libang na libang ang magkakaibigan sa mga lugar na kanilang pinuntahan. Hanggang sa hindi na nila namalayan sila ay nakarating na sa istasyon ng tren. Napahinto sila ng mapansin ang isang malaking road signal. Kung kaya’t agad na umalis ang magkakaibigan sa lugar na iyon. Anong road signal ang nakita nila Peter, Nelson at Carlo?

Riles ng Tren

5. Paglalahat Bakit mahalaga na malaman at maunawaan natin ang ibat-ibang pananda sa kalsada o Road Signals?

IV. Pagtataya Panuto: Pag-ugnayin ang hanay A at hanay B sa pamamagitan ng linya. Hanay A 1.

Hanay B a. Pook Tawiran

Upang maging ligtas po tayo sa kalsada at maiwasan ang anumang kapahamakan at sakuna.

2

3.

b. Ilaw Trapiko

c. Huminto

d. Riles ng tren

4.

5.

e. Hintuan ng bus

V. Takdang Aralin: Gamit ang mga lumang karton, gumuhit ng iba’t- ibang traffic signals at road signals. Lagyan ito ng kulay at isulat ang bawat kahulugan nito.

Related Documents

Colegio 9 9 9
June 2020 51
9-9
July 2020 40
9
July 2020 8
9
November 2019 12
9
November 2019 11
9
December 2019 14

More Documents from ""