Department of Education Region VI – Western Visayas Division of Aklan District of Banga
BACAN NATIONAL HIGH SCHOOL Bacan, Banga, Aklan S.Y. 2018-2019
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8 Pangalan: _______________________________
Section: ____________
Petsa: ______________
Marka: ___________
I. PAGPIPILI Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at piliin ang pinakaangkop na sagot sa bawat bilang. (1 puntos) 1. Kinausap ka ng kasintahan mo at sinabing nag-aalinlangan siya sa pag-ibig mo. Masyado ka raw mailap sa kaniya. Sa pagaalala mong iwan ka niya, tinanong mo siya kung ano ang kailangan upang mapatunayan mong talagang mahal mo siya. Tinitigan ka niya at tinanong, “Kung talagang mahal mo ako, handa ka bang ibigay ang sarili mo sa akin kahit hindi pa tayo magasawa?” Bilang isang mapanagutang lalaki o babae, ano ang gagawin mo? a. Makikipaghiwalay sa kasintahan, dahil hindi ka pa handa sa nais niya. b. Isusumbong siya sa mga magulang niya upang hindi siya mapariwara. c. Kakausapin siya at sasabihing kapwa pa kayo hindi handa para sa ganitong uri ng ugnayan. d. Magtatanong o kukunsulta sa guidance counselor o sa guro dahil ikaw ay nalilito. 2. Nakaramdam ka ng paghanga sa iyong kaibigan. Sapagkat ikaw ang itinuturing niyang best friend, pinakiusapan ka niya na maging tulay upang mapalapit sa iyong kaklase na kaniyang naiibigan. Pumayag ka ngunit habang sila’y unti-unti nang nagkakamabutihan ay nasasaktan ka at nakakaramdam ng pagseselos. Ano ang iyong gagawin? a. Hindi na ipagpapatuloy ang pagiging tulay upang hindi sila lubos na magkalapit. b. Kakausapin ang kaibigan at sasabihin ang nararamdaman. c. Kokonsulta sa ibang mga kaibigan upang malaman ang dapat gawin. d. Sasangguni sa guro o guidance counselor. 3. Niyayaya ka ng iyong mga kaklase na manood ng mga pelikulang may malalaswang tema. Halos lahat ng malapit mong kaibigan ay sasama sa kaniya. Kailangan daw nilang gawin ito upang hind maging mangmang tungkol sa sex. Ano ang gagawin mo? a. Isusumbong ang iyong kaklase sa inyong guro o sa kaniyang mga magulang, sapagkat alam mong makasasama sa kanilang murang isip ang pornograpiya. b. Hindi sasama sa kanila, uuwi na lamang at pababayaan sila sa gusto nila. c. Kakausapin ang mga kaibigan, at hihimukin silang huwag gawin ito dahil ito’y hindi makabubuti sa kanila. d. Natural lamang sa mga kabataan ang mag-eksperimento, kaya’t sasama ka sa kanila. 4. Ang sekswalidad kung gayon ay ang behikulo upang maging ganap na tao - lalaki o babae - na ninanais mong maging. Hindi ito pisikal o bayolohikal na kakanyahan lamang. a. Ang sekswalidad ay ang kabuuan ng iyong pagkatao. b. Ang sekswalidad ay daan upang maging ganap na tao. c. Maaari mong piliin ang iyong sekswalidad. d. Mahalaga ang iyong pagiging lalaki o babae sa pipiliin mong kurso o karera balang araw. 5. Isang moral na hamon sa bawat tao ang pagbubuo ng sekswalidad at pagkatao upang maging ganap ang pagkababae o pagkalalaki. a. Hindi moral ang taong hindi buo ang sekswalidad at pagkatao. b. Ang lalaki ay dapat na lalaki sa sekswalidad at pagkatao, ganoon din naman ang babae. c. Maaaring hindi magtugma ang sekswalidad at pagkatao ng tao. d. Mahalagang behikulo ng pagpapakatao ang sekswalidad. 6. “Tao lamang ang may kakayahang magmahal, at ang tao lamang ang makapagsisilang ng isa pang tao, na tulad niya ay may kakayahang magmahal. Ang kakayahang ito na magmahal – at maghatid ng pagmamahal sa mundo – ang likas na nagpapadakila sa tao.” a. Ang tao ay nilikhang sekswal kaya siya ay kabahagi ng Diyos sa Kaniyang pagiging Manlilikha. b. Higit na mahalaga ang kakayahang magmahal ng tao kaysa sa kaniyang kakayahang magsilang ng sanggol, dahil ito ang nagpapadakila sa kaniya. c. Ang tao ay likas na dakila dahil siya’y nilikhang kawangis ng Diyos. d. Mas marami ang mga anak mas dakila ang isang tao. 7. Ang sumusunod ay mga umiiral na karahasan sa paaralan maliban sa: a. Pambubulas b. Pandaraya c. Fraternity 8. Ang sumusunod ay mga sanhi ng pambubulas sa paaralan maliban sa: a. Pagkakaranas ng karahasan sa tahanan b. Paghahanap ng mapagkatuwaan c. Pagkakaroon ng pagkakaibang pisikal d. Pagkakaroon ng mababang marka sa klase
d. Gang
9. Ano ang nararapat na tugon ng mga may kinauukulan ng paaralan sa pambubulas? a. Hindi iintindihin dahil natural lamang sa mga kabataan ang kalikutan. b. Pagalitan ang nambubulas pagkatapos ay pabalikin sa klase. c. Suspindihin ang gumagawa ng pambubulas sa paaralan. d. Humanap ng pangmatagalan at mabisang paraan sa pagsupil sa karahasan sa paaralan. 10. Bakit may mga mag-aaral na sumasali sa fraternity at gang? a. Wala silang mapaglaanan ng kanilang oras. c. Kulang sila ng atensyon mula sa kanilang mga magulang. b. May kikilala sa kanila bilang kapatid. d. Marami ang lalaban para sa kanila kung masangkot sila sa gulo. 11. Maiwasan at masupil ng mga mag-aaral ang karahasan sa paaralan sa pamamagitan ng a. Pagsunod sa payo ng mga magulang c. Pag-aaral nang mabuti b. Paggalang sa awtoridad ng paaralan d. Pagmamahal sa sarili at sa kapwa at paggalang sa buhay 12. Kailangan sa pagmamahal ang paggalang sa sarili sapagkat a. Nakatutulong ito sa pagbuo ng malusog at mapanagutang pananaw sa buhay. b. Nakatutulong ito sa pag-unawa sa mga gumagawa ng karahasan sa paaralan. c. Nakatutulong ito sa paghanap ng paraan paano mapansin at mahalin ng iba. d. Nakatutulong ito sa pagbuo ng mga pangarap sa buhay habang nag-aaral. 13. Ang sumusunod ay kailangan sa pagmamahal sa kapwa maliban sa a. Pagtanggap sa kaniya anuman ang estado niya sa buhay b. Pagbibigay sa kaniya sa lahat ng nais niya sa buhay c. Paggalang sa kaniyang dignidad bilang tao d. Pagmamahal sa kaniya na may kaakibat na katarungan 14. Ano ang pinakamaituturing na dahilan kung bakit dapat iwasan at supilin ang mga karahasan sa paaralan? a. Upang makatuon sa pag-aaral b. Upang wala ng banta sa buhay sa loob ng paaralan c. Upang mabawasan ang pagliban o paghinto sa pag-aral d. Upang wala ng suliranin ang mga magulang at ang awtoridad ng paaralan Para sa 15 - 20, kung ang may access sa internet sa Pilipinas ay 16% lang, ano ang implikasyon nito kung: 15. Online ang pag-eenrol sa mga pangunahing pamantasan sa Pilipinas? a. Nararapat na maging bahagi ng kurikulum sa sekundarya ang paggamit ng computer b. Ang mga may access lamang ang makapag-aaral sa mahuhusay na pamantasan sa Pilipinas. c. Isang paraan ng pagsasala ng mga mag-aaral ang online na pag-eenrol sa mga pangunahing pamantasan sa Pilipinas d. Obligasyon ng pamahalaan na bigyan ng computer ang lahat ng pamilya sa bansa. 16. Online ang pagpapasa ng aplikasyon sa mga pangunahing kumpanya sa bansa? a. Pangunahing pangangailangan na ngayon ang pagiging computer literate sa pagpasok sa mga kumpanya b. Maliit lamang ang pagkakataon na makapasok sa isang pangunahing kumpanya sa bansa ang isang mahirap na tao c. Hindi mahusay ang kumpanya kung hindi online ang pagpapasa ng aplikasyon dito d. Mahirap makapasok sa isanng pangunahing kumpanya sa Pilipinas 17. Online ang pagpapasa ng mga aplikasyon para sa mga mahahalagang dokumentong personal tulad ng birth certificate? a. Magiging mas mabilis ang pagkuha ng mga personal na mahahalagang dokumento b. Hindi kailangang pumila ng mahaba at maghintay ng matagal sa pagkuha ng mahalagang dokumento c. Mahihirapang kumuha ng mga mahahalagang personal na dokumento ang taong walang access sa IT d. Hindi na dapat obligahin ang isang mahirap na tao na kumuha ng mga dokumentong ito 18. Online ang pagbabayad sa mga pangunahing serbisyo tulad ng kuryente at tubig? a. Hindi nito maapektuhan ang mga informal settlers dahil wala silang access sa mga pangunahing serbisyong ito b. Magiging madali na ang pagbabayad ng mga pangunahing serbisyo c. Uunlad ang negosyong internet cafe d. Pipila rin sa mga internet café ang mga Pilipinong nais magbayad ng mga pangunahing serbisyo 19. Online ang pagkuha ng mga mahahalagang pagsusulit tulad ng Professional Board Examination? a. Mga mayayaman na lamang ang makakukuha ng mga mahahalagang pagsusulit b. Uunlad ang negosyong internet cafe c. Hindi nito maapektuhan ang mga karaniwang mamamayan na high school lang ang natapos d. Hindi lahat ng mamamayan ay makakukuha ng mga mahahalagang pagsusulit 20. Batay sa mga naging sagot mo sa bilang 1 hanggang 5, nalalabag ng agwat teknolohikal ang batas moral dahil sa: a. Nagiging dahilan ito upang manatiling mahirap ang mahihirap b. Nakahahadlang ito sa pakikinabang sa mga pangunahing pangangailangan ng tao sa pag-aangat ng kaniyang kalagayan sa buhay c. Natatapakan ang mga karapatan ng tao sa pamamagitan ng paglilimita sa kanilang maaaring gawin d. Pinayayaman nito ang iilan tulad ng mga nagmamay-ari ng mga internet café at mga may pagawaan ng makabagong teknolohiya at mga nagbebenta nito
21. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit nangingibang bansa ang karamihan ng mga Pilipino? a. Makapaglibang b. Makapag-aral c. Makapagtrabaho
d. Makapagshopping
22. Ano ang iyong mararamdaman kapag ang iyong mga magulang ay kailangang magtrabaho at mapalayo sa inyong pamilya? a. Magagalak sa pag-aabroad dahil sila ay makapagpupundar ng mga ari-arian at maiaangat ang pamumuhay b. Ang pagkalungkot dahil sila ay mapapalayo sa mga anak at asawa, sa kabila ng ito ay para sa kanilang ikauunlad c. Kasiyahan dahil makakapamasyal sa mga magagandang lugar na mapupuntahan dahil sa pagtatrabaho nila sa ibang bansa d. Mag-aalala dahil sa gagastusing pera para makapagabroad 23. Ano ang pananaw mo ukol sa konsepto ng Migrasyon? a. Ang migrasyon ay ang pamamasyal sa isang lugar para maglibang b. Ang migrasyon ay ang paglakbay at pagtira sa ibang lugar o bansa, sa kadahilanang gustong makapagtrabaho at makapanirahan sa ibang bansa. c. Ang migrasyon ay ang paglipat-lipat o paglalakbay sa mga iba’t ibang bansa upang bumisita sa mga kamag-anak. d. Ang migrasyon ay ang pagtitipun-tipon at pamamasyal para mabisita ang mga kamag-anak sa ibang bansa 24. Ano sa iyong pananaw ang tunay na dahilan ng migrasyon? a. Kakulangan ng mapapasukang trabaho at mababang pasahod para sa mga manggagawang Pilipino b. Kagustuhang makapagpundar ng mga bahay at kagamitan c. Kagustuhang makarating at makapamasyal sa mga iba’t ibang bansa d. Upang mabayaran ang lahat ng mga pagkakautang 25. Alin ang positibong epekto ang naidudulot ng migrasyon sa pamilya? a. Ang makapaglibang at makapamasyal sa mga magagandang lugar b. Nakatutugon sa mga pangangailangang pangkabuhayan para maitaguyod ang mas maginhawang pamumuhay ng pamilya c. Ang pag-usbong ng makabago at mas mabilis na paraan ng komunikasyon d. Ang pagkakaroon ng mga imported na kagamitan 26. Ano ang iyong pakahulugan sa transnasyunal na pamilya? a. Ang ama ang siyang pangunahing naghahapbuhay para sa pangangailangan ng pamilya b. Ang ina ay naghahanapbuhay para maitaguyod ang mga pangangailangan ng pamilya, katuwang ng asawa c. Ang pagkakaroon ng kaunting anak dahil sa pagpaplano ng pamilya d. Ang mga miyembro ng pamilya naninirahan sa Pilipinas, ang ina o ama ay nasa ibang bansa para makapagtrabaho 27. Ano ang negatibong epekto ng migrasyon sa pamilyang Pilipino para sa iyo? a. Ang posibilidad na maging dayuhan sa sariling bayan b. Ang pagbabago ng tradisyunal na pamilya sa transnasyunal na pamilya c. Ang pagtangkilik sa mga gawang dayuhan d. Ang pagkakaroon ng hindi pakakaunawaan ng magkakapatid 28. Sa paanong paraan makaiiwas sa epekto ng migrasyon na pagbabago sa mga pagpapahalaga at pamamaraan sa pamumuhay? a. Huwag papansinin ang mga makabagong teknolohiya at pamamaraan sa buhay. b. Ang malalim na pagkakahubog ng mga magulang sa mga anak ukol sa mga pagpapahalaga at kultura bilang isang tunay na Pilipino c. Ang hindi pagtanggap sa mga pagbabagong dulot ng globalisasyon d. Ang pagtangkilik sa sariling gawang Pilipino 29. Ano ang isang mabisang paraan para maiwasan at mapaghandaan ang isa sa mga epekto ng migrasyon sa pamilyang Pilipino ukol sa paghihiwalay ng mag-asawa? a. Panatilihin ang bukas na komunikasyon sa isa’t isa b. Pagkakaroon ng matatag na pagmamahalan, respeto at tiwala sa isa’t isa c. Ang madalas na pag-uwi ng asawang nagtatrabaho sa ibang bansa d. Ang pagkakaroon ng mga counselling centers 30. Sino ang pangunahing naaapektuhan ng mga banta ng migrasyon sa pamilyang Pilipino? a. Ang asawang naiiwan sa pamilya c. Ang mga anak b. Ang Pamilya d. Ang asawang nagtatrabaho sa ibang bansa III. PAGPAPALIWANAG Panuto: Ipaliwanag ang bawat katanungan sa ibaba. (5 puntos) 1. Ano ang dahilan kung bakit umiiral ang karahasan sa paaralan? Talakayin. 2. Paano ganap na masusugpo ang mga karahasan sa paaralan? Ipaliwanag.
Inihanda ni: Jeanny Bhie A. Gari, LPT
Pangalan at Lagda ng Magulang: ___________________________________