3q Fil4

  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View 3q Fil4 as PDF for free.

More details

  • Words: 1,168
  • Pages: 5
3rd Q – FILIPINO I.

PAGBASA - ANG ALAMAT NG MAKOPA

A. PANUTO: Piliin ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. (5) ________

1.

Tila mga kamapanang magkakabit ang kumpol ng makopa. A. bulaklak C. pulutong o sama-sama B. dahon D. sanga

________

2

Ang tunog ng mga kampana ay kaiga-igaya sa madla. A. napakalakas B. napakaingay C. kalungkot-lungkot D. katuwa-tuwa

________

3.

Ang mga kampana ay naghuhudyat ng mga kalamidad. A. sumesenyas B. nagbabalita C. nangangahulugan D. nagpaparinig

________

4.

Kapag natatanaw ni Pedro kampanero ang mga pirata, kinakalembang niya ang mga kampana bilang babala sa mga taong bayan. A. nasasalubong B. naririnig C. nakikita D. nababalitaan

________

5.

Ang matandang babae ay ulyanin na. A. masungit B. malimutin C. mahina ang boses D. matamlay

PANUTO: Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa patlang. (5) ________

6.

Sa talata 10, ano ang damdamin ng mga tao nang “halos hindi kumukurap” silang nakinig sa kuwento ng matandang babae? A. pagkamangha C. pagtataka B. pag-aalala D. pagkalungkot

________

7.

Bakit hindi masalakay ng mga pirata ang bayan? A. Mahirap makapasok dito dahil sa mga bundok. B. Masyadong maraming sundalo sa bayan. C. Palaging nabibigyan ni Pedro ng babala ang mga tao sa pamamagitan ng mga kampana. D. Matatapang ang mga taong-bayan.

________

8.

Sa Talata 5, anong pang-uri ang maaaring magamit sa paglarawan sa boses ng pinuno ng mga pirata nang “halos lumabas ang litid” nito sa pagsigaw? A. malumanay C. nakakatakot B. napakalakas D. nanginginig

2 ________

9.

Bakit hindi pinatunog ni Pedro ang kampana nang nakita niyang padating ang mga pirata? A. Ayaw niyang mapahamak ang mga taong-bayan. B. Masyadong madilim sa kampanilya. C. Wala nang oras para bigyan ng babala ang mga tao. D. A at C E. A at B

________

10.

Ano ang hindi nangyari sa kwento? A. Sinugod ng mga pirata ang bayan. B. Nakuha ng mga pirata ang mga kampana. C. Nawala ang mga kampana nang gabing sumugod ang mga pirata. D. May tumubong halaman sa likod ng simbahan.

Anong katangian ni Pedro ang kahanga-hanga ayon sa kwento? Paano mo matutularan si Pedro sa pang araw-araw mong buhay? Magbigay ng halimbawa. (4 pts) ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ B. SANHI AT BUNGA PANUTO: Piliin sa Hanay B ang titik ng bunga ng mga sanhi sa Hanay A. (5) Hanay A

Hanay B

_____1. Nawala ang mga kampana at si Pedro nang gabing manalakay ang mga pirata.

A. Nalungkot ang mga taongbayan.

____ 2.

Palaging nabibigyan ni Pedro kampanero ng babala ang mga tao tuwing natatanaw niya ang mga pirata sa baybayin.

B. May tumubong kakaibang halaman sa likod ng simbahan at nagbunga ng mga mapupulang prutas na hugis kampana.

____ 3.

Napasigaw nang malakas ang pinuno ng mga pirata nang makitang nawawala ang mga kampana.

C. Hindi agad naikuwento ng matandang babae sa mga tao ang kabayanihan ni Pedro.

____ 4.

Hindi na muling narinig ng mga taong-bayan ang mga kampana pagkatapos manalakay ang mga pirata.

D. Hindi masalakay ng mga pirata ang bayan.

____ 5.

Ulyanin na ang matandang babae E. Nagising ang mga kalalakihan na nakakita sa mga ginawa ni at tumakbo papunta sa simbahan. Pedro upang hindi mapahamak ang bayan.

3 II. TAYUTAY PANUTO: Isulat ang S kung ang pangungusap ay gumagamit ng simili, M kung metapora, o W kung walang tayutay. (10) ________

1.

Kapansin-pansin ang hugis ng makopa na tila kampana.

________

2.

Ang nanay ko ay ang ilaw ng aming tahanan na nagpapasaya sa aming pamilya.

________

3.

Napakalinaw ng ilog na kanilang dinaanan.

________

4.

Nagsilbing pader ang mga pakpak ng inang ibon para sa kanyang mga inakay.

________

5.

Nagmistulang bato si Anton sa likod ng puno habang naglalaro ng taguan.

________

6.

Tuwang-tuwa ang mga bata sa kanilang mga regalo.

________

7.

Nabuhol ang dila ni Rico nang kausapin siya bigla ng “crush” niyang dalaga.

________

8.

Kasing-gaspang ng buhangin ang talampakan ni Alicia.

________

9.

Isang brilyanteng diyamante ang unang bituin sa kalangitan.

________

10.

Makintab at madulas ang buhok ni Teresa.

III. KATOTOHANAN O OPINYON PANUTO: Bilugan ang K kung ang pangungusap ay nagsasabi ng katotohanan. Bilugan ang O kung ito lamang ay isang opinyon. (5) K

O

1.

Sa palagay ng mga taong-bayan, pulang-pula ang mga makopa dahil dugo ni Pedro ang dumilig sa halaman.

K

O

2.

Dahil sa kabayanihan ni Pedro, hindi nakuha ng mga pirata ang mga kampana.

K

O

3.

Hindi na ulit narinig ng mga taong-bayan ang tunog ng mga kampana.

K

O

4.

Maaaring lumubog si Pedro kasama ng mga kampana sa Ilalim ng lupa.

K

O

5.

Nailigtas ni Pedro ang bayan laban sa mga pirata.

4 IV. PANGHALIP A. PANUTO: Bilugan ang pinakatamang panghalip upang mabuo ang bawat pangungusap. (5) 1. Nakikita mo ba ang mga batang ( ito, iyon, iyan) na naglalaro sa parke sa tapat natin? 2. (Ilan-ilan, Alin-alin, Saan-saan) ang mga kahon na dadalhin sa bahay ni Eric? 3. (Ikaw, Siya, Sila) na ang magsabi ng mga gusto mo para sa Pasko. 4. Iligpit (natin, ninyo, nila) ang ating mga kalat. 5. (Heto, Hayan, Hayun) ang baon mo. Huwag mong gastusin lahat. B. PANUTO: (5) Basahin ang bawat pangungusap. Tukuyin ang uri ng nakasalungguhit na panghalip. Isulat ang titik A - Panao/ Paari B - Pamatlig C - Pananong ________

1.

________ ________ ________ ________

2. 3. 4. 5.

Saang rehiyon ng Pilipinas matatagpuan ang Bulkan ng Mayon? Kayo na ang bahalang magwalis sa bakuran. Nariyan ang walis sa likod ng pintuan. Kakain tayo sa Jollibee pagkatapos magsimba. Nakatira diyan ang pamilya ni JJ Intal.

V. PANG-URI PANUTO: Sumulat ng angkop na pang-uri sa patlang upang mabuo ang pangungusap. Hindi maaari mag-ulit ng pang-uri. Gamitan ng wastong pangangkop ang isusulat na pang-uri. (10) [pahambing – di magkatulad]

1. Para sa akin, _____________ para sa bata ang magbasa ng aklat kaysa maglaro ng mga laruang nagtuturo ng karahasan.

[lantay - pantangi]

2. Maraming librong mabuti para sa mga bata sa tindahang _____________________.

[ pasukdol ]

3. Ang _________________ na mga libro para sa akin ay ang serye ng Harry Potter.

[ lantay - pamilang]

4. ____________ na ang nabasa kong libro sa serye ng Harry Potter.

[ lantay – panlarawan]

5. ___________________ ang mga kwento ng mga karanasan ni Harry sa kanyang patuloy na paglaban kay Voldemort.

[ pasukdol ]

6. Si Hermione ay ang ________________ mag-aaral sa Hogwarts.

5 [pahambing – dimagkatulad]

7. Ang mga manlalaro ng Griffindor ay _____________________ sa taga-Slytherin sa larong Quidditch.

[ lantay – panlarawan]

8. _____________ ang balbas ni Prof. Dumbledore.

[ pahambing magkatulad ]

9. Si Victor Krum at si Cedric Diggory ay ________________ pagdating sa kakayahan sa Triwizard Tournament.

[ pasukdol ]

10. Si Hermione ang ________________ babaeng dumalo sa salu-salo.

PANUTO: Sumulat ng makabuluhang pangungusap na gamit ang ibinigay na pang-uri ayon sa kaantasang hinihingi. (6) 1. magaspang [ pahambing – di magkatulad ] ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ 2. mainam [ pasukdol ] ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ 3. tanyag [ lantay ] ________________________________________________________________ ________________________________________________________________

*** BALIK-ARALAN ANG IYONG MGA SAGOT! ***

Related Documents

3q Fil4
May 2020 4
3q Fil4 Answer Key
May 2020 7
3q
June 2020 10
3q
April 2020 12
3q Cle4
May 2020 5