316444780-banghay-aralin-sa-filipino-10-3-2.docx

  • Uploaded by: Eva Mae L. Anastacio
  • 0
  • 0
  • November 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View 316444780-banghay-aralin-sa-filipino-10-3-2.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 1,146
  • Pages: 6
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10

Aralin 3.2

PANITIKAN: Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia) Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Pamantayang Pangnilalaman

GRAMATIKA at RETORIKA: Diskursong Pagsasalaysay URI NG TEKSTO: Nagsasalaysay URI NG TEKSTO: Nagsasalaysay Makapagmumungkahi at makapaglalapat ng isang matalinong desisyon batay sa pangyayari na makapag-iiwan ng kakintalan o mensahe sa bumabasa PANITIKAN: Paano naiba ang anekdota sa iba pang mga kauri nito?

Pagganap Mga Pokus na Tanong

GRAMATIKA at RETORIKA: Paano nakatutulong ang diskursong pasalaysay sa pagsulat at pagbasa ng mga orihinal na akda?

Mga Kasanayang Pampakatuto TUKLASIN Petsa: Puna: I. LAYUNIN: 1. Masukat ang dating kaalaman tungkol sa anekdota 2. Maunawaan ang tekstong binasa at maiugnay ito sa mga katangian ng anekdota. II. PAKSA: PANITIKAN: Akasya o Kalabasa Consolacion P. Conde Sanggunian: Filipino 10 (Panitikang Pandaigdig) III. PAMAMARAAN: A. Panimulang Gawain Panalangin, pagtsetsek ng attendance at pagsasaayos ng klase

B. Dagliang Gawain Ipabasa ang anekdota ng Akasya o Kalabasa C. Pagtalakay sa Gawain 1. Ang akdang Akasya o Kalabasa ay isang anekdota. Ano-ano ang mga katangian nito? Mga katangian ng anekdota: a. May isang paksang tinatalakay. Ito ay dapat bigyan ng kahulugan sa pagsulat ng anekdota. Lahat ng mga pangyayari ay dapat mabigyan ng kahulugan sa ideyang nais ilahad. b. Ang isang anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang nais nitong ihatid sa mga mambabasa. Di dapat mag-iwan ng anumang bahid ng pag-aalinlangan na may susunod pang mangyayari.

2. Paano naiiba ang anekdota sa iba kauri nito? 3. Ipaliwanag ang mga pangyayari gamit ang diskursong pagsasalaysay . D. Takdang Aralin: 1. Sumulat ng sariling anekdota at isulat sa buong papel. 2. Basahin ang anekdota ni Mullah Nasroddin.

LINANGIN Petsa: Mga Puna: I. LAYUNIN 1. Naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa nabasang anekdota. 2. Naibibigay ang kahulugan ng salita batay sa etimolohiya at kahulugan nito. II. PAKSA PANITIKAN: Mullah Nassreddin (Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles) Sanggunian: Filipino 10 (Panitikang Pandaigdig) III. PAMAMARAAN: A. Panimulang Gawain Panalangin, pagtsetsek ng attendance at pagsasaayos ng klase B. Pagbabalik-aral Ano ang mga katangian ng anekdota? Ano ang anekdota?

C. Paglinang sa Talasalitaan Paglinang ng Talasalitaan A. Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat nang pahilig sa pangungusap. Piliin sa loob ng kahon at isulat lamang ang titik ng iyong sagot sa patlang. a. lumisan b. nalito c. napahiya d. sayangin e. naimbitahan 1. Ang mga taong nakikinig sa kaniya ay nagulumihanan. 2. Ang sermon na ginawa ni Mullah ay dapat pag-aralan at huwag itong aksayahin. 3. Nangimi ang mga nakikinig sa kaniyang Homilya. 4. Muli na naman siyang inanyayahan sa simbahan. 5. Agad siyang umalis matapos makapagsalita sa harap ng mga tao.

D. Pagtalakay sa nilalaman 1. Ilarawan si Mullah. 2. Anong katangian ng pangunahing tauhan ang naibigan mo? Bakit? 3. Anong pamamaraan ng pangunahing tauhan ang ginampanan upang siya ay makilala bilang pinakamahusay sa larangan ng pagpapatawa? 4. Sumasang-ayon ka ba sa paraan ng kaniyang pagtuturo sa mga tao? 5. Sino sa kasalukuyang panahon ang maihahambing natin kay Mullah? Patunayan ang sagot. 6. Anong pangunahing kaisipan ang hatid ng akda sa mambabasa? 7. Kung ikaw ay mabigyan ng pagkakataon na gumawa ng isang anekdota anong paksa ang nais mong isulat? Bakit? 8. Paano naiba ang anekdota sa mga iba pang kauri nito? Masasalamin ba ang kanilang paniniwala at prinsipyo sa kanilang mga isinulat?

E . Paglalagom .

Suriin ang mahalagang bahagi ng anekdota gamit ang grapikong presentasiyon sa LM pahina 258.

F. Takdang Aralin

Basahin ang anekdota ni Saadi at sagutan ang gawain 6.

PAGNILAYAN AT UNAWAIN Petsa: Puna: I. LAYUNIN: 1. Napahahalagahan ang ibang akdang pampanitikan ng ibang bansa 2. Napapalalim ang pag-unawa sa anekdota. II. PAKSA PANITIKAN: Sanggunian: Filipino 10 (Panitikang Pandaigdig)

Paksa: Pagsasaling Wika III. PAMAMARAAN: A. Panimulang Gawain Panalangin, pagtsetsek ng attendance at pagsasaayos ng klase B. Dagliang Gawain Iwasto ang mga kasagutan sa takdang aralin. Pagsasanay 1: A. Isalin mo sa Ingles ang sumusunod na salita. Tagapagbantay ___________________________ Misteryo ___________________________ Nagpagulong-gulong ___________________________ Mahika ___________________________ Kumikinang ___________________________ B. Isalin sa Filipino ang kasunod na talata. There was a great outcryin. The bent backs straighted up, old, and young who were called slaves and could fly joined hands. Say like they would ring-sing but they didn’t shuffle in a circle.

Isalin sa Filipino ang sumusunod: Pagsasanay 2: Suriin ang salin ng mitolohiyang “Maaring Lumipad ang Tao” gamit ang kasunod na talahanayan. Lagyan ng tsek () ang mapipiling eskala: 5 – Napakataas, 4 – Mataas, 3 – Mataas-taas, 2 – Hindi mataas, at 1 – Paunlarin pa.

1. The Kikuyos are large tribe. They speak a beautiful Bantu language and lived on the slopes of Movement Kenya. Kikuyo Literatura ng Africa 2. The Yoruba believe that there is a god, Ori, who supervise people’s choice in heaven. Destiny (Yoruba) Literatura ng Africa 3. In the days of King Solomon, three thousand years ago, there lived in Ethiopia a dynasty of Queen, who reigned with great wisdom. The Queen of Ethiopia (Literatura ng Africa) The Overseer rode after her, hollerin,” Sarah flew over the fences. She flew over the woods, tall trees could not snag her. Nor could the Overseer. She flew like an eagle. Now, until she was gone from sight. No one dared speak about it. Couldn’t belive it. But it was, because they that was there saw that it was. Ang bantay ay nagronda habang humihiyaw, sumisigaw. Samantalang si Sarah at ang kaniyang anak ay lumilipad sa bakuran, sa mga kahoy, sa mga nagtataasang puno na hindi siya nakikita maging ng tagapagbantay. Lumilipad siyang tulad ng isang agila hanggang sa unti-unti na silan

g makita ng mga taong nasa ibaba. Walang sinuman ang makapagsalita tungkol dito, hindi makapaniwala, subalit nakita nila ito.

C. Pagtalakay sa Aralin 1. Anu-ano ang mga dapat na isaalang-alang sa pagsasaling wika? 2. Ano ang mga kasanayan ang kailangan sa pagsasaling wika? 3. Suriin ang ginawang salin at tiyakin kung ginamit ng tagapagsalin ang mga katangian ng isang mahusay sa pagsasaling-wika. D. Paglalagom Ano ang konsepto ng pagsasaling wika?

ILIPAT: Petsa: Puna: I. Layunin 1. Maisalin ng wasto ang napiling teksto. 2. Magamit ang natutunang konsepto ng pagsasaling wika. II. PAKSA Paglilipat: Pagsasaling Wika Sanggunian: Modyul sa Filipino 10 Kagamitan: Manila paper

III. PAMAMARAAN: A. Panimulang Gawain Panalangin, pagtsetsek ng attendance at pagsasaayos ng klase B. Pagsasagawa ng Gawain 1. Ipaliwanag ang gawain at rubric na gagamitin. 2. Papiliin ang mga mag-aaral ng paborito nilang awitin at ipasalin ito sa wikang Pilipino. 3. Bigyan sila ng sapat na oras upang isagawa ang gawain. C. Pagtataya Ipaawit sa mga mag-aaral ang kanilang isinaling awit at markahan ito ayon sa rubric na inihanda at napagkasunduan ng grupo

Katangian Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Sapat na kaalaman sa uri ng panitikang isasalin. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansa kaugnay sa pagsasalin.

1 2

3 4 5

More Documents from "Eva Mae L. Anastacio"

India.docx
November 2019 8
Science.docx
November 2019 7
April 2020 10