3 Fold X 11

  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View 3 Fold X 11 as PDF for free.

More details

  • Words: 1,823
  • Pages: 3
Kasabay sa pagbabago ng inyong buhay, mababago rin natin ang ating bansa tungo sa positibong aspeto ng buhay. Sapagkat sinasabi na kapag may pitong tao na dumadama ng mga positibong emosyon ng sabay-sabay ay sapat na upang makasugpo ng krimen, aksidente sa trapiko, kalamidad at iba pa. Ito ang batas ng atraksyon (law of attraction base on science, at Law of God base on religion) at sinasabi na kung ano ng iyong ini-radiate ay iyong maaatrak. Ang ating lalawigan ng CAVITE ang isa sa nagpasimula ng Rebolusyon upang kalabanin ang mga mananakop na dayuhang kastila, Sa CAVITE rin unang iwinagayway ang ating watawat, simbulo ng ating paglaya sa mga mananakop na dayuhan. At bilang isang CAVITEÑO ay aming kayong iniimbitahan upang sumali sa panibagong Rebolusyon. Isang Rebolusyon na hindi kailangang maraming magbuwis ng buhay, Isang Rebolusyon na walang masasaktan, Isang Rebolusyon sa malinis at tahimik na pamamaraan, at Isang Rebolusyon sa loob lamang ng Pitong Minuto. (7 mins/day) Hindi ba napaka simple ng pamamaraan at kahit sino ay kayang gawin ito, sa loob lamang ng Pitong Minuto ay mababago natin ang ating pamumuhay. Isa ito sa itinago ng mahabang panahon ng mga mayayaman, maykaya sa buhay, at mga kilalang tao sa ating lipunan; ngayon ang teknik na ito ay nasa ating Bansang Pilipinas. Nawa`y gamitin nating mga Pilipino upang sa hinaharap ay Wala nang tatawaging MAHIRAP. ♥♥♥

CHRIST DEVOTION (pitong minuto para sa pagbabago) 8:00PM to 8:07PM Ito ang pangunahing teknik na sinasagawa ng aming grupo upang ipalaganap ang kapayapaan at pagbababgo. Ito ay ginagawa tuwing alas-otso ng gabi (8-8:07pm manila time) Sa inyong pribadong lugar kung saan kayo pwedeng magsagawa nito nang walang istorbo. Kung sakali na kayo ay nasa labas ng bahay; halimbawa naglalakad kayo, nasa trabaho, nakasakay sa bus o jeep o kung nasaan man kayo sa nasabing oras. Tumigil sumandali at manahimik at sumabay sa ating pitong minuto para sa pagbabago.

Umupo ng komportable, mag-relax, ilagay ang inyong mga kamay sa inyong hita na ang palad ay nakataob at pumikit. Pagkatapos mong gawin ito, ituon mo ang iyong buong atensyon sa iyong sentro ng iyong pagkatao at damahin natin nang sabay-sabay ang pitong positibong emosyon.



Damhin ang Saya o Joy ng isang minuto, hanggang sa ikaw na ngayon ay Saya.



Damhin ang Kapayapaan o Peace ng isang minuto, hanggang sa ikaw na ngayon ay Kapayapaan.

 Damhin ang Kaayusan o Harmony ng isang minuto, hanggang sa ikaw na ngayon ay Harmony. 

Damhin ang Sigla o Vitality ng isang minuto, hanggang sa ikaw na ngayon ay Sigla.



Damhin ang Walang Hanggang Kabutihan o Infinite Goodness ng isang minuto, hanggang sa ikaw na ngayon ay Walang hanggang Kabutihan





Damhin ang Kapangyarihan o Power ng isang minuto, hanggang sa ikaw na ngayon ay Kapangyarihan. Damhin ang Pagmamahal at Kabaitan o Love & Kindness ng isang minuto, hanggang sa ikaw na ngayon ay Pagmamahal at Kabaitan.

Hayaan mong damahin ng iyong buong katawan ang bawat positibong emosyon na ito. Pagkatapos mong matapos sa pagdama ng pitong positibong emosyon, ay kailangan mong kalimutan ang mga ito. Makinig ka nalang sa tibok ng iyong puso. (3 mins) Pagkatapos nito ay maaari ka nang dumilat at tumayo at pwede mo nang balikan ang iyong regular na ginagawa tuwing gabi. Kung mayroon kayong CD ng Christ Devotion ay i-play nyo nalang ito at pakinggan upang sumabay sa ating pitong minuto para sa pagbabago. At maaari nyo ring masabayan ito sa pakikinig sa inyong radio sa 1278 khz AM Band Monday – Friday. Gawin mo ito ng 40 na gabi sa nasabing oras 8-8:07pm (manila time) at maida-download mo rin ito sa aming website sa hinaharap.

Kung hindi mo ito maisasagawa sa nasabing oras dahil sa hindi sinasadyang pagkakataon ay pwede mo itong gawin kahit anong oras mong naisin o kung anong oras ka may pagkakataon. Pero mas mabuti kung masasabayan mo kami sa nasabing oras. Ano ang Christ Devotion? (pitong minuto para sa pagbabago) Ang Christ Devotion ay isang teknik o pamamaraan na ginagawa tuwing alas-otso (8 o`clock pm) ng gabi upang ipalaganap ang kapayapaan at magamit nating mga Pilipino upang matupad ang ating mga ambisyon at mga pangarap sa buhay, sa pamamagitan ng sabay-sabay nating pagbabago ng diwa at damdamin. Ito ay kinabibilangan ng iba`t-ibang NGO`s, at pananampalataya sa ating bansa na naghahangad ng kapayapaan at pagbabago (peace & change, not by rally or protest but by means of inner transformation). Ano ang magagawa ng Christ Devotion para ipalaganap ang kayapaan at pagbabago? Ang sabay-sabay na pagbabago ng ating diwa at damdamin ang syang susi upang makamit natin ang kapayapaan at minimithing pagbabago Ayon sa syensya (quantum physics) na kapag may pitong tao na gumagawa nito ng sabaysabay ay kaya nating ipalaganap ang pagbabago na katumbas ng lakas ng isang daan katao (7=100) at sinasabi pa, na ang pitong tao na ito ay sapat na upang makasugpo ng krimen, aksidente sa trapiko, kalamidad at iba pa. At ayon naman sa sinasabi ng bibliya na kapag “May dalawa dito sa lupa na magkaisa sa pag-hingi ng anumang bagay sa inyong panalangin, ay ipagkakaloob ito sa inyo ng aking Amang nasa langit. Sapagkat may dalawa o higit pang nagkakatipon-tipon sa aking pangalan ay naroon ako. (CHRIST) Mt. 18:19-20 Ano pa kaya kung daang-daan, o libu-libo pa sa hinaharap ang gumagawa nito ng sabay-sabay. Kailangan ba nating gumamit ng dahas at armas upang makamit lang ang kapayapaan at pagbabago; sa paggamit lang ng mga ito, marami lang ang pwedeng masawi at marami ring mga inusenteng mga tao ang madadamay. Pwede naman nating gamitin ang teknolohiya nang syensya at gamitin ang

mga pananalita na nasa bibliya upang ating makamit ang kapayapaan at pagbabago. Hindi armas at dahas ang ating gamit kundi ang pagbabago nang ating diwa at damdamin ng sabay-sabay. Bukod sa kapayapaan at pagbabago. Ano pa ang ibang dulot ng Christ Devotion sa ating buhay? Ang Christ Devotion kapag regular mong ginagawa ay may kakayahan itong baguhin ang iyong buhay at may kakayahang umakit ng Magandang Kalusugan, Karangyaan, Kasaganahan, Tagumpay sa Buhay at Kapayapaan ng Kaisipan. (achieve good

health, wealth, prosperity, success & peace of mind) Malaki rin ang maidudulot nito sa pag-sugpo ng krimen o anumang karahasan sa ating lugar. Dahil ito ang epekto ng sabay-sabay nating pagdama ng mga positibong emosyon na nagdudulot ng pagneutralize sa mga negatibong emosyon na nagdudulot ng krimen ito`y ayon kay Dr. John Hagelin isang bihasa sa pisika. (source: google video – Group Meditation for Crime by Dr. John Hagelin) Isipin nalang natin kung walang krimen sa ating lugar. Ano nalang kaya ang dulot nito sa ating

pamilya, sa ating komunidad, sa ating lipunan, at sa ating bansa. Hindi ba, napaka sarap isipin ang mga bagay na ito kung walang karahasan sa ating lugar. Sabi nga ng ating pambansang bayani Gat Jose Rizal na “ang kabataan ang syang pag-asa ng ating bayan” ngayon sinasabi namin na “tayong mga Pilipino ang syang pag-asa at susi para sa pagbabago ng ating bayan at lipunan tungo sa kapayapaan at pagbabago” sa pamamagitan ng ating sabay-sabay na pagbabago ng ating diwa at damdamin tuwing alas-otso ng gabi. Christ Devotion? Ibig sabihin ba nito ay isa itong relihiyon o relihiyosong grupo? Ang Christ Devotion ay hindi isang Relihiyon bagkus kami`y maliit na grupo ng indibiduwal na may hangad ng Kapayapaan, Pagbabago at Maitaas ang Estado ng ating Pamumuhay. Ngunit, dahil sa paggamit namin ng bibliya ay kami po ay naka-rehistro sa ating bansa sa ilalim ng security exchange commission (SEC) bilang non-propit, non-stock, nonpolitical but religious and fraternal organization). Wala kaming sinasabi na mga bagong doktrina o katuruan o maging konbersyon upang umanib sa aming grupo; mas namumuo sa aming grupo ang pagiging

Kapatiran para sa Pagbabago tungo sa Kapayapaan (brotherhood through change for peace) Sinu-sino ang mga qualified kasapi ng Christ Devotion?

maging

Ang kahit sinong indibiduwal na naghahangad ng kapayapaan at pagbabago sa malinis at tahimik na pamamaraan, ano man ang inyong relihiyon, paniniwala, pananampalataya at lahi ay maaaring maging kasapi ng aming grupo. Sa aming grupo ay nahahati sa dalawang kategorya. Aktibong Kasapi – Ang aming grupo ay maraming mga aktibidades sa hinaharap bukod sa 8-8:07pm at kada isang beses sa isang linggo ay may pagkikitang gaganapin upang pag-usapan ang mga bagay na ito. Hindi Aktibong Kasapi – Ito ang mga taong kasapi ng aming grupo ngunit hindi nakakadalo sa ating mga pagtitipon-tipon. Ngunit kanilang ginagawa ang Christ Devotion sa kanilang sariling tahanan. Kung nakatanggap kayo nito ay, ISA NA

KAYONG LIHITIMONG KASAPI O MEMBRO NG AMING GRUPO. (Welcome!!!) (hindi obligado ang sinumang kasapi upang dumalo sa nasabing pagtitipon dahil mas mahalaga ay ang kanilang debosyon tuwing alas-otso ng gabi) Kayo`y aming iniimbitahan sa panibagong Rebolusyon upang ipalaganap ang Kapayapaan sa pamamagian ng ating sabay-sabay na pagabago ng Diwa at Damdamin. Kung kayo`y may mga katanungan, suhestiyon, kumento o nais ninyong malaman ang mga bagong impormasyon ukol sa amin. Mangyari lamang na makipag-ugnayan samin.

Snail Mail: #32 Escoda st. Ph. 5 Bahayang Pag-asa Molino 5, Bacoor, Cavite. Email: [email protected] Website: www.eightoclockmovement.webs.com Phone #:

8 O`CLOCK MOVEMENT

0926-5441-151

Maaari nyo ring ibigay o paramihin o ituro ang teknik na ito sa inyong mga kakilala, kamag-anak o mga kaibigan upang sa ganun ay ating maipalaganap ang kapayapaan. Maaari nyo ring i-email o ilagay sa inyong blog o website.

Lumikha ng magandang pamumuhay sa pamamagin ng inyong pag-iisip. Maiangat ang Estado ng ating Pamumuhay Ipalaganap ang Kapayapaan at Pagbabago Maging Malusog at Mailayo sa sakit Maging Masaya Malabanan ang Global Warming Maatrak ang Kasaganahan, Karangyaan, Tagumpay at Katahimikan ng Kaisipan  Sa loob lamang ng Pitong Minuto tuwing AlasOtso ng gabi (7 mins on 8PM)      

Kami ay mga indibiduwal na nagmula sa lalawigan ng Cavite na may hangad maitaas ang estado ng ating pamumuhay sa pamamagitan ng pagbabago ng ating panloob na katauhan (inner transformation). Nakita namin na isa sa pangunahing dahilan kung bakit naghihirap ang ating bansa, dahil ang ating bansang Pilipinas ay puno ng mga negatibong aspeto ng buhay. Pangalawa, ang mga pamamaraan o mga teknik kung papano tayo aasenso at giginhawa ang ating pamumuhay ay hawak lamang ng mga iilang mayayaman at mga kilalang tao sa ating lipunan at kanila itong tinago sa publiko upang makamtan nila ang kasaganahan at tagumpay na kanilang tinatamasa sa kasalukuyan. At ngayon, amin itong binabahagi at inihahayag sa publiko upang ating magamit sa pangaraw-araw na pamumuhay at makamtan ang magandang Kalusugan, Kasaganahan, Karangyaan, Tagumpay sa Buhay at Katahimikan ng Kaisipan

(good health, wealth, prosperity, success in life and peace of mind). Sapagkat kami`y naniniwala na dapat itong mahayag at maibahagi sa mga nangangailangan upang ating magamit. Ito`y sa pamamagitan ng sabay-sabay nating pagbabago ng Diwa at Damdamin sa loob ng Pitong Minuto tuwing Alas-Otso ng gabi. (7 minutes every 8 o`clock pm)

TAMA NA, SOBRA NA, PALITAN NA TAMA NA… SA PAG-GAMIT NG ARMAS AT DAHAS SOBRA NA… ANG KARAHASAN, KRIMEN, AT PATAYANG NAGAGANAP

PALITAN NA… ANG SISTEMA KUNG PAPANO TAYO MAGKAKAROON NG KAPAYAPAAN AT PAGBABAGO.

Related Documents

3 Fold X 11
June 2020 6
11 X 6 Together
June 2020 2
10-11(x)c
April 2020 3
8.5 X 11 Mailer_7
June 2020 2
Fold Drop
November 2019 22
Windows 3.x
April 2020 13