Zer

  • July 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Zer as PDF for free.

More details

  • Words: 384
  • Pages: 2
“ZER” ELEAZER “ZER” GALIVO GUARDIAN MINAMAHAL NAMING KABABAYAN, ELEAZER G. GUARDIAN; Ipinanganak noong December 12, 1968 sa lalawigan ng Romblon. Ang kanyang mga magulang ay sina Ginoong Alexander M. Guardian at Ginang Manuela M. Galivo na parehong tubong Romblon. Ang kanyang ama na si Alexander M. Guardian ay naging Bgy.Councilor ng Bgy.Ransang na dating sakop ng bayan ng Quezon, Palawan taong 1979. Taong 2002 ang kanyang ama ay itinalaga bilang Provincial Supervisor ng isang mission organization na kilala bilang Asia Evangelistic Fellowship Phls., Inc. hanggang siya ay nag retiro sa kanyang posisyon. Si Ginoong Eleazer Galivo Guardian ay nagtapos ng kanyang pag-aaral sa Elementarya ng Bgy.Ransang. Nagtapos ng sekondarya sa paaralan ng Christian High School Brooke’s Point, Palawan, Nagtapos ng kanyang Vocational Course sa Palawan Polytechnic College noong 2002 sa Puerto Princesa City, Palawan. Siya ay nagkamit ng Excellency Award. Taong 1986 siya ay naging presidente ng 4H Club Movement sa Sitio Danadio Bgy. Barongbarong, Brooke’s Point, Palawan. Taong 2001-2002 siya ay naging isang team leader ng Red Cross mission sa lugar ng Puerto Princesa City. Taong 2004 siya ay nagtatag ng isang NGO na kilala bilang Youth Public Servant Phils, Inc. na narehistro sa Security Exchange Commission noong Oct.4,2004 na ang pangunahing layunin nito ay maproteksyonan ang mga kabataan, maging kaagapay sa edukasyon at kaagapay sa pangkalusugan. Taun-taon ang YPS ay gumaganap ng feeding program at relief distribution. Sa kasalukuyan ay may isang Scholar student ang YPS na nag aaral sa AMA.Taong 2007 Siya ay naging Assistance Provincial Secretary ng Palawan Pastor Fellowship International, Inc.Taong 2009 siya ay itinalaga bilang Municipal Chaplain Coordinator ng National Auxiliary Chaplaincy Phils.,Inc. kasabay nito ang pagtanggap ng isang obligasyon bilang taga pagturo ng isang Livelihood Program patungkol sa Ube Plantation na ang diriktahang kontak ay ang United Christian Chambers of Commerce International, Inc. Siya ay pinagkalooban ng Panginoon ng makakasama habang buhay na si Ginang Marife Besis Guardian, tubong Bataraza, Palawan na isang guro sa J.P.Rizal National High School, at sila ay pinagkalooban ng dalawang anak na sina Timothy John B. Guardian at si Prince Feel Frankincense B. Guardian. Ang kanyang maybahay ay isang ulirang ina, masipag, matiyagang ginagampanan ang kanyang tungkulin sa pamilya at maging sa kanyang propisyon bilang guro. Maraming salamat po sa inyong pagtangkilik. Pagpalain po kayo ng Panginoon…

Mga nagmamahal kay,

ELEAZER “ZER”GUARDIAN

Related Documents

Zer
July 2020 13
Organigrama Zer
May 2020 7
Plural Hurbila Zer Da
December 2019 8
Asmatu Ezazu Zer Den
November 2019 7
Zer Da Html Hizkuntza
November 2019 8
Aatish Zer Pa
November 2019 6