Woman

  • April 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Woman as PDF for free.

More details

  • Words: 3,988
  • Pages: 11
woMAN! (Isang Pagsusuri sa mga Kwentong Buhay ng mga Natatanging Pinay na Tumatahak ng mga Pangkalalakihang Trabaho)

Phi, Jia Arianne*;Butic, Kiel Lara; Hizon, Marc Alison; Ituralde, Nielson Louie; Rivera, Joanna Mae mula sa klase ng 1BSN4, UST Kolehiyo ng Nursing, T.A. 2008-2009. Sa patnubay ni Propesor Zendel M. Taruc, M.Ed. I. Panimula Dati-rati’y nasa bahay lamang ang mga babae at taga-alaga ng mga anak nila. Pagkatapos ay untiunting nabigyan sila ng kalayaang magtrabaho. At ngayon, mabibilang na ang trabahong pangkalalakihang tinatahak ng babae dahil na rin sa mga indibidwalisadong salik. Ang mga hindi tradisyunal na trabaho o “trabahong pangkalalakihan” ay ang mga trabaho kung saan dominante ang bilang ng mga lalaki. Nararapat na hindi tataas sa dalawampu’t limang porsyento ng kabuuang bilang ang mga nagtatrabahong babae upang matawag itong hindi tradisyunal (Wider Opportunities for Women, 2005). Halimbawa ng mga trabahong ito ay ang propesyong inhinyero. Mayroon din namang babaeng nagiging drayber, mekaniko at piloto ng eroplano. Ang mga trabahong nabanggit ay nangangailangan ng kaalamang teknikal na kadalasang itinuturo lamang sa lalaki. Bukod pa sa mga naibigay na trabahong pangkalalakihan, ang piling mga Pilipina ay nagawang pasukin ang ibang trabahong nangangailangan ng lakas ng katawang karaniwang taglay lamang ng mga kalalakihan. Sa pananaliksik na ito’y palalawakin pa ang kaalaman ukol sa trabahong pangkalalakihang tinatahak ng piling mga Pilipina. Tatalakayin ng husto ang isa sa mga yugtong kalakip ng modernisadong pamumuhay“Ang Pinay Sa Trabahong Pangkalalakihan”. II. Layunin Sa pananalisik na ito’y hinahangad namin ang mga sumusunod: 1. Maibigay ang mga salik sa pagpasok ng Pilipina sa trabahong pangkalalakihan. 2. Isa-isahin ang mga adbentahe o kalakasan ng kababaihan sa mga hindi tradisyunal na trabaho. 3. Mailantad ang mga balakid ng mga kababaihan tungo sa pagkamit ng isang trabahong panlalaki ang lamang. 4. Mabigyan ng karagdagang tugon ang mga nasabing balakid. III. Mga Kaugnay na Babasahin o Literatura A. Ang Kababaihan at Kasaysayan Sa sulatin ni Fr. Anton CT Pascual na Laborem Exercens (2008), bago pa man dumating ang mga mananakop sa Pilipinas umaani na ng mataas na respeto ang mga kababaihan. Sila noo’y may mga mataas na katungkulan bilang Babaylan1 na siyang namumuno sa mga ritwal halimbawa na ang para sa may sakit. Tinatayang sila ay edukada at kung may pagkakataon ay kinukunsulta ng mga kalalakihan ukol sa mga desisyong makakabuti sa ginagalawan nilang lipunan. Ngunit sa pagdating ng mga mananakop sa bansa naging tunay na larawan ng isang Maria Clara ang mga kababaihan. Sila ay naging mahinhin, kimi at mangmang ngunit marangal (Valdez et al., 2006). B. Mga Tradisyunal at Hindi Tradisyunal na Trabaho ng mga Kababaihan 1

Ang babaylan ay isang salitang katawagan para sa mga katutubong Pilipinang manggagamot (karamihan ay mga kababaihan) at pinuno ng pamayanan

Sa pagdaan ng panahon, unti-unting nabago ang mga kilos ng mga kababaihan at natutunan nila ang mga gawaing panlalaki. Ang pagbabagong ito ang naging daan sa pag-unlad ng kanilang sarili at maging ng bayan. Sa kasalukuyan, padami na nang padami ang mga kababaihang nagtatrabaho sa labas ng bansa. Ang mga pinakasikat nilang gawain doon ay ang pagiging caregiver, domestic helpers at nars. Sa ating bansa, kilala ang mga kababaihan sa pagsasaka at pangingisda (Rodriquez, 2001). Nagtitinda sila ng mga lokal na produkto at nagmamay-ari ng mga sari-sari store. Pinapamahalaan nila ito at ginagamit ang pera para sa pamilya. Pinakakilala sila bilang mga housewives. Karamihan sa kanila ay mga community volunteers at developmental workers sa kanilang bayan. (http://www.ecop.org.ph/news.php?1d=40) Mula rito ay umusbong ang hindi tradisyunal na trabaho ng kababaihan o mas kilala sa tawag na “trabahong pangkalalakihan”. Ito ay mga trabahong madalas pinapasok ng mga kalalakihan at bihira lamang para sa mga kababaihan. Ayon sa Women in Non-Traditional Jobs ni Robert Rector, sa isang trabaho hindi dapat tataas sa dalawampu’t limang porsyento ng kabuuang bilang ng mga nagtatrabahong babae upang matawag itong trabahong pangkalalakihan. Kadalasang nangangailangan ng pisikal na kalakasan rito. Halimbawa na ang pagiging piloto, inhinyero, bumbero, barbero, traysikel drayber, jeepney drayber, atbp. (Singson, 2008) C. Mga Dahilan o Adbentahe ng Pagtahak ng mga Kababaihan sa Isang Hindi Tradisyunal na Trabaho 1. Nagkakaroon ng mas malakas na pangangatawan buhat sa mga mabibigat na trabaho. 2. Ang kailan mang pagpapaliban sa trabaho kung kinakailangan, dulot ng hindi inaasahang pagkakasakit o kaya nama’y pagbubuntis. 3. Nakakapagbigay ng pagkakuntento sapagkat nagbubukas ito ng mga panibagong alternatibo. 4. Mula sa kinagawiang trabaho ay maaaring lumipat ang isang babae sa isang trabahong mas pasok at husto sa kanyang interes at kakayahan. Dito ay maaari siyang magtagumpay. Halimbawa na lang ay nabibigyan ng pagkakataon ang mga kababaihang mag-ayos at gumamit ng mga makina. (Lato, 2008) 5. ‘Di hamak na mas malaki ang kinikita ng isang babaeng nasa panlalaking trabaho kaysa sa isang babaeng may pangkaraniwang trabaho lamang. Kadalasa’y 20 hanggang 30 porsyento ang itinataas ng kanilang kita. (Wider Opportunities for Women, 2005) D. Mga Disadbentahe sa Pagpasok ng Kababaihan sa Isang Hindi Tradisyunal na Trabaho Bagamat maraming adbentahe ang pagpasok ng isang babae sa pangkalalakihang trabaho, lantad pa rin ang mga balakid sa kanila na maaaring harapin. Una, maraming suliraning kaugnay ng kanilang pamumuhay sosyal ang naaapektuhan gaya na ng hindi pagtanggap ng kanilang mga kapamilya sa uri ng trabaho. Ayon pa kay Robert Rector, ipinahayag niya sa kanyang sulating Women in non-Traditional Jobs na may posibilidad ding kaharapin ng mga kababaihan ang stereotyping sa trabaho. Ito ay isang konsepto ng isang grupo, partikular na ng mga kalalakihan na maaaring mag-isip ng negatibo tungkol sa katrabahong babae. Ito’y nagiging dahilan ng kawalan nila ng tiwala sa kanilang sariling kakayahan. Pangalawa, limitado ang edukasyon para sa kababaihang hangad na tahakin ang pangkalalakihang trabaho. Hindi sapat ang kaalamang ibinibigay sa mga kababaihan tungkol sa hindi tradisyunal na trabahong maaari nilang kunin bilang propesyon. Kadalasan ay iminumulat sila sa konseptong ang mga tradisyunal na trabaho ang maaari lamang nilang pasukin. May pagkakataon pa na sa “On-the-job training” ay hindi kaagad nabibigyang kahalagahan o suporta sa babae. Kadalasan ay sila ang hinuhuli. Karagdagan pa rito ay hindi pabor ang ibang propesor o instruktor sa mga babae na kumukuha ng pangkalalakihang kurso kaya maari itong magdulot ng hindi maayos na daloy ng klase o kaya’y ipagkait sa estudyanteng babae ang karapatan sa edukasyon. Pangatlo, isang malaking salik sa trabaho ang kasarian mula sa pananaw ng ibang employer. Iniisip nila na

malaking salik ang pisikal na abilidad lalo na sa mga pangkalalakihang trabaho. Kung kaya’t ito ay maaring magbunga ng diskriminasyon sa pagitan ng babae at lalaking nagtatrabaho. E. Mga Paraan Upang Malutas ang mga Balakid sa Pagtahak ng mga Kababaihan sa mga Hindi Tradisyunal na Trabaho Ipinahayag ng WOW (Wider Opportunities for Women) Organization, taong 2005 sa Estados Unidos na nararapat bigyang pagpapahalaga ang dalawang bagay, ang pagbabagong institusyon at suportang indibidwal upang malampasan ang mga balakid sa pagtahak ng mga kababaihan sa trabahong pangkalalakihan. Ang pagbabagong institusyon ay maaaring ilapat sa pamamagitan ng paghihikayat ng mga guro, propesor at instruktor na suportahan ang kababaihan sa pagkuha ng hindi tradisyunal na trabaho. Maipapakita ito sa pamamagitan ng pagbuo ng mga programang maghihikayat sa mga kababaihang pasukin ang trabahong ito. Sa mga programang ito ay mabibigyan din ng “training” at mga insentibo ang kababaihan. Nararapat ring ayusin ang kolaborasyon ng mga iba’t ibang organisasyon, kasapi, employer at ang iba pang bumubuo sa programang ipapatupad upang mabantayan ang lokal na pamamalakad at mga estadong pamamahala nito. Huli, magsimula ng panibago at alagaan ang lumang mga lehislasyon na magpapataas ng partisipasyon ng kababaihan sa mga trabahong matataas ang pangangailangan ng empleyado. Partikular na rito ang mga hindi tradisyunal na trabaho. Ilan sa mga paraan upang mapalawak ang indibidwal na suporta sa mga kababaihang ito ay sa pamamagitan ng mga “career counseling” na makakatulong nang husto sa pagpili nila ng kukuning trabaho. Dito ay mabibigyan sila ng karampatang impormasyon ukol sa trabahong pangkalalakihang maaari nilang pasukan. Ang pagtuturo rin ng “survival skills” para sa makatagal ang babae sa nasabing trabaho lalo na sa pagkontra ng pangliligalig sekswal (sexual harassment) at ang pagbuo ng mga grupong tutugon sa kanilang pangangailangan ay mabibisang paraan. Kaugnay rin dito ay ang pagbibigay ng prevocational training tungo sa pisikal na paghahanda ng mga kababaihan at ang pagkilala nila sa mga kagamitang dapat nilang alamin. (Coleman, 1994) IV. Paglalahad ng Sariling Pag-aaral A. Metodolohiya Sa pag-aaral na ito nag-interbyu ang mga miyembro ng apat na babaeng respondante. Sila ay mga sumusunod: Gng. Cynthia Salas (42, Bus Driver), Gng. Anale G. Cagalitan (38, Inflatable Liferaft Technician), Bb.Cristina V. Lanes (21, Jet Fighter Pilot) at si Engr. Carmela Gacita (49, Geodetic Engineer). Lahat sila, maliban na lang kay Gng. Cynthia Salas na kinapanayam ng personal ay nakapanayam sa tulong ng e-mail. Dahil sa nasa malalayong lugar at gipit na iskedyul, sila ay pinasagot na lang ang questionnaire sa kanila sa pamamagitan ng palitan ng e-mail sa tulong ng internet. Ang mga instrumentong ginamit ng grupo upang maitala ang mga datos ay papel, bolpen, computer at 19 na mga gabay na tanong sa questionnaire. Ang unang limang tanong ay binigyang pansin ang pangalan, edad, trabaho, civil status at katagalan sa trabaho. Sumunod ang mga katanungang naglalayong malaman ang mga adbentahe, disadbentahe, dahilan ng pagtahak, kinikita, mga balakid at mga solusyon sa nasabing balakid. Dinokumento rin ang aktwal na interbyu sa tulong ng camera.

ay mataas na ang pangangailangan ng malakas na pangangatawan o ang tinatawag nilang “physically fit” dahil kadalasan ay sunud-sunod ang mabibigat na trabahong kailangan nilang tapusin B. Presentasyon, Interpretasyon at Pagsusuri ng Datos

Mga Adbentahe 1. Nagkakaroon ng mas malakas na pangangatawan buhat sa mga mabibigat na trabaho. 2. Ang kailan mang pagpapaliban sa trabaho kung kinakailangan, dulot ng hindi inaasahang pagkakasakit o kaya nama’y pagbubuntis. 3. Nakakapagbigay ng pagkakuntento sapagkat nagbubukas ito ng mga panibagong alternatibo. Halimbawa na lang ay nabibigyan ng pagkakataon ang mga kababaihang mag-ayos at gumamit ng mga makina. (Lato, 2008) “Untiang naging physically fit ako… ‘di ko na kailangan pang pumunta ng gym para magwork-out” - Anale G. Cagalitan (Inflatable Liferaft Technician) “Hindi (magpapalit ng trabaho kung mabibigyan ng pagkakataon), kasi interesado ako sa trabaho ko. Ito ang pinagkakakitaan ko. Dahil dito, madami akong natutulungan” “Dahil sa ito ang tinapos kong kurso, mas madami akong natutulungan na mga tao. Marami din akong nalaman sa pagsusukat ng lupa. Lahat ng problema sa lupa ay nalaman ko.” – Engr. Carmela Gacita (Geodetic Engineer) “Hindi na (magpapalit ng trabaho kung maabibigyan ng pagkakataon), dahil dito na ako nakaipon at naparami na rin naming an gaming mga sasakyan. Kung mamarapatin at hindi ko na kaya, kukuha na lang ako ng drayber.” “Natuto akong dumiskarte sa pagmamaneho, natutong mag-ipon, at nalaman ko ang iba’t ibang mga daan.” - Cynthia Salas (School Bus Driver) “Natutunan ko dito na may mga bagay na gawaing panlalaki na kaya rin gawin ng babae, at mga bagay na hindi kayang gawin ng lalaki, ngunit kaya ng mga babae. Halimbawa na ang pagdadala bata sa sinapupunan ng babae sa loob ng siyam na buwan.” – Cristina V. Lanes (Jet Fighter Trainee Pilot)

Mga Dahilan ng Pagtahak 1. Dahil sa ang kababaihan ay pumasok sa isang trabahong husto sa kanyang interes at kakayahan, maaari siyang magtagumpay. “Kinuha ko ang kursong ito dahil may nagpayo sa akin na kunin ko ang kursong ito dahil matatas naman ang grade ko sa Math. Bukod pa dun, gusto ko din naman talaga maging isang inhinyero dahil interesado ako sa kursong iyon.” “Interesado ako sa trabahong ito at ito ang bumubuhay sa aking pamilya.” – Engr. Carmela Gacita (Geodetic Engineer) “Gusto ko talaga ang aking gawain sa kasalukuyan” “Curiosidad, patrionismo at hilig sa paglipad” “Sa aking palagay ay may bukod tanging gawain ang mga babaeng piloto sa ganitong klaseng trabaho sapagkat mas sensitibo sila kung ikukumpara sa mga lalaking piloto. Ang ibig kong sabihin ay ang mga babae ay maaaring mas mabuting ilagay sa search and rescue kaysa sa pag-atake ng kalaban.” Mensahe sa mga kababaihan: “Huwag kayong pumili ng trabaho para may patunayan ngunit pumili ng trabaho dahil gusto niyo ang gawaing ito. Hindi lang ito makapagbibigay ng mabuting halimbawa sa ibang kababaihan, ngunit mas magiging madali ang pamumuhay at mas magbibigay ng kaligayahan at gantimpala ito sa inyo.” – Cristina V. Lanes (Jet Fighter Trainee Pilot)

2. ‘Di hamak na mas malaki ang kinikita ng isang babaeng nasa panlalaking trabaho kaysa sa isang babaeng may pangkaraniwang trabaho lamang. Kadalasa’y 20 hanggang 30 porsyento ang itinataas ng kanilang kita. (Wider Opportunities for Women, 2005). “Ang kinikita rin naman sa pagiging inflatable liferaft technician ay mas malaki kung ikukumpara sa dati kong trabaho (sekretarya ng Manila International Aero-Marine Safety System, kung saan siya nagtatrabaho sa kasalukuyan). Bukod pa rito ay may dagdag pa per unit sa liferaft na natapos ayusin o serbisyuhan.” - Anale G. Cagalitan (Inflatable Liferaft Technician) “Tatlumpung libong piso kada buwan (kinikita).” - Cynthia Salas (School Bus Driver) “Hindi pare-pareho. Minsan Php50,000 kada buwan o kung sinuswerte mas mataas pa. pero depende rin ang kinikita ko sammga pumapasok sa kontrata.” - Engr. Carmela Gacita (Geodetic Engineer)

Mga Disadbentahe 1. Hindi sapat ang kaalamang ibinibigay sa mga kababaihan tungkol sa hindi tradisyunal na trabahong maaari nilang kunin bilang propesyon. “Sa umpisa oo (naging hadlang ang pagiging babae sa trabaho). noong minsan, nasiraan ang dala naming sasakyan. Hindi ako nakakaintindi sa sira ng sasakyan. Kailangan kong matutunan ang mga minor na sira ng isang sasakyan. Ito ay aking pinag-aralan.” - Cynthia Salas (School Bus Driver)

Mga Salik na Nag-udyok sa mga Pilipinang Pumasok sa Hindi Tradisyunal na Trabaho 1. Impluwensya ng asawa. “Ang asawa kong marino ay ang nagpasok sa akin sa kumpanyang Manila International Aero-Marine Safety System bilang secretary. Na-curious sa ginagawa ng iba kong mga kasamang lalaki kaya naman sinubukan ko. Noong ako’y natuto na, ipinasya ko na iyon na lamang ang gawing trabaho at pumayag naman ang kumpanya." - Anale G. Cagalitan (Inflatable Liferaft Technician) “Sa aking maybahay (nagkaroon ng ideya sa trabahong ito). Siya ang unang naghanapbuhay sa ganitong trabaho. siya ay aking tinulungan lamang hanggang ako ay nagengganyo sa income nito. Nagsimula ang asawa ko sa trabahong ito. Nakabili kami ng isa pang sasakyan. Nakita kong kaya ko ito at ito ay isang magandang hanapbuhay kaya ninais kong ako na lang ang humawak sa isa naming sasakyan.” - Cynthia Salas (School Bus Driver)

2.

Ang nais na matulad ang idolo, kamag-anak, maimpluwensyang tao. Nang tanungin si Cristina V. Lanes, isang Fighter Pilot Trainee kung saan siya nagkaroon ng ideya sa trabaho, ito ang sinagot niya: “Noong nakita ko yung mga babaeng pilotong pangmilitar sa Norwegian Air Force ay nagkoroon ako ng ideya sa ganitong klaseng trabaho.”

Mga Nahinuhang Adbentahe 1. Nagkakaron ang kababaihan ng sariling kontrol sa napiling trabaho. “…at least, ito ay marangal at kapuri-puri.” - Anale G. Cagalitan (Inflatable Liferaft Technician) “Ito ay marangal na trabaho, may magandang income, walang amo, sarili ang nagpapatakbo at sarili rin ang kita.” - Cynthia Salas (School Bus Driver)

“Ang Norway ay kadalasang liberal sa karaniwang mga trabaho at dahil dito ay nakasalalay na sa mga Filipina ang pagtuloy sa kanilang pangarap, maging sa mga trabahong kadalasang panlalaki. Nasa isang Filipina ang desisyon.” – Cristina V. Lanes (Jet Fighter Trainee Pilot)

2. Mas nagiging kilala at rinerespeto ang mga kababaihan. “Mas marami ang tumitingala sa akin dahil babae ako na nasa panlalaking trabaho.” - Eng. Carmela Gacita (Geodetic Engineer)

3. Nakakatanggap ng ibayong mga benepisyo habang nagtatrabaho. “Ang mga adbentahe ay ang mataas na antas ng social welfare at seguridad, libreng edukasyon sa proseso ng pag-aaral (training), at libreng pagpapalipad sa mga destinasyong hindi palaging meron sa isang pangopisinang trabaho.” – Cristina V. Lanes (Jet Fighter Pilot Trainee)

Mga Nahinuhang Balakid 1. Nangangailangan ng malakas na pangangatawan ang mga trabahong dominante ng kalalakihan. “Mataas ang pangangailangan ng malakas na pangangatawan sa trabaho ka dahi na rin sa madalas ay sunudsunod ang mabibigat na trabahong kailangan nilang tapusin.” - Anale G. Cagalitan (Inflatable Liferaft Technician) “Nasasabak talaga ako sa init ng araw. Masyado din matrabaho kapag nasa labas ako at nagsusukat ng lupa.” – Eng. Carmela Gacita (Geodetic Engineer)

2. Tulad ng lahat ng mga trabaho, nakakapagdulot rin ito ng stress. “May stress rin sa trabahong ito. Naghahabol ng oras lalo na kapag nasiraan ang dala naming sasakyan.” Cynthia Salas (School Bus Driver) “Wala naman masyado kundi ang mga piling buwan kung kailan hindi kami pinapayagang magpalipad. Kung sa lalaki naman ay kahirapan sa paghahanap ng makakasama, ngunit sa akin naman ay hindi ito ganoon kahirap.” – Cristina V. Lanes (Jet Fighter Pilot Trainee)

Mga Nahinuhang Tugon sa mga balakid 1. Maging matiyaga sa pagtratrabaho at patuloy na pagkatuto. Ipagmalaki rin ito. “Pag-igihan nila (kababaihan sa pangkalalakihan trabaho) ang trabaho at huwag tumigil mag-aral para umunlad ang kanilang kaalaman sa tinapos na kurso. Sana dumami pa ang mga kumuha sa kursong panlalaki dahil hindi dapat gawing balakid ang pagigigng babae sa pagkamit ng tagumpay.” “Oo siyempre (palawakin pa ang bilang ng mga kababaihan sa pagiging isang geodetic engineer) dahil mas maayos ang babae. Mas matiyaga ang mga babae sa paglalakad ng mga papel ng lupa.” -Eng. Carmela Gacita (Geodetic Engineer) “Oo (lalawak pa ang trabahong panlalaking tanggap at ginagawa ng mga babae), basta ito ay hindi mo ikahiya at pagsisiskapan din. Maging masipag. Huwag ikahiya ang isang marangal na trabaho. hindi ka magugutom kung ikaw ay masipag at marunong maghanapbuhay.” - Cynthia Salas (School Bus Driver)

2. Upang mabura ang pag-aalangan sa desisyong magtrabaho sa isang pangkalalakihang trabaho, dapat huwag gawing batayan ang dominanteng kasarian sa nasabing trabaho. “Hindi naman ako (nag-alangan) kasi nasanay na ako na palaging mas madami ang kalalakihan sa kursong ito.” - Eng. Carmela Gacita (Geodetic Engineer)

3. Sa mausad at modernisadong panahon natin ngayon, mas tanggap na ang mga kababaihan sa mga trabahong pangkalalakihan. “Oo, ang pagtanggap ay bunga ng modernisasyon. Patunay na rito ang pagkakaroon ng babaeng pangulo”. - Anale G. Cagalitan (Inflatable Liferaft “..ang kakayahan ng babae at lalake ay pareho lang. lalo na sa panahong ito, mas madami na ang tumatanggap sa mga kababaihan sa mga kursong panlalaki.” “..kasi ang mga babae naman worthy magtrabaho ng mga kursong panlalaki.” “Hindi (naging hadlang ang pagiging babae) dahil trabaho lang naman ito.” -Eng. Carmela Gacita (Geodetic Engineer)

4. Isipin natin na ang ating kakayahan, kapag ating pinaunlad, magdudulot sa atin at sa ating pamilya ng kaunlaran. “Dapat nating tulungan ang mga katuwang natin sa buhay upang madaling umunlad. Pagtulungan ang hanapbuhay ninyo bilang mag-awasa at madali ninyong makakamit ang inyong mga hangarin.” (mensahe) Cynthia Salas (School Bus Driver)

Nang tanungin ang mga kababaihang ito kung nakaranas sila ng pag-aalangan sa trabaho sa pagiging dominante ng kalalakihan sa nasabing trabaho, ito ang kanilang mga naisagot: “Hindi. Sa trabaho naming ay tulong-tulong ang grupo kaya naman. Kahit ako lang ang babae ay wala namang diskriminasyon.” - Anale G. Cagalitan (Inflatable Liferaft “Kailanman ay hindi ako nakaranas ng pagkailang sapagkat karaniwan ay pantay naman ang tingin ng isa’t isa sa Norway.” – Cristina V. Lanes (Jet Fighter Trainee Pilot) “Hindi dahil nakita ko na kaya ko ang uri ng trabahong ito.” - Cynthia Salas (School Bus Driver) “Hindi naman ako (nag-alangan) kasi nasanay na ako na palaging mas madami ang kalalakihan sa kursong ito.” - Eng. Carmela Gacita (Geodetic Engineer)

V. Konklusyon Sa kasalukuyan, mapapansing bibihira na ang diskriminasyon ugat sa kasarian. Dahil sa unti-unting pagtanggap ng mamamayan sa mga Pilipinang nasa trabahong pangkalalakihan, wala na ring mga negatibong sikolihikal at sosyal na pagbabago ang nararanasan ng kababaihan. Hindi maglalaon ay lalawak pa ang saklaw ng kakayahang pangkababaihan. Bukod pa rito, magiging mas matiwasay ang pag-usad ng bansa tungo sa modernisadong pagbabago. Uulitin muli na maaaring hindi lahat ay sang-ayon dito ngunit ang pagbabagong ito ay hudyat ng pagtutulungan ng bawat Pilipino upang makaraos sa kahirapan at umunlad pa ang bansa. Si Eba ay karamay ni Adan at hindi sunud-sunuran lamang. VI. Rekomendasyon Bilang tugon sa mga balakid ng pagtratrabaho ng mga kababaihan sa mga non-traditional jobs, bukod pa sa mga nahinuhang tugon, inirirekumenda rin ng grupo na magkaroon ng mga job training at career counseling ang mga kababaihang ito upang maihanda sila kung anumang mga problemang maari nilang harapin sa pagtatrabaho.

Iminumungkahi ng pangkat ang pamanahong papel sa mga susunod pang mga pananaliksik upang makatulong sa mga pag-aaral nauukol sa paksa. Para sa susunod pang mga pag-aaral, iminumungkahi ng grupo na magkaroon din ng bahagyang panayam sa mga kapamilya at malalapit na tao sa susunod pang kakapanayamin upang magbigay ng kakaibang lalim at laman ang kanilang pag-aaral.Iminumungkahi ng pangkat ang pamanahong papel sa mga babaeng nasa "non-traditional jobs" upang maging kanilang gabay at inspirasyon na ipagpatuloy ang kanilang nasimulan, at higit sa lahat upang kanilang ipagmalaki ang pagiging matapang at matatag ng isang babae.

Bibliyograpiya AFSCME Education & Leadership Training Department. (2008). Women in nontraditional jobs. Nakuha noong Enero 1, 2009 sa http://www.afscmc.org/issues/1751.cfm Coleman, E. (1994). Breaking out of the pink-collar ghetto: Nontraditional jobs for women. Nakuha noong Enero 1, 2009 sa http://findarticles.com/p/articles/mi_m1272/is_n2588_v122/ai_15282539/pg_3?tag=artBody:coll Halloran, R. (2008). Women moving into non-traditional jobs. Nakuha noong Enero 1, 2009 sa http://lmi.ides.state.il.us/lmr/women.htm Lato, C.E. (2008). CEO gives women, men equal chances at work. Nakuha noong Enero 2, 2009 sa http://globalnation.inquirer.net/cebudailynews/enterprise/view/20080211-118144/CEO-giveswomen-men-equal-chances-at-work

McEwan, M. (2006). Manly Mcmoustache clears up the myth of unequal pay. Nakuha noong Enero 1, 2009 sa http://shakespearessister.blogspot.com/2006/05/manly-mcmoustache-clears-up-mythof.html Pascual, Fr.A. (2008). Laborem exercens. Nakuha noong Enero 2, 2009 sa http://www.filamnation.com/topicdetail.php?uniqueid=1793 Rector, R. (1988). The pseudo-science of comparable worth: Phrenology for modern times. Nakuha noong Enero 1, 2009 sa http://www.heritage.org/Research/Labor/bg635.cfm Rodriguez, L. L. (2001). The fishers of Talangban: Women’s roles and gender issues in communitybased coastal resources management. Nakuha noong Enero 2, 2009 sa http://www.cbcrmrcfreeservers.com/CaseStudies/rodriguez.html Singson, R. B. (2008). Sex Education starts at home. Nakuha noong Enero 2, 2009 sa http://66.218.69.11/search/cache?ei=UTF8&p=gender+role&rd=adv&meta=fl%3D0%26vc%3Dph&xa=TTplPBZYZHYUBlukCmOf2Q-%2C1230958637&fr=yfp-t104fp_ip=PH&u=www.malaya.com.ph/aug30/livi2.htm&w=gender+role+roles&d=LpSgFkfiSB q9&icp=1&.intl=us Sobritchea, C.I. (2004). Gender assessment of usaid/Philippines strategy for 2005-2009. Nakuha noong Enero 2, 2009. Valdez, J., Arcega, A., Yonzon, R., Guimba, N.G. (2006). Api nga ba si eba? Nakuha noong Enero 2, 2009 sa http://www.xanga.com/annej18/461244088/item.html Wider Opportunities for Women. (2005). Women and nontraditional work. Nakuha noong Enero 1, 2009 sa www.wowonline.org/pdf/womennontradsheet2005.pdf Wikipilipinas.org. (2008). National commission on the role of filipino women. Nakuha noong Enero 2, 2009 sa http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=National_Commission_on_the_Role_of_Filipino_Wo men Ano ang teoryang feminismo? Nakuha noong Enero 2, 2009 sa http://wiki.answers.com/Q/Ano_ang_teoryang_feminismo Babae. Nakuha noong Enero 2, 2009 sa http://tl.wikipedia.org/wiki/babae Gender 101. Nakuha noong Enero 2, 2009 sa http://www.ncrfw.gov.ph/inside_pages/gender_mainstreaming/gender_101.html Manggugupit. Nakuha noong Enero 2, 2009 sa http://tl.wikipedia.org/wiki/Manggugupit Myths and realities about women in nontraditional jobs. Nakuha noong Enero 1, 2009 sa http://phase.arizona.edu/NONTRAD/NT101/NewLook/doc/myths.rtf

Appendix A 1. Ano po ang inyong buong pangalan? 2. Ano po ang inyong edad? 3. Ilang taon na po kayo sa trabaho ninyo? 4. Ano po ang inyong Civil Status? a. Single – ilan po kayo sa pamilya? b. Married – ilan po ang inyong anak? 2. Ano po ang inyong trabaho? 3. Saan o paano po kayo nagkaroon ng ideya sa trabaho ninyo sa kasalukuyan? 4. Dominante po ang mga kalalakihan sa trabahong iyan, hindi po ba kayo nagalangan? 5. Anu-ano po ang mga salik na nagtulak sa inyo na pasukin ang kasalukuyang trabaho? 6. Ano po ang inyong kinikita buwanan? 7. Sa pagiging _____________, anu-ano po ang mga advantages na inyong naranasan sa pagtratrabaho gayong panlalaki ang inyong trabaho? 8. Anu-ano naman po ang mga disadvantages? 9. Sa umpisa, ang pagiging babae po ba ay medyo naging hadlang sa inyong trabaho? a. Kung Oo, ano po ang inyong mga naranasan na makapagpapatunay nito? b. Paano po ninyo ito nalampasan? 10. Kung mapagbibigyan kayo, mag-papalit po ba kayo ng trabaho? Kung Oo, ano po ang ipapalit ninyo? 11. Tanggap na ba sa Pilipinas ang ______________? 12. Twenty First Century na, sa tingin ninyo, ang pagusad at pagiging modernisado ng mga Pilipino ay naka-apekto ba sa pagtanggap ng mga babaeng nagtatrabaho sa _________? Paano? 13. Sa inyong palagay, mabuti po bang palawakin ang mga babaeng nagtatrabaho sa pagiging ___________? Bakit? 14. Sampung taon mula ngayon, sa tingin ninyo po ba ay lalawak ang trabahong panlalaking tanggap at ginagawa ng mga babae?

Appendix B Mga larawang nagpapatunay sa identity ng mga kinapanayam. Bb.Cristina V. Lanes (21, Jet Fighter Pilot) contact numberGng. Cynthia Salas (42,Bus Driver)

Gng. Anale G. Cagalitan (38, Inflatable Liferaft Technician)

Engr. Carmela Gacita (49, Geodetic Engineer)

Related Documents

Woman
April 2020 29
Woman
May 2020 28
Woman
May 2020 20
Woman
October 2019 41
Woman
June 2020 13
Woman
November 2019 24