Wikang Filipino, Wika Ng Saliksik Bigsaywit 2018.docx

  • Uploaded by: Lorna Escala
  • 0
  • 0
  • December 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Wikang Filipino, Wika Ng Saliksik Bigsaywit 2018.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 189
  • Pages: 1
WIKANG FILIPINO, WIKA NG SALIKSIK mula sa diwang payak ni Enrico Memije Habijan

Halikayo kabataang kabahagi ng milenyal Sumali’t makisalo sa salik na pedestal Pagkaliksi ay gibuhun at sa dasal ay iusal Pag-asa ay di opinyon pagkat datos sadyang banal

Kaalaman, karunungan hukayin na at bungkalin Pakinggan itong tinig sa ilang na mag pagtingin mga tanong na misteryo madadangog na masinsin wiwikain ang pasulat sa mundo ng paninimdim.

Lapastanga’t manlilinlang, mga henyong nagsasaba Mga papel ay mahusay kung sa ingles naipinta Kahihiyan at basura saliksik na pinuntirya Kung sa wikang Filipino inilimbag iginiya

Panahon na para itong rebolusyo’y paigtingin Sa pagsulat ng saliksik Filipino ay gamitin inteektwal at talino isulat na’t araruhin purong Pinoy na babasa balintuna’y sisipain

sa siyensiya’t mga bilang, pati batas na aralin kahangalan kung sabihin sa banyagang nakabitin talino ay malilinang kapag puso’y kukurutin sususlating impormasyon wikang local palalimin

Galugarin itong mundo pagkatuto’y aasenso Lumbay nati’y kakalasin, ingingiti sa palasyo panloloko’y matitigil nitong mga pustorero Saliksik ang kapartido mawawala panloloko

Simula’t huwag huminto, pagkat tanaw-tanaw kona Liksi’t bilis nitong titik, pagkatanga ay gadan na Ilathala itong pael, Filipino taya’t tasa Babasahing intelektwal banyaga ay matatanga.

Related Documents


More Documents from "arwin"