Wala ka ‘don (lyrics by lore Reyes/Music by Vincent de Jesus)
Hinanap kita sa dating tagpuan Ang pangalan mo-ginoogle ko Wala ka ‘don Wala ka ‘don Ang buong mundo hinalughog ko Ginalugad- naghanap ako (medyo fast) Sa timog at kanluran at hilaga (medyo fast) Wala ka ‘don Wala ka ‘don Isanlibong oras Nawalan na ng pag-asa Buong buhay ko ginugol ko kakahanap sa ‘yo Wala ka ‘don Wala ka ‘don Hmmmm….. Wala ka ‘don Doo rooo room Doo rooo room Akala ko nawala ka na Pero laking gulat ko Biglang nahanap kita Wala ka pala ‘don Nandito ka Wala ka ‘don Wala ka ‘don Nandito ka lang pala Doo rooo room
OPENING SPIEL (After ng music na “What a wonderful world) Thomas:
Masaya ka ba?
All:
(simultaneous) Ako Masaya! Ako Masaya! Ako masaya!....... (Patungan ito at palakasan, sa pagsasabi kailangang walang emosyon ang Ang bawat isa)
Bata1:
(Sisisgaw ng malakas at hihinto ang lahat) Ako masaya!
Katahimikan. (pause) All:
Ang Dulang inyong matutunghayan ay karaniwan na.
Bata 2:
Mga kwentong nasa TV.
Bata 3:
sa Radyo.
Bata 4:
Sa diyaryo.
Bata 5:
sa mga chismisan.
Bata 6:
sa mga telenovela!
All:
At nasa piratang DVD na binebenta sa quiapo! In short, Palasak! Ngunit bakit kailangang balikan? Bakit kailangang sariwain pang muli? Baka sa mga kwentong ito... Makikita natin ang salitang “Kaligayahan” Ikaw… Masaya ka ba?