Ang Sining Biswal sa Pilipinas
Visual Arts in the Philippines
Reporters Perante, Ana Marie Quiniquini, Kristina
Bago dumating ang mga Kastila…
10/15/08
2
Ang sining biswal ay may katangiang kolektibo. Ang sining noon ay may mahigpit na ugnayan sa buhay at lipunan. Karamihan sa mga likhang sining ay tumutugon sa praktikal na gamit. Halimbawa: palayok, sisidlan ng kawayan, alahas, tela na gawa sa mga materyal mula sa kapaligiran.
10/15/08
3
10/15/08
4
Ang sining noon ay nagsilbi rin sa relihiyon ng ating mga ninuno. Ito ay makikita sa mga estatuwa ng mga anito sa mga altar.
Maitum Jar
Bulol at Bihang
Manunggul Jar 10/15/08
5
Panahon ng mga Kastila… Ang sining ay nagsilbi sa bagong relihiyon: Kristiyanismo
10/15/08
6
Unang dantaon ng pananakop ng mga Kastila.. Ginamit ang sining bilang mahalagang katulong sa pagpapalaganap ng sistemang kolonyal na kaayusan. Nagbigay kulay at anyo sa propagandang panrelihiyon ang sining biswal. Nagdala ang mga Kastila ng sining biswal na naglalarawan o nagsasalaysay. Ang mga uri ng sining ay pawang mga kopya ng mga pintura na naglalarawan ng mga santo at tagpo sa buhay ni Kristo. 10/15/08
7
Lumaganap din ang mga guhit o estampang panrelihiyon na madalas ay bahagi ng nobena o aklat-dasalan. Doctrina Christiana ay nagtataglay ng estampang naglalarawan kay Santo Domingo de Guzman.
10/15/08
8
Gitna ng dantaon 19 Sa panahong ito binuksan ang bansa sa pandaigdigang pangangalakal. Nabuksan ang Suez Canal na rutang naglapit sa Pilipinas at Espanya. Ang mga likhang-sining ay nagsilbing palamuti’t muwebles sa tahanan ng mga ilustrado. Ang pintura ay lumago bilang pagtugon sa pangangailangan ng uring ilustrado.
10/15/08
9
1815
10/15/08
Itinatag ang unang Akademiya ng Dibuho at Pintura sa Maynila sa pamumuno ni Damian Domingo at sa tulong ng Kapisanang Ekonomiko ng mga Kaibigan ng Bayan.
Dumating sa bansa ang maraming kopya ng mga kuwadro sa Europa.
10
Nauso rin ang paggawa ng maliliit na retratong pang-kuwintas. Dito nakilala sina Justiniano Asuncion, Antonio Malantik at Simeon Flores.
10/15/08
11
Ang pintura ay naging biswal na dokumento ng isang ilustrado upang sumagisag sa kanyang mataas na katungkulan sa lipunan.
10/15/08
12
Sa Akademiya unang nag-aral si Juan Luna. Nanalo ng medalyang ginto sa isang eksposisyon ng pintura sa Madrid si Luna sa kanyang obrang Spolarium.
10/15/08
Ang Spolarium ay isang malaking kuwadro sa estilong klasiko-romantiko. 13
Ang Pacto de Sangre ni Luna ay isa ring kuwadro na naglalarawan ng kasunduan nina Legazpi at Sikatuna. Nagbigay-diin ang pintor sa kapangyarihan ng mga Kastila. Si Legazpi ay nakaharap, nagtataas ng kopang tanda ng pagkakasundo at napapaligiran ng mga kawal at prayleng Kastila. Si Sikatuna ay nakatalikod at nag-iisang walang suporta. Walang pantay na basehan ang larawan ng kasunduan, nagpapahiwatig lamang ito ng mala-kolonyal na hilig ng pintor.
10/15/08
14
Espanya y Filipinas ni Juan Luna Ang Espanyang matangkad na babaeng Kastilang nakasuot pula ay pinapakitang gumagabay sa Pilipinas, babaeng higit na pino ang katawan na wari’y may kahinaan.
Nakaturo si Espanya sa araw na sumisikat sa silangan habang sila ay umaakyat ng hagdanang batong pinalamutian ng mga rosas.
10/15/08
15
Huling Dekada ng 18th Century Nawamalan na ng lakas ang akademya ng sining sa Europa sa pag-aklas ng mga makabagong pintor. Ang ilang maliliit na kuwadro ni Juan Luna ay nagpapakita ng impresyonismo. Lumikha si Felix Resurreccion Hidalgo ng isang kuwadrong pinamagatang La Iglesia Contra El Estado.
10/15/08
16
Panahon ng mga Amerikano
Hinanap nila sa sining ang “eksotismo”, mga bukid, bahay kubo’t kalabaw kasama ang makukulay na magsasaka na bagay sa mga panturistang postkard. Si Fernando Amorsolo ay naging tanyag noong panahon ng Komonwelt.
Self-portrait of Amorsolo, 10/15/08
1942
Planting Rice, 1952 17
Village Landscape
Plain Air Landscape 10/15/08
Sunday Morning Going to Town, 1961
Nipa Huts, Evening, 1951 18
Tinikling
10/15/08
19
Unti-unting dumating sa Europa at Estados Unidos ang pahiwatig ng makabagong sining: modernismo. Mga pintor na nagtaguyod ng modernismong sining: Victor Edades, Galo Ocampo, Carlos Francisco, Diosdado Lorenzo, H.R. Ocampo, Vicente Manansala, Cesar Legaspi at Anita Magsaysay-Ho.
10/15/08
20
Pagkatapos ng Digmaan Itinatag ang Art Association of the Philippines. May ilang paksang lumalabas sa sining tulad ng paksang sosyal bunga ng paghihirap sa lungsod na likha ng digmaan at problema sa nasyonalismo.
Manggagawa Ni Cesar Legaspi Madonna of the Slums ni Vicente Manansala 10/15/08
21
Patuloy pa rin ang paghahanap ng tunay na anyo ng nasyonalismo sa sining biswal. Ang ilan ay pumipili ng mga paksang Pilipino tulad nina Angelito Antonio, Antonio Austria o Manuel Baldemor.
Three Vendors Vendors
Ni Angelito Antonio
Ni Angelito Antonio 10/15/08
22
Mga likhang sining ni Antonio Austria
Combo Jeepney
Dimsum at Iba pa 10/15/08
23
Mga likhang sining ni Manuel Baldemor
Spanish Window
The Old Chinatown 10/15/08
River town
View from the Old South Boat Quay 24
Ang ilan naman tulad ni Benedicto Cabrera ay lumilingon sa nakaraan upang masapol ang kasalukuyan.
Mga Likha ni Ben Cabrera
Benguet Morning Drift
Urban Drift
The Huntress Imaginary Patriot 10/15/08
25
End of Report