Balbin, Ma. Margarette P. BSA 1- 03 "Committed"
Bago dumating ang pangalawang semestre, nagkaroon ng usap-usapin na madami ang lilipat ng kurso dahil sa pababang grado at mahihirap na asignatura. Nagkaroon ng pagkakataon na kahit ako ay nagdadalawang isip kung tama ba ang tinahak kong landas hanggang sa nagkakaroon ako ng depresyon dahil baka madismaya ko ang aking nga magulang. Dumating din sa punto na iniisip ko nang magbenta ng mga kwek-kwek o kakanin dahil ayokong maging pabigat sa aking magulang. Ngunit inalala ko ang aking pangarap na gusto ko maging CPA, magiging CPA ako dahil gusto ko magkapera upang makatulong sa maraming tao. Sa pagkakataon na iyon inisip ko na ang pangarap ko ay hindi lang para sakin kundi para sa madami. Simula noon, kahit gaano pa ka hirap at ka imposible ang pangarap kong grumaduate bilang isang CPA, lagi ko parin iniisip na kaya ko ito. Masasabi kong isa parte ito ng pagiging committed ng isang Titan, dahil ang isang Titan ay hindi basta basta sumusuko at may paninindigan sa pamamagitan ng gawa at pagdadasal.